Curse Resurrection (Complete)

De CypressinBlack

99.1K 4.1K 147

◈◈BOOK II of Curse Saga◈◈ At this time, I'm desperate to resurrect the curse of mine, my Cursed Guardian. Kim... Mai multe

----
Prologue
Chapter 1: The Contract
Chapter 2: Tomoki Ascandelancé
Chapter 3: The Beginning of Curse
Chapter 4: Lupus Tribe
Chapter 5: The Power of Being a Princess
Chapter 6: Under the Moonlight
Chapter 7: Second Body and The Bitter Truth
Chapter 8: Encountering the Demons
Chapter 9: Spiritual Beast
Chapter 10: Realization
Chapter 11: Real Fight
Chapter 12: Tomoki's Last Wish and Confusions
Chapter 13: Morning Shadow
Chapter 14: Chaos
Chapter 15: Memento of the Goddesses I
Chapter 16: Memento of the Goddesses II
Chapter 17: Best Choice
Chapter 18: Bloodbath
Chapter 19: Goddess of Immortal
Chapter 20: Second Sign
Chapter 21: A Hunt to Survive
Chapter 22: Flaglet
Chapter 23: Snakes' Downfall
Chapter 24: Subtle Pearl
Chapter 25: Question(s)
Chapter 26: Their Revenge
Chapter 27: The Three-Eyed Butterfly
Chapter 28: Memory
Chapter 29: King's Mate
Chapter 30: End of the Contract
Chapter 31: Facing the Giant God
Chapter 32: Gods and Goddesses' Reunion
Chapter 33: Vengeance of Light
Chapter 34: God of Illusion
Chapter 35: Dyspherein's Gift
Chapter 36: Dead's Mate
Chapter 37: Preserved Body
Chapter 38: Long Wait
Chapter 40: The Conflict between the Zeurdous Siblings
Chapter 41: Hard Decision
Chapter 42: Awakening the 1000 Year Demon
Chapter 43: Saving the Vampiric Auras
Chapter 44: Goddess of the Nightmare
Chapter 45: Just the Beginning
Chapter 46: Pairs of Dagger
Chapter 47: Fight for Kim Dwight
Chapter 48: Facing Darkness
Chapter 49: Apprentice of Eternity
Chapter 50: Final Battle
(: Shout Out Is Real :)
Chapter 51: Blades of Card
Chapter 52: Turns to Skeleton
Chapter 53: Scream for Death
Chapter 54: Barrier
Chapter 55: He's Back!
Epilogue
Untold 1: Last Hope and Nightmare
Untold 2: Yin and Yang Keeper
Untold 3: Goddess of Manipulation
ANNOUNCEMENT!

Chapter 39: Move On

1.1K 58 0
De CypressinBlack

HINDI KO siya binitawan sa pamamagitan ng mahigpit na yakap na aking ibinigay sa kanya. Isinubsob ko ng maiigi ang aking mukha sa kanyang balikat. Kahit na nabasa na ng aking mga luha ang kanyang damit. Mahigpit rin ang yakap na kanyang ibinibigay pabalik.

“W—why you—!” gustung-gusto ko siyang hampasin pero hindi ko kayang gawin.

Walang tigil ang pag-agos ng mga luha ko galing sa aking mga mata na animo’y kailan ma’y hindi na hihinto pa. I tried to speak para sabihin sa kanya ang lahat ng hinanakit ko pero ‘diko man lang magawa. Walang lumalabas sa aking bibig ni isang salita kundi tanging paghikbi ko lamang.

Shhh… its okay. I’m here,” naramdaman kong hinagod niya ang aking likuran na mas lalo lamang nagpaiyak sa akin.

Sa ilang taong lumipas, nagluksa ako sa pagkawala niya but now he’s in front of me, completely fine. Pinagloloko lang ba ako ng lahat?!

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi parin ako tumahan sa pag-iyak.

“Stop pretending, your making her crazy!” awtomatiko akong napabitaw sa aking niyayakap at nilingon ang pinanggalingan ng boses.

Sa pagkakita ko kung sino ito ay para akong binuhusan ng isang balde ng yelong may tubig. ‘Di ako makaimik at tuluyan akong napahinto sa pag-iyak, tila nag malfunction lahat ng sistema ko sa katawan sa aking nakikita. Dalawang Hiro ang nasa aking harapan ngayon. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko. Para lang akong baliw kanina na umiiyak at ngayon para na naman akong tangang ‘di makapaniwala na palipat-lipat ang mga mata sa dalawang binatang may mukha ni Hiro.

Dahil siguro sa late reaction ng aking sistema ay saka ko lang naramdaman ang pagsiklab ng galit sa aking dibdib. I clenched my first as I fixed my gaze to this man that I embraced earlier for expecting that he is Hiro.

My fist landed on his cheekbone that made some trace of my punch on it. Napangiwi siya sa sakit dahil sa aking ginawa. Bahagya pang nabaling sa kabilang direksyon ang kanyang mukha. That punch serves him! Ginawa niya akong tanga kanina!?

“Yan ang napala mo sa pang-uuto mo sa kapareha ng ating patay na kakambal,” nabaling ang aking tingin sa isang kamukha ni Hiro. Bakit ngayon ko lang nalaman na triplets pala silang Hiro?!

“Damn!” inis na turan ng sinuntok ko. God! How dare him to play such thing like that!?

Mas lalo lamang akong nainis sa kanya kung paano ako nagmumukhang tanga sa pinaggagawa ko kanina.

“I’m sorry for the unpleasant behavior that my brother did to you,” pagpaumanhin nitong nasa harapan ko. Sa kanilang dalawa mukhang ito ang pinakamatino kung kausapin kahit sobrang seryoso ang mukha nito. Pero hindi pa rin mabura sa aking isipan na naging baliw ako sa harapan nilang dalawa. Try to think of it, nadala ako sa pangungulila ko sa kapatid nila!

“Well, let me formally introduce myself to a living doll like you,” aaminin kong naramdaman ko ang naramdaman ko kay Hiro noong panahong nagpakilala ito sa akin noon. It feels like a déjà vu. Same features, same voice…

Para akong maiyak na naman dahil sa pamamaraan ng pagtitig niya sa akin. Parehong-pareho sila ni Hiro!

Nabalik ako sa aking katinuan nang hawakan nito ang aking kamay, bahagya siyang nakaluhod sa aking harapan. Without uttering any single word, his lips landed at the back of my palm that made my heart flutter in seconds.

“I am Hiroshi Khan Zeurdous, the first prince of Hephaesto Palace of Ursua Zetharius Empire.”

Nang mapansin niyang medyo nailang ako ay agad rin siyang tumayo at maingat niyang binitawan ang aking kamay.

Para namang naging normal ka agad ang takbo ng aking buong sistema pagkatapos niyang bitawan ang aking kamay. So, he’s the elder prince of their family.

“And this is the third prince—next to your mate,” turo niya sa kamukha niyang sinuntok ko dahil sa inis ko kanina.

Ngumisi naman ‘tong huli. Aatras sana ako dahil lumapit ito sa akin. Pero ‘di pa man ako makalayo ay nahuli na niya ang aking palad at iginiya ‘yun papunta sa kanyang labi. He grin as he planted a soft kiss at the back of it. Pati ba naman sa kakambal ni Hiro na ito, makikita ko ang paraan ng pagtitig niya?

Gusto ko sanang bawiin ‘yung kamay ko mula sa kanya pero alam kong bastos ‘yun para sa kanya bilang isang prinsipe kaya tiniis ko lamang ang pagmumukha niya. Dahil ang totoo nararamdaman ko rin ang naramdaman ko kay Hiroshi sa kanya. Damn this feeling!

Hideo Kaii Zeurdous. And I am sorry for what I’ve did earlier,” ramdam ko ang sinseridad sa kanyang pananalita pero ‘di ko pa rin mapigilang ‘di mainis sa kanyang ginawa.

Nang bitawan niya ang aking kamay ay mabilis ko ‘yung itinago sa likuran ko.

“There’s no need for me to introduce myself. I know you knew it already, excuse me,” nilagpasan ko silang dalawa at tinahak ang daan kung saan ako nanggaling kanina.

Naglalaro na naman sa aking isipan ang mga bagay-bagay. Isa na dun ang ginawa ni Hideo sa akin na ‘di ko pa rin kayang tanggalin sa aking memorya. I know they both see me desperate that time as I hug that damn guy! Curse them! And did I just met the twins of the Zeurdous family? First, Jade and Welmer and here comes them. The triplets—my mate’s twin, Hiroshi and Hideo.

Bakit ba palagi kong nakikita sa katauhan nila ang aking kabiyak!? Muntikan na akong maniwala kanina na nagsisinungaling lamang silang lahat sa akin sa pagkamatay ni Hiro. Pero nang makita kong magkambal ang dalawa ay tila naglaho ang lahat ng mga posibleng bagay sa aking isipan.

Muli kong naramdaman ang pagbigat ng aking dibdib dahil sa mga naisip. Huminga ako ng malalim at bahagyang ipinikit ang sariling mga mata.

Nang mapansin kong bahagya nang kumalma ang aking sarili ay saka ko lang iminulat ang aking mga mata.

Nakita ko naman ang aking sarili na napadpad na pala sa pinanggalingan ko kanina. May duda akong kagagawan ‘yun ni Hideo kanina kung bakit dinala ako ng sarili kong mga paa sa lugar na ‘to!

Bago ako lumisan sa lugar na ‘yun ay pinagmasdan ko pa ang kinaroroonan nilang magkambal pero ‘di sila nahagilap ng aking mga mata. Alam kong malabo ko silang makita dahil nasa pinakapusod silang parte ng malawak nilang hardin na ‘to.

Nagpasya akong bumalik sa loob ng palasyo.

Habang naglalakad ay may nakakasalubong na akong mga taga pag silbi ng palasyo ‘di kagaya kanina. Ewan ko ba kung anong nangyari sa kanila kanina na tila nagtago lahat dahil may curfew yata sa palasyong ito. Nevermind! Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa aking isipan!

Natunton ko naman ang dinaanan ko kanina. Alam kong medyo may malayo ang aking nalakbay—sa madaling salita malayo pa ang aking pinahingaang silid.

Napagdesisyunan ko nalang na aliwin ang aking sarili sa kabuuan ng palasyo.

Tinungo ko ang isang pasilyo na may nakahilerang mga estatuwa sa bawat gilid.

Iginala ko naman ang aking mga mata sa mga pader na may iba’t-ibang poster. ‘Di naman siguro ako papagalitan kung mahuli akong tinitingnan ang mga poster nila sa loob ng palasyong ‘to.

Bawat poster na aking nakikita ay napapahanga ako. May poster na puro kagubatan ang makikita pero iba’t-ibang klaseng kagubatan. Mayroon ring mga poster na tungkol sa mga spiritual beast na ‘di na nag-e-exist. Siguro tungkol ito sa panahong ‘di pa extinct ang kagaya nilang nilalang sa mundng ito?

Sandali naman akong napahinto sa pagtitingin sa mga poster nang may maalala ako. Si Harubakit ‘di ko siya nakita sa kamay ni Yvaine nung tinulungan kami nitong makatakas? Don’t tell me—wala talaga sa kanya si Haru?

Imbes na mag-alala dapat ako kay Haru pero dahil positibo ang aking pakiramdam na walang nangyari sa kanya ay isinawalang bahala ko na lamang ito.

Muli kong pinagtuunan ng pansin ang mga poster na aking pinagmamasdan. Aaminin kong namangha ako sa lahat ng poster pero napansin kong parang ang pasilyong tinahak ko ay naririto lahat ang iba’t-ibang klaseng poster. This must be the poster section!

Hanggang sa naubos ko nang pagmasdan ang lahat ng mga poster na naririto.

Naramdaman ko pang tila na gawa kong i-relax ang aking isipan mula sa ginawa ng kakambal ni Hiro sa akin kanina, si Hideo.

Dahil medyo nawalan na ako ng interes sa pagtitingin ng mga poster ay nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad, hinahayaan ko ang aking sarili kung saan ako dalhin ng aking mga paa.

Nang ‘di sinadya ay natisod ang aking paa sa isang buntot ng isang estatuwa na ‘diko man lang napansin dahil sa lalim ng iniisip.

Napakagat labi ako dahil medyo masakit ang pagtama ng bagay na ‘yun sa aking paa. Isa pa, ‘di ‘yun napaghandaan ng aking katawan kaya masakit siya para sa akin.

Tiningnan ko ang aking paa na medyo namula at agad namang napadako ang aking mga mata sa estatuwang nasipa ko. At sino bang naglagay nito dito sa dadaanan—!

Maghehisterikal sana ako dahil sa aking napala ngunit natigilan ako nang maklaro ko ang hitsura nang estatuwa.

It was a ninetailed fox that has a girl riding at the back of it together with its katana pointing into a particular direction. The statue were made of solid ice, na sobrang tigas.

Nalula ako sa aking nakita at ‘di makapaniwala. Para akong maiyak sa nakitang bagay. Sino naman ang mag-aksayang gumawa ng estatuwang ganito? Seems like this statue made for me. Ayokong mag-assume na para talaga sa akin ‘to pero ‘diko mapigilan ang aking sarili!

Medyo napaluha ako sa tuwa na lumapit dito at hinawakan ko ang napakagandang texture nito na sobrang kinis.

Aayusin ko sana ang pagkalagay nito sa tabi ngunit napahinto ako nang mapansin ko ang nakatutok na katana ng estatuwa sa isang direksyon.

Kumunot ang aking noo at sinundan ng tingin ang tinuturo nitong direksyon.

Kung kanina, nang makita ko ang estatuwang ito ay muntik na akong mapaiyak pero nang makita ko ang tinuturong bagay ng katana nito ay tuluyan akong napaiyak habang napatakip ng kamay sa bibig.

May isang portrait nang isang babaeng nakangiti sa may marmol na pader. Makikita mo sa mga mata nito ang tuwa na kanyang nararamdaman. Her eyes were red, blended together with green, yellow and blue. Nakalugay ang mahaba nitong buhok na kulay golden-white. Her face were extremely mine. It was covered by a thin layer of transparent ice. The portrait frame was made of blue crystalloid marble and there’s a name engraved at the bottom of the frame, ‘Mi Amor, My deity, Kim Dwight’.

I took a several steps towards the portrait. My finger gently touch my engraved name on the frame as my memory of him flashes inside my head in a nth time.

A bitter smile curved into my lips as my eyes met the gaze of my self’s portrait.

I know I am crying a lot since I saw Jade and his twin brother. Idagdag mo pa ang kambal ni Hiro. Hindi ko alam kung bakit ako pinapaiyak ng masinsinan sa loob ng araw na ‘to. Siguro ito na ang senyales na dapat na akong mag move-on sa mga taong nakalipas na—but we know its not that easy to do that!

But as long as I am determined to do that. I will forget my mate. Not permanently but temporarily.

Dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa bagay na nasa aking harapan.

I closed my eyes as my nose touched the transparent cover of my face portraits. I felt my last tears ran down from eyes and when I opened my eyes, a genuine smile plastered into my lips.

“From now on, I’ll be moving on from the past that we had, Hiro.”









CypressinBlack

Continuă lectura

O să-ți placă și

24.4K 1.2K 50
[Mystic Academy: Book I] 𝕱𝖎𝖗𝖊, 𝖂𝖆𝖙𝖊𝖗, 𝕰𝖆𝖗𝖙𝖍 𝖆𝖓𝖉 𝕬𝖎𝖗. 𝕿𝖍𝖊 𝖋𝖔𝖚𝖗 𝖒𝖆𝖎𝖓 𝖊𝖑𝖊𝖒𝖊𝖓𝖙𝖘 𝖙𝖍𝖆𝖙 𝖐𝖊𝖊𝖕 𝖙𝖍𝖊 𝖇𝖆𝖑𝖆�...
1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
69.6K 1.6K 56
Let's say she's a Princess but she doesn't have a blood-like Royalties. Her story is a bit chaotic, well, not really. She's just a simple girl, with...
86.7K 2.6K 78
May mga taong nagsasabi na ang mga kapangyarihan o ano mang bagay na mayroong mahika ay impossible. Hindi niyo ba alam na ang salitang "Impossible" a...