Phoenix Series #5: My Fight F...

Od RosasVhiie

2.8M 80.5K 10.6K

MATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#5: Jastin Rivera "I beg you. Don't give up on me. Please." - Jastin Rive... Viac

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38- The Final Chapter
Epilogue

Chapter 7

61.7K 1.8K 128
Od RosasVhiie

CHAPTER 7

THIS IS NOT RIGHT. Sa aming dalawa, I was the one who is sober. Lasing lang ito kaya nito ginagawa ang bagay na ito.

Kahit lunod na lunod na sa bawat halik at haplos nito, buong lakas ko itong itinulak at mabilis akong bumangon para ayusin ang suot kong nagulo dahil sa ginawa nito.

Sinalubong ko ang malamlam na mga mata nitong nakatingin sa akin.

"You're just drunk. And I'm sure that you'll gonna regret this tomorrow." Mahinang sambit ko.

Napapitlag ako nang inabot nito ang pisngi ko at hinaplos iyon.

Hindi ito umimik. Basta lang nitong hinaplos ang pisngi ko.

"Jastin-"

"I'm sorry, Krystal." He cut me off.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Hindi ko alam kung para saan ito humihingi ng tawad. Kung para ba sa ginawa nitong pagpasok sa sarili kong cabin o may iba pang dahilan.

He lay down on my bed and let himself sleep. Ilang sandali lang ay nakita ko ang payapang pagtulog nito.

Napabuntong-hininga ako at hinaplos ko ang pisngi nito.

"Sana palagi ka na lang lasing. Because when you're sober, you're not like this. Tomorrow, you'll back being cold again." Mahinang usal ko at wala sa sariling yumuko ako para patakan ito ng magaang halik sa mga labi.

"I love you, Jastin. I always do." I murmured.

Kinumutan ko ito. Kumuha ako ng isang unan at extra blanket at kapagkuwan ay sa sofa ako nahiga.

Tinignan ko si Jastin na mahimbing na natutulog sa higaan ko.

"You'll gonna regret this tomorrow, for sure." Naiiling na sambit ko.

Kahit hindi ako komportable sa sofa ay pinilit ko pa rin ang sariling makatulog.

At kinabukasan ay napabalikwas ako ng bangon at kapagkuwan ay nagtaka na nakahiga na ako sa ibabaw ng kama.

Nagpalinga-linga ako. Wala na si Jastin doon. Siguro ay bumalik na ito sa sarili nitong cabin. At mukhang binuhat ako nito at nilipat dito sa kama. Ni hindi ko man lang naramdamang binuhat ako nito.

Bumaba ako mula sa kama at naligo. Mabilis akong nag-ayos ng sarili. Nagsuot ako ng komportableng damit para sa gagawin naming activities ngayong araw.

Saktong tapos na ako nang tumawag si Allexa. Hihintayin daw nila ako sa floating restaurant to eat our breakfast.

Nang matapos ko itong kausapin ay lumabas na ako sa cabin at bigla pa akong napahawak sa dibdib ko sa sobrang pagkabigla. Nakita kong nakasandal si Jastin sa gilid ng pinto ko na tila kanina pa ako hinihintay. Fresh na fresh ang hitsura nito. Halatang bagong ligo.

Kaagad itong humarap sa akin.

"I'm sorry about last night and-"

"I know." I cut him off. "Lasing ka at alam ko naman na hindi mo gagawin 'yon kapag hindi ka nakainom kaya naiintindihan ko." Sambit ko.

Sandali itong nakatitig sa akin at kapagkuwan ay napabuntong-hininga.

"Mas safe ka sa akin kapag lasing ako, trust me." Makahulugang sambit nito.

"What do you mean?" Hindi ko mapigilang itanong.

Umiling lang ito.

"Have breakfast with me." Anyaya nito.

Nabigla ako sa tanong nito at ilang beses akong nakapakurap. Hindi ako makapaniwala.

Napangiti ito.

"Gusto ko lang bumawi sa kabastusang ginawa ko kagabi. Please?" Mas lalo akong hindi makapaniwala because of the word "please." Jastin is not like this. And he smiled. Hindi ko pa ito nakitang ngumiti na ako lang ang kaharap nito.

Pero dahil marupok ako ay tumango ako.
And there he is, he smiled again.

Matutunaw na yata ang puso ko.

I texted Allexa that I couldn't join them for breakfast. Hindi ko na sinabi ang rason ko dahil alam kong tutuksuin na naman ako nito.

Jastin brought me to a floating restaurant. Tinanong ako nito kung anong gusto ko at nag order na ito ng makakain naming dalawa.

While waiting for our order, inabala ko ang sarili ko sa pagtanaw sa paligid. Maraming floating restaurants na napakagandang pagmasdan. Mas magandang tignan ang mga iyon kapag gabi.

I really did enjoy the view lalo pa at nasa karagatan kami. I love beaches. Nakakakalma iyon ng puso at tila nagkakaroon ka ng peace of mind habang pinagmamasdan mo ang mala-asul na karagatan.

Napatingin ako kay Jastin at nahuli kong nakatitig ito sa akin. Kaagad naman itong nag-iwas ng tingin. Nahiya tuloy ako at pasimpleng chineck ko ang sarili dahil baka may dumi ako sa mukha.

Ilang sandali lang ay dumating na ang order namin.

"What do you plan to do after this?" Tanong nito habang kumakain kami.

"Magzi-zipline kami nina Allexa. And then scuba diving." Sagot ko.

Natigilan ako nang umangat ang kamay nito at pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki nito.

"T-Thank you." Nahihiyang usal ko.

"Clumsy ka palang kumain. Ngayon ko lang napansin." Turan nito.

"Dahil hindi mo naman talaga ako pinapansin." At muli ay natigilan ako sa sinabi ko.

Me and my mouth!

Tumikhim ito at kapagkuwan ay uminom ng tubig.

"Ikaw? Anong plano mo pagkatapos nito?" Tanong ko matapos ang ilang sandaling katahimikan.

"Zipline din sana." Kibit-balikat na tugon nito.

"Sama ka na sa'kin." Biglang sabi ko at kaagad kong naikagat ang ibabang labi.

'Bunganga mo, Krystal! Nakakarami!'

"Sure." Napaawang ang mga labi ko sa pagpayag nito.

Biglang kumabog ng napakalakas ang puso ko.

"Ano ka ba? I'm just kidding!" Natatawa ngunit kinakabahang sambit ko.

"And I'm serious." He said and looked at me straight in my eyes.

Napalunok ako. Seryoso talaga siya?

"Finish your food and we'll go to the zipline area." Napangiwi ako. Seryoso nga siya.

Nang matapos kaming kumain ay ilang sandali kaming nagpahinga bago pumunta sa zipline area.

At nang naroon na kami ay kaagad kaming hinarap ng staff na mag a-assist sa amin para makapag zipline.

"Ma'am, angat lang po ng konti ang paa para maikabit ko na ang harness." Masuyong usal ng lalaking staff na nag assist sa akin.

Inangat ko ang isa kong paa pero bago pa man makakilos ang lalaki ay inagaw na ni Jastin ang harness mula dito.

"I'll do it." Wika nito na seryosong tumingin sa lalaki.

Tila natakot ang lalaki kaya kaagad itong umatras at tumango.

Tumingin si Jastin sa akin at kapagkuwan ay yumuko para ipasok sa magkabilang paa ko ang harness na hawak nito. Nang umabot sa bandang hita ko ay mahigpit nito iyong  itinali. Ito din ang naglagay ng pulang helmet sa ulo ko.

He doubled check the equipments on my body. Tila sinisigurado nito na magiging safe ako.

Nang matapos ito ay nagkatinginan kaming dalawa.

"S-Salamat." Usal ko. Sa loob-loob ko ay kinikilig ako.

Kung sana ay ganito na lang palagi ang mga gestures nito sa akin.

"I'm excited." Nakangiting usal ko at tumingin sa mahabang zipline.

"Ma'am, itutulak ko na po kayo. Be ready." Nakangiting usal ng staff sa akin.

Excited akong tumango.

Naramdaman ko ang paghawak ni Jastin sa akin. Pumuwesto ito sa harapan ko at may kung anong ikinabit sa katawan ko.

At kasabay ng pagtulak sa akin ay ang pag-usad namin. Oo, namin. Kasama ko ito. Magkadikit ang mga katawan namin at magkaharap kaming dalawa. Kaya pala may ikinabit ito sa katawan ko.

Sa sobrang pagkabigla ko sa ginawa nito ay hindi ko magawang makasigaw habang umuusad kami sa zipline.

"You're free to scream." Anito at hinawakan ako sa likod.

Napakurap ako at ilang sandali lang ay napayakap ako dito. At doon ko pinakawalan ang malakas na sigaw ko. Sigaw hindi dahil nasa zipline kami kundi sigaw dahil sa kilig na nararamdaman ko.

It was like a dream. Being with him like this. It was really like a dream.

Ang mahihinang tawa na namumuntawi mula sa bibig ni Jastin ay nagdudulot sa akin ng kasiyahan. Susulitin ko ang pagkakataon habang hindi pa ako nito sinusungitan. Minsan lang mangyari ito kaya lulubos-lubusin ko na.

"Scuba diving?" Tanong nito nang matapos kami sa zipline.

"Sasamahan mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako.

"Let's go." Anito.

Nagpatianod ako sa binata. Naglakad kami malapit sa dalampasigan at nang makarating doon ay binitiwan nito ang kamay ko.

Naghintay lang ako habang kinakausap nito ang namamahala ng jet ski. At nang makabalik ito sa akin ay may bitbit na itong dalawang life jacket.

"Wear this." Anito at inabot sa akin ang isang life jacket.

Akmang isusuot ko iyon nang muli nito iyong inagaw. Sa pagkabigla ko ay ito mismo ang nagsuot ng life jacket sa akin.

Napatitig ako dito habang seryoso ito sa pag-aayos ng life jacket ko.

"Thank you, Jastin." I murmured. Salamat sa napakagandang araw na ito.

He didn't speak and he just wear his own life jacket.

Napatingala ako sa langit at nakita kong makulimlim ang kalangitan.

"Is it safe to do a scuba diving today? Wala namang bagyo, hindi ba?" Wala sa sariling tanong ko.

Sa sinabi ko ay napatingala din si Jastin sa kalangitan.

"Walang sinabing may bagyo ngayon. And we're not doing a scuba diving today because we are lack of equipments. I will just tour you on the sea. But if you're that worried, let's cancel our-"

"No, it's okay." Pigil ko sa sasabihin nito. Minsan ko lang itong makakasama ng ganito kaya hindi ko ito palalampasin.

Sumunod ako dito nang maglakad ito patungo sa jet ski.

Sumampa ito doon at inilahad ang kamay sa akin para alalayan akong makasakay. Nang makasakay sa likuran nito ay kaagad nitong ipinuwesto ang magkabilang kamay ko sa beywang nito. Parang niyayakap ko tuloy ito mula sa likuran. Para kaming magkasintahan sa posisyon naming dalawa.

He started the engine and minutes later, halos nasa kalagitnaan na kami ng karagatan. I enjoyed the view. May nakikita akong maliliit na isla. Tila virgin island ang mga iyon.

Muli akong napatingala sa kalangitan. Mas lalong naging makulimlim.

"Jas, I think we should go back. Mukhang uulan." Sambit ko.

Akmang magsasalita pa ito nang biglang tumigil ang jet ski na minamaneho nito.

Narinig ko ang pagmura nito.

"What happened?" Nag-aalalang tanong ko.

"Mukhang nasiraan tayo." Tugon nito at muling napamura.

"Bakit nasiraa-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.

"Fuck!" Jastin cursed as he was trying to start the engine.

Pero nakailang subok na ito ay hindi pa rin gumagana ang jet ski. Palakas ng palakas na rin ang pagbuhos ng ulan.

Ilang minuto kaming naroon at kinakabahan na ako dahil palaki ng palaki ang mga alon at ramdam ko na ang pag-alog ng jet ski na sinasakyan namin.

And in just snapped of a finger, a big wave came to us.

Naramdaman ko ang malakas na pagbagsak ko sa dagat. Hinahampas ako ng alon.

"Jastin!" Tawag ko sa binata nang hindi ko ito makita.

Ang tanging nakikita ko lang ay ang jet ski na ngayon ay nakataob na sa dagat.

"Jast-" Muli akong hinampas ng malakas na alon. Nakalunok ako ng maraming tubig na halos ikasuka ko.

At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang napakalaking bato sa harapan ko.

Mariin akong napapikit at hinintay ang paghampas ko sa malaking bato na iyon nang maramdaman ko ang malakas na puwersang humila sa akin mula sa kung saan.

To be continued...

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

4.7M 131K 47
MATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#7: Clyde Hernandez "If only I could go back to the past and change everything. I want to have you so bad but it...
6.5K 139 13
Matagal ng may pagtingin si Syrra Amber Montes kay Nicholas Herrero, ang apo ng business partner ng kaniyang lolo. Lumaki si Syrra sa puder ng kaniya...
124K 4.1K 31
WARNING: MATURE CONTENT INSIDE | EROTIC-ROMANCE | R-18 Liana has always been infatuated with her employer the first time she saw him. Nikolai Morgan...
ORGÁNOSI I: Broken Mask Od C.C.

Všeobecná beletria

396K 29.9K 7
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...