COMPLETED Once Upon A Neighbo...

By AuraRued

264K 3K 423

Teenage Blessie always had a feeling that Seb de Chavez had feelings for her until one day she becomes convin... More

Introductory Chapter
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
End

Part 13

2.3K 60 10
By AuraRued

GINAWA ni Blessie ang lahat para iwasan ang madalas na pagkikita nila ni Seb nang hindi masyadong halata. Ayaw niyang magtaka ito dahil wala itong ideya sa kanyang pinagdaanan.

Pabor naman sa kanya ang panahon dahil simula noong tumuntong siya ng kolehiyo ay nabawasan na ang paggala niya. Maging ito ay naging abala na rin sa pag-aaral dahil magtatapos na ito.

They text, kapag may importanteng sadya. He never miss sending her greetings during special occasions. At bilang paggalang ay nagre-reply naman siya, after all ay may pinagsamahan pa rin sila.

She did her best to forget the feelings, told herself that it was just a puppy love. Lahat naman ay dumadaan doon. Pero hindi siya masyadong tanga para hayaang maulit ang ganoong kabiguan.

Kadugtong na ng pangalan ni Blessie ang kanyang slogan. At pinanindigan niya iyon sa paglipas ng mga taon. Lahat ng mga nanligaw sa kanya na kaklase o kapitbahay ay bigo. May six packs, crush ng bayan, MVP, o lakambini ng paaralan, pero sorry pa rin. Kaya wala nang nagtangkang manligaw sa kanya sa kanilang subdivision.

"'Ma! Nakita mo ba 'yong pulang Jordan ko na sapatos sa kuwarto?"

"Aba'y nandiyan lang iyan, Sebastian. Hindi ko naman ginagamit iyang Jordan mo, baka nasa mga karton," sabi ni Tita Maggie.

Natigilan si Seb nang mapatingin kay Blessie, parang hindi nito inakala na madadatnan siya roon.

"Hi, Seb!" bati ni Blessie. Binigyan niya ito ng malapad na ngiting hindi umabot sa mata. Hindi sumagot si Seb bagkus ay mataman lang na nakatitig sa kanya. Naasiwa si Blessie kaya kinuha niya ang tupperware mula kay Tita Maggie at humiwa ng dessert.

'Ano'ng nangyari sa taong 'to? Ba't ganyan makatingin?'

Lumayo ito ng dalawang taon dahil na-asign sa trabaho sa kung saang lupalop na malayo sa kanila. Pero OA na natigilan talaga ito nang makita siya. Hindi ba siya nakilala agad nito? Tinitigan pa siya nang head to foot.

Umikot si Blessie sa kabilang parte ng mesa at hinarap ang pagkain.

"Nico, halika, saluhan mo na ako," yaya niya sa binatilyo na dumulog naman sa mesa. Kumilos din si Seb at ginaya ang ginawa niya, lumapit ito kung saan nakapuwesto ang upuan nila.

"Tol, doon ka," nguso ni Seb sa kabilang silya. Tila robot naman si Nico na dinampot ang pinggan at lumipat sa itinurong lugar.

"Seb, 'di ba katatapos mo lang kumain?" nagtatakang tanong ni Maggie sa anak.

"Hindi pa ako nagde-dessert, 'Ma," sagot nito na humiwa ng mango float. "Kumusta ka na?" tanong ng binata pagkuwan kay Blessie.

'A, nakakakilala naman pala.'

"Okay naman, ikaw?" tipid niyang sagot na bahagyang tiningnan ang lalaki.

Nabigla si Blessie nang ilapit ni Seb ang mukha sa kanya, kaya by instinct ay napalayo siya rito. Mula noong nagdesisyon siyang iwasan ito ay hindi na siya ganoon kakomportable na mapalapit sa binata. 'Ika nga, nagtayo siya ng konkretong pader sa pagitan nila.

"Ang motto mo, standing pa ba hanggang ngayon?"

"Ano?" naguguluhan siya kung bakit bigla nitong natanong ang bagay na iyon.

"No classmates and no neighbors?"

"Standing pa, Kuya," si Oliver. "Mas matayog pa sa World Trade Center."

"Bakit ba nagka-allergy ka sa kapitbahay? Ayaw mo n'on? Convenience wise, no to pamasahe, one call away, and most of all, kaya mo ng gawan ng biography."

"Ayaw ko nga. Hassle, period. Ano naman sa 'yo kung ganoon ang motto ko? At bakit ba 'yan ang napili mong pag-usapan?" mataray niyang sagot at uminom ng tubig.

Pero walang epekto rito ang pagtataray niya.

"'Ma," tawag ni Seb sa ina na nagsasalansan ng mga laman sa ref. "Ibenta mo nga 'tong bahay nang makalipat na tayo," saad ng lalaki. Ipinatong nito ang kamay sa sandalan ng silya ni Blessie kaya lalong na-conscious ang dalaga, para na rin itong nakayakap sa kanya.

"Tumigil ka nga, Sebastian! Tita, oh," sumbong ni Blessie kay Maggie.

"Kayo talaga, para pa rin kayong mga bata. Pero sige, Seb, kakausapin ko si Mareng Nene, maraming kilalang buyer 'yon," gatong naman ng tita niya. Makulit din ito at hindi lingid sa kaalaman niya na gusto nitong maging tunay siyang anak.

"Si Tita naman, ginatungan pa," tatawa-tawa ito.

"Bakit ba? Puwede namang totohanin," dagdag ng ginang.

"Ay, ewan ko sa inyo. Buti pa, Seb, tulungan mo 'ko sa problema ng committee."

"Bakit? Anong meron?"

"Kailangan namin ng isa pang referee. Nag-back-out kasi ng last minute, e. Teka, may ideya ka ba sa pagre-referee?"

"Aba, are you just-just-ing my abilities, sweetheart? Three years consecutive MVP, how's that?"

"Wow, nakakakabag ang hangin, pahingi ng efficascent, Nic." Natawa naman ang bunsong lalaki. Hindi nakaligtas sa pansin niya ang endearment na ginamit nito. Ngayon lamang siya tinawag nang ganoon ni Seb kaya nakakapanibago. May mga maliliit na parte ng loob niya na naglulundagan, sinaway naman agad niya ang sarili.

"Pero sige, game ako diyan!"

"Sigurado ka? Mamayang alas-sais."

"At your service, my princess, nanginginig pa," anitong yumuko at nilagay ang kamay sa dibdib.

Hindi maiwasan ni Blessie ang mapailing sa tinuran ni Seb. Ano ito, close na sila uli?

"I LOVE YOU, referee!" hiyaw ni Maria. Ang kapitbahay nilang inangkin na ang lahat ng allergies na mababasa sa libro. Makati, e! Kung siya, Strictly No to Neighbors, para dito ay Love Your Neighbor as You Love Yourself. Naturingang kapangalan ni Virgin Mary pero diskumpiyado siya kung uso pa ba ang salitang iyon para dito.

"Walang kupas ang karisma ng best friend mo, Blessie," saad ni Felicity. Nasa lamesa sila ng committee corner, pinanonood ang laro.

"Hindi kami best friends," kaila niya na hindi tinapunan ng tingin ang kaibigan.

"Ow, hindi ba? Ano pala ang ibig sabihin ng closeness n'yo noon?"

"Magkababata lang kami," pagtatama niya. Iyon ang kumintal sa isip ni Blessie simula nang gamitin ni Seb ang salitang iyon para pangalanan ang relasyon nila.

"Aaah, okey," tango ng kaibigan. "Buti na lang napapayag mo siyang mag-sub kung hindi, siguradong problema."

"Si Carlos nga pala? Ba't 'di mo siya sinubukang kontakin?"

"Busy kasi, may audit daw sa office."

Nang tumuntong sila ng college ay nabalitaan na lang ng grupo na mag-on na ang magkaaway. Napapangiti na lamang si Blessie sa tuwing naaalala ang nakakatuwang walang humpay na bangayan nila noon.

'Sino kaya ang unang naglabas ng white flag?'

Nasorpresa pa silang lahat dahil naging maganda ang relasyon ng dalawa. Hanggang ngayon nga ay feeling blessed and getting stronger ang status ng mga ito.

Gabi ng parehong araw nagtipon-tipon ang magkakabarkadang Seb, Jeric, at Aki sa Omylabs kasama si Ellis, ang anak ng may-ari ng tindahan. Nagkakatuwaan ang grupo sa pagkukuwentuhan habang sinasabayan ng kaunting inuman.

Maya-maya ay nahagip ng paningin ni Ellis ang magkaibigang Felicity at Shiela.

"O, sina Felicity."

"Papuntahin mo dito para may katulong tayo nito," tukoy ni Aki sa inumin. Tinawag ni Ellis ang dalawang babae na nagpaunlak din.

"Bakit kayo lang?" tanong ni Seb.

"Naiwan si Blessie sa court, may inasikaso lang saglit, susunod na din 'yon. Paki-text mo na lang, Shie, na nandito tayo."

Ilang sandali pang pakikipagkuwentuhan ay nakikita na ni Shiela ang pigura ni Blessie na papunta sa tindahan.

"Akala ko next month pa ang balik mo, p're?" tanong ni Jeric kay Seb.

"Supposedly, kasi hindi pa tapos ang final endorsement transition doon. Kaso, uwing-uwi na ako kaya nauna na ako. Gusto ko ding makahabol sa pista."

"May nami-miss ka lang siguro dito," asar ni Shiela.

"Baka naman si Blessie ang inuwian mo, p're?" si Aki.

"Excuse me, tumigil na kayo, nandito na ako," sabi ni Blessie na kumuha ng upuan at tumabi kay Shiela.

"Sa totoo lang," sagot ni Seb.

"Oooow," sabay-sabay na sambit ng magbabarkada. Napatakip ng bibig si Felicity habang sumisiko kay Shiela, nakangisi naman nang nakakaloko ang mga lalaki. Pinaikot ni Blessie ang mga mata para ipakita sa mga ito na walang epekto sa kanya ang pasaring na ginawa ni Seb.

"Magpapasukat na ba kami?" si Felicity.

Nagkibit-balikat si Seb. "Takot pa siya sa kapitbahay, e," dagdag ng binata.

"Bakit nga pala ayaw mo sa kapitbahay, Blessie?" si Ellis. "Mas maganda 'pag ganoon, kilala mo na ang background."

"Precisely, mas shorten ang getting to know each other," sang-ayon ni Felicity.

Pinili ni Blessie na hindi na sagutin si Ellis. Dinampot niya ang baso na may lamang beer at dinala sa bibig.

"Huwag na nating pag-usapan ang hindi kaaya-ayang memories. Enjoy lang tayo, happy lang!" saad ni Shiela.

Alam ng dalawa niyang matalik na kaibigan ang istorya ng kanyang unang heartbreak. Depress-depress-an siya noon kaya hindi napigilan ng dalawang mangulit. At dahil wala siyang ibang mapaghingahan ng sama ng loob ay nasabi niya sa mga ito ang totoo.

LONG arms, strong legs, sexy butt, katawang alaga sa ehersisyo. Nama-magnet ang mga titig ni Blessie sa kanina pang naglalarong si Seb. Kasama nito ang ibang residente ng subdivision. Naroon din ang sports committee para ayusin ang mga kagamitan ng gym matapos ang pista. Nasa stage sila at kasalukuyang tinatanggal ang mga decoration na ginamit sa nagdaang selebrasyon.

Natapos na yata ang laro ng mga ito kaya nagpahinga sa gilid. Pinuntahan ni Seb ang backpack na inilagay sa bench at kumuha roon ng puting tuwalya. Lalong nalaglag ang mga panga ni Blessie nang hubarin nito ang pang-itaas na jersey at basta na lang isinuksok sa bag. Lantad sa uhaw niyang paningin ang nangingintab na katawan ng lalaki sanhi ng pawis.

Maputi si Seb, mas maputi kung ikokompara sa kayumanggi niyang balat. Kaya namumukod-tangi ito lagi sa kumpol ng mga lalaki. Pero hindi naman ito iyong tipong mukhang bakla. Dahil medyo balbon ang mga kamay at binti nito at kahit ang kilos nito ay lalaking-lalaki. Kaya hindi niya masisisi ang mga kering babae at binabae sa tuwing maglalandi ang mga iyon.

Tinuyo nito ang katawan gamit ang tuwalya kaya nasundan ng kanyang mga mata kung paano maggalawan ang mga muscle nitong tila perpektong hinubog.

'Sheeet!' Ano kaya ang feeling niyon sa mga kamay niya?

"Ang laway natin, friend, asikasuhin. Sumasayad na sa sahig," pukaw ni Felicity sa pagpapantasya ni Blessie. Awtomatiko niyang pinahid ang gilid ng labi sa pag-aakalang may tumulo ngang laway. "Bakit ba kasi pinipigilan mo ang feelings mo? Halata namang dead na dead ka pa rin sa best friend mo."

"Hindi nga kami best friends."

"Whatever," anang babae na iwinasiwas ang kamay. "Ang gusto kong sabihin, loka-loka ka. Nagtayo ka ng slogan na No to Neighbors e sa totoo lang, si Seb ang iniiwasan mo. Look at you now, tulo-laway. Ngayon pa lang sasabihin ko na sa 'yong mabibigo ka. Sa hitsura mo ngayon? Asus!"

"Bakit? Ano ba'ng hitsura ko?"

"Magsalamin ka nga, friend. Isang pirma na lang, bibigay ka na, e." Iiling-iling na hinarap nito ang pagtatanggal ng letra sa dingding.

Totoo bang ganoon kahiya-hiya ang hitsura niya? Buti na lang at hindi iyon nakita ni Seb kung hindi siguradong mapapahiya siya.

Continue Reading

You'll Also Like

47K 1K 44
Pinky promise ang madalas na ginagawa ng mga bata sa tuwing sila ay nangangako. Paano kung ang isang batang pangako ay pinanghawakan ni Laine hanggan...
924K 56.6K 93
Hello Duology, Book #1 || Just when I thought I got over from the ghost of the past, another person started haunting me.
69.6K 2K 28
BEAUTIFUL LIARS SERIES #2 MISS EAVESDROPPER >>Jhoe Ann (Jhoey) Adorable>>>>>>>>>>>>>>> Anthony x Jhoey Lovestory credits to cas @Iamacoy for the cover
42.4K 1.9K 44
He's twenty two. She's fifteen. Theirs is a love story forbidden and unaccepted by society. She's too young to be in love. He's too old for her. Will...