His Millionaire

By Alisahjin

188K 3.3K 193

"Sa lugar kung saan hampas ng alon ang maririnig ko. Sa lugar na sobrang tahimik. That was my favourite place... More

Prologue
Chapter 1 : The Girl
Chapter 2 : The Old Woman
Chapter 3 : The Island
Chapter 4 : The Millionaire
Chapter 5 : Hiding Facts
Chapter 6 : Her Story
Chapter 7 : The Necklace
Chapter 8 : Confess
Chapter 9 : Doctor
Chapter 10 : The Newspaper
Chapter 11 : The Truth
Chapter 12 : For the last Time
Chapter 13 : The Governor
Chapter 14 : His Back
Chapter 15 : Pool Party
Chapter 16 : The Last Will
Chapter 17 : Be with Her
Chapter 19 : The Truth
Chapter 20 : Reincarnation
Chapter 21 : First Date
Chapter 22 : Ferries Wheel
Chapter 23 : The Dinner
Chapter 24 : Her
Chapter 25 : The Portrait
Chapter 26 : Paint of Love
Chapter 27 : Farewell
Chapter 28 : Memories
Chapter 29 : Her Wish
Chapter 30 : The Ending
Epilogue
Special Chapter
Author's Note!

Chapter 18 : Precious Smile

3.6K 75 6
By Alisahjin

•Hector's POV•

Totoy!ang tawag ng batang babae sa batang lalaki. Tinitigan niya ito na parang iniisip kung saan niya ito nakita. “Di ka namamansin sa akin.” ang malungkot na saad ng batang babae.

“A-ano nga ulit ang pangalan mo?” ang tanong ng batang lalaki sa batang babae.

“Mmm.” pumamewang ang batang babae na parang nagtatampo. “Ako si Gigi. Yung batang nakalaro mo kahapon.”

“Oo. Ikaw nga iyon.” ang tila masayang sabi ng batang lalaki ng maalala ito.

Malapad ang mga ngiti ng batang babae at nagulat na lamang ang batang lalaki ng bigla siya nitong halikan.

“Kadiri ka.” ang daing ng batang lalaki dahilan para humagalpak ng tawa ang batang babae. “Isusumbong kita kay Ate.”

“Hihi. Nakakatawa ka Totoy.”

“Bat mo ko hinalikan!?” ang daing ng batang lalaki.

“Sows! Para halik lang! Di ka ba hinahalingan ng Mommy at Daddy mo? Ang arte mo ha.” ang paliwanag ng batang babae sabay cross arms nito.

“Masama yun! Hindi naman kita syota.”

“Edi syota na tayo.” ang pahayag ng batang babae na siyang kinagulat muli ng batang lalaki. Napahagikgik na naman ng tawa ang batang babae at tuluyan na ngang nainis ang batang lalaki dito.

“Isusumbong kita!”

Malulutong na tawa lang ang naging sagot ng batang babae.

“Hector! Hector!” nagising ako dahil sa nagtatapik sa mukha ko. Si Ate na nakakunot ang kanyang noo.

“Hindi mo dapat tinutulugan ang trabaho mo. Hindi ka pa ba uuwi? Almost 7 o'clock na.” ang pahayag ni Ate at doon lang ako nahimasmasan.

Agad kung tiningnan ang relo ko at 7 o'clock na nga ng gabi. Nakatulog pala ako after ng meeting ko kay Governor Chavez.

“Pasensya na Ate. Antok na antok ako.” ang saad ko sabay dampot ng mga papers na nasa table at inayos ito.

“Sasabay ka ba sa akin pauwi?”

“Mauna ka na Ate. Kailangan ko pang dumaan ng ospital.”

“Ospital?” ang kunot-noo niyang tanong. “Napapadalas ata yang pagpunta mo sa ospital!? Lagi ko na lang pinagtatakpan ang kalokohan mo kila Mom and Dad.”

“Ate alam mo naman diba? Kapag ipinaalam ko kila Dad ang totoo pipigilan nila ako.” inilagay ko sa drawer ang mga papel na hawak ko at saka nagpatuloy sa pagsasalita. “Kinausap ako kanina ni Governor. Humihingi siya ng tulong sa akin.”

Pinaliwanag ko kay Ate ang napag-usapan namin ni Governor Chavez kanina. Nagulat pa nga ito sa kanyang nalaman at hindi na kumuntra pa. Siya na lang raw ang bahalang magpalusot kila Mom and Dad kung nasaan ako.

Excited na kong makita siya at mayakap ng walang pumipigil sa amin.

Sa tuwing naaalala ko ang pahayag ng ama ni Georgina ay sobra akong nalulungkot kahit na hindi pa ganon katagal ang pagkakakilala ko sa kanya. Alam ko at alam ng puso ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan nila.

Kahit sa konting panahon ay makatulong ako para maging masaya si Georgina.

Sabay na kaming pumunta ni Ate sa parking area kung saan nakapark ang mga sasakyan namin. Nagpaalam na ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Buti na lang talaga at nagkaroon ako ng kapatid na maunawain at napaka supportive.

Kasabay ng pagtakbo ng sasakyan ay ang pagbagsak naman ng unti unti ng ulan. Ulan na papawi ng kalungkotan.

Ang ulan na sasalo ng lahat ng gumugulo sa iyong isipan. Ang ulan din ang dahilan kung bakit nagagawa nating maging kalmado.

Naalala ko tuloy ang kabataan ko kapag umuulan ay nasa loob lang kami ng bahay ni Ate. Pinapanuod ang mga batang nagtatampisaw sa tubig ng ulan. Gustong gusto kong maranasan ang maligo noon pero hindi pwede. Baka raw mapano kami sa labas. Sa shower na lang daw kami maligo at isipin na ulan iyon. 'Yan ang laging pahayag ni Mommy sa amin noon ni Ate.

Binuksan ko ang stereo at tahimik na nakinig sakto naman ang kanta dahil sa maulan.

Bakit kaya ang sarap mag senti kapag umuulan?

Dinala ako ng aking isipan sa tagpong ayukong makita. Ang tagpong hindi ko na siya masisilayan kaya mabilis kong pinatay ang stereo. Umiling-iling pa ako dahil sa takot.

Sana hindi na dumating ang araw na iyon. Ayuko!

Ginawa kong kalmado ang aking sarili ng bumaba ako ng sasakyan. Nawala na din paunti-unti ang ulan kaya hindi ako masyadong nabasa ng lumabas ako ng sasakyan. Tuloy tuloy akong pumasok sa loob ng ospital. Kung dati pag-apak ko pa lang sa ospital ay kabadong kabado na ako. Ngayon, wala ng takot sa aking dibdib bagkus ay excited pa ako. Excited na makita siya.

Nakita pa ko ni Dylan at pinigilan na wag ko ng ituloy ang gusto kong gawin dahil hindi rin ako makakapasok pero hindi ako nakinig sa kanya. Kung dati maraming gwardiya sa labas ng kwarto ni Georgina, ngayon ay kahit isa wala ng tao roon.

Kinakabahan pa ako pero buo na ang aking loob. Gusto kong gawin lahat kahit sa huling sandali niya dito sa mundo.

Marahan akong kumatok at huminga ng malalim. Bumungad sa akin ang isang ginang na sa tantiya ko ay nasa 40's na ito. Isang makahulugang tingin ang ipinukol niya sa akin saka niya nilawakan ng bukas ang pinto. Doon ay nakita ko si Cristine.

“Mommy sino 'yan?” ang tanong niya sa ginang na nasa harapan ko.

Ngayon ko lang din napagtanto na maganda rin ang ina ni Georgina. Kahit na may edad na ito. Mababakas pa rin sa kanyang mukha kung gaano ito kaganda.

Dahan dahan kong inihakbang ang aking mga paa. Mga hakbang na sobrang bigat. Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo. Idagdag pa ang kaba sa aking dibdib. Para ngang tumigil ang bawat minuto sa aking paghakbang. Deretso akong nakatingin sa kanya. Sobra akong nahahabag sa kalagayan niya. Nakatingin siya sa iisang direksyon at hindi lumingon sa akin. Inulit niya pa ang tanong niya kanina.

Nang makalapit na ako sa kanya ay malaya ko siyang napagmasdan. Malalim ang kanyang mga mata. Ang laki ng kanyang ipinayat. Ang maputla niyang kulay sa kanyang labi.

“Hindi na nakakakita ang isa niyang mata. Malabo na rin ang isa niya pang mata. Mahina na rin ang kanyang pandinig. Nawawala na rin ang kanyang pakiramdam. Idagdag pa ang paunti-unting pagkawala ng kanyang memorya.” ang emosyonal na saad sa akin ng ginang.

“M-Mommy! Sino ang kausap mo?” ang nanghihina nitong tanong.

Nilakasan ko ang aking loob at naupo kaharap niya. Nakahiga siya at pilit na inaaninag ang aking mukha. Marahan kong kinuha ang kanyang kamay at idinampi ito sa aking mukha. Kinakapa-kapa niya ito na parang kinakabesa at doon niya ako nakilala.

“M-mister?” ang tugon niya.

“Oo ako nga.”

“P-paano?” marahil iniisip niya kung paano ako nakapasok sa loob.

“K-kumusta?” nagsimula na akong mangatal dahil sa sobrang emosyon. Sobrang hirap tingnan ng kanyang kalagayan.

“Okay lang ako Mister. Mabuti naman at dumating ka.” hindi nakawala sa aking paningin ang pagguhit ng kanyang ngiti. “Mahina na ako Mister. 'Wag mo na akong alalahanin. Kalimutan mo na ako. Ayukong masaktan ka.”

“Hindi!” hinawakan ko ang kanyang mga kamay. “Sasamahan kita hanggang sa huling sandali mo. Diba I promise?” ang saad ko.

Nakatitig ako sa mukha niya at inaantay na dumaloy ang luha sa kanya pero wala akong nakitang luha mula sa kanya. Instead, tahimik na napapaiyak sa isang sulok ang kanyang ina.

“Promise? Minsan kailangan mong sirain iyon para sa ikabubuti mo.”

“No! Promise is a promise!” ang sabi ko. Hinalikan ko ang kanyang kamay na hawak ko. Hinaplos haplos ko pa ang kanyang buhok. Akala ko magpupumilit pa rin siya sa kanyang nais kaya sa huli ay pumayag na rin siya.

Natigil kami ng dumating ang nurse. Inaya naman ako ng ina ni Georgina palabas ng kwarto. 

“Sir---”

“Hector Ma'am” ang saad ko.

“Hector. Maraming salamat. Lagi ka niyang hinahanap at ikinukwento sa amin. Napakabuti ng iyong kalooban. Maraming salamat at nakilala ka ng aking anak. Kung may gusto kang gawin kasama ang aming anak, malaya mo itong magagawa. Pinagkakatiwala namin siya sayo. Gawin mo ang lahat para maging masaya siya sa huling sandali ng kanyang buhay.”

“'Wag po kayong mag-alala. Napamahal na sa akin ang anak ninyo.” saad ko at niyakap ko ito upang maibsan kahit paano ang bigat sa dibdib na kanyang dinadala.

Ikweninto rin sa akin ng ginang ang plano nilang iuwi na sa kanilang mansyon si Georgina. Ititigil na rin nila ang treatment at paggagamot kay Georgina. Tanggap na din nila kung saan hahantong ang lahat. Doon din naman raw tayo mapupunta. Pinaghahandaan na nila ito anytime na kunin na nga si Georgina.

Doon ay nakita ko muling umiyak ang ginang. Masakit para sa isang ina na makitang nahihirapan ang kanilang anak. Masakit sa isang ina na tanggapin ang katotohanan. Ang ina ang mas higit na nasasaktan at nahihirapan kapag may sakit ang kanilang anak. Daig pa nila ang nakikipaglaban sa gitna ng digmaan sa sobrang pag-aalala. Daig pa nila ang nakikipagpatayan para sa paggaling ng kanilang anak. Sila ang labis na nahihirapan sa lahat.

“'Wag mo sana kaming sisihin kung bakit kailangan na naming itigil. Naaawa na ako sa anak ko. Hindi na kaya ng kanyang katawan. Sobrang hirap nito para sa isang ina na kagaya ko.”

“Alam ko po iyon. Magpakatatag po kayo at ihanda ang inyong sarili.”

Mas lalong napahagulhol ang ginang habang malaya niyang naihahayag ang bigat na kanyang dinadala.

Naisip ko, kahit anong rangya ng iyong pamumuhay kapag dumating ka sa point na ganito ay walang salapi o kapangyarihan ang makakasalba sa sarili mong buhay. Hindi karangyaan ang sukataan ng tao kundi kung paano ka mawawala sa mundo.

Sabi nga nila, kahit anong yaman mo kapag kinuha ka na ng diyos ay hindi mo madadala ang lahat ng yaman na meron ka. Wala pa ring hihigit sa ating panginoon.

Pinalakas ko ang loob ng ginang hanggang sa maging okay ito.

“Salamat iho.”

VOTE and COMMENTS :)

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 192 49
Garien Klein Guavas ay nag-iisang nagmamana ng Guavas Resort and Restaurant na pag-aari ng kaniyang Lolo. Ngunit mapupunta lamang ito sa kaniya kung...
39.2K 1K 39
Dalawang taong pinagtagpo na parehong nasaktan dahil sa pagmamahal. Magigising sila isang araw that they we're Accidentally get Married. Nagsimula...
260K 3K 39
"Gaganti ako, bwisit na lalaki yun pinaglaruan ang ate ko... Humanda ka Ed Guevarra". Yan ang pangako ni Alex sa sarili niya.. Gagawin n...
478K 11.8K 37
Taylor klinn el ruego -she belongs exclusively to me, no one else is permitted to claim her from me. You must pass through my coffin before you can t...