BHO CAMP #3: Clash Of The Pri...

By MsButterfly

4.6M 95.3K 6K

I'm Dawniella Davids. Kilala ako ng lahat sa pagiging mataray ko, kaya ilag sa akin ang lahat. Maliban kay Tr... More

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1
CHAPTER 1 ~ Folder ~
CHAPTER 2 ~ Monster and Master ~
CHAPTER 4 ~ The Island of Oooh and Aaah ~
CHAPTER 5 ~ A Leader ~
CHAPTER 6 ~ Dinner ~
CHAPTER 7 ~ Falling Hard ~
CHAPTER 8 ~ Real ~
CHAPTER 9 ~ Forgotten Past ~
CHAPTER 10 ~ Try ~
CHAPTER 11 ~ Finaliento ~
CHAPTER 12 ~ Trust ~
CHAPTER 13 ~ Love ~
CHAPTER 14 ~ This Time ~
CHAPTER 15 ~ His ~
CHAPTER 16 ~ Roar ~
CHAPTER 17 ~ TLT ~
CHAPTER 18 ~ Ready ~
CHAPTER 19 ~ Air Hockey ~
CHAPTER 20 ~ Dawn ~
CHAPTER 21 ~ Home ~
CHAPTER 22 ~ Crazy ~
CHAPTER 23 ~ Perfect ~
CHAPTER 24 ~ Attack ~
CHAPTER 25 ~ Uncomfortable ~
CHAPTER 26 ~ Mine ~
CHAPTER 27 ~ I-Madonna ~
CHAPTER 28 ~ Clash Of The Private A1 ~
CHAPTER 29 ~ Work Hard ~
EPILOGUE
Up Next
Special Chapter

CHAPTER 3 ~ Fun ~

149K 3.4K 242
By MsButterfly

CHAPTER 3

DAWN'S POV

Isang malakas na sigaw ang gumambala sa mga guest na kumakain sa Craige's restaurant nang bigla ko na lang binatukan si Triton. Saglit na tumingin lang sa amin ang mga tao at pagkaraan ay binalik na nila ang mga atensyon nila sa sarili nilang pinag-uusapan na para bang walang nangyari.

Sanay na sila sa kabaliwan ng mga tao dito sa BHO CAMP.

"What the hell Dawn? Muntik ng makipag-face to face ang kagwapuhan ko sa isang mainit na soup." pagmamaktol ni Triton.

"Nakakadagdag daw sa kagwapuhan iyan."

Napatigil siya at sunod-sunod na napakurap. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin ng may seryosong ekspresyon sa mukha. "Talaga?"

Pinaningkitan ko siya ng mga mata at akmang babatukan ko siya ulit ng mabilis na inisod niya palayo sa akin ang kinauupuan niya na kanina ay ipinagdidikitan niya sa akin.

Kasalukuyan kaming nandito para mag dinner at para isagawa na din ang deal namin. Ayos na sana ang pag-uusap namin kung hindi ko lang biglang naramdaman kanina ang malikot na kamay ni Triton na nakapatong sa hita ko. Monster talaga. "Tigil-tigilan mo ako Lawrence at baka samain ka sa akin."

Ngumuso siya. "Lagi naman akong sinasama sa iyo."

"Buti alam mo!"

Nagdadabog na hiniwa ko ang steak na nasa plato ko. Hindi na ako magtataka kung bigla na lang mahiwa sa gitna ang plato sa tindi ng pagkaskas ko doon ng steak knife. Kumunot ang noo ko at napatigil ako ng mapansin kong nananahimik si Triton. Nag-angat ako ng tingin para tignan kung anong nangyari sa kaniya. Hindi kasi kasama sa bokabularyo niya ang salitang tahimik.

Pinigil kong paikutin ang mga mata ko nang malaman ko ang pinagkakaabalahan niya. Or rather, ng mga mata niya. Great. "Triton Lawrence!"

"Huh?" tumingin siya sa akin. "Bakit?"

Itinaas ko ang steak knife na hawak ko. Napaatras siya sa kinauupuan niya at itinaas niya ang dalawa niyang kamay. Binigyan ko lang siya ng matalim na tingin at nanggigigil na ibinaba ko ang steak knife. Relax Dawniella. Relax. Hindi ang halimaw ng panty na iyan ang makakasira sa composure mo. Calm. Down.

"Nag-uusap pa tayo hindi ba?"

Napakamot sa ulo niya si Triton at tumingin uli sa babaeng dumaan kanina. "Well you see, a healthy man like me needs-"

"Healthy food and exercise."

Kuminang ang mga mata ni Triton at dumukwang na para bang nag a-agree pa sa sinabi ko. Bumulong siya. "Sweetheart, can you see that babe's body? That is food and exercise for a man like me—Aray!"

Hinila ko ang tenga niya palapit sa akin. "Listen well, monster. Wala akong plano na makasal sa taong hindi ko gusto. What if he's a psycho? Worse, what if he's like you?!" nanggigigil na sikmat ko sa kaniya at pagkatapos ay pasalyang binitawan ko ang namumula niyang tenga.

Sinaklit ni Triton ang damit niya sa tapat ng kaniyang dibdib na para bang inaatake siya. "What's wrong with a hot, handsome, delectable me?"

"Everything!"

Ngumuso siya ulit at itinaas ang dalawang kamay papunta sa mukha niya. "Ang gwapo ko naman." bumaba ang mga kamay niya sa katawan niya. "Ang macho ko din." Nanlaki ang mga mata ko ng bumaba pa ang kamay niya. Bahagya niyang hinila ang pantalon niya at umaktong may sinisilip roon. "At ang laki ng-"

"Triton Lawrence!" naeeskandalong sigaw ko.

"At ang laki ng paa ko."

Napatigil ako. "Anong kinalaman ng paa mo?"

Ngumisi siya at itinukod ang siko niya sa lamesa at nangalumbaba. "You know about the old saying? Big feet...big penis-"

"Triton!" Tumayo ako at sinaklit ang kwelyo niya palapit sa akin. Magkatapat ang mga mukha namin na sininghalan ko siya. "Focus!"

"Woah. I'm so focusing."

Bumaba ang tingin ko sa tinitignan niya. Kasabay ng pag-iinit ng mukha ko ng mapag-alaman ko na halos iduldol ko na ang dibdib ko sa mukha niya ay ang pag-igkas ng kamay ko.

"Aray! May kamay na bakal ka talaga!" reklamo ni Triton habang hinihimas ang batok niya.

"Hindi lang kamay na bakal ang matitikman mo kapag hindi mo ako tinigilan. Pati kamay na kasing bigat ng mundo, ipangbabatok ko sa iyo."

"Grabe ka naman sa akin sweetheart. Hindi mo ba alam na kapag naalog ang ulo, mababawasan ako ng brain cells?"

"Meron ka ba non?" nangangalit ang ngipin na tanong ko.

"Alin? Nang ulo?" mapanuksong ngumiti siya. "Meron. Dalawa pa nga eh."

Mariing pumikit ako at pilit na kinalma ko ang sarili ko. Hindi worth it kapag nakulong ako dahil sa halimaw na ito. Kailangan kong kumalma.

Binuksan ko ang bag ko at may kinuha ako na lumang clear book na kulay asul. Padabog na ibinaba ko iyon sa harapan ni Triton.

"What is this?" he asked.

"Nandiyan ang mga basic na kailangan mo na malaman."

Binuklat niya iyon at tinignan ang mga pahina. "Basic? Ito ba iyong pinag-aralan mo noong college tayo?"

"No. Iyan ang pinag-aaralan ko noong first year highschool pa lang ako."

Nagkandahaba ang nguso ni Triton sa sinabi ko. "Eh bakit ito ang pag-aaralan ko? Hindi na ako high school!"

"Suppose to be dapat kong pag-aralan iyan ng mag college ako. Sadiyang advance lang talaga ako."

"Matalino ako!"

"Hindi ko sinabing hindi ka matalino."

Ngumiti si Triton at nag peace sign. Pagkatapos ay tinapik niya ako sa balikat. "Buti naman alam mo na matalino ako."

"Alam ko na matalino ka. Pero mas lalo kong alam na mas matalino ako sa iyo."

Napanganga siya pero hindi ko na siya pinansin. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at direktang tinignan ko siya sa mga mata. "Now, tell me something that can help me."

Bumuntong-hininga siya bago ako pinasadahan ng tingin. Kahit nakaramdam ng pagkailang ay inisantabi ko muna iyon at nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. "First, when a man touch you, hindi mo siya dapat batukan."

"At anong gusto mo? Magpaparty ako na minamanyak na ako?"

Kumunot ang noo niya at nawala ang ngiti niya. "Of course not. Are you stupid?"

"Ano?!"

Napakurap siya at pagkatapos ay pinilig niya ang ulo niya. "Ang sinasabi ko lang ay hindi mo naman kailangan maging bayolente. You can simply smile and take the man's hand away."

"Okay. What if he tries to kiss me?" Napaangat ang kilay ko nang bigla siyang matigilan. "What?"

"Well...then you should let him."

Humalukipkip ako. "Paano kung ayoko?"

"Then don't let him." Akmang magsasalita ako pero inunahan na niya ako. "Not all men are pigs, Dawn. Alam namin kung ano ang limitasyon namin. Marunong naman kaming umintindi kapag ayaw ng babae."

"Fine." Saglit na nag-isip ako ng itatanong. Ano pa ba ang kailangan kong malaman? Iyong mga bagay na alam kong nagiging problema sa akin. Napadiretso ako ng may maisip at kaagad ko iyong tinanong sa kaniya. "What if he wants to have sex with me?"

"Definitely not!"

Kumunot ang noo ko sa paraan ng pagtanggi niya. Kung makapagsalita siya para bang hindi niya ginagawa 'yon."Why not? Ginagawa niyo nga iyon ng mga girlfriend mo."

"You're different okay? Hindi ka katulad nila. I'm not saying they're easy or anything. But you kept yourself pure all these years. Hindi mo kailangan na basta-basta na lang bitiwan iyon. Give it to the man that will take you to a church and marry you."

Kaagad nag-init ang magkabila kong pisngi. "P-Paano mo nalaman?"

"It's not that hard to guess that you're a virgin-"

Tinakpan ko ang bibig niya at nagpalingon-lingon ako. Nang matiyak kong walang nakarinig sa sinabi niya ay binitiwan ko siya. "Tumahimik ka!"

"Anong dapat mong ikahiya?"

"I'm too old to be a virgin."

"You're not old. You're what? Twenty three? Twenty four?"

"Pero-"

Pinutol niya kung ano pa man ang gusto kong sabihin. "Dawn, hindi man batayan ang virginity para respetuhin ka ng isang lalaki, hindi ibig sabihin niyon ay hindi mahalaga iyon. Your virginity is your treasure that should only be given to the right man."

Napatitig ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na sa isang babaero na katulad pa ni Triton manggagaling ang mga salitang iyon. Hindi kasi siya iyong tipo ng tao na seryoso sa buhay. Kaya nakakapagtaka na may makabuluhan din palang magmumula sa bibig niya.

"O-Okay." I murmured.

Ngumiti si Triton at tumayo. "Get up."

"Saan tayo pupunta?"

Kumindat siya at hinila ako patayo. "Kailangan mo ng practical lesson."



INILIBOT ko ang paningin ko sa paligid. Nasa isang maliit na bar kami. Marami ng tao sa loob at karamihan ay mga kalalakihan na nag iinuman sa may mini bar. Sa isang panig ng lugar ay may maliit na dance floor at sa bandang mataas na platform naman ay may pool tables.

"What are we doing here?" I asked Triton.

"You want to learn to have fun right? Then we'll have fun."

Hinarap niya ako at tinignan mula ulo hanggang paa. My 'mataray' instinct kick in. Tinaasan ko siya ng kilay na ikinailing niya lang. "This won't do, master."

"What do you mean, monster?" tanong ko habang pinagdidiinan ang salitang 'monster' sa sinabi ko.

Imbis na sagutin ako ay dumako ang mga kamay niya sa blouse na suot ko. Sa pagkagulat ko ay binuksan niya ang tatlong butones niyon. Bago ko pa siya mabatukan ay iniangat niya naman ang manggas ko hanggang nasa siko ko na iyon. "Maganda ka, oo. But you look stiff too."

Sa pagkabigla ko ay hinila niya ang tali ng buhok ko. Nakangiting sinuklay niya iyon gamit ng mga kamay niya. "There you go."

Hinawakan niya ako sa kamay at hinila ako papunta ng mini bar. Bago pa bumuka ang bibig ko para magsalita ay naunahan na niya ako. "One straight vodka and one vodkatini."

Akmang kikilos na ang bar tender pero pinigilan ko siya at pagkatapos ay hinarap ko si Triton. "Do you think I can't drink a straight alcoholic beverage?" tanong ko at pagkatapos ay inirapan ko siya bago ako muling tumingin sa bartender. "Two straight vodka."

"Got it, Miss."

Nang dumating ang order namin ay inabot ko ang shot glass. Sumilay ang ngiti ni Triton at inabot din niya ang sa kaniya. "Cheers?"

I hesitantly clinked my glass with him. "Cheers."

Inistraight ko iyon. Pinigilan ko na lumabas sa mukha ko ang nararamdaman ko na pagkabigla sa init niyon. Tinignan ko si Triton na ngingisi-ngisi na para bang alam niya kung ano ang iniisip ko.

"Isa pa?" tanong niya.

"Bring it on."

Nakadalawang shot pa kami bago niya ako inaya sa isang pool table. Inayos niya ang mga bola at pagkaraan ay pareho na kaming may hawak ng billiard stick. Nang ako na ang titira ay naramdaman ko siya sa likuran ko. Yumakap siya sa bewang ko. Automatic na kumilos ang kamay ko para patamaan siya ng billiard stick pero napigilan niya iyon.

"When you're with another man, you can't hit him with a billiard stick. You'll just simply get away from him. Then smile."

Lumayo ako sa kaniya at binigyan ko siya ng masamang tingin. "I will look like as if I'm flirting."

"Better than him thinking that you're a frigid psycho woman."

Sinenyasan ni Triton ang bartender at lumapit ito sa amin dala ang dalawang shot. Wala ng pag aalinlangan na kinuha ko iyon at ininom. Nagkatinginan pa kami ni Triton habang iniinom iyon. Ngumiti lang siya.

"Let's dance, Dawn."

"I don't dance. Hindi ako nag-aral ng kahit na anong dance lesson-"

"You don't need to learn how. If a man ask you to dance, it won't be just a simple dance than can be learn on workshops. It will be about the touching of the skin, your nearness to his body, his sensual move as well as yours."

Tila may kung anong init na nanuot sa katawan ko sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin at sa pagkakasabi niya ng mga salitang iyon. Hindi ko na magawang makatanggi ng hinila na niya ako papunta sa maliit na dance floor. May pinindot siya na kung ano sa screen sa harapan at pagkaraan ay pumailanlang ang kantang 'Sex On Fire' by Kings of Leon.

Napaangat ang tingin ko kay Triton ng maramdaman ko ang mga kamay niyang humahaplos sa braso ko. Nasa likuran ko siya habang isinasayaw niya ako sa saliw ng tugtugin. "Touching of the skin." he softly whispered.

Hinapit niya ako palapit sa kaniya. His right hand splayed on my tummy, pulling me closer to him, my back on his hard chest. "Your nearness to my body..."

Hinila niya ang mga kamay ko at ipinatong iyon sa balikat niya. Bumalik ang mga kamay niya sa bewang ko at gumalaw siyang muli. I closed my eyes and lean back on him, my head laying on his shoulder while I grind on him. I heard him whisper again. "My sensual move...as well as yours."

Napadilat ako ng iniikot niya ako kasabay ng paghila muli sa akin. Magkaharap na ngayon na magkadikit ang mga katawan namin. "Naiintindihan mo na ba, Dawn?"

"Y-Yes."

"At ang pinakaimportante..."

"Ano?"

Ngumiti siya at napatili ako ng bigla na lang niya akong binuhat. Sinampa niya ako sa isang lamesa na malapit sa amin. "The most important thing is to have fun."

Kinuha niya ang dalawang shot sa lumapit na bartender at pagkatapos ay sumampa din sa lamesa na kinatutungtungan ko. Inilibot ko ang paningin ko. My eyes widened when I saw the other people on the diner cheering for us.

Inabot sa akin ni Triton ang shot glass. "Cheers?"

"Cheers."

Tinungga ko ang laman ng shot glass. It wasn't the last for that evening. Hindi ko na mabilang kung ilang shot pa ang nakonsumo ko sa gabing iyon. All I know is that for once in quite a while, I am having fun. Pakiramdam ko ay saglit napapawi lahat ng alalahanin ko.I would never have thought that this is possible...especially with this person that I never thought I would ever get along with.



TRITON'S POV

Sa kabila ng pagsisiya ay nanatili ang atensyon ko kay Dawn. Napaparami na ang inumin niya pero ayoko namang pigilan ang pag e-enjoy niya. That's why I stopped taking shots awhile ago which she didn't noticed. Siyang dahilan kung bakit kaagad akong nakakilos nang makita ko ang pagbuway niya sa kinatatayuan kasabay ng pagpikit ng mga mata niya at mabilis ko siyang sinalo.

Binalingan ko ang bartender. "Put our drinks in my tab."

"Got it, Mr. Lawrence."

Inilabas ko na si Dawn mula do'n. Mukhang hindi talaga siya sanay uminom at talagang nagpakitang gilas lang. Hindi na iyon nakakapagtaka sa kaniya. Siya kasi 'yong klase ng tao na pokus sa mga importanteng bagay. I don't think she ever get a wild hair or impulsed decisions. Lahat sa kaniya pinag-aaralan at pinaghahandaan.

"You monster..."

I chuckled. "I got you."

"U-Uwi na tayo?"

"Yes, sweetheart."

Nang makarating sa pinagparadahan namin ng sasakyan ay sandali ko siyang itinayo para magawa kong buksan ang pintuan at pagkatapos no'n ay ipinasok ko siya sa loob ng passenger side. Dumukwang ako at hinila ang seatbelt para sana ikabit 'yon sa kaniya pero pinigilan niya ako at pinagpapasag pa ang mga paa. "Ayoko pang umuwi!"

Ikinabit ko na ng tuluyan ang seatbelt sa kabila ng protesta niya. "It's late."

Umikot ako sa kabilang panig at sumakay na. Ilang sandali lang ay pinaandar ko na ang sasakyan. Panaka-naka ay tinatapunan ko ng tingin si Dawn na pabiling-biling sa kinauupuan niya.

"Want to have fun!"

"We already did, swetheart." I softly said and focused on my driving.

"More!"

"Next time."

"More more more!"

Dawn will kill me kapag naalala niya ang mga ito bukas. Dawn will not change overnight. This is the alcohol talking. "Next time na lang, Dawn. Baka patayin na ako ng daddy mo kapag pinainom pa kita."

"Are you afraid of my daddy?"

Pinigilan kong mapatawa sa tanong niya. Sino bang hindi? Isang tingin pa lang sa ama niyang si Warren Davids ay kahit na sino siguro mangingilag. "Well, yes."

"Eh sa akin hindi ka natatakot?"

Nilingon ko siya. Malamlam ang mga matang nakatigin siya sa akin. Animo hirap na hirap siyang idilat ang mga mata niya. "No, sweetheart."

"Bakit?" Ipinikit na niya ng tuluyan ang mga mata niyana para bang hinahatak ng pagod at antok. Sa kabila ng nakapikit na mga mata ay nagawa pa rin niyang bumulong. "Everyone of them...everyone of them left me because their scared...of me."

Hindi na ako sumagot nang makita kong tuluyan na siyang nakatulog. Nang makarating kami sa BHO CAMP ay diniretso ko iyon sa parking lot ng headquarters. When I cut off the engine, I turn to look at the sleeping woman.

Sumilay ang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa natutulog niyang anyo. Marahang hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya.

"Who could be afraid of an angel, Dawn?"

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 89.7K 35
Ako si Snow Night, ang baby agent ng BHO CAMP. But they don't spoil me...well not much, unlike my best friend Phoenix Martins. Dahil doon ay lagi kam...
2.8M 103K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
5.2M 98.1K 32
Now a published book. Available at all Precious Pages branches and other bookstores. I am Skylee Reynolds. I considered myself as the black sheep of...
853K 17.7K 10
A novelette created for Storm Reynolds. Bakit nga ba humantong ang lahat sa isang malagim na pangyayari? Ano ba talaga ang pinagdaanan niya sa kamay...