BOOK 2 - SERENITY

Von koorum

3.7K 194 8

"About your condition, no man will ever agree on that unless you make love with them first." - Moon Fonrer In... Mehr

TITLE PAGE
EPIGRAPH
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
POSTFACE
NEXT SERIES

CHAPTER 9

121 7 0
Von koorum

OTHER ROOM

Tumatawa ang ilang kasama habang pinapanood sa netbook ang mga nangyayari sa loob ng meeting.

"Hot seat ngayon si Mr. Famous," sabi ni Georgina.

Naghihintay kami dito sa malaking hall, katabi ng sekretong pagpupulong.

"Kilala si Mr. Lasu bilang magaling na imbestigador. Nakasama ko siya sa trabaho at ninety-five percent ay nahuhuli sa akto ang kriminal," sabi naman ni Jade.

Ang pagharap sa kanila ni Cleofford ay taktika ng mga strategist pero isa lamang ang layunin mayroon sa gabing ito at mangyayari iyon anuman ang magiging desisyon sa pag-uusap.

"That's true... maybe we could change that," sabi ni Cleofford, sa pagpapatuloy ng negosasyon.

Natahimik ang mga naroroon, maaaring inaalisa ang simpleng sagot. Ilang sandali ang lumipas bago may nagsalita muli, "Say what you want to say and we will think and talk afterwards, Mr. Black Diamond."

"If that so? This will be the preposition, we will fight, and if your group wins even once, we will surrender. If none, all of you should stop pursuing us. Simple, is it?"

"Why? Surrender? Simple as that?"

"Yes it is." Ibinaba ang kanina pang nakataas na kamay.

Lahat ay parang nabigla at mas lalong hinigpitan at itinutok ang mga baril na hawak sa lalake.

"If thinking of shooting me will make you think all is under control, you are all mistaken."

Walang nagsalita sa kanila.

"I will give a little time for the decision. I'm going to wait outside." Lumabas ito at naiwan ang mga kalalakihan sa loob.

Nagpatuloy ang usapan.

"Baka traps lang ito, David. Wala nang silbi ang grupong ito kung mahuhulog tayo sa patibong nila."

"Paano natin malalaman na patibong iyon kung hindi natin aalamin?"

"I think, ito na siguro ang hinihintay nating pagkakataon para malaman kung ano mga kahinaan nila."

"Kailangan na natin tapusin ito, magagawa lang natin kung gagalaw na tayo ngayon."

"Pumapayag kayo sa sinasabi ng itim na 'yon?"

"May iba ka bang plano maliban sa pagtanggap sa hamon nila?"

"Wala pa akong naiisip ngayon pero huwag tayo basta basta sumugod sa mga ganoong bagay nang hindi handa."

"Handa tayo remember."

Nagsihandaan ang lahat at pinuntahan si Cleofford na naghihintay sa labas ng pinto. Mga seryoso at ang iba ay nakangisi, parang bilib sa sarili.

Napabuntong hininga na lamang sa mga napansin.

Naisip, kung si Hasmina o Baru ang gumalaw kahit mag-isa ay siguradong tapos na ang misyong ito. Dahil lahat ng mga pinaghandaan nila sa gusaling ito bilang proteksyon kagaya ng snipers, spies, hidden cameras o ano pa man ay sinira ng organizer ng hindi nila napapansin habang nasa loob ng silid ng pagpupulong. Ang labas ay babagsak silang walang pagpipilian kundi pumayag sa kompetisyon.

Nag-inat ako at hinanda ang sarili. Tig-apat kaming martial sa labingdalawa at ititira ang pinakapinuno nila. Audience daw ang protectors at backups.

Itinago ni Caserine ang netbook at tumabi kay Froiland habang nakaupo sa likod. Sina Jade at Shinn bilang protectors ay tumayo sa likod namin ni Georgina.

"Georgie, kapag hindi mo na kaya sabihin mo lang," sabi ni Jade.

"I will, kapag hindi ko na kayang pigilin ang sarili kong sapukin ka."

Gumalaw ang malaking pintuan at mula roon ay unang pumasok si Cleofford kasunod ang mga wala ng dalang armas na mga kalalakihan pero sa pamamagitan ng suot na salamin sa mata ay kitang kita ang mga tinatago sa iba't ibang parte ng katawan.

Nakikita rin ang pagkagulat sa lahat dahil sa hindi inaasahang tanawin. Nawala ang ngisi ng ilan. Maaari dahil kadalasan ay hanggang lima lamang ang mga naka-itim pero pito ang makikita ngayon. Kahit sa pagkagulat ay tumuloy pa rin ang mga ito sa kabilang parte ng bulwagan at tinititigan ang bawat isa na parang ngayon pa lang nakakakita ng ibang klaseng nilalang.

Pumunta sa panig namin si Cleofford at tumayo sa tabi ni Georgina.

"Be the first, Pia."

"According to the arrangement of numbers, the number two is ahead of number eleven. Even the child knows it, George," mahinang sabi ko sa katabi.

Narinig ko ang pag-ubo ng mahina ni Jade sa likod. Tumingin sa akin si Georgina at nakita kong nag-aapoy ang mga mata. Siguro kanina pa ito wala sa mood at dinagdagan ko pa. Mabuti sigurong mauna na at malas yata ang makakasagupa nito.

Ginawang ihakbang ng marahan ang mga paa papunta sa gitna, ganoon din ang makakatunggalian ko.

Katahimikan ang namamayani sa paligid sa bawat hakbang. Nang tumigil ay huminto rin ang kaharap, ilang hakbang ang pagitan.

"I have a question, woman. Totoo ba ninyong itsura ang mga nakapaskil ngayon sa labas?"

Maraming peklat ang lalake sa mukha at nakakatakot ang kaanyuan pero ang sarili ay sinanay hindi matakot sa mga ganitong bagay. Baka ang tinutukoy na itsura ay ang mukha sa nakaraang auction.

Hindi ako nagbigay ng salita at mabilis kagaya sa isang kisapmata, lumapit at hinawakan ang leeg nito saka pinatumba patihaya. Ang lakas mula sa braso, bilis ng kilos at pagsipa sa ibaba ng tuhod ay hindi nagawang suportahan ng lalake ang balanse. Unang bumagsak ang ibabang bahagi ng likod kasunod ay ang ulo. Nawalan ng muwang ang mga mata pagkatapos.

Eleven to go. Nabawasan ng isa.

Ang mga kalalakihan sa harap ay nagitla at napatingin sa kasama nila na ngayon ay wala ng malay sa loob lamang ng isang segundo.

Sa mga mata ng mga kaharap ay mabilis ang mga naging pangyayari pero ang mga nasa likod ay natural at ordinaryo ang ginawa ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at bilang pagpapakita ng kahandaan para sa susunod na makakatunggali. Ilang segundo pa ang lumipas nang walang gumagalaw sa kanila para lumapit habang nakatayo ako sa gitna.

Kung ganoon magiging madali ang misyon dito.

Humakbang ng isa, kasunod ay mabilis naglabasan ang mga nakatagong armas pero bago pa naipaputok ng ilan ay nawalan ng liwanag ang buong bulwagan. Naramdaman ang pagsugod mula sa likod ng mga kasama kasabay ang mga putok ng baril.

Sa kabila ng kadiliman ay nakikita ang mga nangyayari. Piniling puntahan mismo si David Lasu at hiniwalay ito sa iba. Pinalo ang batok at agad itong nawalan ng malay.

Wala pang limang segundo ay bagsak ang lahat.

Plan B ito at plan A kung nagpatuloy ang competition.

Bumalik ang liwanag at mayroon pang naglalaban. Si Georgina at Jade.

Nonsense.

Simula sa umpisa ay naglalaban na itong dalawa at kinalimutan ang totoong targets.

Mabilis pinaghiwalay sila nila Froiland at Caserine. Si Shinn naman ay sinusuri kung mayroon gising sa mga pinatulog. Habang si Cleofford ay lumapit sa akin at ginising si David.

Pagkagising nito ay nagulat sa mga nakitang tauhan, mga wala ng malay at nagkalat sa sahig. Palipat lipat din ang tingin sa amin.

"I told you recently that I owe you one, Mr. Lasu. Ito ang kabayaran," sabi ni Cleofford. "Paparating na ang media, gisingin mo sila habang may oras pa. Magiging malaking kahihiyan kapag naabutan kayo dito o malaman nila ang mga bagay tungkol sa secret group na binuo ninyo pero ganito ang kinahinatnan." Pagkatapos sabihin ay tinalikuran ito at naglakad ng papalayo si Cleofford.

Ganoon din ang ginawa ng sarili at ng iba pa.

"Black Diamond!" Tawag ng David, "hindi pa ito ang huli, magkakaroon din ako ng pagkakataon mahuli kayo!"

Binalikan ito ni Cleofford at tuluyan ng pinatulog. Walang imik naglakad muli at iniwan ang mga naroon. Hanggang sa makabalik kami sa sasakyan ay saka narinig ang mga paparating. Mabilis kaming umalis sa lugar na iyon.

Nakuhanan ng video ni Froiland ang mga naganap kaya ito ang nasa likod. Iniwan ang nakuhang recording para sa media.

"Their strategy was poor, but otherwise dangerous if improve," sabi ni Sapphire sa connection ng linya ng lahat.

"Wala na naman akong ginawa. Sa akin sana yung may malaking katawan pati siya kinuha mo na naman Cas," sabi ni Shinn.

"Mababaril na ako ng isa sa kanila kung hindi ako pumunta sa pwesto mo. Parang alam kung saan ang pwesto ko, ayon yata ang magaling humawak ng baril.," sabi naman ni Caserine.

"Bakit Sapphire kailangan pa madami ang kasama ngayon kung kaya naman ng isa lang?" Tanong ni Jade.

"For fear. Then, it's effective. When they've started to have fears in their minds, they are already feeling defeated."

"Sabagay tama ka. Can I have a piece of your brain to be mine?"

Iba ang sinabi, "Come here in Sanctuary for evaluation."

Dahil madaling araw pa lamang.

💛💛💛

BUTTERFLY FARM

Mula sa higaan ay nakakasilaw ang liwanag ang bumungad sa pagbukas ng paningin. Ginawang bumangon dahil ayon sa orasan ay pasado alas otso ng umaga.

Nagdesisyong maligo agad at magbihis. Naisip ang bagong asawa. Pagkatapos talikuran ito kagabi, naging tahimik ang buong kapaligiran at walang ingay mula sa maliit na Villa na ito. Siguradong magkakarinigan ng ingay kung mayroon man, tanging huni ng kuliglig ang narinig.

Lumabas ng kwarto para makita kung may tao ba sa labas. Obligasyon malaman ang kalagayan ng asawa para walang problema mula sa magkabilang pamilya.

Mula sa kwarto, ang living room ang unang makikita. Mula sa upuan ay agad nasilayan ang isang babaeng nakaupo. Kagaya ng unang kita, ang tunay na definisyon ng kagandahan ay hindi maipagkakailang taglay ng mukha nito, ganoon din ang katawan at porma ng pananamit.

Kasabay ng saglit na pagmamasid ng mga mata sa kagandahang nakikita ay dumaan ang pag-iinit ng pakiramdam sa pagpasok ng alaala ang ginawa nito, ang ginawang halikan na muntik ng magpakawala sa tamang huwisyo.

Malaking dahilan sa pagkapuyat ang hindi akalaing balik ng sariling katawan na naging traydor sa tamang direksyon ng utak. Hindi pa kailanman naranasan ang...

Naputol ang naiisip, dahil binabalik ngayon ang titig na hindi namalayang ibinibigay ko na sa babaeng ito, maliban kung nagpipinta.

"Am I qualified to be the model of your painting?"

Ang mga labing malumanay gumalaw ay perpekto sa paningin.

Nalasahan ko na rin iyan. Malambot at hindi man aminin, masarap lasahan ng--

"It seems you wanted to kiss me."

Muntik ng mapamura. Naramdaman ang init na dumaloy kanina sa katawan ay nasa mukha na ngayon.

"And you seem so confident woman," balik ko sa kanya. Typical ang mga ganitong klaseng babae, sanay sa flirting para makuha ang gusto.

Tumayo lang at tumitig.

"Where are you going?" Tanong ko dahil kapansin pansin ang klase ng kasuotan at para iliko ang pahayag nito.

"Work," balewalang sabi.

"What?" Parang hindi matanggap ng isip ang narinig, "bagong kasal tayo."

"It doesn't matter," balewala muli sa anyo at kinuha ang bag, naglakad paalis.

Maagap sumunod, hinawakan ang braso nito para tumigil. Pagsisisi ang kapalit dahil sa simpleng pagdikit ng palad sa makinis nitong balat ay sari saring boltaheng hindi alam kung saan galing. Agad kong pinakawalan iyon.

Humarap ito. Ang magandang katawan ay sumunod ayon sa de kalidad na galaw, mas lalong nagbigay karagdagan sa kagandahan ng anyo.

Lahat ng napapansin sa babaeng ito ay maganda.

Hindi namalayang nanunuyo ang lalamunan.

Lalo kapag dumadaan ang paningin sa mga labing nag-aanyaya para sakupin ko ang mga iyon.

May nakakainsultong kaisipan ang dumaan, ilan na kayang lalake ang sumakop sa labing iyan?

Humigpit ang mga kalamnan sa naisip.

Tumigil nang may ngiting gumuhit sa tinititigan.

Kasunod ay ang hindi inaasahan.

Dahil mabilis muli ang pangyayari, ang muling pagsasakop ng aming mga labi. Ang pagdidikit na ito ay waring agad natutugunan ang uhaw na naramdaman. Awtomatikong hinapit ang katawan ng asawa para hindi lumayo, at naging dahilan para gatungan ang init na dumadaloy sa loob ng katawan.

Buong pagsuyong sinaliksik ang mga labing naghahanap, napaungol nang may katugon at lalo lamang nanabik lasapin ang mga iyon. Nang bahagyang lumayo ay muling ibinalik at hindi hinayaan makawala, maaring mabaliw kapag hindi nasunod ang hangarin gawing walang katapusan ang lahat.

"Moon."

Tinig na maganda sa pandinig.

Bago iyon ay napatigil dahil humiwalay ng tuluyan ang mga labing inaangkin.

"I just wanted to leave a goodbye kiss, and you return it too much."

Maang napatitig sa mga mata. Parang nagising ang kamalayan mula sa pagkawala ng sarili, ang kontrol kapag nasa ganitong sitwasyon. Sa lakas ng tibok ng puso at paghugot ng malalim na paghinga ay tuluyan namalayan ang naging reaksyon ng katawan pati ang isip sa harap ng babaeng ito.

Strange.

Caught off guard again.

Inalis nito ang mga braso kong nakapulupot sa katawan at umatras ng hindi napuputol ang titig sa isa't isa.

"I thought I'm just a commoner to you. It seems I'm wrong," sinabi ng mga labi nito. "See you around," at tuluyan ng umalis.

Hindi agad nagawang ibalik ang mga sinabi ng asawa at gumalaw sa kinatatayuan, dahil ang mga salita nito at boses ay nagbigay ng panibagong dating sa loob.

Iyon ay parang gusto ng...

Ilang beses muling napalunok.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

82.1K 1.3K 31
Angel With A Shotgun Series #8: Laurisse, The Dauntless Daughter Laurisse is a frustrated doctor. She did everything just to please her father but it...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
203K 3.6K 35
Angel With A Shotgun Series #4: Mariyah, The Fierce Eye #Wattys2018 Winner The Revisionists! Mariyah is a secret agent slash slaved-thief but not in...