You're Still The One (Book2 O...

teyangxx tarafından

88.6K 2K 240

You're The Only One Book Two. Enjoy! Daha Fazla

YouRe Still The One
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue

Chapter 18

2.3K 58 4
teyangxx tarafından

Chapter 18

Cherished the moment. Iyon lang ang nasa isip ko buong bakasyon namin. Zk is genuienly happy, so as Eris. Ako, masaya din naman ako, kaso hindi ko lang maiwasang mapaisip.

Kakatapos ko lang basahin iyong message ni Cristian sa akin. He's saying that he's not happy to see those pictures. Hindi ko alam na magpopost si Emerald ng mga picture namin mula sa bakasyon. Some of them, makikitang sweet at touchy si Eris sakin.

Hinilot ko ang sentido ko bago ako tumipa ng sagot kay Cristian.

Ako:
Huwag kang umaktong boyfriend ko pa, wala na tayo diba? Ikaw naman ang gumawa ng dahilan para maghiwalay tayo. You almost forgot that you have a girlfriend. Tama nga kasi sila, mahirap ang long distance, Cristian.

Cristian:
Bakit iniiba mo ang usapan? I was asking you, bakit ganyan kayo sa pictures ni Ej? Ano? Nagpauto ka na naman sa kanya? Magkakalokohan ba tayo dito, Sinag? At teka nga, hindi pa ako pumapayag sa pagkikipaghiwalay mo so technically, tayo pa ding dalawa.

Ako:
Cristian please, ayoko ng problema ngayon. Masama ang pakiramdam ko. I already made it clear, wala na tayo. And about the pictures, we we're just being close because Eris and I are still friends. Kung touchy man sya, it's not my fault then.

Matapos kong isend yun ay pinatay ko na iyong cellphone ko. Mas lalo atang sumakit iyong ulo ko dahil kay Cristian. I don't want to argue with him. Isipin na nya ang gusto nyang isipin, wala akong kasalanan sa kanya. I made it clear na nakipaghiwalay na ako. Ayokong maging unfair.

"Mama," katok ni Zk sa pinto ng kwarto namin.

Last week pa kami nakauwi mula sa bakasyon. Naging busy si Emoji kaya dito muna si Zk sa bahay. At kahapon lang ako nilagnat.

"Meron po ikaw bisita." Humagikhik sya at nilakihan ang bukas ng pinto.

I saw Emoji standing while holding a tray. Nakangiti sya sa akin. Hindi ko magawang ngumiti, ewan ko. Siguro guilt strike on me. Kakatapos lang namin magkasagutan ni Cristian at dahil sa kanya yun.

So basically, it's really my fault. Pero ano ba talaga, Sinag? Ang gulo mo!

"How are you feeling?" He asked.

Umakyat si Zk sa kama at tumabi sa akin. Tinakpan ko ang bibig ko nang bumahing ako.

"Dinaanan kita ng sopas at mansanas. Naka-break naman ako ngayon." Aniya.

"Bumiyahe ka pa?"

"Nasa sariaya ako ngayon. Kumain ka na, subuan kita."

"Ayiee." Zk chuckled. Ginulo ni Emoji ang buhok nya.

"Ako nalang, Eris." Pigil ko. Matigas syang umiling sakin.

"Let me, para madali kang gumaling." May pagkindat pa. "Kasalanan ko naman kung bakit ka nagkasakit ngayon."

Pinanlakihan ko sya ng mata. Tumawa sya at sinilip si Zk sa gilid ko na inosenteng nakatitig sa aming dalawa.

"Bakit po gawa ni Papa kaya ka magsick, Mama?" Ayan, nagtanong na nga.

"Nagpaulan kasi kami ni Mama kahapon."

Inosenteng tumango tango si Zk habang nginisian naman ako ni Emoji. Inirapan ko sya. Inumang nya ang kutsara sa akin.

"Subo mo na, Love." Aniya na may ngisi pa din sa labi.

Pinamulahan ata ako ng pisngi dahil sa sinabi nya. Automatikong pumasok sa isip ko ang pinaggagawa namin kagabi. Oo na, marupok na. Sinundo nya ako sa trabaho kahapon, at alam nyo na ang nangyari. Pero safe kami. Hindi ako pumayag ng walang condom. No condom, no entry. Ang hamal na ito, may tatlong box palang stock. At oo, inabot kami ng magdamag. Ganun ako karupok. Kaya ang ending nilagnat ako. Sabi nya, nabigla daw katawan ko.

"Tulog na si Zk." Sabi ko.

"Lipat ko na dun sa kama nya. Amina." May ingat nyang binuhat ang anak at dahan dahang nilapag sa kama nito sa tabi lang din ng kama ko.

Umubo ako at inabot ang baso ng tubig. Kakatapos ko lang kumain at uminom ng gamot.

"Pawisan ka ba?" Tanong nya.

"Nagpalit na ko ng damit kanina. Gusto ko lang ng electric fan."

Tumango sya at nilagay sa number two ang electric fan at pinandar para mahagip ang anak ko. Lumapit sya sa akin at agad na pinulupot ang braso sa akin.

"Can I stay here today?" Aniya.

Mabilis akong umiling. "May trabaho ka."

"The Hotel still can run and earn money with me working. I want to be with you."

"No. Magtrabaho ka. Pinapatungan mo ng trabaho si Earl."

"He can handle it," humiga na sya at tuluyan na akong niyakap sa baywang.

"Emoji! Kailangan mong magtrabaho." Pamimilit ko.

"I'm tired for today." He murmured in my chest.

"Emoji!"

"Ssh," mas hinigpitan nya ang pagkakayakap sa akin.

I sighed and relaxed myself. Pinakiramdaman ko din si Emoji, mabigat ang mga hinga nya.

"Feeling better?" He asked.

"Nilagnat lang ako, hindi mo naman ako kailangang yakapin."

Lumayo sya ng konti at tumitig sakin. Tinakpan ko iyong mata nya, pero tumawa lang ang hamal.

"Ano ba tayo, Sinag?" Kapagkuwan ay tanong nya.

Natigilan ako sa seryosong boses nya. Na-blangko ako bigla nang marinig iyon sa kanya. Hindi ko lang kasi inexpect na sa kanya ko maririnig yun?

"Eris..."

"Gusto ko lang klaruhin ang lahat. Ayokong matulad tayo noon, iyong walang kasiguraduhan. Ayokong maulit iyong dati." Aniya. "Gusto ko lang malaman ng maaga. Ayokong magkasakitan tayong dalawa. At ayokong magkaproblema ka."

Ano nga bang dapat kong sabihin? Nahiwagaan lang ako na sya ang unang nagtanong. Ano nga ba kami? Ang pabebe naman kung sasabihin kong friends kami? Friends who fuck? Ganun?

"Mahal kita, Sinag. At tatanggapin ko kung anong kayang ibigay mo sa akin. Tatanggapin ko kung si Cristian talaga at pansamantala lang to. Tatanggapin ko, dahil mahal kita."

Kumurap ako, at sa pagkurap kong iyon, tumulo ang luha ko. Impokrita ako kung sasabihin kong wala akong nararamdaman sa kanya gayung hinahayaan kong angkinin nya ako.

"I can take was left for me. Kung hanggang doon lang, hanggang doon lang. Ayokong ipaglaban kung si Cristian na talaga."

Huminto sya sa pagsasalita nang haplusin ko iyong pisngi nya. Nagkatitigan kaming dalawa. Siguro, panahon na para hindi na magpabebe. Tutal wala na din naman kami ni Cristian, tyaka oras na din siguro para bigyan ko ng buong pamilya si Zk. At isa pa, mahal ko pa din naman si Emoji. At ang tanong, nawala ba iyon?

"Hindi naman nawala iyong pagmamahal ko sayo. Nabawasan lang siguro, kaso nandoon pa din." Sabi ko. "Susugal ako uli, Eris. Gusto kong sumugal uli, hindi para sa kasiyahan ni Zk kundi para na din sa akin. Sana, hindi masayang."

Ngumisi si Emoji at dinama ang palad ko sa pisngi nya.

"I'll keep it, walang masasayang ngayon, Sinag..." He reached for my lips. "Thank you.."

I smiled and nod my head. Sinag, ang rupok mo talaga.

"Let's take it slow, ayokong mabilisan ka. Hmm.." tumango ako at yumakap sa kanya.

---

"Eto na po ang finishing touches ng mga gusto nyo sa party, Mrs. Lausingco." Professional na sabi ni Betsy.

Nilahad nya kay Lola Yolly iyong tablet. Tinanggap ni Lola iyon at sinimulan ng suriin ang mga pictures.

"Gusto ko ang lahat ng ito." Binalik nya kay Betsy iyong tablet. "Next week na ang birthday ko, I expect it to be ready and finished. Iyong wala ng problema."

"Walang problema. Tatapusin na namin by saturday, Lola." sabi ko.

"Alright. Ayokong magkaroon ng problema."

Tinapos na namin ni Betsy ang mga gusto pa ni Lola bago sya nagpaalam. Muli na naman akong nagpaiwan, may gusto daw ipatikim sakin si Lola Yolly na niluto nya. Gusto nya ding ipatikim kay Betsy kaso ay nagmamadali na naman iyong isa. Baka may kikitain na naman.

Sumunod ako kay Lola sa kusina nya. Sa island counter na kami pumwestong dalawa. Nagpasalamat ako doon sa kasambahay na naglapag noong bowl na malaki.

Pagharap ko kay Lola Yolly, she's smiling and I don't know why.

"Kumusta naman ang bakasyon nyong mag anak?" Panimula ni Lola Yolly.

Sinalinan ko sya ng shotanghon sa bowl nya.

"Maayos naman, Lola. Masayang masaya si Zk."

"Masaya din si Ej. Nakikita ko. Ano nang balita sainyo?" Bakas ang kasiyahan sa boses ni Lola.

Pero napag usapan kasi namin ni Emoji na huwag na munang ipaalam sa iba ang amin. Sya na din kasi ang nagsabi na dahan dahanin lang namin, kaso pakiramdam ko ramdam na naman ni Earl iyon. Dahil lately pumapayag na akong matulog kami ni Zk sa mansyo nila. Ganun din naman sa amin.

"Ayos naman kami ni Eris, Lola Yolly. Hindi namin binibigla ang sarili namin. Ayaw naming magkasakitan na naman."

Mas lumawak ang ngisi ni Lola.

"Mabuti naman at tapos na kayo sa pagpapabebe nyo." Sumubo sya sa shotanghon nya. "Ay teka nga muna, baka naman magkaproblema kapag dumating iyong jowa mo. Sandali, nakalimutan kong may nobyo ka."

"Lola, wala na po kami ni Cristian."

Tumili si Lola at pumalakpak pa. "Mabuti. Ipagpatuloy nyo lang iyang dalawa ni Ej. Kapag natupad na ang pangarap kong magpakasal kayo, ako ang gagastos lahat."

"Lola talaga."iiling iling ako. Hindi mawala ang ngisi ni Lola.

Tumagal pa ang kwentuhan namin ni Lola Yolly, kundi pa dumating si Emoji hindi pa kami matatapos.

"Apo ko." Ani Lola na niyakap ng mahigpit si Emoji. Kundi ko lang alam na si Pio ang paborito ni Lola, iisipin kong si Emoji iyon.

"Lola, kumusta po?"

"Nagtatampo na ako kay Pio. Hindi bumibisita dito."

Natawa si Emoji at lumapit sa akin. Agad na pumulupot ang braso nya sa akin, na hindi nakatakas sa mata ni Lola.

"Nasabihan ko na si Pio, Lola. Busy sa thesis."

Matapos ng kamustahan ng maglola ay nagpaalam na kami. Dadaanan namin si Eli at John sa mall dahil gusto na nyang pag usapan ang gagawing theme para sa kasal nila.

"Si Zk?" Tanong ko matapos nyang ikabit ang seatbelt ko.

"Si Mama ang nagsundo." Tumango ako at nirelax na ang sarili.

Sinimulan na ni Emoji ang pagmamaneho, sumimple sya ng hawak sa kamay ko. Susuwayin ko sana kaso naka-flaster ang ngisi sa labi nya. Dinala nya pa iyon sa labi nya at dinampian ng halik ang likod ng palad ko.

Ngumuso ako para mapigilan ang pag usbong ng ngisi ko. Cherished this before it lasts.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

11.5K 829 44
When a woman searching for her purpose in life meets a man who has been living a soulless life, she unintentionally falls in love with him secretly a...
477K 12.8K 51
A story of true love.
7.8M 231K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
138K 4.7K 21
Hacienda Alegre Series 1 "Your touch healed by broken heart..." __ Malvine was an ex-OFW who came back to the Philippines to reach her dream of becom...