Marrying Prince Shuyin [Shuyi...

By senyoritayvi

1.1K 117 17

Shuyin Trilogy (III): Mababalikan ko pa kaya siya ngayong may mahal na siyang iba? Teka... Prince Shuyin? Si... More

Prologue
SHUYIN 1: The Dragon's Palace
SHUYIN 2: The Royal Ball
SHUYIN 3: Royalties of Ybragon
SHUYIN 4: Sena
SHUYIN 5: Future Oracle
SHUYIN 7: Hopeless Heart
SHUYIN 8: Gaining His Attention
SHUYIN 8.2: Gaining His Parents' Attention
SHUYIN 9: Couple Bracelet
SHUYIN 10: Jealous
SHUYIN 11: Revealed
SHUYIN 12: Unwelcome
SHUYIN 13: Pain for Breakfast
SHUYIN 14: Invading Thanatos
SHUYIN 15: Captivated the Enemy
SHUYIN 16: Dangerous Attraction
SHUYIN 17: Saved and Hurt Again
SHUYIN 18: Painful Goodbye
SHUYIN 19: Finally Giving Up
SHUYIN 20: The King's in Danger
SHUYIN 21: Taking the Bullet
SHUYIN 22: Saved Them
SHUYIN 23: Too Late
SHUYIN 24: Devastated Prince
SHUYIN 25: Sorrowful Celebration
SHUYIN 26: Reminiscing the Past
SHUYIN 27: Before the Wedding
SHUYIN 28: The Wedding
SHUYIN 29: Newlyweds

SHUYIN 6: His Princess

29 2 0
By senyoritayvi

SHUYIN 6: His Princess




RYEN EVE'S POV:

Kanina pa kami naglalakad-lakad ni Azul NANG TAHIMIK. Pero...inaamin ko, sobrang ganda talaga dito sa Serlande. I never knew anything about this continent—info acquired from Xeven—and I guess they hid everything about their continent on purpose. Siguro para huwag silang pakialaman ng ibang mga bansa at nang ma-preserve nila ang kagandahan nitong lugar nila. I couldn't agree more. This place is too beautiful to be true. Hindi mainit, ambango ng hangin dahil andaming kahoy na may mababangong bulaklak, nakangiti ang halos lahat ng taong nadadaanan at nakikita ko, walang traffic, and everything is made of eco-friendly materials. Sana all.

"So..." Nabigla ako sa biglang pag-imik ni Azul. Sa wakas naman! "Mahihirapan akong pakisamahan ka kasi hindi ka nagsasalita." Huminga siya nang malalim, halatang nag-aalangan sa sasabihin.


I slowly nodded as a response...


There should be a way for us to communicate kahit nagpapanggap akong pipi!


Think, Ryen Eve!


THINK!!!



AHHH! ALAM KO NA!



I stopped and gently held his arm kaya naman nagtataka siyang napahinto rin at napatingin sa'kin. Nakasalubong pa talaga yung mga kilay niya at halatang ayaw niyang magpahawak.


Namja...don't give me that look, please... It hurts.


Inilabas ko yung cellphone na binigay sa'kin ni Xeven mula sa bulsa ng dress na suot ko at itinaas ko yun sa ere para makita ni Azul. Gladly, he stared at it and lost that cold facial expression he had a while ago.


I began typing on my phone...


["Pwede kong i-type dito yung mga sagot ko :)"] Nilagyan ko pa talaga ng smiley para malaman niyang mabait akong tao. Charot.


Ipinakita ko yun sa kanya at bahagya namang nagliwanag yung mukha niya.


"Good idea." Pero hindi pa rin siya ngumingiti. Miss ko na talaga ngiti niya. "May gusto ka bang bilhin bago tayo mag-lunch?" Tipikal niyang tanong habang nakapamulsa.


Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad habang hawak-hawak ko pa rin nang mahigpit yung cellphone ko. Hindi niya lang alam na nakapako lang sa kanya yung tingin ko...


["Wala akong pera..."]
I typed and showed him.

"Libre ko na. May gusto kang bilhin?" Hindi niya talaga ako nililingon kapag nagsasalita siya...


Kaya naman tinititigan ko na lang siya nang wagas. Ang gwapu-gwapo talaga niya lalo na't tinatangay-tangay pa ng sariwang hangin yung buhok niya. He also looks calm right now.


["Okay lang, nakakahiya naman sa inyo, Mahal na Prinsipe."]
Again, I showed him my phone.

"Di ka na dapat mahiya. Pero siguro nga next time na lang. It's almost 12 noon." Sagot niya habang nakatingin sa mamahalin niyang relo.

["Kain na lang po tayo. :)"]

"Exactly my plan."


Nakarating na kami sa pagkakainan namin. Agad kong napansin ang mga lalaking naka-tuxedo sa labas ng El Regere Restaurare, kaya naman medyo kinabahan ako. Andami pa man din nila.


Kinalabit ko si Azul kaya napalingon siya sa'kin.


["Sino sila? Yung mga naka-suit?"]
Nanginginig kong itinaas ang cellphone.


Napansin ko ang pagtitig niya sa kamay kong hindi ko mapigilan ang panginginig...


"Don't worry. Mga bodyguards sila."

["Bodyguards mo?"] Grabe naman kung ganun... Andami, eh...


He heaved a sigh before he responded.


"Bodyguards sila ng girlfriend ko." Sagot niya tsaka siya naglakad papasok sa restaurant.



G-Girlfriend..?



Bodyguard ng girlfriend...mo...namja..?



Namja?



Totoo ba yung narinig ko?



May...bagong girlfriend ka na ba talaga?



Pinalitan mo na ba talaga ako..?




Buti na lang naka-belo ako... Hindi niya mapapansin ang pagluha ko... Gusto kong pigilan pero hindi ko talaga kaya. Kapag naiisip ko kung gaano siya kaguwapo at gaano kaganda yung Persephone na yun, hindi ko mapigilan ang sarili kong masaktan.


Bagay na bagay kasi sila...sobra...


I quickly and secretly wiped my tears and sniffed as much as I could before I ran after him. Nakapasok na kasi siya sa restaurant.




Napakaganda ng restaurant, as expected. Maraming matitingkad na chandelier na punung-puno ng crystals, at maaliwalas din ang paligid. Ramdam kong puro maharlika ang nandito, base sa pagkilos nila. Napaka-demure ng mga babae at napaka-finesse naman ng mga lalaki.


Mas mae-enjoy ko sana 'to kung hindi kumikirot itong puso ko ngayon...



"Sena, here." Pagtawag ni Azul sa'kin.


Wala sa sarili akong lumapit sa kanya, at halos hindi ko na napansin ang babaeng nakaupo sa mesang nasa harap naming dalawa...


"This is Persephone, Princess of Thanatos, my girlfriend." Pinakilala mo pa talaga sa'kin, namja?!

"Hi!" Maliwanag ang ngiti ng potek na babae.

"And this is Sena, a future oracle of Ybragon." Yun na yun? YUN LANG?!


Kumaway na lang ako bilang sagot, pero sa totoo niyan gusto ko na silang pagsusuntuking dalawa.



Ang sakit!



Ang sakit-sakit!!!



Magkatabi silang umupo at kumain habang nasa tapat naman nila ako, mag-isa. Kahit wala akong gana ay ginawa ko pa rin ang makakaya ko para ubusin yung pagkaing inorder nila para sa'kin. Sila lang yung nag-uusap. Paminsan-minsan ay sinasali din nila ako sa usapan nila pero tumatangu-tango na lang ako nang pilit.


Mukha talaga silang masaya... Nakita ko na nga ulit yung magandang ngiti ni Azul, pero hindi naman siya sa'kin nakangiti kundi sa bago niyang girlfriend...



Gusto kong matuwa dahil ngumingiti na siya, pero nangingibabaw pa rin talaga ang sakit...


Ang swerte nga talaga nila sa isa't isa...


Isang prinsipe at isang prinsesa...












Matapos naming kumain ay mag-isa akong pinauwi ni Azul sa Ybragon. Sabi niya mapagkakatiwalaan naman daw yung driver na maghahatid sa'kin dahil right hand iyon ni Xeven. May pupuntahan pa daw kasi sila ng girlfriend niyang si Persephone.


Ng bago niyang girlfriend na si...Persephone...


Lumuluha't sumisinghot kong kinuha yung cellphone ko para itext si Xeven...


["Xeven, kinumpirma na talaga niyang girlfriend nga niya si Persephone. Ano pa ang silbi ko dito..? Uuwi na lang ako"]


Pero hindi ko iyon magawang isend... Halos mabitawan ko ang cellphone sa sobrang panginginig ng mga kamay ko. Pati mga labi ko nanginginig na rin sa sobrang pagpigil ko sa paghikbi ko. Ayokong mapansin nung driver na umiiyak ako, pero hindi ko na rin kayang pigilan pa itong sakit na nararamdaman ko. Para na akong malalagutan ng hininga sa sobrang sakit...



Ilang buwan akong naghintay, namja. Ilang buwan akong umiyak nang umiyak sa tuwing naaalala kita. Miss na miss na miss na kita at ilang buwan kong hinintay ang pagkakataong makasama ka ulit...



Tapos...



Tapos wala na pala akong babalikan at makakasama..?



Bakit mo'ko pinagpalit agad, namja..?



Bakit di mo'ko hinintay..?
















-----

Gabi na at nakatulala pa rin ako habang nakatingin sa labas ng bintana mula sa kwarto ko. Wala akong napapansin sa view, nakalutang kasi ang utak ko. Para akong lumilipad sa ere dahil sa sobrang sakit ng ulo ko, dahilan ng matagal na pag-iyak.


Pinipilit ko ang sarili kong wag na munang isipin si Azul, pero hindi ko talaga magawa... Pilit na bumabalik sa isip ko ang nakaraan namin.


Mula nung nakita ko siya sa bus at niligtas niya ako mula sa aksidente... At nagkita kami ulit sa tindahan malapit sa'min, tapos nabasag at kumalat sa damit ko yung itlog na binili ko dahil nabunggo niya ako... At naging magkaklase kami sa school tapos ako lang yung kinakausap niya... And I gave him acting lessons... And we acted as a couple... Tapos nalaglag yung baby ni Elah na karibal ko sa EX-boyfriend kong si Zethe, kaya naman naglaslas ako. Azul went to the hospital and we accidentally kissed... Tapos bigla na lang niya akong hindi pinapansin nun... And then we went to Subic Bay...he saved me from drowning. And in that cave, inside the tent, he confessed his feelings... Na mahal na pala niya ako. And he wanted me to be his girlfriend.


For four hours, he endured his sickness because of that poison Ice gave him, para lang sagutin ko siya. Tiniis niya ang sama ng pakiramdam niya para sagutin ko siya... And we had ups and downs but...I always felt his sincerity and love for me. And I have always loved him...


ALWAYS... Even when I broke up with him and pushed him away...so he would come back here.


I broke not only his heart, but also mine...



Hindi ko akalaing may natitira pa palang mga luha sa mga mata ko. Umiiyak na naman kasi ako dahil sa mga naalala ko. Sayang lang talaga...



Mahal ko naman kasi talaga siya eh, kaso pilit nila kaming pinaghiwalay...




Wala na ba talaga tayong pag-asa, Adam Zein..?







ORACLE ATTIRE STARTER PACK (Ito yung laging suot ni Ryen Eve kapag nasa labas na siya ng kwarto at ordinaryong araw lang):




[A/N]: 3 days akong na-delay sa pag-update kaya 3 chapters din po ang update ko today, to make it up for you guys! This is my 2nd UD! Thank you for understanding and your continuous support!

Btw, pa-plug naman po ng page namin sa Facebook named Alagad ng Kalokohan. Maraming hugots and vines na magaganap doon kaya sana support and share niyo po yung page! Please!

Thank you so much and God bless us all!


Read. Vote. Comment. Support.
#babaengbully

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 35.6K 47
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
582K 20.2K 96
"Leave, you're free. Don't ever come back here again." She said, hoping he wouldn't return and she'll get to live Hael was shocked, "Are you abandon...
1.6M 141K 47
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
463K 27.2K 44
The story continues to unfold, with secrets unraveling and new dangers lurking in the shadows. The Chauhan family must stay united and face the chall...