A Campus Story

By CindyWDelaCruz

4.4K 61 0

They are all freshman with fresh dreams, but along the way, they will encounter different struggles, new kind... More

Prologue - First Day Hay!
Chapter Two - Kiss by Kiss
Chapter Three - Acquaintance Party
Chapter Four - Sino ang salarin?
Chapter Five - The Great Escape
Chapter Six - Dahil sa pagiging Tsismosa
Chapter Seven - Sa Loob ng Rest House
Chapter Eight - Hindi Ako Nakasagot, sa Halip ay Tumango
Chapter Nine - Student Council Election
Chapter Ten - It's Worth a Try Anyway
Chapter Eleven - Poprotektahan Kita
Chapter Twelve - Everything at its Right Place
Chapter Thirteen - Balik sa Pagyoyosi
Chapter Fourteen - Noong Nasa Highschool Ako
Chapter Fifteen - Life is Full of Contradictions
Chapter Sixteen - Isang Araw Bago ang Sportsfest
Campus Seventeen - Go Go Go!!!
Chapter Eighteen - Away na itich!
Chapter Nineteen - Chill Muna Saglit
Chapter Twenty - Movie Marathon

Chapter One

409 3 0
By CindyWDelaCruz

I'm so confuse...

I know its now over between us,

but how come i can’t forget you?

How come i get hurt when i see you with someone else?

Perhaps you still have a space in my heart that says,

"love pa rin kita kahit la ka na..."- txt msg

Candy Chan       

                 OMG, I’m gonna be late! Bakit ba naman kasi ako napuyat kagabi eh. Nakakinis naman o. 5th floor, I need to reach the 5th floor quick. Mabilis kong inakyat ang hagdan. At pagdating ko doon ay sakto namang nag sara ang pintuan. Gusto kong pumasok but I guess the door is locked already. Algebra subject pa naman yun at kilala ko si Prof. Lina. Di siya nagpapapasok ng mga late dahil siguradong mapapahiya ka lang. Nagdesisyon na akong wag na pumasok. Nakakainis, ayoko pa namang uma- absent sa mga klase ko. I decided to go to the nearest carinderia. Di kasi ako nagalmusal so I just grab the chance. Nakakapanghinayang man pero siguro itatanong ko na lang kay Mayel ang assignment. Sabi nga ng nabasa ko sa ABNKKBSNPLK by Bob Ong, di naman yun makaka apekto sa buong buhay mo, I mean yung di pag pasok o di paggawa ng assignment mo ng isang beses. Tama.

                Isa sa pinaka paborito kong spot around the school ay yung carinderia ni Aling Martha. Masarap siyang magluto ng paborito kong sisig or bicol expres. “Isang order po ng sisig with soup!” sabi ko kay Aling Martha. Pinanood ko ang mga jeep sa harap ng carinderia. Medyo traffic at mukhang uulan na naman. Wala pa naman akong dalang payong. Maya- maya lang dumating na yung in-order kong sisig.. Grabe gutom na gutom na ako. Mabilis akong sumubo dahil paborito ko ang sisig.

                “Wow! Takaw naman!” muntikan na akong mabilaukan sa pagsulpot ni Mart. Agad akong uminom ng tubig.

                “Ano ba, balak mo ba akong patayin?” Hinagod niya ang likod ko.

                “Sorry love-”

                “Love ka dyan?” muntikan pa akong mabilaukan ulit sa itinawag niya sa akin. Peo kinilig naman ako bigla. Ano ba naman ‘tong taong ‘to? Nagptauloy na lamang ako sa pag subo ng kinakain ko at baka mahalata ako.

                “Akala ko ba may klase ka?”

                “Na- late ako eh, lam mo naman si Prof Lina. Tsaka ngayon na ako nag almusal. Tara kain tayo. Teka, wala ka bang klase?”

                “Walang Prof eh.”

                “Ganun? Pwede ba yun?”

                “Yeah, alam mo naman tamad yung mga department namin. Nagpaa- attendance lang kami eh.” sagot niya. “Buti na lang nakita kita, may tatanong kasi ako eh.”

                “Ano naman yun?”

                “Uhm, ngayong Sabado na kasi yung acquaintance party. Pupunta ka ba?”

                “Oo naman. Pupunta kami ni Mayel. Ikaw? Sama ka? Di ka naman mahilig sa mga party di ba?”

                “Pwede din naman ako sumama eh, lalo na kung isasama mo ako.”

                “Talaga? Pupunta ka sa acquaintance party?” gulat kong tanong. Ano naman kaya ang pumasok sa utak nitong si Mart. Aba’y di naman siya mahilig sa mga ganito ah. Ang hilig niya lang naman ay mag computer.

                “Oo ba. Ako ang magiging escort mo?”

                “E-escort?”

Mayel Dominguez

                 “Hi Mayel!” masayang bati sa akin ni Shaina. Tumabi siya sa akin sa Gen. Psy subject namin. Iyon ang isa sa mga subject na di kami magkaklase ni Candy. Humarap ako sa kanya at ngumiti.

                “Hello Shaina.” bati ko naman. Ano naman ang gusto niya sa akin? Never niya naman akong pinansin before ah. So feeling niya ngayon, close kami? Hmp!

                “Well, may tatanong lang naman ako. Kung naka move on ka na ba from your break up with Jake? Kasi alam mo yun, mahirap na. Medyo MU kasi kami ngayon eh. You know, mutual understanding. Nagkakamabutihan na kami. At nasa iisang school pa naman tayo, mahirap na yung nagkakailangan tayo.” Ano ba? Nakakaasar naman ‘tong babaeng to. Masyado siyang feeling. Ang kapal! Ang sarap niyang sabunutan. Mayel, di ka pa dapat magpa- apekto. Hindi dapat. Sinubukan kong kontrolin ang sarili ko at saka ngumiti.

                “Actually, matagal na din naman yun eh. A month? And three months lang naman kami di ba? So move on na talaga ako. Alam mo naman siguro we’re not really meant to be. At kung sakaling maging kayo man, then I would be very happy for you, for both of you.”

                “Sure ka, Mayel? Kasi kahapon nakita kita na parang nagdadamdam pag nagkakasama kami ni Jake.”

                “Huh? Hindi ah! Medyo nagugutom na kasi ako, noong umaga ba yun? Di ako nakapagalmusal. Oo tama, tama. Gutom lang ako.”

                “Ah okay, naninigurado lang naman kasi ako eh. Mahirap na di ba? Wag kang magalala, ibibigay ko sa kanya ang pagmamahal na sana ay ibinigay mo sa kanya noong kayo pa. “

                “Sige, good luck sa inyo ni Jake ha.” plastic kong sagot. Ang kapal niya, grabe!

             Nakakainis. Tama ba yung sinabi niya sa akin. Masyado siyang feeling ha. Anyway, medyo totoo naman kasi yun no. Talagang nanghinayang ako nang malaman ko na MU na sila ni Jake. Ganoon na ba taste niya ngayon, ah? Bakit ba kasi di ko na lang siya makalimutan tulad ng iba kong mga naging ex. Siguro dahil kakaiba si Jake sa lahat. Gentleman siya at ni minsan di niya ako tinake advantage. Yung ibang lalake kasi diyan kakasagot mo pa lang eh makikipoints na agad. Iba si Jake. Umabot pa ng one month bago ko natanggap ang first kiss namin. Okay naman kasi kami pero noong 3rd month na namin bigla na lang siyang na-praning. Agad siyang nagseselos pag may lumalapit sa aking mga lalake kahit wala naman silang intensyon. Pinagtataka ko talaga yun na kahit itanong ko sa kanya kung bakit o kung wala na ba siyang tiwala sa akin, bigla na lang umiinit ang ulo niya. Alam kong may dinadamdam si Jake at sa ngayon pinagsisisihan ko na iniwan ko siya sa oras na mas kailangan niya ako. Kailangan kong mag imbestiga kung ano ang bagay na iyon kung meron man at kung hindi pa huli ang lahat. Pero paano ko iyon gagawin kong malapit na maging sila ni Shaina? God, bakit ba ngayon ko lang naisip to?

Rainier Lacosta

                Tahimik akong naupo sa Social Science subject ko, magulo ang isip. Kahapon, pumunta kami ni Jake sa mall at nanlibre ako. Madami kaming napagusapan. Guy talk kumbaga, nalaman kong nagka- girl friend siya named Mayel which is three months ang itinagal nila. First girlfriend kaya talagang malaki ang expectation sa kanya ni Jake. Natapos daw ang relationship dahil madami pa daw siyang dapat malaman tungkol sa love at sa sarili niya din. I found that reason so weird. May ganun ba? Pero at least mabuting tao pa din siya dahil hindi niya sa iba ibinuntong yung dahilan, inamin niya pa din na kasalanan niya. Nagka- syota na naman ako pero they were all short time, did not last kumbaga. Well, ang masasabi ko lang kay Jake ay isa siyang true companion. Mahilig tumulong sa iba kaya madalas tumakbo sa student election. At ngayon, balak niya uli tumakbo. Hay, enough thinking about Jake. Ano ka ba Rainier, are you gay? Oh, shut up.
Pinansin ko na lamang yung katabi kong girl. She's the emo type of a girl actually. "Hi!" bati ko. Di naman siya sumagot. She continued doodling on her note book. "Ano yan?"
                "Notebook, ano sa tingin mo?" sagot niya. Oops pahiya ako dun ah.

                “Alam kong notebook yan, I mean the one that you’re writing.”

                “Can’t you see, nagco- compose ako ng mga songs. “

                “Mahilig kang mag compose ng songs?”

                “Halata ba?” pamimilosopo niya.

                “Okay.” Bahala nga siya. Siya na nga ‘tong kinakaibigan, siya pa itong suplada. Nag focus na lamang ako sa dini- discuss ni Mr. Romel, ang prof naming sa Soc Sci. Si Mr. Romel ay yung uri ng prof na panot at masiglang- masiglang mag turo. Hanga din naman ako sa kanya. May suot siyang salamin na nasa ilong na niya-

                “Mr?”

                “Lacosta po.”

                “Mr. Lacosta, sa tining mo ba may karapatan bang mag pakasal ang mga lalake sa kapwa nila lalake, in your own opinion lang, what do you think?” tanong niya sa akin. Bigla akong kinabahan. Bakit ako? Wala akong pakialam doon. Arghh! As if I have a choice.

                 “Uhm, sa tingin ko po, people have the freedom to choose their own individuality so I guess, itshould be okay. We don’t have the right to judge anybody. So yes, payag ako.”

               

Mart Dela Serna

                "May kilala kang Candy di ba? Yung management student?" tanong sa akin ng isang mukhang goon na lalake. Semi kalbo siya at malaki ang pangangatawan niya. May suot siyang black t-shirt na may naka print na "i luv morenas!"
                "At ano naman ang kailangan mo sa kanya?" tanong ko. Mukha kasing di maganda ang motibo nito kay Candy.
                "Pare kasi cute siya e. I saw the two of you yesterday at ang ganda niya talaga. Anyway, I'm Alex." Di rin naman pala makapal ang mukha ng lalakeng 'to no.
                "Pare kilala mo ba kung sino kausap mo? Best friend ako ni Candy at di maganda ang kutob ko sayo. Now, back off. Di ko siya gusto para sayo." malumanay kong sabi. Di rin naman biro ang laki ng katawan niya no. Mahirap na mapaaway.
                "Best friend ka lang naman niya ah. Boyfriend ka ba niya para mag decide kung sino ang dapat na manligaw sa kanya? Di naman di ba? Kung di mo ko matutulungan, di bale na lang. Kaya ko naman atang-"
                "Don't you dare. Di ko lang siya bestfriend okay? Soon to be girlfriend ko na siya kaya please lang. Wag ka ng magpagod. Wala kang mapapala."
                "Oh really? Talaga lang ah. Tingnan natin. Anong sabi mo? Soon to be pa lang naman di ba? Meaning di pa kayo. May the best man win na lang pare." yun lang at agad na siyang nagmadaling lumabas ng canteen. Naman, ano ba nasabi ko? Soon to be boyfriend? Teka at bakit naman ba ako nakikialam. Di pa naliligawan si Candy. Baka maging sila ng gorilla na yun! Di ako makakapayag. Kailangang kumilos pero anong gagawin ko?

                “Candy!” sigaw ko nang agad kong natanaw si Candy palabas ng ladies room. Sinalubong ko  siya half way. “Buti naman at nakarating ka.”

                “Ano ba kasi yun? Bilisan mo at may klase pa ako.”  Tinext ko kasi siya agad at sinabi kong may sasabihin akong importante.

                “Uhm, ano kasi eh.. Wag kang magagalit ah. Di ko naman sinasadya eh-”

                “Mart, I’m in a hurry.”

                “Okay, okay. Sabihin mo sa akin na hindi ka magagalit.”

                “Okay, hindi ako magagalit.”

                “Favor ‘to okay?” Tiningan niya ako ng masama. “Okay, kasi there was this goon looking guy…” And so kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari kanina sa canteen. Nakinig naman siya sa akin ng mahinahon hanggang sa marinig niya ang conclusion ng favor ko.

                “What? Magpapanggap akong… GIRLFRIEND mo? Sure ka ba Mart?” nabigla niyang tanong. Kinabahan ako bigla. Ano kaya ang magiging desisyon niya? “You mean sa harap niya lang naman di ba?”

                “I guess.” sagot ko. Hay, Mart. Nakakahiya ‘to. Bakit naman kasi ang tanga- tanga ko? Dinamay ko pa si Candy sa kabalastugan ko. Nakakahiya, ako pa mismo ang nanghihingi ng pabor na tulad ng ganito sa kanya. Sana niligawan ko na lang siya dati para hin-

                “Okay.” naputol ang pagmumuni- muni ko sa sinabi niya. “Payag ako sa gusto mo mangyari.”

                “T- talaga?” nauutal tuloy ako at halos di makapaniwala.

                “Oo.” Di ko alam kung nagi- imagine ba ako but she’s blushing. “Pero may kondisyon.”

                “A- anong kondisyon?” tanong ko. Now, we’re getting somewhere.

                “Saka ko na sasabihin. Basta you owe me one.” aniya. “Kita na lang tayo mamaya.”

               

               

Rio del Grande

                 "Sorry but you're already late and I don't accept late students anymore."  Ani ni Ma‘am Wenona

                "But Ma'am is it my fault na traffic?" pagdadahilan ko. Traffic naman talaga at balak kong pumasok ng maaga kaso lecheng traffic yan! Di na ako pinagbigyang mag bagong buhay. Sabi na eh, kahit ang tadhana ay ayaw akong papasukin sa school.
                "Mister hindi dapat sinisisi ang traffic dahil alam mo naman ata na always traffic dito sa Pilipinas di ba? And please note 7 am ang klase not 7:45. Sa susunod na klase na lan-"
                "Pero Ma'am, sayang naman ang binabayad ng mga magulang ko para sa tuition ko tapos na traffic lang, ayaw niyo-"
                "You should also learn discipline iho." yun lang at isinara na ang pinto. Who ever said life is fair? Makapag yosi nga muna sa cr.
                Lahat ng sinabi ko kanina ay katotohanan pero minsan talaga mga guro pa ang gumagawa ng dahilan para di matuto ang mga estudyante nila. Pakirandam nila alam nila ang lahat at wala ng pinapakinggang excuses o kahit dahilan. Para sa kanila isa lang ang tamang sagot. Pero alam ko na ang tunay na buhay ay di ganoon. Dahil sa tunay na buhay maraming kasagutan, maraming paraan. Ayoko na talaga sa mga guro bata pa lang ako. Wala silang ibang alam kundi magsalita ng magsalita. Wala silang pakialam sa buhay ng estudyante nila, pero ilan ba talagang guro ang binibigay ang lahat matuto lang ang mga estudyante nila? Meron nga ba? Hay, ano ba yan? Feeling ko ang sama sama ko. Napatingin ako sa relo ko. Alas otso na pala at meron na uli akong klase. Papasok ba ako o ano? Hay, o siya makapasok na nga lang. Tumayo ako at tinapon sa bintana ang natirang puyos ng sigarilyo.

Miabelle Basco

                 "Okay, so lahat ba may ka-partner na?" tanong ni Ma’am Wenona. Tinaas ko agad ang kamay ko. 

                "Ako po, wala pang partner." I proudly proclaimed. "Okay lang naman po sa akin na ako na lang magisa sa project Ma'am." Yun naman talaga ang gusto ko. Buti na lang at odd number ang bilang ng klase na ito. Mahirap kasi magkaroon ng kapartner pagdating sa mga project. Hindi kasi magtutugma ang mga ideas.
                "Well, I think may isa pa kayong kaklase kanina di ba? Let me check his name on my records..." Oh no, yung lalakeng na late kanina? Siya ba yung tinutukoy ni Ma’am? Yung lalakeng sinisi pa sa traffic kung bakit siya na late? Uh oh, I don't like this.
                "Eh ma'am-"
                "Oh yes, he's Rio del Grande. You should talk to him. Siya ang magiging partner mo."
                "Siya po ba yung na-late kanina? Sure po kayo?"
                "Exactly. Kausapin mo na lang siya, I know you can deal with him."
                "Paano po pag ayaw niya?" pagbabakasakali ko. Oh God, maawa naman po kayo sa akin!
                "Well, then I'll be the one to talk him." sagot ni Ma’am Wenona. Ano ba naman 'to? Kaya ko naman kasing mag isa. Anyway, may choice ba ako? Ang project kasi ay gumawa ng ideal house. Now, bakit naman kasi nag advance pa ako sa Art appreciation sub eh!     

                “Uhm sige ako na lang po.”

                “Very good Ms. Basco.”

                Papunta ako sa library nang hapon na iyon. Magre- research lang sana ako dahil meron kaming isang project sa History nang bigla kong masalubong ang isang pamilyar na mukha na lalake. Naka baggy pants siya at white na shirt. Napansin ko din na bakat na bakat ang kanyang muscles. What am I thinking? Galing siya sa men’s room at amoy usok ng sigarilyo. Nagyo- yosi ba sya? Anong gagawin ko? Lalapitan ko ba siya o ano? I need to talk to him so bago pa siya makalayo, tinawag ko na siya agad. “Del Grande?” tawag ko sa kanya. Lumingon siya na parang nairita bigla na di malaman. “Classmate mo ko sa Art  appreciation, remember yung na late ka sa klase ni Ma’am Wenona. Actually kanina naman kasi pinagpartner- partner kaming lahat pero wala kasi akong naging partner, bale Ma’am Lena decided to you know, tayo na lang ang maging partner.” At in-explain ko sa kanya kung ano ang magiging project namin. Bigla siyang natawa.

                “Ideal house? Stucture?” aniya. Aba aba! Tama bang pagtawanan ako ng taong ‘to?  “Oo ba, sure walang problema. Magkano ba ang materials? Yun na lang ang sagot ko.”

                “Actually, okay lang sana yung ganun. Pero I think dahil partner effort ‘to dapat parehong may skill contribution, don’t you think?” What am I saying?

                “Ohhh! Are you sure, okay lang sayo na maging ka partner ako?” tanong niya.

                “Well, actually I don’t have any choices left. So…” pagtatapat ko.

                “Ganun? Well, fine.” pagsangayon niya. 

                “What do you mean fine?” nawi- wirduhan kong tanong.

                “Payag ako na maging partner ka. Kailan natin gagawin ang project?”

                “Hmm, lets see. How about Friday?”

                “Night? What time? My place?”

                “NO, afternoon lunch time! Sa library! Okay? So, see yah na lang!”

Jake Constal

                 “Hi Jake!”  bati sa akin ni Shaina.

                “O Shaina, anong balita?”  bati ko naman sa kanya. Kasalukuyan akong nagbabasa ng History book dahil magkakaroon kami ng exam mamaya at wala na akong oras.  Sa makalawa na ang acquaintance party at wala na akong oras para gawin ang iba pang mga bagay.  Magkaganun pa man, sinubukan kong itago ang pagkairita ko kay Shaina. Nitong mga nakaraangaraw kasi, para siyang plantsa kung makahabol sa isang gusot na damit.

                “Sabi mo sabay tayong maglu- lunch?” aniya. Sa totoo lang, tingin ko masyadong ko na siyang pinapaasa. Noong bakasyon kasi nasabi ko na gusto ko siya pero as in gusto ko lang, parang crush. I am not in love with her pero sa tingin ko she have been expecting something more from me. We kissed before pero sa totoo lang siya ang nag iinsist.

                “Oo nga, kaso kasi may exam-”

                “Ay oo nga pala no, gusto mo review kita?” yaya niya.

                “Uhm, okay.” tanging nasagot ko.

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...