His Millionaire

By Alisahjin

188K 3.3K 193

"Sa lugar kung saan hampas ng alon ang maririnig ko. Sa lugar na sobrang tahimik. That was my favourite place... More

Prologue
Chapter 1 : The Girl
Chapter 2 : The Old Woman
Chapter 3 : The Island
Chapter 4 : The Millionaire
Chapter 5 : Hiding Facts
Chapter 6 : Her Story
Chapter 7 : The Necklace
Chapter 8 : Confess
Chapter 9 : Doctor
Chapter 10 : The Newspaper
Chapter 11 : The Truth
Chapter 12 : For the last Time
Chapter 13 : The Governor
Chapter 14 : His Back
Chapter 15 : Pool Party
Chapter 16 : The Last Will
Chapter 17 : Be with Her
Chapter 18 : Precious Smile
Chapter 19 : The Truth
Chapter 21 : First Date
Chapter 22 : Ferries Wheel
Chapter 23 : The Dinner
Chapter 24 : Her
Chapter 25 : The Portrait
Chapter 26 : Paint of Love
Chapter 27 : Farewell
Chapter 28 : Memories
Chapter 29 : Her Wish
Chapter 30 : The Ending
Epilogue
Special Chapter
Author's Note!

Chapter 20 : Reincarnation

3.9K 78 5
By Alisahjin

•Hector's POV•

Totoo ba talaga na pwede pa nating mabuhay kapag nawala na tayo sa mundo? Wala namang ganon diba?

Nakaupo ako habang nakatingin kay Georgina. Nakaupo siya sa kanyang kama at abala sa pakikinig ng music. Sinamantala ko ang pagkakataon upang titigan siya.

Hindi rin mawaglit sa aking isipan ang natuklasan ko kagabi at patuloy na ginugulo ang aking isipan.

*** F L A S H B A C K

“Dumating na ang tamang panahon para malaman mo ang katotohanan.” nagulat ako ng bigla niya akong hawakan. “Ako at si Georgina ay iisa.”

“Ano?” halos manlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya.

Maayos naman siyang tingnan at hindi ko rin masasabi kung may sira siya sa kanyang utak. Tinitigan niya ako ng malalim. Isang nakakatakot na tingin.

“Sumama ka sa akin.” ang saad niya at nag-umpisang naglakad sa gawing kanan. Ayuko sanang sumunod sa kanya kaya lang parang may kusa ang aking mga paa sa paghakbang.

Gusto ko din malaman kung may katotohanan ba ang mga sinasabi niya.

Hindi mawala sa aking isipan ang mga agam-agam na namuo sa aking sarili. Nariyan ang pag-isipan ko siya ng masama. Ang hindi dapat magtiwala sa kanya. Pero sa huli nanaig pa rin ang nais kong malaman ang totoo sa kanya.

Dinala ako ng aming mga paa sa isang lumang buhay. Yari sa bato ng sinaunang ninuno ang pagkabuo ng bahay. May kalumaan na rin ito dahil sa tagal ng panahon. Ngayon ko lang din napagtanto na may ganitong bahay pa pala.

Madilim sa loob ng bahay ng makapasok ako. Hindi ko rin maiwasang kabahan na tila ba'y nasa isang haunted house ako. Isang lampara ang nakita ko sa di kalayuan. Para akong bumalik sa nakaraan.

“Lola?” ang tawag ko pero wala akong sagot na narinig.

Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad hanggang sa makalapit ako kung saan nakalagay ang isang lampara na nagbibigay liwanag sa loob ng bahay.

Halos manlaki ang aking mga mata sa aking nakita. Mga larawan ng unang panahon. Isa na dito ang pamilyar na mukha na nakita ko. Si Georgina. Nakasuot siya ng baro't saya habang may kulay pulang telang nakalagay sa kanyang ulo.

Ito ba ang nais ipahiwatig ni Lola sa akin? Hindi ko rin maintindihan kung bakit kamukha ni Georgina ang dalagang nakaguhit sa larawan.

Muli kung tinawag si Lola at lumapit naman agad ito. Doon ay tinanong ko siya kung anong ibig sabihin ng nasa larawan. Nakipagsabayan ako sa mga titig niya sa akin.

“Lola bakit po may larawan kayo ni Georgina?” ang tanong ko.

“Ako ang nasa larawan iho.” napatitig ako sa mga mata ni Lola. Binabasa ko ito kung nagsasabi ba siya ng totoo o nanlilinlang lang “Matagal na panahon na ang nakalipas mula ngayon. Kamukhang kamukha ko talaga si Georgina. Ang babaeng iniirog mo. Nung araw isa ako sa pinaka-iingatan ng aming pamilya hanggang sa sapilitan akong pakasalan ng isang espanyol. Doon ay naging miserable ang buhay ko.” ang kwento niya sa akin.

At some point, doon ko lang naintindihan ang ibig sabihin ni Lola. Iniisip niya, na siya at si Georgina ay iisa dahil magkamukha sila. Magkapareho.

Hindi ko maiwasang itanong sa kanya kung bakit pinipilit niya na siya ay si Georgina. Napakamisteryosa ni Lola.

Marahil may problema siya sa kanyang pag-iisip. Marami na akong na-encounter na ganito. Oo marahil magkamukha sila pero hindi ibig sabihin nun ay iisa sila. Hindi! Malabo at walang ganon.

Nakinig ako sa kanyang kwento. Sobrang luma na at panahon pa ng mga kastila. Matatalinhaga ang kanyang mga salita na pwedeng ihalintulad sa mga librong nababasa ko. Nalaman ko rin na nag-iisa na lang pala siya sa buhay.

“Iho, tibayan mo ang iyong loob. Napakabuti ng iyong puso.” hinawakan niya ang aking kamay na parang binabasa niya ito.

“Lola.” ang sambit ko pero hindi niya ako pinakinggan. Instead ipinikit niya ang kanyang mga mata.

“Nakikita ko ang posibleng mangyare sa hinaharap.” saad niya saka siya dumilat.

Inalis ko ang kanyang kamay at agad na inayos ang aking sarili para lisanin ang lugar na ito. Iniisip ko na wala nga siya sa kanyang sarili dahil kung ano-ano ang mga sinasabi niya.

“Lola pasensya na pero kailangan ko ng umalis.” ang saad ko at akmang hahakbang na sana ng bigla siyang magsalita.

“Bantayan mo ang buwan. Kapag naglaho ito sa gabi. Iyon ang araw na mamamatay siya.” ang seryusong sabi niya.

“Lola please! Stop it! Hindi na nakakatuwa!” ang medyo iritang sabi ko at agad na lumabas ng bahay na iyon.

Napapaling na lang ako sa kawalan dahil sa kanyang mga sinabi. Walang katotohanan ang lahat!

***

“Mister.” napatigil ako sa pagbabalik tanaw ng tawagin ako ni Georgina. Nginitian niya ako dahilan para lumapit sa kanya.

Isang araw na ang lumipas ng iuwi si Georgina at itigil ang paggamot. Nasa kwarto lang siya buong araw, iniinda ang sakit kapag inaatake ito. Hindi na rin kaya ng pain reliever ang sakit na nararamdaman niya kaya doble ang paghihirap at pagtitiis niya.

Simula ng makauwi si Georgina ay lagi akong nasa tabi niya. Ginagawa ko lahat ng aking makakaya, kausapin siya to the point na tinutulugan na niya pala ako. Gustong gusto niyang malaman ang pagkatao ko. Gusto niyang malaman ang lahat tungkol sa akin.

Sa konting paraan ay matulungan ko siya. Alam kung kailangan niya ng isang tao na magpapalakas sa kanya.

“Salamat Mister for being with me.” ang tugon niya habang nakatingin sa akin.

“It's okay.” saad ko at hinalikan siya sa kanyang noo.

“Alam mo, simula ng nakilala kita, lagi na kitang hinahanap. Bakit ang bait bait mo?”

“Hindi ako mabait.” ang saad ko tapos napangiti siya. Sobrang ganda niya kapag nakangiti.

“Alam mo ang gwapo mong tingnan kapag ganyan ka. Siguro ang daming umaaligid sayo.”

“For now wala kasi sa iisang babae lang umiikot ang mundo ko.” ang seryusong sabi ko dahilan para mapangiti siya.

“Ang swerte naman niya kung ganon.”

“Oo. Maswerte ka.” ang sabi ko. Hindi ko talaga pinakawalan ang titig ko sa kanya upang makita ang expression niya.

“Sorry ha. Sorry kasi madaya ako. 'Wag mo ko masyadong mahalin para hindi ka mahirapan kapag nawala na ako.”

“George!” ang saway ko ng mapansin ko ang pag-iba ng kanyang boses. Ngumiti siya at pilit na iniiba ang topic.

Nagbukas siya ng panibagong topic. Ayaw ko na din kasing makita siyang umiiyak at nalulungkot. Pinag-usapan namin ang tungkol sa Dad niya. Ano daw ang ginawa ko para mapapayag ang Dad niya na mag stay ako at makalapit sa kanya. Syempre, sinabi ko sa kanya ang totoo.

“Hayaan mo sana akong makasama ka sa mga huling sandali mo.” ang sabi ko.

“Yes boss!” sabay ngiti niya.

Those words strike my heart. Ang sarap sa pandinig. Tinawag niya akong boss.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Sinabi ko sa kanya yung mga lugar na pupuntahan namin. Gagawa kami ng mga masasayang memories together.

Ayuko munang isipin na mawawala na nga siya. Hanggat humihinga pa siya, alam kung magtatagal pa siya.

Nag-volunteer akong pakainin si Georgina at natuwa naman si Tita (Mom ni Georgina). Sinabihan pa nga ako na ngayon lang raw nila nakitang ngumiti ang anak nila. Nangako naman ako na gagawin ko lahat para lang mapasaya ang anak nila.

Matapos nun ay nagpaalam na ako. Malalim na din ang gabi at kailangan niya na ring magpahinga. Nangako naman ako sa kanya na babalik ako kinaumagahan. Nagpasalamat naman sa akin ang Governor dahil sa ginagawa ko para lang mapasaya ang kanilang anak.

Dumeretso ako sa condo ni Dylan. May gusto lang akong itanong sa kanya. I know we're both busy at alam kung pagod siya maghapon sa ospital.

Nagsalin siya ng wine sa dalawang baso at iniabot sa akin ang isa. Niyaya niya ako sa may terrace kung saan tanaw na tanaw ang buong city dahil nasa eleventh floor ang unit niya.

“Kumusta na nga pala si Georgina.” ang saad niya at lumagok ng alak sa kanyang baso.

“Ganon pa rin. Naaawa na nga ako sa kanya pero kailangan kong ipakita sa kanya na matatag ako.”

“Ang lakas ng tama mo sa babaeng 'yon!”

“Hindi ko rin maintindihan. Sobrang gaan ng loob ko sa kanya. Pakiramdam ko ang tagal tagal ko na siyang kilala. Alam mo yun? Nung unang araw na nakita ko siya. There is a spark! A connection!” ang sabi ko dahilan para mapatawa siya at biniro pa ako.

“You change a lot Hector! I can't imagine na ganyang kalakas ang tama mo sa kanya.”

Muli akong lumagok ng alak sa hawak kung baso.

“Sana hindi na lang siya nagkasakit.” naramdaman ko ang pag-iba ng tono ng boses ko. Napansin din iyon ni Dylan dahilan para sumeryuso siya. “Sana noon ko pa siya nakilala. Katulad ngayon, hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ang buhay niya.”

“Hector, 'wag kang mawalan ng pag-asa. Si lord lang ang nakakaalam kung kailan tayo mawawala dito sa mundo. Malay mo may milagro na mangyare? Diba?” ang pagpapalakas niya ng loob ko.

“Paano kung wala? Paano kung tapos na? Paano? Milagro?” umiling-iling lang ako just to hide my pain. Sobrang sakit lang. Sobra!

Hinayaan niya kong ilabas ang mga thoughts na nasa utak ko. Wala siyang pagkontra sa bawat daing ko. Sa bawat puna at reklamo. Sa mga tanong na walang katapusang pagtatanong. Nakakapagod.

Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil siguro sa tama ng alak. Tinanong pa niya ako kung kaya ko pa daw. Tinawanan ko pa siya at agad na nilagok ang laman ng baso.

Napatingin ako sa malayo at doon ay natanaw ko ang bilog na buwan. Dilaw na dilaw ang kulay nito. Bigla ko na namang naalala ang sabi ng matanda sa akin.

“Kapag naglaho ito sa gabi. Iyon ang araw na mamamatay siya.”

Totoo? Bilog ang buwan ngayon at sa tantya ko maghhalf-moon na.

“Dylan, naniniwala ka ba sa life after death?”

“Anong klaseng tanong 'yan!? At kailan ka pa naging interesado sa kamatayan?” ang natatawa niyang sabi.

“Kapag namatay ba tayo pwede ba tayong mabuhay muli at maging tao?” ang tanong ko. Tinitigan niya ako ng may pagtataka sa kanyang mukha. “Answer me!”

“Reincarnation?” ang tanong niya dahilan para mapatango ako. Naisip ko lang na baka reincarnated si Georgina ng nakaraan dahil kamukhang-kamukha ito ni Lola.

“In my opinion, they don't exist! Mostly mga Buddhist lang ang may ganong paniniwala. Naniniwala sila na kapag namatay raw ang isang tao ay lilipat lang ang kaluluwa nito sa bagong katawan. For me hindi ako naniniwala sa reincarnation. Kapag namatay ka na hindi ka na pwedeng mabuhay ulit.” ang paliwanag niya.

Napatango-tango naman ako. Kahit ako hindi rin ako naniniwala sa reincarnation. Wala pang nagpapatunay kung totoo nga ito o hindi.

“May mga kamukha ba tayo sa mundo?” ang muli kong tanong.

“Your wierd! Masyado ka ng lasing Hector. It's better na ihatid na kita or else si Kara ang susundo sayo.” ang saad niya. Tiningnan ko naman siya ng masama.

Oo. Lasing na ko at hindi ko na rin alam kung anong ginagawa ko. Inalalayan niya akong makapasok sa loob. Akay akay niya pa ako at paulit-ulit kung tinatanong kung may kamukha ba tayo sa mundo.

“Oo meron! Hays! Your drunk! Napakaweak mo!”

Hindi ko na kaya at mas lalo pang umikot ang hilo sa aking ulo hanggang sa tuluyan na nga akong nawalan ng lakas at sumalpak sa higaan.

VOTE and Comments Guys.

In your opinion, totoo ba ang reincarnation?

---

Maraming thank you guys especially to those two beautiful ladies who always reading my story.

@pennyligutan
@ramirezqueenie

---

Kuya Chad

Continue Reading

You'll Also Like

382K 7.6K 32
MAFIA'S SERIES #2 Yza Garcia ay isang ordinaryong babae, masayahin, madaldal, masipag sa kanyang pinapasukan na trabaho para lang kumita sa araw-araw...
39.2K 1K 39
Dalawang taong pinagtagpo na parehong nasaktan dahil sa pagmamahal. Magigising sila isang araw that they we're Accidentally get Married. Nagsimula...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
133K 2.9K 66
Note: ➡️ 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐝 [ 𝐉𝐮𝐥𝐲-𝟐𝟗-𝟐𝟎𝟐𝟏 ] ••• ⚖ ••• Palaban at matapang ang loob at handang ipagtanggol ang mga biktima sa ano man...