Phoenix Series #5: My Fight F...

By RosasVhiie

2.8M 80.7K 10.6K

MATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#5: Jastin Rivera "I beg you. Don't give up on me. Please." - Jastin Rive... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38- The Final Chapter
Epilogue

Chapter 19

63K 1.6K 284
By RosasVhiie

CHAPTER 19

MARAHANG HINAPLOS ko ang buhok ni Krystal. Pinagmasdan ko ang maamong mukha nito habang mahimbing itong natutulog.

Dahan-dahan kong inalis ang seatbelt nito. Nakatulog ito sa biyahe pagkatapos naming ipagkatiwala sa mga pulisya ang batang nailigtas namin mula sa mga kidnappers.

I can still remember how scared she was earlier.

"You'll remember me soon." I murmured.

Paunti-unti, alam kong maaalala din nito ang lahat. Ang nawalang memorya nito, babalik at babalik ang mga iyon.

Napabuntong-hininga ako at kapagkuwan ay bumaba mula sa kotse. Maingat kong binuhat ang dalaga papasok sa building ng condo namin.

Nang marating ang pinto ng condo unit nito ay kaagad ko iyong binuksan gamit ang password nito. I kow her password. Ang tagal na nitong ginagamit iyon at hindi man lang pinapalitan.

Pumasok ako at sinara ang pinto gamit ang paa ko. Dumiretso ako sa kuwarto nito at maingat ko itong pinahiga sa kama.

"Sleep well, baby." I whispered.

Inayos ko ang kumot sa katawan nito at hininaan ang aircon. Tumayo ako at inikot ko ang paningin sa kuwarto nito.

Tinignan ko ang naka display na litrato nito sa bedside table. Napangiti ako nang makita ang litrato nito noong bata pa ito. Kinuha ko iyon at tinitigang mabuti.

Noon pa lang, napakaganda na nito. And she grow up more beautiful and stunning.

Kung mayroon man akong hindi pinagsisisihan sa nakaraan, iyon ay ang panahong pinili ko ito. Pinili ko itong buhayin and that was the toughest decision I've ever made in my life.

Muli kong binalik ang litrato nito at kapagkuwan ay nahagip ng mga mata ko ang isa pang litrato. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Naikuyom ko ang mga kamao ko at mariing napapikit.

Bumalik ako sa kama at umupo sa tabi ng dalaga.

"Too late to get out of your life, yeah?" I let out a sighed. "Too late to resist you. For years that I've been avoiding you and pushing you away, here I am. I lost in the end. My rule for myself didn't last long." I whispered.

Gumalaw ito at ilang sandali lang ay nagmulat ito ng mga mata.

"Hey." Nginitian ko ito.

She smiled and tap the space beside her.

"Aren't you going to sleep?" Antok na antok ang boses nito.

Nahiga ako sa tabi nito at kaagad ko itong pinaunan sa bisig ko. Napapansin kong naging habit ko na ito kapag si Krystal ang katabi ko. Gustong-gusto kong nakaunan ito sa mga bisig ko.

Inamoy ako nito habang nakapikit ang mga mata nito.

"You're smell is refreshing. Thank you for earlier, Jas." She murmured.

Hinaplos ko ang buhok nito.

"Masakit pa ba ang ulo mo?" Tanong ko.

Umiling ito.

"Napagod lang siguro ako." Usal nito.

"Magpahinga ka na." Mahina kong pinisil ang pisngi nito.

Gumalaw ito at hindi ko inaasahan ang susunod na gagawin nito. Pumaibabaw ito sa akin.

"I want to sleep on top of you." Nakangiting usal nito.

"I-I think that's a bad idea." Nahihirapang sambit ko.

She chuckled.

Inilapit nito ang bibig sa tenga ko.

"Mukha nga. I can feel your mighty length poking on my belly." She softly whispered.

"You're such a teased." Reklamo ko.

Mahina lang itong natawa.

"Sana ganito na lang tayo palagi." Anito at inihilig ang ulo sa dibdib ko.

"Are you happy?"

Tumango ito.

"Sobra, Jas. And it's you who made me happy. Thank you." Muli kong hinaplos ang buhok nito.

Tinitigan nitong mabuti ang mukha ko.

"Jas, aren't you worried? We had sex and we didn't used any protection. What if I get pregnant?" Pakiramdam ko ay nanigas ang buong katawan ko sa tanong nito.

It won't happen.

"We'll see when we get there." Mahinang usal ko. But that's impossible.

"Okay lang ba 'yon sa-"

"Matulog ka na, Krystal." Putol ko sa sasabihin nito.

Natigilan ito. Marahil ay nagtataka ito sa biglang pagseryoso ng mukha ko. Pero kaagad din itong tumango at ngumiti.

"Goodnight. I love you." She murmured.

Naikuyom ko ang mga kamao ko nang makitang tuluyan na itong nakatulog. Bakit hindi ko naisip na darating ang panahon na magtatanong ito?

Bakit nawala sa isip ko ang isa sa mga rason kung bakit ko ito iniiwasan noon? Mukhang masyado akong nadala sa bugso ng damdamin ko at nakalimutan ang bagay na hindi ko mabibigay sa dalaga.

I sighed and kiss Krystal on her forehead. I will still keep her no matter what. As long as she's still in love with me, I'll keep her. And only the future will decide for us.

***

NAGMULAT AKO ng mga mata at sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Napasarap ang tulog ko. Naramdaman ko pa kanina ang paghalik ni Jastin sa akin bago ito lumabas ng kuwarto ko.

Dahil siguro sa sobrang antok ko ay hinayaan ko lang ito at natulog ulit. Bumangon ako at kaagad na naligo.

Nang makapagbihis ako at naayos ang sarili ay kaagad akong lumabas ng condo unit ko at tinungo ang condo unit ni Jastin.

Akmang pipindutin ko ang doorbell nang makitang bahagyang nakaawang ang pinto ng condo nito. Dahan-dahan ko iyong itinulak at pumasok.

"Jastin, alam mo kung anong meron sa'yo. You can't be with her, tandaan mo 'yan!" Narinig ko ang galit na boses na iyon ng babae.

Natigil ako sa paglalakad.

"Minerva, kung nandito ka lang para pagsabihan ako just please, leave now. I know my limitation at hindi ko nakakalimutan ang bagay na iyon. You don't have to remind me." It was Jastin's voice.

Who's Minerva? At bakit nagtatalo ang mga ito? Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila.

"Well, I'm here to remind you. Habang maaga pa, lumayo ka na sa babaeng iyon. You'll get hurt in the end, trust me. Sa tingin mo ba tatanggapin ka niya? Hindi, Jastin. She'll leave you as long as she learn that you can't have a-"

"What's happening here?" Parehong napalingon ang mga ito sa akin.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Jastin at ang Minerva na kausap nito ay napaismid lang.

"Krystal, kanina ka pa ba diyan?" Tanong ng binata at lumapit sa akin.

Umiling ako.

"Kadarating ko lang. Nakabukas ang pinto kaya pumasok na ako." Nakangiting sabi ko at binalingan ang babae.

"Sino siya, Jas?" Tanong ko sa binata.

"She's Minerva Dominguez, my bestfriend." Anito at tumingin sa kaibigan nito. "Meet Krystal Stewart." Pagpapakilala nito sa amin.

Inilahad ko ang palad ko dito.

"Nice to meet you, Minerva." Nakangiting usal ko.

Tumaas lang ang kilay nito at tinalikuran kami. Dumiretso ito sa salas at naupo sa mahabang sofa na naroroon.

Napangiwi ako sa inakto nito.

"I'm sorry about that. Ganoon lang talaga siya." Wika ni Jastin at napabuntong-hininga.

Nginitian ko ito.

"Okay lang. Hindi ko alam na may bestfriend ka palang babae." Sambit ko.

Tumango ito.

"Kaibigan ko na siya mula pagkabata. She's a doctor." Wika nito.

Nagpatango-tango ako at tumingin sa babae na prenteng nakaupo sa mahabang sofa. She looks sophisticated. Mukhang ayaw nito sa akin base na rin sa inakto nito.

"I'll make you a coffee. Just wait me there, okay?" Hinalikan ako nito sa pisngi bago pumasok ng kusina nito.

Naglakad ako patungo sa salas at naupo sa sofa. Sa mismong harapan ni Minerva.

Muling tumaas ang kilay nito. Harap-harapan nitong pinapakita ang pagkadisgusto sa akin.

"So, what's the score between you and Jastin?" Maya-maya ay tanong nito.

Natigilan ako sa tanong nito. Ano nga ba ang meron sa amin ni Jastin? Matatawag ba kaming magkasintahan? Hindi namin napag-usapan ang bagay na iyon.

Mahina itong natawa. Nakakainsultong tawa.

"Did he say I love you to you? Kung hindi, well isa ka lang sa paglalaruan niyang babae. What a pity woman." Napailing ito.

Naikuyom ko ang mga kamao. Yes, Jastin didn't say those words but he made me feel special and that was more than enough for me.

"Look, alam kong hindi mo ako gusto para kay-" Nanlaki ang mga mata ko nang binuhos nito ang mainit na kape sa akin na hawak-hawak nito. Ramdam ko ang init niyon sa dibdib ko.

"Yes, you're right. I don't like you for Jastin, you slut." Ngumisi ito.

"Anong nangyayari?" Narinig ko si Jastin.

Kaagad nitong ipinatong sa maliit na table ang kapeng dala nito at nilapitan ako.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong nito nang makitang basa ang damit ko. Tinulungan ako nitong tumayo.

Tumango ako at tinignan ang nakangiting si Minerva.

"Okay lang ako. Aksidente kong nasagi ang kape niya kaya nabuhos sa katawan ko." Paliwanag ko.

Hinila ako nito patungo sa kuwarto nito at kaagad itong kumuha ng tissue at medicine kit. Hinubad nito ang damit ko at pinunasan ang basang dibdib ko.

"Be careful next time." Usal nito habang pinapahiran ng ointment ang nabuhusang parte ng katawan ko.

Tumango ako.

"Thank you." Mahinang usal ko.

Tumayo ito at kumuha ng damit sa loob ng cabinet nito. Isinuot nito iyon sa akin.

"S-Si Minerva, gaano kalaki ang tiwala mo sa kanya?" Natigilan si Jastin at tinignan ako.

Tila nagtataka ito sa tanong ko.

"She's a good friend, Krystal." Anito at hinawakan ako sa kamay. "Honestly speaking, I trust her more than anyone else. She was there always when I need her. Siya ang kaibigan na dadamayan ako at hindi iiwan sa kahit anong bagay."

Dahan-dahan ay napatango ako sa sinabi nito. Mukhang kailangan kong tiisin ang ugaling pinapakita ng kaibigan nito sa akin. Ang importante sa buhay ng lalaking mahal ko ay importante na rin para sa akin. Siguro ay magugustuhan din ako nito balang-araw para kay Jastin.

"Are you jealous?" May sinusupil itong ngiti sa mga labi.

"I'm not jealous." Nakasimangot na tugon ko.

"Are you sure?" He was teasing me.

Tumayo ako.

"Hindi nga ako nagseselos." Inis na sambit ko.

Tumayo rin ito at mahinang natawa. Kinabig ako nito sa beywang.

"If you say so. She's just a friend, Krystal. Wala kang dapat ikaselos."

"Hindi nga sabi ako nagseselos." Mariing usal ko.

"Okay. Okay." Natatawang sambit nito at itinaas pa ang dalawang kamay na tila sumusuko.

"I'll go back to my condo. Magkita na lang tayo mamaya sa SPIC." Sambit ko.

Hinalikan ako nito sa mga labi.

"Take care. Susunod ako kaagad. May importante lang kaming pag-uusapan ni Minerva." Anito.

Tumango ako at hinatid ako nito sa pinto. Nasulyapan ko pa si Minerva na nakataas ang kilay sa akin.

Muli akong hinalikan ni Jastin sa mga labi at nginitian ako. Bumalik ako sa condo ko at nagpalit ng damit.

Bumaba ako patungong parking lot at medyo natagalan doon dahil pinaayos ko sa guard ang medyo malambot na gulong ng kotse ko.

"Salamat, Manong." Nakangiting usal ko at inabutan ito ng isang libo. "Pang meryenda mo po."

Mabilis itong umiling.

"Naku, Ma'am. Huwag na po. Nakakahiya at-"

Kinuha ko ang palad nito at nilagay ang isang libo doon.

"Tanggapin mo na po bilang pasasalamat ko." Magiliw kong wika.

Napakamot na lang ito sa ulo at nagpasalamat bago nagpaalam.

Kinapa ko sa bulsa ang susi ng kotse ko at napailing nang makita iyon sa semento hindi kalayuan sa akin. Hindi ko napansing nahulog pala iyon. Naglakad ako at dinampot iyon.

Akmang babalik na ako sa kotse ko nang makarinig ako ng malakas na busina. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang dire-diretso ang kotse patungo sa akin at kusa iyong tumigil sa mismong harapan ko.

Tinignan ko ang driver niyon at naikuyom ko ang mga kamao nang makilala kung sino iyon.

Bumaba ito mula sa kotse nito.

"Ay sayang, hindi ka nabangga." Nakangisi ito.

"I wonder kung paano ka naging kaibigan ni Jastin." Usal ko.

She smiled.

"Ako ang kaibigan na hinding-hindi ipagpapalit ni Jastin sa kahit na kanino man. And you know what? Kaya kitang sirain sa kanya at alam kong maniniwala siya kaagad. Sino ka ba sa buhay niya? Isa ka lang laruan na pagsasawaan niya at itatapon na parang basura kapag tapos na siya sa'yo." Hinaplos nito ang buhok ko.

"So dear, lumayo ka na kay Jastin habang maaga pa. Kayang-kaya kong sirain ang buhay mo. This is a warning from me and I mean it." Mahina itong tumawa bago tumalikod at pumasok sa kotse nito.

Bahagya pa itong umabante na ikinaatras ko. I look at her and she just smiled. Humarurot ang sasakyan nito papalabas ng parking lot.

Napabuntong-hininga ako. Ayoko itong patulan dahil ayokong magalit si Jastin sa akin. Kung nagkataong ibang babae lang ito ay baka kanina ko pa pinilipit ang leeg nito. Pero hindi, kaibigan ito ni Jastin at pinagkakatiwalaan nito.

Nanghihinang napasandal ako sa upuan ng kotse nang makapasok ako. Hindi ko alam pero bakit kinakabahan ako sa mga sinabi nito?

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

2M 40.5K 22
Always the princess but never his queen. Warning: This story contains scenes not suitable for young readers, read at your own discretion.
3.3M 106K 42
MATURED CONTENT (R-18) Phoenix Series#10: Ethan Davidson "Hindi nababase ang pagmamahal sa mukha. Everyone deserves to be loved, beautiful or ugly. K...
30.5K 174 6
BOOK 4 - The Alexandros Series [R-18] For violence, sex, graphic information etc. Reader discretion is advised. Status: COMPLETED Synopsis: Sa araw...
102K 3.1K 52
THE MAFIOSO SERIES #1 "Teach me how to be gentle. For you, baby." Started | 08.07.2020 Completed | 03.24.24