Deadly Sins

By vhinvhinvhin

128K 3.2K 439

Four bullies made their own hell. One bullied student suddenly gone missing. One by one will die, and suffer... More

Welcome to Hell...
01. First Day in Hell
02. Just Kill Me
Chapter 4. This isn't hell yet.
Chapter 5. A Sign of the Past.
Chapter 6. Dead End
Chapter 7. Miss Me
Chapter 8. Scissors and Mirrors
Chapter 9. The End is Near
Final Chapter. The Deadly End.
REVISED VERSION?
Secret to our Graves

Chapter 3. Devil's Game

8.8K 274 41
By vhinvhinvhin

NOTE: So, tapos na ang sembreak, balik School Stuffs ulit ako. Baka mabagalan ang next updates. :( But oh well, before school resums, here's an update guys! :) Thank you sa lahat na nagbabasa nito. Pansin niyo sa isang chapter ang dami nang nangyayari? So, don't expect na medyo mahaba ito. Fixed na ang ending, hindi ko lang alam kung paano ko gagawin ang pasikot-sikot ng storya. Haha.

I'll promote din my other story na, "Trouble". For me, unique po ang plot niya. To make it short the story is about, "Two Queens. One Fight." No romance, pure bitch fights. :)

But anyway, heto na po ang Chapter Three ng Deadly Sins. ENJOY. :)

***

"Tiyo Lando..." Mahinang sambit ni Yvonne, nang makita ang kanyang tiyo na nakatayo sa kanyang pinto. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa utak ni Tiyo Lando na magbisita ito sakanya. Gusto niya itong sampal-sampalin at patayin dahil sa ginawa nito sakanya noon.

Kahit medyo madilim na dahil sasapit na ang gabi, nakita niya parin ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi ng kanyang Tiyo Lando.

Meron itong inihagis na isang bag sakanya, na agad niya naman nasalo. Napakunot ang kanyang noo, dahil sa ginawa nito. Bilugan ang laman nito, medyo may kabigatan, at may masangsang na amoy. Agad naman siya nagtaka kung ano ang laman nito.

"Ano kailangan mo?" Matapang na tanong niya sa kanyang Tiyo. Agad siya napaatras nang humakbang ito papunta sakanya.

"Mayroon lang akong ibabalita sa iyo. Buksan mo na yang bag. Para malaman mo kung ano ito."

Hindi na si Yvonne sumagot, at dahan dahan binuksan ang bag. Napatawa naman si Tiyo Lando nang makita ang tumutulong luha na galing sa mga mata ni Yvonne, pagkatapos makita kung ano ang laman nito.

"Hayop ka! Wala kang awa!" Walang pagdadalawang-isip si Yvonne na sugurin si Tiyo Lando. Pinagsusuntok niya ang dibdib nito, pero tila walang epekto iyon sa kanyang Tiyo Lando.

Agad napaupo sa sahig si Yvonne nang itulak siya nito. Nahulog naman ang bag, at gumulong sa sahig ang laman nito. Hindi kaya ni Yvonne makita kung ano iyon. Hindi niya kaya makita ang gumugulong na pugot na ulo ng kanyang ina!

"Hayop ka! Demonyo!" Mariin na sigaw ni Yvonne sakanya. Pero hindi sumagot ang kanyang Tiyo, sinampal lang siya nito, dahilan para mawalan din ng lakas si Yvonne.

"Oo, Yvonne. Isa akong demonyo! Pero ginawa ko iyon para hindi ako makulong! Nalaman kasi ng haliparot mong nanay ang ginawa namin sayong pambababoy! Kaya ayon, pinatay ko nalang siya. At pumunta ako sayo para ibalita sayo na wala na ang haliparot mong nanay!" Tila baliw na kwento ng kanyang Tiyo sakanya. Sinubukan niyang tumayo, pero hindi na niya talaga kaya.

"Naalala mo pa ba nung hiwalayan ako ng aking kasintahan na si Wendy?! Hiniwalayan ako non dahil sa nanay mo! Binantaan niya si Wendy para layuan ako. Bakit? Dahil yang nanay mo, mahal na mahal ako! Hindi bilang isang kapatid, kundi mas higit pa doon! Pinilit niya akong makipagtalik sakanya, kung hindi ko iyon ginawa papatayin niya raw ako, pati na rin si Wendy!" Naiiyak na paliwanag nito sakanya. Alam na niya na nawalan na ito sa tamang pag-iisip. Alam na niyang nababaliw na ang kanyang Tiyo.

"Pero ngayon, ayos na ang lahat! Nakapag-higanti na ako sakanya! Pero nang mapatay ko ang nanay mo, bumalik ako kay Wendy. Pero wala na! May mahal na siyang iba! Kaya ngayon, hindi pa ako tapos sa saaking paghihiganti. Pero 'wag kang mag-alala,dahil hindi naman kita papatayin!"

Nataranta naman si Yvonne, nang lumapit sakanya si Tiyo Lando. Hinawakan nito ang kanyang pisngi, at ang kanyang hita. Tila hinihimas iyon. Nawalan nalang siya ng ulirat nang suntukin nito ang kanyang puson.

Pero bago pa siya balutin ng dilim, nakita niyang naghuhubad na sakanyang harapan si Tiyo Lando...

---

"Why is she so tagal?" Maarteng reklamo ni Hillary. Kasama niya ngayon sa isang van sina Heather, at Trevor. Hinihintay nila si Jillian. Nasa tapat sila ng bahay ni Yvonne, pero medyo may kalayuan sila para hindi sila mahalata ng mga tao na dumadaan. Nakita na nila na pumasok na sa loob ng bahay si Yvonne.

"Maghintay ka." Matigas na sagot ni Heather sa kanyang kaibigan. Pero sa totoo lang, kahit si Heather ay nauubos na ang pasensya sa kakahintay kay Jillian. Mag-gagabi na rin, at syempre didilim na ang paligid.

"It's so scary here! Look, konti lang ang houses, wala pang katabi yang house ni Yvonne, and ang dami pang mga puno! Maybe there are ghosts here!" Maarte sigaw ni Hillary, habang tumitili.

Hindi na rin napigilan ni Trevor ang sarili niya, at pinalo ang manibela na nasa harapan nito.

"Will you shut up?! Ang ingay mo!" Bulyaw nito sa nagrereklamong kaibigan.

Maya't maya, may nakita silang isang lalaking may dalang bag na huminto sa may pintuan ng bahay ni Yvonne.

"The who?" Taas kilay na tanong ni Heather. Tutok na tutok sila pagtingin kung sino iyon. Nakita nila na binuksan ni Yvonne ang pinto, at maya't maya pumasok na ang dalawa.

"O. M. G. Maybe he is Yvonne's customer?! You know, monkey business." Sabi ni Hillary, habang nakangiti at tinataas baba ang kanyang kilay.

Napangiti naman si Heather sa sinabi ng kanyang kaibigan. Hindi siya sigurado sa sinabi ni Hillary, pero paano kaya kung totoo ito? Sigurado isa naman itong scandal na kakalat sa university nila.

"Jillian's here." Mas lalong lumapad ang ngiti ni Heather, nang marinig niya ang sinabi ni Trevor.

Nakita nila na bumaba ito sa kotse ng pamilyang Lopez, at pumasok na sa van nila.

"Sorry, I'm late. Si Daddy kasi. Ayaw ako palabasin ng bahay, you know, protective much." Sabi nito, at itinirik ang kanyang mga mata.

"So, are we ready?" Ngumiti pa ito sakanila. Nakita naman ni Jillian na nagdadalawang-isip ang kanyang barkada.

"Oh, I forgot. Tatakutin pala natin si Yvonne, para mawala yung punishment natin. Simple as that." Paliwanag nito.

Lumingon sakanya si Heather, at ngumiti.

"Pero may kasama si Yvonne sa loob. Isang lalaki." Sabi nito, habang isang demonyong ngiti ang lumabas sa mga labi nito.

Napangiti naman si Jillian sa sinabi nito.

"Okay, change of plans. Trevor baby..." Tawag nito sa nobyo 'kuno'.

"Yes, babe?" Nakangiting lingon sakanya nito. Bago siya sumagot, ay hinalikan niya ito.

"I got a task for you, and if you succeed, I'm sure you'll love the reward I'm gonna give to you." Malandi nitong sagot kay Trevor, habang dahan-dahan nitong hinihimas ang leeg ng binata. Agad naman nang-init si Trevor, at nagka-ideya kung ano ang "premyo" na sinasabi ng dalaga.

Mas lalo pang lumapad ang demonyong ngiti ni Jillian, nang tumango si Trevor sa utos na ibinigay niya.

"Tingnan natin kung may mukha pang maihaharap yang Yvonne na yan sa Mcintyre University..."

----

Tulalang nakatingin sa kawalan si Yvonne, pagkatapos siyang gahasain ng kanyang Tiyo Lando. Nakita niya itong nagbibihis sa kanyang harapan.

"Demonyo.." Sabi nito sakanyang Tiyo. Hindi niya parin mapaniwalaan na pinatay nito ang sarili nitong kapatid, at kanyang ina.

Oo, mayroong hinanakit si Yvonne sa nanay niya, dahil sa pagpapalayas nito sakanya, pero hindi iyon sapat na dahilan para hindi siya maiyak sa pagkapatay nito. Mahal na mahal niya parin ang kanyang ina, kahit itinakwil siya nito.

"Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na tanggap ko ang pagiging demonyo ko." Natatawang pang-aasar ni Tiyo Lando sakanya, at mahigpit na hinawakan ang kanyang baba.

"Pero Yvonne, salamat dahil napasarap mo ako kanina." Kung hindi lang itinali ng kanyang Tiyo ang paa't kamay niya sa paanan ng kanyang kama, ay malamang napatay na niya ito. Higit pa kay Satanas ang kademonyohan ng kanyang Tiyo!

Lumuhod ito, para makita ng malapitan ang umiiyak na mukha ni Yvonne. Ngumiti ang kanyang Tiyo, at dinuraan pa siya sa kanyang mukha. Wala lang siya magawa kundi umiyak, at tingnan ito ng masama. Wala ring mangyayari kung sumigaw siya ng tulong, dahil wala naman siyang kapitbahay, at malamang hindi rin siya maririnig dahil medyo may kalayuan sa bahay niya, ang susunod na bahay.

Pero laking gulat niya, nang pagtayo ng kanyang Tiyo ay bumulwak ang masaganang dugo sa bibig nito. Pagtingin niya sa likuran nito, nakita niya ang isang tao nakaitim na jacket, at hawak-hawak ang kutsilyong pinang-saksak sa kanyang Tiyo Lando.

"Patricia!" Tawag niya dito. Nagkaroon ng pag-asa sa kanyang puso nang makita ang kanyang kaibigan.

Isinaksak pa nito ang kutsilyo sa kanyang Tiyo, dahilan para tuluyan na ito matumba sa kanyang tabi.

Dali-daling pumunta si Patricia kay Yvonne, at itinanggal ang pagkakatali dito. Binigyan niya ito ng damit na maibabalot sa hubo't hubad na katawan ni Yvonne.

"Salamat." Pagpapasalamat ni Yvonne kay Patricia, at binigyan ng isang mahigpit na yakap, habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

Kinuha ni Patricia ang kanyang cellphone, at tumawag ng mga pulis. Naghihilakbot na tiningnan naman ni Yvonne, ang patay na katawan ng kanyang Tiyo Lando, pati na rin ang pugot na ulo ng kanyang ina sa may tabi.

Pero bago pa siya tumingin muli kay Patricia, ay may nakita siyang anino ng isang tao galing sa bintana ng kanyang bahay...

----

"I'm done!" Sigaw ni Hillary nang makabalik siya sa van. Nakita niyang nag-uusap sina Jillian, and Heather.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" Sabay na umiling ang dalawa.

"Wala pa si Trevor. Ang tagal nga. Kanina pa 'yon, e." Naiinis na dagdag ni Jillian. Pero ilang segundo lamang ay dumating na si Trevor sa van nila.

Nakangiti ito, at ibinigay ang camera kay Jillian.

"Good boy. You'll have your reward when we got home." Nakangiti pero nakataas kilay parin na puri ni Jillian sa binata. Nandoon na lahat, at handa na para umuwi.

"Finally!" Bulyaw ni Heather, at sumandal sa kanyang upuan.

Hindi parin maaalis ang ngiti ni Jillian habang hinahawakan ang camera na ibinigay ni Trevor sakanya.

Napalingon naman silang apat sa kanilang unahan, nang may dumaan na dalawang policecar sa kanilang kanan, papunta sa direksyon kung saan sila galing. Ikinibit-balikat lamang ito ng mag-babarkada.

----

Namumugto ang mga mata, at nakayuko na pumasok si Yvonne, kasama si Patricia sa Mcintyre University. Sa bahay na muna ni Patricia si Yvonne titira, habang inaayos pa ang bahay niya ng pulisya. Hindi parin niya maalis sa kanyang isipan na wala na ang kanyang ina.

"Malungkot ka nanaman, Yvonne. Ngumiti ka na. Wala na ang mga pangyayaring 'yon. Kalimutan nalang natin iyon, okay?" Nakangiting tugon sakanya ni Patricia, dahilan para suklian niya ito ng isang masaganang ngiti. Kahit paano, ay nagpapasalamat parin siya dahil may isang siyang kaibigan na nandiyan sa kanyang tabi.

Pupunta silang dalawa sa Auditorium, dahil mayroong general meeting ang third year, at fourth year students tungkol sa nalalapit na mga activites. Pero bago sila tumungo doon, ay napagpasyahan nila na pumunta na muna sa CR. Pagdating nila doon, ay walang ibang tao kundi sa isang magandang babae na nakaharap sa salamin. Si Hillary. Tila nakatitig ito sa sariling repleksiyon sa salamin, at nakangiti.

Nang maramdaman ni Hillary ang kanilang presensya, ay nginisian sila nito, at binunggo. Binale-wala lamang nila ang inasal ng babae, at nag-ayos na sa harap ng salamin.

Pagkatapos, agad silang tumungo sa Auditorium. Karamihan ng third year, at fourth year students ay naroon na, at nagtatawanan. Malamang napapahiwalay ang grupo nila Jillian na nasa stage, tila nakatingin ito sakanya, at nagtatawanan. Agad siyang kinabahan.

Maya't maya, nagsimula na ang meeting, hindi parin maalis ang mga mata ng grupo ni Jillian kay Yvonne, tila binabantayan nila ito. Syempre, hindi rin mapakali si Yvonne sa ginagawa nila. Gusto na sana niya umalis sa auditorium na iyon, pero hindi pwede. Baka pagalitan siya ng principal ng university.

"Good Day, my dear schoolmates!" Bati ni Jillian, nang agawin niya ang microphone sa kanina lamang nagsasalitang guro. Wala na nagawa ang guro, nang pandilatan siya ng mata ito. Kitang-kita pa rin ni Yvonne ang tawanan nila Heather, Trevor at Hillary.

"I would like to show a video of our dearest transferee, Yvonne Delgado!" Agad na nabato sa kanyang kinatatayuan si Yvonne nang marinig niya ang kanyang pangalan. Alam na alam niya talaga na may hindi magandang plinaplano yang grupo ni Jillian.

Ilang luha ang tumulo sa kanyang mga mata, nang mag-play ang isang video sa unahan. Ang video nang ginagahasa siya ni Tiyo Lando kagabi!

Pero dahil sa wala siyang malay, at hindi pumapalag sa ginagawang pangbababoy ng kanyang Tiyo sa video, ay nagmukhang nasasarapan din siya sa kanilang ginagawa! Napuno ng ingay, at hiyawan ng mga estudyante sa Auditorium. Pati na rin ang mga mapanghusang titig ng mga taong nakapaligid sakanya. Pinangdidirihan. Tinatawanan.

Nasa tabi niya lamang si Patricia, na hindi alam ang gagawin. Dahil kung tutulungan niya si Yvonne ay madadamay siya sa pang-bubully nina Jillian.

Agad na tumakbo papunta sakanya si Sir Alex, at hinila palabas ng Auditorium. Sumunod naman sakanila si Patricia na pinagtatawanan narin ng mga estudyante.

"That's Yvonne Delgado, the scandal girl!" Sigaw pa ni Jillian sa microphone, nang paalis na sina Yvonne. Maganda sa kanyang pakiramdam na mapahiya si Yvonne.

Kahit paano, nakaramdam siya ng saya. Nararamdaman niya na siya ang reyna. Nirerespeto ng lahat. Kahit mang-bully pa siya, wala nag-aakmang patigilin siya.

Dahil ganoon siya kademonyo.

----

Alas-onse na ng gabi nang makarating si Jillian sa sariling niyang bahay. Pagkagaling ni Jillian sa bar nina Heather, ay umuwi kaagad siya. Napagdesisyunan ng magbabarkada na mag-celebrate dahil sa ginawa nila. Hindi mapapaliwanag ang saya na kanyang nararamdaman ng maipahiya niya si Yvonne. Mabuti lang talaga na nandiyan si Trevor na mapag-uutusan niya para sa kahit ano. Ganito siya kamahal ni Trevor. Nang malaman ni Jillian nang may kasamang lalaki si Yvonne sa kanyang bahay, ay agad na pumasok sa kanyang utak na may ginagawang milagro sina Yvonne, kaya inutusan niya si Trevor na kunan ito ng video. Oo, ganoon siya kasigurado na uhaw na uhaw si Yvonne sa pagtatalik. Sikat kasi sa video scandal.

Paakyat na sana siya sa kanyang kwarto, nang may nakita siyang anino sa may kusina. Tila tumatakbo ito, at iniiwasan na mapansin ni Jillian. Hindi niya alam na may isang taong nakapasok sa kanyang pamamahay.

"Sinong nandiyan?" Matapang na tanong niya. Hindi naman pwede may makapasok sa bahay niya, dahil ganoon katibay ang security ng mga Lopez. Hindi rin pwede na si Yaya Catherine, ang kanyang yaya, dahil umuwi ito sa probinsya. Siya lang naman ang natira sa kanyang pamamaay. Pero hindi siya pwede matakot. Wala ang salitang 'takot' sa katauhan ni Jillian. Dahil siya si Jillian Lopez

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kanyang kusina. Pinagpapawisan na din siya, at malakas ang tibok ng kanyang puso, dahil sa kaba. Wala siyang marinig, kundi ang tunog ng kanyang mamahaling sapatos. Pero hindi niya alam, ay may isang pares ng mata na pinagmamasdan siya. Pinagmamasdan ang bawat kilos na ginagawa ni Jillian.

"Lumabas ka diyan! I'm not afraid of you!" Sigaw parin niya, pero wala nanaman siyang nakuhang sagot. Ngumisi lamang ang taong kanina pa nakatago sa kung saan.

Napahinto siya sa tapat ng isang salamin, at nakiramdam. Tila kinakabahan parin, dahil may nakapasok sa kanyang pamamahay. Maya't maya, bigla nawala ang kuryente. Agad siyang napamura sa kanyang isipan.

"Shit! Wrong timing!" Bulong niya sa kanyang sarili.

Pero nang pagbalik niya sa kanyang tingin sa salamin, ay nakita niya ang isang tao nakatayo sa kanyang likuran. Kahit madilim, at tila ang buwan lamang ang nakakapagpabigay ng liwanag sa kanyang bahay, kitang-kita niya parin ang nakakakilabot na ngiti nito.

"AHHHHHHHHHHHHHH!!!"

***

Sino kaya ang nakapasok sa bahay ni Jillian? Ito na kaya ang katapusan niya?

VOTE. COMMENT! :D

~vhin

Continue Reading

You'll Also Like

3K 343 26
It was December 4, 1999, and Mary Dedios, a cheerful, well-rounded, and kind young lady, had been reported missing. No one knows what happened or whe...
82.6M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book ๏ผƒ1 || Not your ordinary detective story.
778K 18.4K 42
PUBLISHED BOOK UNDER LIFE IS BEAUTIFUL. AVAILABLE NA PO SA LAHAT NG PRECIOUS PAGES BOOKSTORES :) Si Girl na may gusto kay Bakla. Si Bakla naman love...
7.5M 381K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...