Phoenix Series #5: My Fight F...

By RosasVhiie

2.9M 80.9K 10.6K

MATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#5: Jastin Rivera "I beg you. Don't give up on me. Please." - Jastin Rive... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38- The Final Chapter
Epilogue

Chapter 16

68.7K 1.9K 146
By RosasVhiie

CHAPTER 16

"GRANDMA, tulungan ko na po kayo." Nakangiting alok ko kay grandma habang abala ito sa kusina.

Nakangiting tumingin ito sa akin.

"Huwag ka ng mag-abala pa, hija. Doon ka na lang muna sa salas dahil ipagluluto ko kayo ng pasta. Masasarapan ka sa gagawin kong pasta, promise." Masayang usal nito.

Nakita kong pumasok si Jastin sa kusina pero hindi ko ito pinansin. Kumuha ito ng baso at nagsalin ng tubig mula sa pitsel na kinuha nito sa loob ng ref.

Tinutok ko ang atensyon kay grandma.

"Sigurado naman po masarap talaga ang pasta niyo. Is that your specialty, grandma?" Tanong ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng ilang sandali lang ay lumabas na si Jastin. Hindi ako makatingin ng diretso dito.

At mas lalong hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nito kaninang umaga pagkagising ko. Pinapatibok niyon ng napakalakas ang puso ko at kaakibat niyon ay ang munting kabang nararamdaman ko. What if he didn't really mean it?

Kaya pilit ko itong iniiwasan mula pa kanina. Baka nagbibiro lang ito o kaya ay nabibigla.

"This is my apo's favorite." Tugon ni grandma. Tila hindi nito napapansin ang hindi ko pagpansin kay Jastin dahil abala ito sa ginagawa. Mas mabuti ng wala itong mapansin.

Nagpatango-tango ako.

"Mahal na mahal mo talaga si Jastin ano, grandma?" Nakangiting usal ko.

Natigil ito sa ginagawa at ngumiti.

"Oo naman, hija. Mahal na mahal ko ang apo ko. Ako na lang ang tanging natitira sa buhay niya. Iniwan siya ng mga magulang niya sa murang edad at ang masaklap pa..." Mapait itong ngumiti. "Umalis sila sa mundong ito sa kahindik-hindik na paraan. And Jastin... Ang aking apo, sa napakamurang edad ay nasaksihan niya ang pagkamatay ng mga magulang niya." Malungkot ang boses na sambit nito.

"A-Ano po ang ibig niyong sabihin?"

Mapait lang itong ngumiti.

"I don't want to talk about their death. Ayokong marinig ng apo ko na pinag-uusapan ang pagkamatay ng mga magulang niya. Kahit litrato ng mga magulang niya ay ayaw niyang makita dahil bumabalik sa isip niya ang mga nangyari. Iniiwasan naming makita niya ang mga litrato ng parents niya."

Nagtataka at naguguluhan ako. I want to ask more pero alam kong wala akong karapatan dahil usapang pamilya ito kaya pinakinggan ko lang ito.

"Naalala ko pa ang unang beses na nakita niya ang litrato ng mga magulang niya. He almost died because of anxiety. Awang-awa ako sa kanya dahil iyak siya ng iyak, nagwawala at halos mabaliw. Ilang doctor na ang tumingin sa kanya noon para mapagaling siya. Pagtapos noon ay tinanggal na namin ang mga litrato ng mga magulang niya ayon na rin sa utos ng doctor. Pero hindi natapos ang lahat doon, hija." Kusang tumulo ang luha sa mga mata nito.

Nataranta ako at kaagad na kumuha ng tissue. Inabot ko iyon kay grandma na kaagad naman nitong kinuha.

"Grandma, you don't have to-"

Umiling ito.

"It's okay. It's just that... Kapag naaalala ko ang mga pinagdaanan ng apo ko noon ay nasasaktan ako. Masyado pa siyang bata para kunin ang mga magulang niya sa karumal-dumal na paraan. He tried to kill himself not only once. Napakaraming beses niyang tinangkang patayin ang sarili niya. Noong nag-aaral siya, marami siyang nasaktang tao, physically. He had this attitude na kapag galit siya, wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya. Nagiging bayolente sya kapag...kapag galit siya." Nilapitan ko si grandma at hinaplos ang likod nito.

Tumingin ito sa akin at kapagkuwan ay hinaplos ang pisngi ko.

"You helped him a lot, hija. Mula noon hanggang ngayon." Makahulugang usal nito.

Kumunot ang noo ko at akmang magtatanong pa nang lumayo ito mula sa akin.

"Masyado akong naging emosyonal. Pasensya na." Anito.

"Okay lang po, grandma. Hindi ko alam na ganoon pala ang pinagdaanan ni Jastin noon and I'm glad that you shared his past to me." Usal ko.

Ngumiti ito.

"Ako na ang bahala dito. Magpahinga ka na lang doon. Bisita ka dito kaya hayaan mo kaming pagsilbihan ka." Napangiti ako sa sinabi nito at napatango na lang.

"Basta huwag masyadong magpakapagod, grandma." Sambit ko at nagpaalam para lumabas.

Tinungo ko ang malaking balkonahe ng bahay. Iniisip ko ang mga kinuwento ni grandma kanina. Hindi man iyon ang kabuuan ng mga nangyari sa nakaraan ni Jastin, kahit wala ako sa sitwasyon nito noon ay alam kong napakasakit niyon.

Napahawak ako sa handrail ng balkonahe at napangiwi nang maramdaman ang pagkirot ng pagkababae ko. Kanina pa masakit iyon pero tinitiis ko lang.

I really lost my virginity to Jastin. Hindi ko iyon pinagsisihan. Masaya ako dahil ang lalaking mahal ko ang nakaangkin sa akin at habang-buhay kong babaunin ang kasiyahang iyon. He made me a real woman last night. He made me feel special.

Napasinghap ako nang maramdamang may yumakap sa akin mula sa likod. Kaagad akong pumihit papaharap dito nang maamoy ang pamilyar na pabango nito.

"M-Makikita tayo ni grandma." Sambit ko nang tuluyang makaharap dito.

Tinitigan lang ako nito at hinaplos ang buhok ko.

"You've been avoiding me the whole day." Mahinang usal nito at bumaba ang kamay nito sa leeg ko.

Kumunot ang noo nito nang mapatitig doon at kapagkuwan ay tumiim ang mga bagang nito.

Kaagad ko namang tinanggal ang kamay nito sa leeg ko at napangiwi.

"Baka allergy lang 'to kaya namumula." Kaagad na paliwanag ko.

Tumalim ang mga mata nito nang magsalubong ang mga paningin namin.

"I strangled you last night and it's my fault. Hindi lang siya namumula, Krystal. Namamaga na." Mariing usal nito.

Hinawakan ako nito sa kamay at hinila papasok sa kuwarto nito. Pinaupo ako nito sa malapad na kama nito.

"Wait me here." Anito at nagmamadaling lumabas.

Nang makabalik ito ay may dala na itong cold compress. Umupo ito sa tabi ko at maingat na inilapat ang cold compress sa leeg ko.

"I'm sorry." Hindi ito makatingin ng diretso sa akin.

Sumilay ang ngiti sa mga labi ko.

"Okay lang. Hindi mo naman sinasadya." Usal ko.

Hindi na ito umimik pa. Ang atensyon nito ay nasa leeg ko habang marahang dinadampi ang cold compress na hawak nito.

Pasimple ko namang pinaikot ang paningin ko sa kuwarto nito. Napakalapad niyon at napakalinis.

"Krystal." Napatingin ako kay Jastin.

Titig na titig ito sa akin.

"A-Ano 'yon?"

He sighed and put the cold compress on his bedside table.

"Bakit mo ako iniiwasan?" Tanong nito.

Napalunok ako sa tanong nito.

Nag-iwas ako ng tingin.

"I-I'm just scared that you might push me away again and-"

"Hindi pa ba sapat ang mga sinabi ko kanina? I meant it, Krystal. I want to keep you." Napatitig ako sa mga mata nito. Nakikita ko ang sinseridad doon.

"If you're just doing this because it's you who took my virginity then stop it, Jastin. Kusa kong binigay ang sarili ko sa'yo at hinding-hindi ko pagsisisihan iyon. You don't have to take responsibility dahil alam kong pareho nating ginusto ang mga nangyari. Ayokong pilitin ang sarili mo para lang sa-"

He cut me off by kissing me on my lips. I moan when he deepened the kiss and because his kisses was one of weakness, I gave in and responded.

"Anong gusto mong gawin ko para maniwala ka?" Mahinang tanong nito sa pagitan ng mga halik namin.

I pulled away from him.

Matagal akong nakipagtitigan sa binata at kapagkuwan ay umiling.

"May gagawin ka man o wala, alam mong bibigay pa rin ako." Nahihiyang usal ko.

He chuckled and pull me closer. Ikinulong ako nito sa mga bisig nito at masuyo akong hinalikan sa gilid ng noo.

"So, you're officially mine?" He asked.

I nodded and smiled.

"I am officially yours since the very beginning, Jas." I murmured and I heard him chuckle again.

Humigpit ang pagkakayakap nito sa akin na tila ba ayaw na ako nitong pakawalan. Napakasarap sa pakiramdam ng yakap nito. At hindi man kapani-paniwala ang mga nangyayari ngayon sa pagitan namin ay masaya ako. Paunti-unti ay natutugunan ang nararamdaman ko para sa binata. At sana ay huwag na itong matapos pa.

"I love you, my Jastin Rivera." Mahinang bulong ko.

I felt him stilled. Natawa ako at napailing na lang.

"You don't have to respond. Ikaw lang sapat na sa akin." Usal ko at ibinaon ang mukha ko sa malapad na dibdib nito. "Basta hayaan mo lang ako na ipadama sa'yo kung gaano kita kamahal. Just don't push me away from you, it was more than enough for me."

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa akin.

"I won't, baby. I won't." He softly whispered.

I pulled away from our embrace and I look at him tenderly. I want to ask him about his parents but I want him to tell me on his own. Hihintayin kong kusa itong magbubukas ng nakaraan nito sa akin.

Hinaplos ko ang pisngi nito. Gusto kong iparating dito na nandito lang ako lagi para sa kanya.

Nag-uusap ang mga mata namin at tila pareho kami ng iniisip. Sabay naming inabot ang mga labi ng isa't-isa at mapusok na naghalikan.

Nagmamadali ang mga kilos namin at parehong hinubad ang bawat saplot ng isa't-isa. Titig na titig ito sa katawan kong hubo't-hubad. Pinaghalong pagnanasa at paghanga ang mabananaag sa mga mata nito.

At sa ikalawang pagkakataon, hinayaan ko ang binata na sambahin at angkinin ang katawan ko ng paulit-ulit hanggang sa pareho kaming mapagod. Nakatulog ako sa mga bisig nito.

"Bakit may mga rashes ka?"

Napangiti ako sa batang lalaking nasa harapan ko. Sa halip na sagutin ito ay tinitigan ko itong mabuti.

"Ilang taon ka na?" Balik tanong ko.

"Thirteen." Tipid na sagot nito.

Nagpatango-tango ako.

"Dalawang taon ang pagitan nating dalawa. I'm eleven years old. And to answer your question, I have cold urticaria that's why I have rashes. I'm taking medicine for my allergy." Nakangiting sambit ko at binanggit ang gamot na iniinom ko.

He just nodded.

"Okay ka lang ba diyan? Gusto mong dagdagan ko ang pagkain mo?" Umiling ito sa sinabi ko.

Sa murang edad ko, hindi ko lubos maintindihan kung bakit nasa loob ito ng basement ng bahay namin. Marami din itong pasa sa katawan. At para hindi ito manghina ay gabi-gabi ko itong pinupuntahan para hatiran ng makakain. Sa pagkakatanda ko ay tatlong linggo ko na iyong ginagawa.

Napatingin ako sa kadena na nasa mga binti nito nang marinig iyong kumalampag dahil sa munting paggalaw nito.

"Umalis ka na dito. Baka mahuli ka niya at parusahan ka na naman. Ayokong malaman niyang tinutulungan mo ako. Umalis ka na." Pagtataboy nito sa akin.

Napatingin ako sa mga braso kong may mga pasa din. Ginawa ito ng taong malapit sa buhay ko nang mahuli ako nitong naghahatid ng pagkain sa batang lalaking nasa harapan ko.

"Umalis ka na." Muling pagtataboy nito.

Malungkot ko itong tinignan at bahagya akong napapitlag nang makarinig ng kalabog hindi kalayuan mula sa akin at kasunod niyon ay ang bawat ungol na tila nasasaktan. Ilang linggo ko ng naririnig iyon.

Muli akong napatingin sa batang lalaki at kitang-kita ko ang takot sa mga mata nito.

"Get out!" Mariing muling utos nito.

Napaatras ako.

"B-Babalikan kita bukas. Gagamutin ko ang mga sugat mo. Pangako, hindi ako magpapahuli." Tumango lang ito at kapagkuwan ay nag-iwas ng tingin sa akin.

Akmang lalabas na ako nang may humablot sa braso ko. At ganoon na lamang ang takot ko nang makita ang madilim na mukha ng taong nasa harapan ko.

"Ang tigas talaga ng ulo mong punyeta ka!" Sigaw nito at napasalampak ako sa sahig nang malakas ako nitong sinampal.

"P-Please, d-don't hurt me." Pagmamakaawa ko.

Ngumisi lang ito sa akin.

"Dahil sa katigasan ng ulo, paparusahan kita." Anito at marahas akong hinila sa buhok.

Paulit-ulit ako nitong sinampal at hinahampas sa pader.

"Tama na! Tama na, please! Ako na lang! Ako na lang ang saktan mo!" Iyon ang naririnig kong sigaw ng batang lalaki.

At sa isang iglap lang, narinig ko ang bawat sigaw at ungol nito dahil ito ang panagtuunan ng pansin ng taong nambugbog sa akin.

Wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak.

Napabalikwas ako ng bangon at hingal na hingal. What was that? What kind of dream is that? Panaginip lang iyon pero bakit parang totoo ang lahat ng iyon?

Napasabunot ako sa buhok ko at pilit na pinapakalma ang sarili. Natigilan ako nang makitang wala si Jastin sa tabi ko.

Bumaba ako mula sa kama at kinuha ang mga saplot ko na maayos na nakatupi sa bedside table. Nagbihis ako at lumabas ng kuwarto nito.

Naglakad ako patungo sa kusina pero natigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng sigaw. Nakita kong lumabas si grandma mula sa kuwarto nito at nagkatinginan kaming dalawa.

Dali-dali itong naglakad patungo sa isang kuwarto at sumunod ako. Sa pagbukas ni grandma sa kuwarto ay pareho kaming natigilan nang makita si Jastin doon.

Nakatalungko ito at nanginginig. Hawak-hawak ng binata ang ulo nito habang nakatitig sa nabasag na litrato na nasa sahig.

Humahangos na lumapit sa amin ang mayordoma.

"Sinabi ko sa'yong itago ang lahat ng litrato, bakit meron pa rin?" Mataas ang boses na tanong ni grandma sa mayordoma.

Napayuko lang ang mayordoma at ako naman ay naglakad patungo kay Jastin.

Umupo ako sa harapan nito at sinapo ang mukha nito.

"Jastin, it's okay. It's okay. Nandito lang ako." Pag-aalo ko sa binata.

Tumingin ito sa akin at ilang sandali lang ay tumango ito.

Bigla ako nitong ikinulong sa mga bisig nito.

"Don't leave me, please. Dito ka lang. Huwag mo akong iiwan. Dito ka lang." Tila takot na takot ito.

Tumango ito at hinaplos ko ang likod nito.

"I won't do that. I promise." I said and hugged him tightly.

This is my first time seeing this side of him. At mukhang marami pa akong dapat malaman tungkol kay Jastin.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 43.2K 29
Her innocence was so pure and features so angelic, it would feel like a sin to treat her anything less than like an angel. So Castor made her his. ...
902K 21K 12
BOOK 2 What if dumating iyung araw na akala mo ikaw parin pero iyun pala, may iba na. May kahati ka na Pero ang masmasakit, mas okay na iyung may k...
258K 11.2K 91
Masaya na ang buhay ko sa aking mundo ngunit nagbago ito sa hindi inaasahang pangyayari. Nasira ang mahalagang bagay ng aming lahi, Kasabay nito ang...
3.3M 106K 42
MATURED CONTENT (R-18) Phoenix Series#10: Ethan Davidson "Hindi nababase ang pagmamahal sa mukha. Everyone deserves to be loved, beautiful or ugly. K...