Phoenix Series #5: My Fight F...

By RosasVhiie

2.8M 80.7K 10.6K

MATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#5: Jastin Rivera "I beg you. Don't give up on me. Please." - Jastin Rive... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38- The Final Chapter
Epilogue

Chapter 14

69.5K 1.9K 235
By RosasVhiie

CHAPTER 14

MAAGA AKONG NAGISING at pumasok sa sarili kong condo unit para makaligo at makapagbihis. Mabilisan ko iyong ginawa para kaagad akong makabalik sa condo ni Jastin. Plano kong ipagluto ito ng almusal.

Nang matapos ako ay muli lumabas ako ng unit ko at tinungo ang unit ni Jastin. Akmang bubuksan ko na iyon nang bigla iyong bumukas na ikinagulat ko.

Nagsalubong ang mga mata namin at napansin ko ang pagmamadali sa kilos nito.

"May problema ba?"  Kunot-noong tanong ko.

"Inatake daw si grandma." Tugon nito. Bakas ang pag-aalala sa boses nito.

Kaya siguro parang nagmamadali ito. Ang alam ko ay sa Tagaytay nakatira ang lola nito.

Nang sinara nito ang pinto ng unit nito ay kaagad ko itong hinawakan sa braso.

"Uuwi kang Tagaytay? Jastin, you can't drive on your state right now. Kagagaling mo lang sa sakit. Hintayin mo ako dito. Sasamahan kita. I will drive you there." Usal ko.

Sandali itong tumitig sa akin at ang inaasahan kong pagtanggi nito ay hindi nangyari. Sa halip ay tumango ito.

Lihim akong napangiti at kapagkuwan ay mabilis na bumalik sa condo ko.

Nagbihis ako ng komportableng damit. Kinuha ko ang cellphone at ang purse ko.

Nang lumabas ako ay naroroon pa rin si Jastin at matiyagang naghihintay sa akin habang nakasandal sa pader.

Kaagad itong kumilos nang makita ako.

"Let's go." Anito at nagpatiuna ng naglakad.

Sumunod ako dito hanggang sa parking lot.

"I will drive." Anito.

Tinignan ko ito at umiling.

"Jastin, ako na ang magdadrive para makapagpahinga ka at-"

Hindi ko natapos ang sasabihin nang iginiya na ako nito papasok sa loob ng kotse nito. Pinaupo ako nito sa shotgun seat at kaagad itong umikot patungo sa driver's seat.

"Kaya mo bang mag drive?" Nag-aalalang tanong ko.

He just looked at me and he frowned.

"Nagsakit lang ako, Krystal. Hindi ako nabalian ng buto." Anito at hinubad ang suot nitong leather jacket.

Dumukwang ito papalapit sa akin at hindi ko inaasahan na sa akin pala nito iyon balak isuot.

Tinitigan ko lang ito habang isinusuot nito sa katawan ko ang jacket nito.

"Malamig ang klima at malamig sa biyahe. Baka magkasakit ka." Paliwanag nito kahit hindi ko naman itinatanong.

Nagkatitigan kami at kaagad naman akong tumikhim.

"S-Salamat." Usal ko.

He just nodded at me and he fasten my seatbelt.

Bakit parang ang sweet at ang bait nito ngayon? Epekto ba ng lagnat nito kagabi?

Ilang sandali lang ay nasa biyahe na kami papuntang Tagaytay. Panay ang sulyap nito sa akin habang nasa biyahe kami na ikinailang ko.

"F-Focus on driving." Hindi ko mapigilang sambitin.

"I was just checking you if you're okay." Anito.

Kumunot naman ang noo ko.

"And why?" Nagtatakang tanong ko.

"You have cold urticaria, right?" Nabigla ako sa sinabi nito.

It was my little secret. Paano nito nalaman ang bagay na iyon?

"What are you saying? Na-trap na tayo sa kuweba noon at malamig ng mga panahong iyon pero wala namang nangyari sa'kin." Nagmaang-maangan ako.

Having a cold urticaria is not something to be proud of. Naalala ko pa noong huling inatake ako ng cold allergy ko. Namaga ang mukha ko at hindi ako makahinga. Napuno din ng rashes ang buong katawan ko.

"It's because you're taking your medicine everyday, Krystal. And I bet you didn't take your medicine today." Naiiling na sambit nito.

Mas lalo akong nagtaka sa sinabi nito.

At nasagot ang mga tanong sa isip ko nang pumarada ito sa gilid ng kalsada at bahagyang hinawakan ang leeg ko.

"You have rashes here." He murmured.

My eyes widen.

Inilayo ko ang mukha mula dito.

"N-Namamaga ba ang mukha ko?" Nahihiyang tanong ko.

I heard him chuckled.

"Hindi pa naman pero parang konti na lang mamamaga na." Tugon nito. "I'll buy your medicine. May malapit na drug store dito." Patuloy nito at muling nagmaneho.

Nakita kong binuksan nito ang heater ng kotse nito at kapagkuwan ay pumarada ito sa harap ng drug store.

"Just wait me here." Anito at lumabas ng kotse nito.

Nang makabalik ito ay may dala na itong gamot at bote ng mineral bottle. May dala din itong burger.

"Sorry, ito lang 'yong nakita kong pagkain sa tabi ng drug store. Eat that first before you take your medicine." Anito nang makapasok sa loob ng kotse.

Walang imik na tinanggap ko ang burger at kinain iyon. Natigil ako sa pag kain ng burger ng makitang nakatingin ito sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang.

"Bakit hindi ka kumain?" Tanong ko.

"Busog pa ako." Anito at binuksan nito ang mineral bottle.

Inabot nito iyon sa akin nang maubos ko ang kinakain at kumuha ng isang tabletang gamot. Umusal ako ng pasasalamat bago ko iyon ininom.

Ilang sandali lang ay nasa biyahe na kami ulit. At dahil sa gamot na ininom ko ay nakaramdam ako ng antok. Hindi ko napigilan ang sarili at nakatulog ako.

Nagising na lang ako nang marinig ang mahinang pagtawag sa pangalan ko. Nang magmulat ako ng mga mata ay napakurap-kurap ako nang marealized na nakahiga ako sa balikat ni Jastin.

Kaagad akong nag-ayos ng upo.

"I'm sorry, nakatulog ako. Hindi ko sinasadyang mapasandal sa bali-"

"It's okay." Anito at tinanggal ang pagkakakabit ng seatbelt ko.

"We're here. Welcome to my childhood home." Anito habang nakatingin sa harapan.

Sumunod ang tingin ko doon at bahagyang napaawang ang mga labi ko nang makita ang malaking bahay na nasa harapan namin. It was really huge. Kahit medyo halatang matagal na ang bahay na iyon ay napakaganda pa ring tignan. Halatang hindi napapabayaan ng may-ari. Napakaganda ng ambiance at tahimik ang lugar.

Inabante ni Jastin ang kotse nito at ipinarada iyon sa garahe.

Nauna na akong bumaba at sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig.

At mula sa tagiliran ko ay naroroon si Jastin.

"Let's go inside. Malamig sa labas." Anito at naunang naglakad.

Nang makapasok sa malaking bahay ay kaagad na hinanap ni Jastin ang lola nito sa mayordoma na sumalubong sa amin.

"Jastin, apo!" Pareho kaming napalingon sa matinis na boses na iyon.

Isang matandang babae ang nakangiting lumapit sa amin at kapagkuwan ay ikinulong nito ang mukha ng binata sa mga palad nito at hinalik-halikan ito sa pisngi.

"Grandma, stop it!" Inaawat ito ng binata.

Tumigil naman ito at nginitian ang apo nito.

"I just missed you so much, apo." Masayang sambit nito.

Si Jastin ay pinaseryoso ang mukha.

"And Manang Inez said that you had a heart attack. Ginawa mo lang bang dahilan 'yon para umuwi ako?" Dumilim ang mukha nito at hinawakan sa kamay ang lola nito. "Don't make it a joke. Alam mo namang importante ka sa'kin, grandma." Naging malumanay ang boses nito.

"I know. I know. And I'm sorry. I just want to see you, apo. Ang tagal mo ng hindi umuuwi dito and I really missed you." Jastin just sighed and kissed his grandmother on her forehead.

"And I miss you too, grandma. Naging busy lang ako these days." Anito at hinalikan sa pisngi ang lola nito.

Napatingin sa akin ang lola nito at kapagkuwan ay kinuotan ako ng noo. Napaatras naman ako nang makitang tumalim ang mga mata nito.

"Grandma, you're scaring her." Saway ni Jastin dito.

"H-Hello po." Alanganing bati ko.

Tumingin lang ang lola nito sa akin at ilang sandali lang ay dahan-dahan itong lumapit sa akin.

"You looked familiar." She said as she looked at me.

"P-Po? Baka kamukha ko lang po at-"

"Oh! Alam ko na!" Biglang bulalas nito. "Palagi kong nakikita ang litrato mo sa kuwarto ni-"

"Grandma." Jastin growled.

Nagkatinginan ang mag-lola. Si Jastin ay tila kinakausap ang lola nito sa pamamagitan ng mga mata nito. It looks like he was giving his grandma a warning.

Napangiwi naman ako. Tanging ang mga ito lang yata ang nagkakaintindihan.

Muli akong tinignan ng grandma ni Jastin at makahulugang ngumiti sa akin.

"It's nice to finally meet you, hija." Malapad itong ngumiti sa akin.

"A-Ako din po. Masaya po akong makita at makilala ka. Ako nga po pala si Krystal." Puno ng paggalang na usal ko at nagmano dito.

Nabigla pa ako nang hinalikan ako nito sa pisngi.

"Ang ganda-ganda mo pala sa perso-"

"Grandma." Inilayo ni Jastin ang lola nito mula sa akin.

"Welcome na welcome ka dito, hija. Mabuti at sinamahan mo ang apo ko dito. Tamang-tama marami akong pinaluto." Excited ako nitong hinawakan sa kamay at hindi pinansin ang apo nito.

"Grandma, I thought you missed me?" Tila nagrereklamong sambit ni Jastin.

Nginitian lang ito ng matanda at muling tumingin sa akin.

"Napakaganda mo, hija." Tila aliw na aliw ito sa mukha ko. Titig na titig ito sa akin.

Napangiwi naman ako at kapagkuwan ay napakamot sa ulo.

"S-Salamat po." Naiilang na sambit ko.

I heard Jastin sighed.

Hinawakan ako nito sa kamay.

"We'll stay here for days. May paparating na bagyo ngayong hapon kaya hindi tayo makakauwi agad. Ihahatid na muna kita sa magiging kuwarto mo. I'll call James later to report to him that we're here in Tagaytay." Anito at tumingin sa lola nito.

"And grandma, naiilang si Krystal sa'yo so please, leave her alone." His grandma just laughed. Mukhang sanay na sanay na ito sa ugali ng apo nito.

"Oh siya, sige na. Magpahinga na muna kayo at ipapatawag ko na lang kayo sa mayordoma kapag kakain na tayo ng pananghalian. Malinis naman ang mga kuwarto kaya kahit saan mo siya patulugin. Pwedeng-pwede din siya sa loob ng kuwarto mo." Nakangising sambit ng lola nito.

Jastin just tsked.

Hindi na ako nakapagpaalam sa grandma nito dahil kaagad na akong hinila ni Jastin.

Pumasok kami sa isang malaking kuwarto. Napakaganda ng interior design at ang lamig sa mata.

"You'll sleep here. Ibibili na lang kita ng damit para may maisuot ka." Anito.

Oo nga pala, wala nga pala akong dalang damit.

Tumango na lang ako at ngumiti.

"Mukhang makulit at madaldal ang grandma mo pero nakakatakot siya noong una." Natatawang sambit ko.

"Mabait naman si grandma. Sobrang madaldal lang talaga 'yon." Naiiling na sambit nito.

Naglakad ito patungo sa bedside table at kinuha ang remote ng aircon. Pinindot nito iyon at binawasan ang lamig sa kuwarto.

"Take a rest. Nasa kabilang kuwarto lang ako. Tatawagin ka na lang mamaya kapag kakain na." Anito at naglakad patungo sa pinto.

Bago ito makalabas ay napahinto ito at tumingin sa akin.

"Thank you, Krystal." He murmured.

Bago pa man ako makapagtanong ay lumabas na ito.

Napangiti ako at pabagsak na nahiga sa kama. Inamoy-amoy ko pa ang jacket na suot ko. Parang kayakap ko lang si Jastin dahil amoy na amoy ko ang pinaghalong natural na amoy nito at perfume na ginagamit nito.

Gusto ko sanang matulog pero hindi ako dinadalaw ng antok. Lumabas ako ng kuwarto at tinungo ang malaking salas ng bahay.

Napaangat ang tingin ko sa malaking picture frame na nakasabit sa dingding. It's like a family picture. Mukhang ito ang mga magulang ni Jastin. Pawang nakangiti ang mga ito. Larawan sila ng isang masayang pamilya.

Napako ang tingin ko sa batang lalaki na nasa gitna. Si Jastin iyon. Nakapakaguwapo talaga nito kahit noong bata pa lang ito.

"Mukhang kailangan ko munang tanggalin 'yan diyan." Napalingon ako sa nagsalita.

Ito ang mayordomang sumalubong sa amin kanina ni Jastin.

"Bakit po tatanggalin niyo?" Nagtatakang tanong ko.

"Kapag napapagawi si Señorito dito, tinatanggal namin ang mga litrato ng mga magulang niya. Mabuti na lang at hindi niya napansin kanina." Tugon nito.

Napakunot naman ang noo ko.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

Ngumiti lang ito at umiling.

"Bumalik ka na sa kuwarto mo at magpahinga. Habang nasa labas pa si Señorito ay papatanggal ko na muna 'yan." Tukoy nito sa malaking picture frame at nagpaalam bago naglakad papalayo sa akin.

Naiwan ang malaking katanungan sa isip ko. Bakit ayaw makita ni Jastin ang litrato ng mga magulang nito?

Napailing-iling ako at pilit na iwinawaksi ang mga katanungan sa isip ko. Bumalik ako sa kuwarto at muling nahiga doon.

Paunti-unti ay napapikit ako at tuluyang nakatulog.

Nagising na lang sa mahinang pagtapik sa balikat ko at sa pagmulat ng mga mata ko ay ang guwapong mukha ni Jastin ang sumalubong sa akin.

"I'm sorry to wake you up but it's dinner time. Hindi na kita pinagising kaninang tanghali dahil ang sarap ng tulog mo." Wika nito.

Napakurap-kurap naman ako. Dinner time? Ganoon kahaba ang tulog ko?

Napabalikwas ako ng bangon.

"I'm sorry.  Napasarap yata ang tulog ko." Napangiwi ako.

"Okay lang. Fix yourself. Hinihintay ka na ni grandma sa hapag-kainan. I'm sure gutom na gutom ka na." Anito at namulsa.

Tumango ako.

"Susunod ako." Sambit ko.

He just nodded. Lumabas ito mula sa kuwarto ko at ako naman ay kaagad na inayos ang sarili ko bago lumabas.

Kaagad akong iginiya ng mayordoma patungo sa dining room.

Naroroon na ang grandma ni Jastin na nakangiting tumingin sa akin. Nasa harapan nito si Jastin at pinili kong tumabi sa binata.

"Sorry, Ma'am. I overslept." I apologized.

Jastin's grandma just laughed.

"Just call me grandma, hija." Anito.

Ngumiti ako at tumango.

Ilang sandali lang ay nag-umpisa na kaming kumain pagkatapos magdasal ni grandma.

"So, magkaibigan lang kayo?" Napatigil ako sa pagsubo sa tanong ni grandma.

Napatingin ako kay Jastin na walang imik na kumakain.

"Yes po, grandma. We're friends." Tugon ko.

Nagpatango-tango ang matanda.

"Bakit ba hindi ka nililigawan nitong si Jastin? Ang ganda mo naman at mukhang disente kang babae. Ewan ko nga ba sa batang 'to kung sino-sino ang pinapatulan." Naiiling na wika ni grandma.

"Grandma, nasa hapag-kainan tayo." Reklamo ni Jastin.

Tinignan ko ang binata. Hindi na maipinta ang mukha nito.

"Aba, apo. Matanda na ako at hindi natin alam kung hanggang saan ang buhay ko. Kaya bago ako mamatay, bigyan mo muna ako ng apo sa tuhod. Gusto ko pa siyang makalaro bago ako mawala sa mundong ito." Litanya ni grandma at tumingin sa akin.

"Puwedeng-puwede itong si Krystal. Napakagandang dilag at mukhang healthy. Mas maganda kung kayong dalawa ang magiging magulang ng future apo ko sa tuhod at-"

Muntik pa akong mapatalon sa kinauupuan nang biglang bumagsak ang kutsara't tinidor na hawak ni Jastin. Lumikha iyon ng malakas na ingay.

"I lost my appetite." Tumayo si Jastin at iniwan kaming dalawa ng grandma nito.

Grandma just looked at me.

"I'm sorry on behalf of him, grandma." Kaagad na sambit ko. Hindi tama ang ginawa ng binata sa pagtalikod sa kinakain nito at mas lalong hindi tama ang inakto nito sa harap ng lola nito.

Umiling ito at malungkot na ngumiti.

"Ako dapat ang mag-sorry. Pasensya ka na sa mga sinabi ko. And as for my apo, sanay na sanay na ako doon. 'Yon nga lang, sobra akong nag-aalala sa batang 'yon. Hindi ko na siya mabasa kung ano ba ang mga iniisip niya. Gusto ko lang naman sanang mapunta siya sa matinong babae. 'Yong mag-aalaga sa kanya lalo na at madalas nagkakasakit ang lalaking 'yon kapag napapanaginipan niya ang mga magulang niya. 'Yong babaeng makakatulong sa kanya para malagpasan niya ang..." Hindi nito maituloy ang sasabihin at tumitig lang sa akin.

Ilang sandali lang umiling ito at ngumiti.

"Nevermind. Let's finish our food." Anito at nilagyan pa ako ng ulam sa plato.

"Thank you po, grandma." Usal ko.

Natapos namin ang pagkain ng kaming dalawa lang. Nang magpaalam ako para magpahinga ay hinalikan pa ako sa pisngi ni grandma. Mabait ito at palangiti. Hindi rin nauubusan ng kuwento at laging binibida ang apo nito kung gaano ito katalino noong nag-aaral at kung gaano ito ka-talented.

Bago ako pumasok sa kuwarto ko ay napatingin ako sa katabing kuwarto ko. It was Jastin's room. Nasa loob kaya siya?

Napabuntong-hininga ako at kapagkuwan ay tuluyang pumasok sa kuwarto ko. Ang dami-daming katanungan sa isip ko at ginugulo niyon ang utak ko. Ang dami kong gustong malaman tungkol kay Jastin.

Napatingin ako sa kama at nakita ang mga paper bags doon. Nang nilabas ko ang mga laman niyon ay puro mga damit pambabae. Mga bra at undergarments.

Jastin really know my size.

Dinampot ko ang mga damit pantulog at nilagay sa closet ang iba. Pumasok ako sa banyo at nag half bath.

Nang matapos ako ay napatingin ako sa malaking bintana ng kuwarto. Napakalakas ng buhos ng ulan mula sa labas. Tama nga ang sinabi ni Jastin na may bagyo.

Nahiga ako sa kama. Malalim na ang gabi at mas lalong lumakas ang ulan sa labas pero hindi pa rin ako makatulog.

Napabangon ako nang makarinig ng pagkatok mula sa labas ng pinto ng kuwarto ko.

Bumaba ako mula sa kama at binuksan iyon.

"Grandma, may kailangan ka po-"

Natigilan ako nang makita si Jastin. Pawis na pawis ang mukha nito.

"What happened?" Kaagad akong nilukob ng pag-aalala.

Sa halip na sagutin ako ay kinabig ako nito sa beywang at pumasok sa loob ng kuwarto ko. Isinara nito ang pinto gamit ang paa nito at ni-lock iyon.  Mataman itong tumitig sa akin, partikular sa mga labi ko.

"Krystal." Paos ang boses na sambit nito sa pangalan ko.

"Y-Yes?" Nauutal na tugon ko.

"Can I make you mine tonight?"

Napalunok ako sa tanong nito. Ang bilis ng tibok ng puso ko at tila may kung anong sumisipa sa tiyan ko patungo sa puson ko. Tila may nagliliparang mga paru-paro sa loob ng tiyan ko.

Dahan-dahan ay tumango ako.

"I am yours, Jastin. I am yours from the very start until the end." I murmured.

And with that, he claimed my lips. And our body fell on the soft mattress.

To be continued...

A/N: Abangan ang mangyayari sa next chapter.😂 Is this......... 👅👅💧💧🤭🤭🙈🙈🙊🙊

Continue Reading

You'll Also Like

27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
30.5K 174 6
BOOK 4 - The Alexandros Series [R-18] For violence, sex, graphic information etc. Reader discretion is advised. Status: COMPLETED Synopsis: Sa araw...
953K 27.5K 37
MONTENEGRO BROTHERS 2 " How can their love eclipse the test of time" Luigi Clyde Montenegro and Ivana Fajardo