Jade POV:
After nung pag pa-practices namin ito final na agad ngayon.
Pero yung rampa naman baka mamaya pa naman daw bandang 2 o'clock.
Kinakabahan talaga ako paano kung matapilok ako dahil sa five inches na heels na ipapasuot sa akin nung baklang taga-ayos namin.
Sigurado akong pag-tatawanan ako ng mga tao.
Hala, bahala na talaga ang lagay nito
manalo matalo okay lang wala naman akong pake.
Syempre meron din naman siguro kahit kunti.
Sa sarili ko wala akong pake pero dun sa mga classmate's ko na todo support sa'min meron.
Syempre gusto kung manalo para hindi sila mapahiya sa pag-su-support nila sa amin ni Jake.
Teka speaking of that jerk asan na kaya yun?
12:00 pm na pero wala pa din, pero sa totoo lang wala naman nang aayusin sa kanya.
Okay na ang lahat sa kanya
his so perfect, enough to think na kailangan nya pang mag-ayos ng sarili nya.
Habang inaayusan ako hindi ko maiwasang mapa-tingin sa sarili ko habang naka-harap sa salamin.
Ako pa ba 'to? kasi yung totoong ako ayaw sa make-up galit sa mga dress.
Jeans lang at t-shirt solve na ako
pero knowing na naka fitted casual dress ako ngayon parang hihimatayin ako.
Kasi first time kung mag-su-suot ng ganitong damit.
Ayaw kasi ni papa na mag-suot ako nang ganito dahil masyado na daw marami ang mga taong manyakis ngayon.
Tama naman yung sinabi ni papa sobrang talamak na ang mga drug adict kaya ingat-ingat din.
Nagulat nalang ako sa biglang pag-sulpot ni Jake sa harap ko.
Nakangisi ang loko.
"Ano namang nakain mo at wagas ang ngiti mo dyan?"
"You're so gorgeous while wearing that casual outfit." at pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"You're so perfect."
"I-ikaw rin bagay na bagay sayo ang damit mo."
"But mas bagay tayo compared to that."
Kumindat pa sya sa'kin at tyaka tumalikod.
Pero humarap sya agad at tumawa bwesit na lalaki pinagtatawanan ba nya ako!?
"Oh ano na namang kamanyakan ang sumilid dyan sa kokote mo?"
"Alam mo kahit kailan napaka advance mong mag-isip hindi ba pwedeng maging dahilan ng pagngiti ngayon ang pagiging masaya tungkol sa isang bagay?"
"At ano naman ang isang bagay na yon? katulad ng ano?"
"Katulad ng pagiging masaya dahil ikaw ang kapartner ko at sobra ko yong ikinatutuwa."
"Pwes kung ikaw natutuwa ako naman sobrang naiinis."
"Okay I'll stop then, kasi if ipagpipilitan ko pa sa isang tao ang isang bagay na hindi naman nya gusto sigurado madedehado ako. I may not look serious outside but hell I'm totally serious inside. Lahat nang mga kalokohan ko may dahilan, lahat yun. Pero dahil ba sa ganito ako wala na akong nararamdaman? nasasaktan rin ako lalo na't yung babaeng gusto ko hindi pala naniniwala na kaya kung magbago para sa kanya."
"Bakit sino ba yang babaeng yan resbakan na natin? pakisabi nalang sa kanya ang laki ng sasayangin nya sayo."
"She's the type of girl na impossible mo na magustuhan hindi sya girly at masyadong pranka mag-salita, yung walang preno ang bibig at talagang nakakasakit yung mga words na galing sa kanya. She loves her family so much sa kanya ko natutunan na hindi pera ang susi sa kaligayahan ng tao."
"Parang ako naman ata yan HAHAHA just kidding, magka-vibes kami ah! hoy hindi kaya si Irish yan? ahem ahem hope all."
"Tsk kung alam mo lang."
"Kung alam ko lang ang alin?"
"Kung alam mo lang na sobrang manhid mo."
Ako manhid sa paanong paraan? hindi kaya! itong lalaking 'to masyadong maraming alam.
Pamanhid-manhid pa, sya nga itong manhid hindi nya alam na marami na syang nasasaktan dahil sa pagiging playboy nya.
Jake POV:
Tumayo na sya, bale kanina kasi nasa likod nya lang ako don sya nakaharap sa salamin dahil inaayusan sya.
Kung kanina sobra na akong namangha sa ganda nya ngaayon triple na talaga.
"Pak na pak ang ganda mo girl! natabunan na si amazona girl ng kagandahan taglay mo ngayon." narinig kung bati sa kanya nung baklang taga-ayos namin.
"You look literally beautiful."
"Matagal na." sabay tawa nya napatulala naman ako sa tawa nyang yon parang matagal ko nayong hindi nakikita sa kanya.
Tsk in love nga ata ako sa babaeng ito, ako ang nahulog sa sarili kung patibong.
Sabi ko noon ayaw kong mahulog sa isang amazonang babae mas prepared ko ang girly.
Kaya nga lahat ng babae sinasaktan ko kasi nga wala akong pakialam sa kanila.
Pero ngayon parang naglalaho na lahat ng sinumpaan ko bakit ba ganon?
Basta hindi ko maipaliwang sensya na kayo ng bahala basta ang alam ko lang gusto ko na ata sya.
Jade POV:
At one-thirty na nga thirty minutes nalang at magsisimula na ang pageant.
Kinakabahan talaga ako baka mamaya matalo lang ako.
Okay lang kahit matalo atleast nag-try ako.
Kaso nga lang kapag ganun ang nangyari baka magalit sa'kin ang mga kaibigan ko.
At mga classmates narin, basta gagawin ko nalang ang best ko bahala na si God maghusga.
Maya-maya pa tumayo na si Jake at inalalayan ako papunta sa stage.
"This is it pero kinakabahan talaga ako Jake."
"Don't be nervous nandito ako, kaya nga partner mo ako diba? kapag natalo ka edi parehas tayo. Pero no diba wala sa vocabulary natin ang matalo kaya go lang kaya natin ito."
Ewan ko pero parang nabawasan ang kaba kong nararamdaman dahil sa sinabi nya.
"Good afternoon ladies and gentlemen's.
Nandito tayo ngayon dahil ito ang oras para saksihan kung paano rumampa ang bawat candidates natin.
So meron tayong sampung kandita para sa ating pageant na gaganapin ngayon mismong araw na ito.
Come'on Guy's let's welcome
All the candidates
Candidate number 1 Shena
Candidate number 2 Allice
Candidate number 3 Criselda
Candidate number 4 Zuzyane
Candidate number 5 Alyson
Candidate number 6 Kristine
Candidate number 7 Minnie
Candidate number 8 Francine
Candidate number 9 Shane
and lastly candidate number 10 Jade."
Habang rumarampa ako hindi ko maiwasang mailang sa titig na galing sa mga tao especially sa mga lalaki.
Bakit ba tingin nang tingin ang lalaking yun!?
Habang rumarampa ako nagtataka ako kung bakit tila hindi na ako kinaka-bahan.
Parang nawala lahat ng kaba na nararamdaman ko kanina.
Ngayon andito na kami sa loob ulit nang dressing room kasi magbibi-his na naman kami nang pang talent.
Yung rampa naman ni Jake ayun
ganun padin malakas na sigawan ang ibinibigay ng audience sa kanya.
Ewan ko ang gwapo nya malamang sa malamang may pag-asa kami.
**********
Hala kami na naman ang mag- peperform, buti naman this time
magkasama na kaming dalawa.
Kinanta namin yung beautiful in white.
Natatawa nga ako sa sarili ko kasi nakasuot ba naman ako nang pang-kasal na gown.
Tapos si Jake naman naka black tuxedo ang lakas nga maka groom nang dating nya eh.
Grabe ang tili nung mga manonood, meron din namang banner na ang naka-sulat ay Go for JJ couple
nakakatawa nga sila sari-saring paandar.
Nung nalaman nung mga hater ko na kapag natalo ako ay talo din si Jake marami na ang sumuporta sa'min.
Habang kumakanta kami hindi ko maiwasang mapangiti bakit? wala lang nakakahawa kasi yung ngiti ni Jake.
Sino kaya yung sweteng babaeng yon na sinasabi nya?
Papasalamatan ko narin sya kasi biglang nagbago si Jake dahil sa kanya.
Malaking-malaki na ang ipinagbago ni Jake iba talaga pag may inspiration.
Nabigla ako nang hilahin ako ni Jake tapos umakto sya na hina-halikan ako.
Pero ang totoo hindi naman talaga mag-kalapit lang yung muka namin non at tinakpan nya lang nang isang kamay nya.
Samantalang yung isa naka-hawak sa pisnge ko.
Maya-maya lumakas ang tili ng mga supporter namin at umugong sa buong stage at ground floor.
"Hoy! Jake wala naman sa napag-usapan natin na gagawa ka ng ganon ah!"
"Ha? wala ba? hayaan mo na last na naman yun diba tapos na yung relationship natin ngayon?"
Kapansin-pansin ang malungkot nyang tono. Nakalimutan ko Friday nga pala ngayon, ending na nung fake relationship namin.
Pero bakit mukang affected na affected sya ano bang problema nito?
"Jake may nasabi ba ako na hindi mo nagustuhan?"
"W-wala naman let's sit nalang malapit na ang Question and Answer portion." at nagkunwari syang natatawa kahit ang totoo hindi naman.
************
Hala! seriously kami na naman ang bilis naman.
"Candidate number 10 you may proceed at the front for question and answer portion."
At talagang inintay ko si Jake para sabay kaming lumakad papunta sa stage. Kinakabahan ako, pero nung hawakan ni Jake ang kamay ko habang naglalakad kami parang nawala lahat ng kaba.
"Ito nalang ang huling katanungan para sa inyo, ang papel na ito ay naglalaman ng dalawang katanungan ang una ay para sa candidate girl at ang isa ay sa iyong lalaking kapareha."
Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Jake dahil tumitindi ang kaba ko.
"So sino sa inyong dalawa ang gusto nyong mauna."
"Humarap ako kay Jake na parang nangungusap ang mga mata, gusto ko ako ang mahuli. Mukang naintindihan naman ni Jake dahil marahan syang tumango."
"Ako nalang po muna ang mauuna." at binigyan ni Jake ng ngiti ang mc.
"So ito ang iyong katanungan para sa iyo candidate number 10, para sa iyo ano ang kahulugan ng salitang pag-ibig?"
Paktay! si Jake pa naman ang tinanong baka naman hindi nya alam ang kahulugan ng salitang pag-ibig.
Nabaling ang tingin ko ngayon kay Jake na nag-sasalita na pala.
"Para sa'kin ang pag-ibig ang pinaka magandang pakiramdam na pwedeng maramdaman ng tao. Marami nagagawa ang pag-ibig kaya para sa'kin marami rin itong kahulugan. Iba ang pag-ibig sa pamilya, iba ang pag-ibig sa mga kaibigan at lalong-lalo na iba ang pag-ibig sa taong tinatangi mo talaga. Pag-ibig ang nakakapag-paramdam sa tao ng labis na saya at the same kayang magparamdam sa'tin nang labis na kalungkutan. Pero masasabi ko na depende parin sa tao kung ano para sa kanila ang pag-ibig, dahil sa sarili mismo natin mahahanap ang kasagutan."
"Salamat sa napaka-gandang sagot mo male candidate number 10 HAHAHA tingnan mo yung mga tao halos hindi pa nakakaget-over puro nakanganga parin. Hindi siguro nila expected ang isasagot mo. Anyway dumako na tayo sa iyong partner."
"Ano girl ready kana ba for your question and answer portion?"
"Ready na kanina pa."
"Well this is your question, para sa'yo sino sa magkarelasyon ang dapat mag-aadjust."
"Thank you for your wonderful question, para sa'kin hindi pwedeng lalaki lang palagi ang mag-aadjust hindi rin naman pwedeng babae lang din. Depende kasi yan sa sitwasyon kung paanong dapat intindihin ang mga bagay-bagay. Kailangan nyong intindihin ang isa't-isa dahil ganyan ang ginagawa ng magkarelasyon. Kailangan kayong dalawa ang magbigayan at hindi kayo dapat umasa sa isa lang. Hindi porke't lalaki ang palaging nanunuyo palaging lalaki na ang susuyo, ganundin kapag babae, hindi porke't babae rin ang laging nanunuyo sya nalang ang palaging susuyo. Dapat matutong magbigayan at magkaintindihan dahil yan ang totoong ibig sabihin ng salitang relasyon."
Sana all sinusuyo kapag nag-aaway, dapat bigyan nyo ng melk tea, protas, borger tyaka fries. Ganyan ang tamang pagsuyo. Charot lang.
"Salamat sa napaka ganda mong sagot candidate number 10."
****************
"Hawak ko na ang resulta ngayon, at masasabi ko na talagang nahirapan raw pumili ang judge natin. Pero isang partner lang talaga ang pwedeng manalo. Sa tingin nyo sino kaya ang maswerteng magka-partner na ito?"
Wahhh! Jj couple yarn!~~
Kyahhhh sila nayan umpisa palang sila na talaga!~~
Wahhhh! si kuya Jake tapos si ate Jade talaga yan~~~
Reveal na pooooooo~~~~
May nanalo naaaaaa~~~~
"Ito na ang resulta base sa judge's
ang king and queen of this pageant ay ang candidate number?"
number 10~~~
number 6~~~
number 1~~~
number 10~~~~~
"Ang winner of this pageant ay candidate number 10! Jake Kim and Jade Lopez representative of section hope fourth year."
Hindi ako nakagalaw agad sa kinatatayuan ko. Kami ang nanalo! what the heck!
"Hey, they called us let's go." at hinawakan agad ni Jake ang kamay ko at ikinawit sa braso nya.
Nilagay na nila sa'min ang korona at hawak narin namin ang trophy at price.
"Jake mauuna na akong bumaba ha? kailangan ko ng mag-banyo sasabog na ang pantog ko." bulong ko at tumawa naman sya kaya hinampas ko sya.
Dali-dali akong bumaba dahil sobrang naiihi na talaga ako. Dahil siguro sa kaba.
Tumakbo ako sa hallway dahil sa sobrang pagmamadali ng matapilok ako.
Gago mo Jade naka heels ka nga pala.
wala na akong nagawa kundi ipikit ang mata ko ayaw kung makita ang kababagsakan ko.
Pero ilang minuto na ata akong nakapikit hindi parin ako bumabagsak. Ang tagal naman! slow motion ba dapat!
Unti-unting iminulat ko ang mata ko at nakita ang isang gwapong nilalang.
"Next time be careful Jade pinag-alala mo ako akala ko hindi na kita aabutan, please be extra careful I don't want you to get hurt."
"Luke anong gina-gawa mo dito?"
"I watch your pageant."
"Akala ko nakabalik kana sa Australia?"
"Yes, kakauwi ko lang kahapon dito."
"Umuwi ka para lang panoorin ako?"
"Yes, why not diba?"
Feeling ko hindi ako makahinga ng ayos. Ano bang nangyayari sa'kin! nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok rin ng puso ko.
"Is there anything wrong? you can tell me"
"W-wala naman."
Tumalikod ako at dali-daling nagpunta sa cr at nilock yon.
Bakit pa sya bumalik? nagmomove-on na nga ako eh!
Ano pa bang kailangan nya sa'kin!