Phoenix Series #5: My Fight F...

Por RosasVhiie

2.8M 80.7K 10.6K

MATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#5: Jastin Rivera "I beg you. Don't give up on me. Please." - Jastin Rive... Mais

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38- The Final Chapter
Epilogue

Chapter 21

64.3K 1.8K 413
Por RosasVhiie

CHAPTER 21

I WOKE UP in the morning when I feel like I'm going to throw up.

Nasapo ko ang bibig ko at dali-daling bumangon. Tumakbo ako patungong banyo at nagsuka ako ng nagsuka sa sink.

Hawak-hawak ko ang sariling tiyan habang nagsusuka at halos maluha-luha na ako dahil sa sama ng pakiramdam ko.

Napatingin ako sa sarili kong repleksyon sa harap ng salamin ng banyo. I look pale. Pinagpapawisan na din ako.

Kahit mabigat na mabigat ang pakiramdam ko ay pinilit ko ang sariling makaligo. Nang makapagbihis ako ay nakaramdam ako ng kapresukuhan pero hindi pa rin sapat para mawala ang bigat ng pakiramdam ko.

Tinungo ko ang kusina. Namimiss ko na si Jastin. Hindi ito natulog dito kagabi dahil may importante itong inasikaso. Hindi ko na tinanong pa kung ano ang inasikaso nito.

Nagtimpla ako ng sarili kong kape pero hindi ko nagustuhan ang amoy niyon kaya tinapon ko iyon sa sink ng kusina. Instead of coffee, gatas na lang ang ininom ko.

Dinampot ko ang cellphone ko nang tumunog iyon. Napangiti ako nang makita kung sino ang tumatawag.

"Allexa." Bungad ko sa kaibigan.

"How are you, Tal? Buhay ka pa ba? Ilang buwan ka ng hindi nagpaparamdam. Anong balita sa'yo?" Napailing ako sa sinabi nito.

"Naging busy lang po." Palusot ko.

I heard her sigh.

"Can I visit you there? I miss you." Ilang buwan pa itong mananatili sa Pilipinas bago ulit lumipad ang mga ito pabalik ng ibang bansa para sa kasal nila ng fiancee nito.

"Free naman ako today kaya sige. Hihintayin kita dito." Usal ko.

"Yehey! Thank you. Anong gusto mong pasalubong?" Masayang tanong nito.

Napaisip ako. I'm really craving for something sour these past few days.

"Puwede mo ba akong bilhan ng mangga? I'm really craving for it. Thank you, best! Love you!" Napakunot ang noo ko nang hindi na ito tumugon pa. "Hey, still there?" Nagtatakang tanong ko.

"Krystal. Kailan ka huling dinatnan?" Natigilan ako sa tanong nito at sandaling napaisip.

Almost two months. Ngayon ko lang din napag isip-isip na halos magdadalawang buwan na akong hindi dinadatnan.

"Sabihin mo nga sa'kin, Krystal. Are you pregnant?" Naikagat ko ang ibabang labi sa tanong nito.

"I'll go to the hospital now. Magpapa-check up ako." Mabilis na sabi ko at pinatayan ito ng tawag.

Wala sa sariling naglakad ako patungong kuwarto at napatingin sa hawak kong cellphone. Should I call Jastin? Should I tell him?

Napailing ako. I have to make sure first. Baka delay lang ako. Tama, baka delay lang ako. Pero pupunta pa rin ako ng ospital para makasigurado.

Nagbihis ako at lumabas ng condo ko. Tinext ko na lang si Jastin na may pupuntahan ako. Baka kasi bigla na lang itong umuwi at hindi ako maabutan sa condo.

Akmang papasok na ako sa kotse ko nang may bumusina mula sa likod.

Nang lumingon ako ay nakita ko si Adrian na pababa na mula sa kotse nito.

"Hey." Bati nito at lumapit sa akin.

"Ikaw pala. Bakit ka nandito? May kakilala ka ba dito?" Tanong ko.

Ngumiti ito at umiling.

"Bumili akong condo dito. Kakalipat ko lang kahapon, actually." Tugon nito.

"Oh. That's nice. Nasa iisang building na lang pala tayo." Natatawang sambit ko.

He chuckle.

"Well, may lakad ka?" Tanong nito.

Tumango ako.

"Magpapacheck-up lang." Nakangiting tugon ko.

Kumunot naman ang noo nito.

"Are you sick?" May pag-aalala sa boses nito.

Umiling ako.

"I'm just a little bit dizzy but I'm okay."

"You look not okay. You're pale, Krystal. Come on, sasamahan na kita. Free naman ako today and I'm willing to be your driver. Meryenda lang bilang kabayaran sapat na." Anito at pilyong kumindat.

Natatawang napailing ako sa huling sinabi nito.

"Sige na nga." Pagpayag ko. Parang hindi ko kayang mag drive dahil nahihilo ako kaya pumayag na ako.

Pinagbuksan ako nito ng pinto ng kotse nito at kaagad naman akong pumasok.

"Where to?" Tanong nito nang nasa biyahe na kami.

"J'Smiths na lang." Tukoy ko sa ospital na pagmamay-ari ni James.

Tumango ito at nang makarating kami sa ospital ay kaagad itong lumabas at inalalayan ako pababa ng kotse nito.

"Salamat." Nakangiting usal ko.

Hihintayin daw ako nito sa kotse nito kaya hinayaan ko na lang. Dumiretso ako sa doctor. I sent an appointment earlier kaya inaasahan na nito ang pagdating ko.

Kaagad ako nitong inasikaso at ilang sandali lang ay humarap ito sa akin ng nakangiti.

"Congratulations. You're 8weeks pregnant, Misis." Magiliw na wika nito.

Napakurap-kurap ako at wala sa sariling napahawak ako sa tiyan.

"B-Buntis po ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes, hija. And for someone whose pregnant for 8weeks, nakaka-amazed na hindi pa maumbok ang tiyan mo. Sexy pa ring tignan." Hindi ko na pinansin ang sinabi nito.

Hinaplos ko ang aking tiyan. Ang sarap sa pakiramdam na may nabubuhay sa loob ng sinapupunan ko.

"Hi, baby." Masayang usal ko at halos maluha-luha pa ako. Excited na akong sabihin ito kay Jastin.

Tinignan ko si doktora at buong pusong nagpasalamat. Bago ako umalis ay hinabilin nito ang mga vitamins na dapat kong inumin at regular din dapat akong magpacheck-up at alagaan ko ng mabuti ang sarili ko.

"Kumusta ang check-up?" Kaagad na tanong ni Adrian nang makalabas ako.

"Okay naman. Wala namang problema." Sagot ko.

Malapad akong ngumiti. Kung meron mang dapat na unang makakaalam na buntis ako ay si Jastin iyon. Excited akong umuwi para sabihin ang magandang balita sa binata.

Si Adrian ay pinagmaneho ako ulit patungong condominium building namin. Gusto ko sanang dumaan kami ng restaurant para sana ilibre ito pero tumanggi ito. Next time na lang daw at gusto nitong magpahinga na lang ako.

"Salamat, Adrian." Nakangiting usal ko.

Tumango ito.

"Sige na. You have to rest. Namumutla ka pa rin." Pagtataboy nito sa akin.

Tumango ako at muling nagpasalamat dito bago ako sumakay ng elevator patungong floor ko. Nang makarating sa loob ng condo ko ay kaagad kong tinawagan si Jastin pero hindi ko ito makontak. Wala din itong reply sa text ko kanina.

I decided to wait for him to come home. Masyado lang siguro itong naging busy.

Pero sumapit ang gabi ay wala pa rin si Jastin. Napatingin ako sa relo na nakasabit sa kuwarto ko at nakitang alas onse na ng gabi. Nag-uumpisa na akong mag-alala para sa binata.

Kaagad akong lumabas ng kuwarto ko nang marinig ang pagbukas ng pinto.

"Jastin." Nabigla ako nang makita pasuray-suray itong naglakad.

Kaagad ko itong nilapitan.

"You're drunk." Sambit ko nang maamoy ko ang alak nang makalapit ako dito.

Sinapo nito ang mukha ko.

"My Krystal. Hey, baby. I miss you." Usal nito.

"Bakit nagpakalasing ka? Nag drive ka bang nakainom? What if something bad happen to you?" Nag-aalalang sambit ko.

Mahina lang itong tumawa at dinampian ako ng halik sa mga labi.

"Namiss kita." Malambing ako nitong niyakap.

"I miss you din. Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko?"

"I'm sorry. May inasikaso lang ako. And you know what?" Pinakatitigan ako nito. "Galing ako sa doktor ko. Remember Minerva? She's my doctor. Umaasa ako na sana magbago ang resulta pero hindi. Ganoon pa rin. And I think, I can't give you what a man can give to his woman. I am useless, right? Wala akong kuwentang lalaki. Wala akong kakayahang mabigyan ka ng-"

"Jas, ano bang mga pinagsasabi mo? You're just drunk. Halika na sa kuwarto para makapagpahinga ka na." Wika ko at kaagad ko itong hinila papasok ng kuwarto.

Kaagad kong hinubad ang sapatos at mga saplot nito at pinunasan ko ito ng basang bimpo. Kahit hirap na hirap dahil sa malaking tao ito ay nagawa ko pa rin itong bihisan.

Kaagad ako nitong kinabig pahiga sa tabi nito. At kahit lasing ito ay napangiti ako nang pinaunan ako nito sa bisig nito. His favorite position.

"I'm sorry, Krystal. I'm sorry." Ito ang mga huling katagang binitawan nito bago ito tuluyang makatulog.

Napailing ako. Lasing na lasing talaga ito. Kung anu-ano na ang mga pinagsasabi nito.

"Goodnight, mahal ko. May maganda akong balita para sa'yo bukas." Bulong ko at hinalikan ko ito sa labi bago pumikit para matulog.

Kinabukasan ay hindi ako makahanap ng tamang tiyempo para sabihin kay Jastin ang tungkol sa pinagbubuntis ko. Madalas ko itong nakikitang nakatulala na para bang napakalalim ng iniisip nito.

And I decided not to tell him yet. Baka may problema ito na hindi sinasabi sa akin lalo pa at madalas ang pag-alis nito at uuwi itong lasing. He's been like that for almost one week now. Wala namang nagbago sa trato nito sa akin pero madalas ko itong nakikita na parang wala sa sarili.

At mamayang gabi, kakausapin ko na ito kung anuman ang problema nito. Hindi puwedeng ganito lang ito palagi.

"Healthy naman si baby at alagaan pang mabuti, okay? Precious gift 'yan from God kaya pakaingatan." Bilin ni doktora sa akin nang bumalik ako dito para sa weekly check-up ko.

Nagpasalamat ako dito at bumalik sa kotse ko.

Hinaplos ko ang tiyan at ngumiti.

"Mas masaya sana kung kasama natin si Daddy sa check-up mo ano, baby? Kaso may problema pa si Daddy kaya next time na lang, ha?" Malambing na usal ko at mas malapad na ngumiti.

Ganito pala ang pakiramdam ng buntis. Masaya at napakasarap. Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ng batang nasa sinapupunan ko. Tila iisa ang pintig ng puso naming dalawa.

Dahan-dahan akong nagmaneho pabalik sa condominium building. Naglakad ako sa hallway ng building at muli ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Mas matindi iyon kaysa sa nakaraan.

Naghahanap ako ng makakapitan pero wala akong makapa. Ang akmang pagtumba ko ay natigil nang may humawak sa akin para alalayan ako.

"Are you okay?" It was Adrian.

Napayakap ako sa leeg nito bilang suporta.

"I-I'm okay. Thank you." Mahinang usal ko.

"Namumutla ka. Pasok ka muna sa condo ko para makainom ka ng tubig." Anito at masuyo akong hinila papasok sa condo nito.

Pinaupo ako nito sa sofa at dali-daling kumuha ng tubig. Pinainom ako nito.

"S-Salamat." Usal ko matapos inumin ang tubig.

"Mukhang madalas ang pagsama ng pakiramdam mo."

Nginitian ko ito.

"Okay lang naman ako." Sambit ko at tumayo. "Babalik na ako sa condo ko. Salamat ulit, Adrian."

Tumango lang ito at ngumiti.

"Ingatan mo ang sarili mo." Bilin nito nang hinatid ako nito sa pinto.

Tumango ako.

"Opo." Sagot ko at nagpaalam na.

Napabuntong-hininga ako at parang pagod na napasandal sa sofa nang makapasok ako sa sarili kong unit.

"Pinapahirapan mo naman masyado si Mommy, baby." Mahinang usal ko at mariing napapikit.

Napamulat ako ng mga mata nang marinig ang pagtunog ng doorbell. Sa pag-aakalang si Jastin iyon ay kaagad akong kumilos para buksan ang pinto.

At isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin nang tuluyan kong mabuksan ang pinto. Napahawak ako sa nasaktang pisngi at napatingin kay Minerva.

Pasalampak nitong ibinigay sa akin ang isang brown envelope. Nagtataka may ay binuksan ko iyon at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga litrato ko kasama si Adrian.

Ang unang litratong nakita ko ay noong nasa parking lot kami. At noong pumasok ako sa loob ng kotse nito. Ang sunod ay noong inalalayan ako nito pababa sa kotse nito. At ang huli ay ang eksena kanina na nahilo ako at halos nakayakap na ako dito. Pati ang pagpasok ko sa condo nito ay naroroon din.

"Ang lakas ng loob mong lokohin si Jastin. You're cheating on him, you slut! At sisiguraduhin ko na makakarating 'to sa kanya."

Naikuyom ko ang mga kamao ko.

"Adrian is just my friend. These photos, I can explain it to him." Muling dumapo ang palad nito sa pisngi ko.

"And do you think Jastin will believe you?" Tumawa ito. "I've warned you to stay away from him pero para ka ring linta na dikit ng dikit sa kanya! You're a slut!" Sigaw nito at tinalikuran ako.

Naikuyom ko ang mga kamao. Hinding-hindi ako makakapayag na sirain ako nito kay Jastin.

Gabi na nang makarating si Jastin sa condo ko. And thankfully, hindi ito nakainom ngayon. Pero napakaseryoso ng mukha nito.

"Explain this to me, Krystal." Anito at pinakita ang brown envelope na hawak.

Tinignan ko lang iyon. Alam ko na ang mga laman niyon. Sinabi talaga ni Minerva sa binata.

"Kung anuman ang mga sinabi ng kaibigan mo sa'yo, it's not all true. Adrian is just my friend. Huwag mong sabihing naniniwala ka kay Minerva?" May hinanakit sa boses ko.

"That's why I'm asking you, Krystal. Alam ko. Alam na alam ko sa sarili ko na hinding-hindi mo ako kayang lokohin." Anito at napabuntong-hininga.

Lumapit ako dito.

"I'm not cheating on you, Jastin. Alam mo kung gaano kita kamahal." Sambit ko.

Tumango ito at niyakap ako.

"I know, Krystal. I know." Tinugon ko ang mahigpit na yakap nito.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap nito at matamis ko itong nginitian.

"May good news ako sa'yo." Excited na sabi ko.

Ngumiti ito.

"And what is it?"

"I'm pregnant, Jastin. Magkaka-baby na tayo." Masayang balita ko.

At paunti-unti ay nakita ko ang pagbago ng ekpresyon ni Jastin. Nawala ang ngiti sa mga labi nito at bigla itong namutla.

"W-Why? Aren't you happy?" Tanong ko, kinakabahan. "O-Okay. K-Kung ayaw mong panagutan ang bata, I understand. Ayos lang naman sa akin, Jastin. And-"

"Kailan pa?" Mapanganib ang boses na tanong nito.

"W-What?" Naguguluhang tanong ko.

Marahas ako nitong hinawakan sa braso.

"Kailan mo pa ako niloloko?!" Sigaw nito na ikinapitlag ko. Namumula ang mukha nito sa galit.

"Jastin, hindi kita maintin-"

Natigilan ako nang malakas na dumapo ang mabigat na palad nito sa pisngi ko. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako dito at halos hindi ako makapaniwala.

He slapped me!

At ang sunod nitong ginawa ay mas hindi ko inaasahan. He strangled my neck.

"Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis mo. Baog ako, Krystal! Naiintindihan mo? Baog ako!" Sigaw nito at muli akong sinampal.

Halos mawalan ako ng ulirat sa ginawa nito.

To be continued...

A/N: 🤞🤞🤞

Continuar a ler

Também vai Gostar

126K 372 30
Maselan ang bawat pahina ng istoryang ito.
6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
3.7M 72.7K 43
[SPG] Some scenes are not suitable for young readers. Read at your own risk