THE REAL HEIRESS #Wattys2015

By Whroxie

14.9M 326K 20.3K

More

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
Dear Readers
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
Final Chapter- 04-02-15
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Author's note
Special Chapter 2
Honeymoon

CHAPTER 2

263K 5.1K 190
By Whroxie

"Ang sama talaga ng ugali ng lalaking yun! gwapo sana kaso saksakan ng arogante, akala niya kailangan ko ang pera niya, simpleng SORRY LANG!!! hindi niya kayang ibigay." Nanggagaliiting sabi ni Kyrene habang nakasakay sa tricycle.

" Kyrene relax ka lang, kabata bata mo pa high blood kana agad." Sabi ng manong driver.

"Manong naman kasi! sino ba ang hindi mahi-high blood sa lalaking yun? ang sama ng ugali,  pag nakita ko uli 'yon.. NAKU!!!!" Nanggagaliiti pa rin ito at  naka-kuyom pa ang palad nito.

"Bakit ate? anong gagawin mo?" Tanong ng kapatid niya na katabi niya sa tricycle, nilingon niya ito.

"Tatadyakan ko siya, ipapalapa ko siya aso at ilulublob ko siya sa swimming pool."

"Wala naman tayong swimming pool eh."

"Sige sa ilog nalang."

" Pero Kyrene sabi mo gwapo?" Tanong ni manong sabay ngiti ng pilyong ngiti.

" Uhmm.. pwede na."

" Sa wakas may sinabihan ka ring gwapo. ahaha!!" Natatawang sabi nito dahil kilala rin nito si Kyrene na masyadong mailap sa lalaki, hindi naman talaga mailap, ayaw lang niyang nag-papaligaw dahil ina-anatay lang talaga niya ang lalaki sa panaginip niya.

" Manong talaga oh."Narating nila ang hacienda.

"Ikaw pala Kyrene." Sabi ng security guard at binuksan ang gate.

"Magandang tanghali manong, gma'gwapo ka ah." Pangbobola ni Kyrene sa security guard.

"Ikaw talaga Kyrene ang lakas mong mangbola ah." Tuluyan ng pumasok ang tricycle sa loob ng hacienda at huminto sa malaking mansyon.

"Manong, patulong naman po akong ipasok sa loob itong mga pinamili ko." Pakiusap ni Kyrene.

" Sige Kyrene walang problema." Sagot  ng manong driver.

Agad na pumasok si Kyrene sa mansyon na dala ang ibang pinamili niya, dumiretso siya sa kusina.

"Oh Kyrene anak, nandiyan kana pala. Sandali, anong problema? bakit hindi maipinta ang mukha mo?" Tanong nanay niya.

" Hay naku nay! may sira ulong barubal mag maneho, muntik na kaming masagasaan, nabasag tuloy yung mga itlog. "

"Buti hindi kayo nasaktan." Alalang sabi ng nanay niya.

"Kuya Ben, baka po pwede uli kayong  bumili ng itlog." Sabi ni Kyrene sa isang boy sa mansyon, masasabi na rin itong katiwala dahil sa pinag-kakatiwalaan talaga ito ni Donya Clara dito.

"Oh sige Kyrene walang problema." Sabi ni Ben.

"Ito po yung pera, isang tray po ah." Inabot niya ang pera sa boy at agad naman itong umalis.

"Anong oras po ba ang dating ng apo ni Donya Clara? " Tanong niya sa nanay niya.

" Mamaya pang hapon." Sabi ng nanay niya.

" Alam niyo gwapo daw ang anak ni Sir Henry." Sabi ng isang katulong ng mansyon.

"Pero lagi daw napapasok sa gulo, kaya ipapadala dito sa probinsya." Patuloy nito.

" Aaah! masama ang ugali." Sabi ni Kyrene na tatango tango habang naka-patong ang dalawang kamay sa gilid ng lamesa.

"Hindi naman siguro, mabait naman ang mga magulang niya, pati si Donya Clara napakabait din." Sabi ng isang katulong.

"Minsan kahit mabait ang mga magulang, lumalabas na may sungay ang anak. Lalo na kung spoiled." Sabi ni Kyrene.

"Nandito na si senioritooo!!!!!" Sigaw ng isang katulong na agad pumasok sa kusina.

"Nandiyan na si seniorito, ang apo ni Donya Clara. " Excited na excited na sabi ng katulong.

"Akala ko ba mamaya pa ang dating niya?" Sabi ni aling Belen, ang nanay ni Kyrene.

"Tumawag ang security guard, papasok na daw dito, nasa loob na ng hacienda. Halika dali salubungin natin." Nagsitakbuhan ang lahat palabas at naiwan ang mag-ina.

Nasa harap ng mansyon ang lahat ng katulong at mga tauhan ng hacienda, hinihintay ang pag dating ng apo ni Donya Clara.

Maya-maya lang tanaw na nila ito, papalapit ang sasakyan sa mansyon.

Medyo na gulat ang mga ito sa na nakitang itsura ng sasakyan. Hanggang sa huminto ang sasakyan sa harap ng mansyon.

Si Kyrene naman nagtatatakbong palabas ng mansyon,  para tignan ang apo ni Donya Clara.

Pero bigla siyang napahinto sa may malaking pinto ng mansyon, nangmakita ang sasakyan at ang papalabas ang isang lalaki.

The man looks around and takes off his shades, nagbulungan ang mga tao.

"Seniorito maligayang pagdating po." Sabi ng lalaking isa sa mga katiwala ng mansiyon na mang Inggo ang pangalan, ngumiti naman ang apo ni Donya Clara.

But his face turn into a stone expression,  when suddenly caught his attention by someone, dumilim ang mukha nito at salubong ang thick brows nito.

Biglang tumalikod si Kyrene pagkakita sa lalaki, nakaka isang hakbang palang siya.

" Hey You!" The guy said in his low cold voice.

Kyrene stopped and slowly  inhale exhale to relax herself at muling humakbang.

"Hoy ikaw!!" Again the guy said at medyo lumakas na ang boses, nagtinginan naman ang lahat kay Kyrene na nakatalikod.

"Ako ba ang tinatawag? Baka hindi naman, namukhaan ba niya ako?" Kyrene's muttering at humakbang uli ng isa.

"Ikaw na nakapaldang mahaba." Sabi uli ng lalaki

"Hindi ako 'yon, hindi lang ako ang nakapaldang mahaba eh." She's muttering again.

"IKAW!! Ikaw na baduy ka." Sabi uli ng lalaki.

Baduy! Ako baduy?!

Patakbong lumapit sa kanya ang kapatid niya na galing sa loob ng mansyon.

"Ate si pogi, yung sinasabi mong pogi na masama ang ugali. Sabi mo ate ilulo--"Parang binuhusan ng malamig na tubig si Kyrene sa sinabi ng kapatid niya. Agad niyang tinakpan ang bibig nito dahil may sasabihin pa sana ito.

Lumapit ang lalaki sa kanya, nasa likod na niya ito.

"Humarap ka!" He commands,  dahan-dahan namang lumingon si Kyrene pero nanatiling nakayuko ito.

"Mansiyon ha!" The guy said and smirked.

"Just look at me." Hindi sumunod si Kyrene.

"Stupid! Hindi mo naintindihan? Tumingin ka sa 'kin." Sabi nito sa mahina pero matigas na boses. Tumingin naman si Kyrene dito at nagtama ang mata nila.

"Nakita mo ang itsura ng kotse ko diba? Pagbabayaran mo 'yon, ngayon palang umpisahan  mo na, wash my car, yung wala akong makikita kahit na isang dumi. Kahit alikabok."

Ang yabang talaga, antipatiko.. sa isip niya habang nakatitig siya dito ng masama.

"Kyrene!! Kyrene!! Ito na yung itlog na pinabili mo." Patakbong lumapit si Ben, ang inutusan niyang bumili ng itlog. Napatigil ito ng makita ang lalaki.

"Ikaw po ba ang apo ni Donya Clara?" Tanong ni Ben.

Pero hindi ito sumagot sa halip, tumingin ito sa itlog na dala nito.

Kumuha ito ng isa at initsa sa ere ng mga tatlong beses. Sabay basag sa noo ni Kyrene.

"Oohhhhh!" Mahinang ungol ng mga tao sa paligid nila.

Napapikit na lang si Kyrene sa ginawa nito. Lumapit ang mukha ng lalaki sa tenga ni Kyrene.

"You'll pay for what you've done." Bulong nito at lumayo.

"Nice mansion anyway." He said sarcastically and smirked.

"Khielve!! Apo ko!!" Magiliw na tawag ng lola niya.

"Lola!" Agad na sinalubong ni Khielve ang lola niya na pababa ng hagdan.

Nagyakap ang maglola.

"Grabe miss na miss kita, ang gwapo gwapo mo talaga apo." Masayang masaya na sabi ng matanda.

Gwapo! Masama ugali! Buwesit! - Sa isip ni Kyrene  habang pinupunas ang itlog sa noo niya na tumulo sa mukha niya.

"Syempre lola, maganda po kayo kaya syempre, gwapo din ang apo niyo."

Sana lang pati ugali ng lola mo nakuha mo. - Masama ang tingin niya kay Khielve.

"Ahaha! Tama ka diyan. Siya nga pala, halika at ipapakilala kita sa mga tao natin sa hacienda." Humarap ang maglola sa mga tao.

"Ito nga pala ang pinakamamahal kong apo, si Khielve John. Sana mahalin niyo din ang apo ko katulad ng pagmamahal niyo sa akin." Masayang sabi ng donya.

"Opo Donya Clara." Sabay sabay ng lahat. Ngiting-ngiti ang Donya at biglang nawala ang ngiti nito ng mapagawi ang tingin kay Kyrene.

"Kyrene hija, Anong nangyari sayo?" Takang tanong ng Donya.

"Ahahaha! Nadapa po siya lola kakamadali kanina para makita ako, ayon nadapa sa itlog. Ahaha!" Sabi ni Khielve na tumawa pa ng malakas.

Buwesit ka!!! - she gritted her teeth sa sobrang inis dito.

"Kyrene,  mag-ingat ka naman, buti hindi ka nasaktan. Nga pala, ito ang apo ko hija, Ang gwapo niya diba?"

"Masama po ugali" She mumbled

"Ano yun hija?" Tanong ng donya.

"Ehe! Opo gwapo." Sabi ni Kyrene na ngumisi-ngisi, pero sinamaan ng tingin si Khielve.

"You know what Khielve, you will enjoy staying here."

"Bakit lola? mayroon po bang disco bar dito?"

"Hay, wala pero maraming magagandang pwedeng puntahan dito, diba hilig mo ang photography?  Maraming magandang view dito na pwede mong maging subject." Sabi ng lola niya habang naglalakad sila papuntang salas.

"Well, let see." He said.

Pumunta naman si Kyrene sa kusina.

"Oh, anak. Anyari sa 'yo?" Tanong ng nanay niya dahil sa itsura nito.

"Pinukpok siya ng itlog nung pogi." Sabi ng kapatid niya.

"Sinong pogi?"

"Yung an-- hmm-"

"Wala po 'yon nay, naglalaro ako ng itlog nabasag." Tinakpan niya ang bibig ng kapatid niya.

"Ano nakita mo na ang apo ni Donya Clara? kumusta naman?" Tanong ng nanay niya.

"Hoy, Kyrene anong nangyari bakit ka ni sen--"

"Ate Martha, pasensiya na po kasi malapit na ang santacruzan diba? Kaya nag practice lang ako ng pag balanse ng itlog sa noo." Putol niya sa sasabihin nito para hindi na malaman ng nanay niya.

"Bilisan niyo na, maghain na kayo. Para makakain na ang mag-lola." Aling Belen said, the mother of Kyrene. Sumunod naman ang mga katulong at tumulong na rin si Kyrene.

*****

Kumakain ng tanghalian ang maglola.

"Ano hijo masarap ba?"

"Masarap lola, the best. May professional chef po kayo?" He asked while munching the food.

"Wala, she's not professional chef, pero daig pa niya ang mga chef sa galing niya sa pagluluto."

"Martha pakitawag naman si Belen.... and Kyrene also." Utos nito sa donya.

"Opo donya Clara." Tumalima ang katulong at bumalik naman agad kasama ang mag-ina.

"Apo ito si Belen, siya ang nagluto niyan." Pakilala ng donya.

"Magandang tanghali sa iyo seniorito. " Bati ni aling Belen.

"Magandang tanghali po, ang sarap po ng luto niyo." Puri nito kay alin Belen.

"Salamat po."

"Kyrene hija, halika sumabay ka sa amin." Aya ng donya kay Kyrene.

"Naku! Wag na po Donya Clara, okay lang po ma-"

"Kyrene tatangihan mo ba ako?" Putol ng Donya kay Kyrene.

"Kasi po-"

"Sige na upo na, Belen sumabay ka na rin."

"Wag na po Donya Clara si Kyrene na lang po, maya-maya na po ako." Tanggi ng nanay ni Kyrene.

"Martha, can you get a plate for Kyrene? Please!"

"Opo" tumalima uli ito.

Umupo na lang si Kyrene. Tinignan lang siya ni Khielve hindi na nagtaka na pinasabay si Kyrene dahil mabait naman talaga ang lola niya sa mga katulong.

Umalis na ang nanay ni Kyrene at bumalik sa kusina, lumabas naman agad si Martha na may dalang plato at nilagay sa harap ni Kyrene.

"Siya nga pala hijo, bakit napaaga ang uwi mo dito? Akala ko mamaya ka pa?"

"Excited akong makita ka lola." Naka-ngiting sagot nito.

"Hmm.. ikaw talaga."

"Seniorito,  siya nga po pala, bakit po gan'on ang itsura ng kotse mo?" Tanong ni Martha.

Ugali nila makipagkwentuhan sa donya pag nasa hapag kainan. Yon din kasi ang gusto ng donya dahil mag isa lang ito, mabuti ito sa lahat, hindi matapobre.

"Bakit anong nangyari sa kotse mo?" Tanong ng donya, tumingin si Khielve kay Kyrene.

"Kanina po may sira ulong basta basta na lang tumatawid without looking around, at siya pa ang nagalit sa 'kin, binato ng itlog at kamatis ang car na bigay mo lola, at pinagsisipa. Tsk. Ang MAHAL! pa naman ng kotse na 'yon, pag may gasgas 'yon tsk tsk tsk."Sabi ni khielve at pinagdiin ang salitang mahal.

"Ow, really!  Namukhaan mo ba? pwede natin i-report 'yon." Biglang nasamid  si Kyrene sa sinabi ng donya.

"Kyrene, are you okay?" Tanong ng donya.

"O-opo, okay lang po ako." Mautal-utal na sabi ni Kyrene.

"Wag kang mag alala lola, pag nakita ko 'yon mamumukhaan ko 'yon. Pag may gasgas ang kotse ko pagbabayarin ko siya. Magkano nga ang bili mo n'on lola?" Sabay tingin uli kay Kyrene.

"Uhmm... 845, 000." Sagot ng donya.

"Dollar lola right?"

"Uhu... uhu...." lalong naubo si Kyrene sa narinig sabay inom ng tubig.

"Kyrene,  okay ka lang ba talaga?" Tanong uli ng donya. Tumango-tango si Kyrene habang umiinom ng tubig.

"Ako na lang po sir mag-lilinis mamaya ng sasakyan mo." Sabi ni Martha.

"Naku! Ako na ate Martha bahala doon." Agap ni Kyrene.

"Mamamaya magasgas mo pa yun, ako pa mapagbintangan." She muttered.

"Ano 'yon Kyrene? " tanong ni ate Martha.

"Wala po, ako na bahala, wala naman akong gagawin eh."

"Kyrene,  wag na hindi mo trabaho 'yon. Bakit mo gagawin 'yon?" Sabi ng donya.

"Wala pong problema Donya Clara, wala naman po akong gagawin, para malibang ba." Sabi niya at pilit ngumiti. Tumingin siya kay Khielve nakatingin naman ito sakanya at nakangisi.

"Gan'on po ba talaga kamahal yung sasakyan na 'yon?" Tanong ni Kyrene.

"Yeah, actually sa states ko pa 'yon binili. Wala pa kasi dito sa Pilipinas 'yong gan'ong model, gan'on ko kamahal ang apo ko, I'll give everything he wants."  porches 918 spyder sports car ang model ng kotse nito.

Grabe naman!! Sasakyan lang ganun ka mahal, ang liit-liit na sasakyan pero ang laki-laki ng presyo. Nakakalula!! HAru dios ko! sana walang gasgas kung hindi patay ako nito, nakakahiya kay Donya Clara.

Continue Reading

You'll Also Like

14.1K 608 17
Highest Rank 1: Mystery-Thriller 'Kung ako'y iyong laruin, ang anim na pu't anim ay subukan mong abutin bago ako'y tuluyang magising.' Iyan ang mga...
11.1M 160K 41
Tigers #3 Adrian Buenavista
468K 14K 42
I am a knight with no shining armour. A knight with vow to protect the royal family with my own life. But when a princess came, my purpose has gone...
My Boss By CreammeOh

General Fiction

1M 30.8K 58
Isang bading na nagpanggap bilang straight na lalaki para magtrabaho bilang secretary sa isang kompanya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang bo...