Phoenix Series #5: My Fight F...

By RosasVhiie

2.9M 80.9K 10.6K

MATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#5: Jastin Rivera "I beg you. Don't give up on me. Please." - Jastin Rive... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38- The Final Chapter
Epilogue

Chapter 32

66.6K 1.8K 474
By RosasVhiie

CHAPTER 32

"HOY, BABAE? Nasaan ka?!" Inilayo ko ang tenga mula sa cellphone ko.

Bakit kailangan nitong sumigaw?

"Sharm, nasa sementeryo lang ako." Tugon ko.

"What? Sementeryo? Sinong namatay?" Tanong nito.

Napangiwi ako.

"Mamamatay pa lang. Advance lang akong dumadalaw." Sumilay ang ngiti sa mga labi ko at napatingin sa babae na nakaupo sa gilid.

Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Hindi ito makasigaw dahil sa duct tape na nakatakip sa bibig nito.

"Krystal, gabi na. Anong ginagawa mo diyan sa sementeryo? Umuwi ka na at baka mahamugan ka pa. Alalahanin mong buntis ka, iniwan ka ng ama niyan at nandoon sa Tagaytay ang loko para magmukmok." Gigil na usal nito.

Napailing na lang ako at pinatay ang tawag. Alam kong nasa Tagaytay si Jastin. Sumama ito kay grandma. Magtutuos kami ni Jastin sa tamang panahon. Kailangan nitong malaman na buntis ako. Pero sa ngayon, kailangan ko munang bigyan ng leksyon ang babaeng nasa harapan ko.

"Nice to see you again, Minerva." Matamis ko itong nginitian.

Mas lalo lang sumama ang tingin nito sa akin. Tinanggal ko ang duct tape sa bibig nito.

"Hayop ka! Kaya pala nagtataka ako na pinalabas ako sa kulungan. Kagagawan mo palang demonyo ka. Anong binabalak mo?" Ngumiti lang ako sa tanong nito.

Binuksan ko ang pinto ng kotse ko at kapagkuwan ay kinuha ko doon ang mainit na kape na nasa paper cup.

Walang sabi-sabing binuhos ko iyon sa mismong mukha ni Minerva. Napasigaw ito at napadaing dahil sa init ng kape na tumama sa mukha nito.

"Opps, sorry. Nadulas sa kamay ko." Sambit ko at nilapitan ito. "Ang hapdi niyan." Usal ko at napangiwi.

"You bitch!" Sigaw nito.

"Are you calling yourself?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Pakawalan mo ako dito!" Mariing utos nito.

Dumapo ang palad ko sa kanang pisngi nito na ikinanlaki ng mga mata nito.

"You-"

Hindi nito natapos ang sasabihin nang muling dumapo ang palad ko sa kanang pisngi nito.

"Para 'yan sa pagsampal mo sa akin noon. Mas malakas nga lang ngayon. Masakit, hindi ba?" Matamis ko itong nginitian.

Pilit itong nagpupumiglas mula sa pagkakatali ng mga kamay at paa nito.

Tinanggal ko ang lubid sa mga paa nito at marahas kong hinila ang buhok nito para makatayo.

"P-Pakawalan mo ako dito." Napangiti ako nang mahimigan ang takot sa boses nito.

"Okay. Papakawalan kita." Usal ko at inilapit ang bibig sa tenga nito. "Kapag sinabi kong takbo, takbo ka kaagad. Maliwanag ba?" Napalunok ito at tumango.

"At the count of three, you'll run. One, two..." Naglakad ako patungo sa kotse ko. "Three!" Kumaripas ito ng takbo kahit nakatali ang mga kamay nito.

Nakangising sumakay ako ng kotse ko at pinaharurot iyon. Mabilis ang pagtakbo ni Minerva at ako naman ay sinundan ito.

"This is fun." Nakangiting usal ko at diretsong binangga ang babae.

Napahandusay ito sa semento. Lumabas ako mula sa kotse at tinulungan itong makatayo. Dumadaing ito sa sakit.

"Nawalan ako ng preno. Sorry." Usal ko at mahinang tumawa.

"W-Why are you doing this?" Tumaas ang kilay ko sa tanong nito.

"When you slap and hit me by your car before, when you tried to kill me and Jastin, did I ask you, Minerva? Tinanong ba kita kung bakit ginagawa mo iyon sa akin? Tinanong ba kita kung bakit..." Mariin akong pumikit at nang magmulat ako ng mga mata ay matalim ko itong tinignan.

"Tinanong ba kita kung bakit pinatay mo ang anak ko?" Mariing tanong ko.

Gumuhit ang matinding takot sa mga mata nito.

Sinabunutan ko ito sa buhok.

"Lahat ng ginawa mo sa akin, parang binaon mo ako sa hukay. At ngayon..." Hinila ko ito pabalik sa sementeryo. "Ako mismo ang magbabaon sa'yo sa hukay."

Nanlaki ang mga mata nito at takot na takot itong tumingin sa akin nang makita ang malalim na hukay  na naroroon sa mismong loob ng sementeryo.

"Naka-ready na rin ang lapida mo." Usal ko at pinakita ang lapida nito na malapit sa hukay. Nakaukit ang pangalan nito doon.

Mahigpit ko itong hinawakan sa buhok.

"Are you ready to die?" Mariing tanong ko.

"P-Please. D-Don't do this t-to me. P-Pinagsisisihan ko lahat ng g-ginawa ko sa-"

"Enough with that, Minerva. Now, listen to me. Gusto kong tumalon ka sa hukay na 'yan, maliwanag ba?" Takot na takot itong umiling.

"P-Please, give me another chance. Plea-"

"Jump!" Sigaw ko.

Mabilis itong tumingin sa malalim na hukay. Nanginginig ito. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok nito.

"Tatalon ka sa hukay na 'yan o itutulak kita? Just choose, Minerva." May babala sa boses ko.

"A-Ayoko pang mamatay!" Sigaw nito.

Nginitian ko ito.

"Inisip mo sana 'yan pagkatapos ng mga ginawa mo." Mariing sambit ko at buong lakas na tinulak ko ito.

Malakas itong napasigaw nang nasa ilalim na ito ng hukay.

Tinignan ko ito at ngumiti.

"Serves you right." I said and smirked.

Patuloy itong sumisigaw. Nagmamakaawa at nanghihingi ng tulong.

Tinignan ko ang tatlong lalaking papalapit sa akin.

"Tabunan niyo na 'yan." Mariing utos ko.

Kaagad nilang sinunod ang utos ko at isa-isang humawak ng pala.

Pinapanood ko ang mga ito habang tinatakpan ng lupa si Minerva. Paunti-unti ay nawawala sa pandinig ko ang mga sigaw nito. Nangangahuluhan na tuluyan na itong natatabunan ng lupa.

"Krystal!" Napalingon ako sa malakas na pagtawag na iyon sa pangalan ko.

Nang lumingon ako ay nakita ko ang humahangos na si Sharmaine papalapit sa akin.

Mabilis itong tumingin sa hukay at gulat na gulat akong tinignan.

"What did you do?" Nanlalaki ang mga matang tanong nito.

"Binaon ko siya sa hukay." Nagkibit-balikat ako.

Napaawang ang mga labi nito.

"Si Amber sa kabaong lang tapos ikaw sa hukay? What's wrong with you, people?! Nababaliw na kayo sa pag-ibig!" Histerikal at naiiling na sambit nito.

Tinaasan ko ito ng kilay.

"Pag-ibig agad, Sharm? Eh ikaw? Hindi ka ba nababaliw sa kapatid mo?" Nakangising tanong ko.

Pinanlakihan ako nito ng mga mata.

"Rein is not my brother!" Mariin at pasigaw na wika nito.

"Sinabi ko bang si Rein ang tinutukoy ko?"

"Eh siya lang naman ang alam mong kapatid ko!" Tugon nito.

Natawa ako.

"Akala ko ba hindi mo siya kapatid?" Natatawang tanong ko.

Napasabunot ito sa buhok.

"Stepbrother ko lang siya, Krys. Hindi ko siya kadugo!" Naiiritang sambit nito.

"All right, all right. High blood ka naman agad." Napapailing na sambit ko.

Rein and Sharmaine's story, it was so complicated. Rein is Sharmaine's ex-boyfriend and now they became siblings.

"Umalis na tayo dito. Krystal, makakasuhan ka sa ginagawa mong 'to." Anito at napabuntong-hininga. "But on the other hand..." Tinignan ako nito at malapad na ngumiti. "Napakagaling ng ginawa mo." Anito at kumindat.

Napailing ako. I know that Sharmaine is always there for us. She's always our back-up. Ito ang tagalinis namin kapag may nagagawang illegal ang isa sa amin. She's using her position as a police officer. Pero ang pagsuporta nito sa amin ay depende sa dahilan namin.

Mabilis ako nitong inalis sa lugar na iyon.

"Mahirap talagang galitin ang mga buntis." Napapailing na sambit nito habang nasa biyahe kami.

She didn't allow me to drive. Kaya heto't nakasakay ako sa kotse nito.

"Anong balak mo niyan?" Tanong nito.

"Pupunta ako sa Tagaytay." Tipid na sagot ko.

Tama na ang ilang araw na hinayaan ko si Jastin na iwasan ako o kaming lahat. Panahon na para harapin naming pareho ang lahat. Panahon na para damayan ko ito sa lahat, lalo na sa mga pinagdaanan nito.

"I miss him." I murmured.

Sobrang miss na miss ko na ito. At magtutuos kaming dalawa, sa ayaw at sa gusto nito.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

902K 21K 12
BOOK 2 What if dumating iyung araw na akala mo ikaw parin pero iyun pala, may iba na. May kahati ka na Pero ang masmasakit, mas okay na iyung may k...
6.9M 139K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
3.3M 106K 42
MATURED CONTENT (R-18) Phoenix Series#10: Ethan Davidson "Hindi nababase ang pagmamahal sa mukha. Everyone deserves to be loved, beautiful or ugly. K...
678K 35.8K 28
Aius The angel who's still in rebellion This story is the last installment of Chess Pieces and Chess Pieces Aftermath series