Marrying Prince Shuyin [Shuyi...

By senyoritayvi

1.1K 117 17

Shuyin Trilogy (III): Mababalikan ko pa kaya siya ngayong may mahal na siyang iba? Teka... Prince Shuyin? Si... More

Prologue
SHUYIN 1: The Dragon's Palace
SHUYIN 2: The Royal Ball
SHUYIN 3: Royalties of Ybragon
SHUYIN 5: Future Oracle
SHUYIN 6: His Princess
SHUYIN 7: Hopeless Heart
SHUYIN 8: Gaining His Attention
SHUYIN 8.2: Gaining His Parents' Attention
SHUYIN 9: Couple Bracelet
SHUYIN 10: Jealous
SHUYIN 11: Revealed
SHUYIN 12: Unwelcome
SHUYIN 13: Pain for Breakfast
SHUYIN 14: Invading Thanatos
SHUYIN 15: Captivated the Enemy
SHUYIN 16: Dangerous Attraction
SHUYIN 17: Saved and Hurt Again
SHUYIN 18: Painful Goodbye
SHUYIN 19: Finally Giving Up
SHUYIN 20: The King's in Danger
SHUYIN 21: Taking the Bullet
SHUYIN 22: Saved Them
SHUYIN 23: Too Late
SHUYIN 24: Devastated Prince
SHUYIN 25: Sorrowful Celebration
SHUYIN 26: Reminiscing the Past
SHUYIN 27: Before the Wedding
SHUYIN 28: The Wedding
SHUYIN 29: Newlyweds

SHUYIN 4: Sena

27 3 1
By senyoritayvi

SHUYIN 4: Sena




RYEN EVE'S POV:

Natapos na ang speech. Natapos na ding kumain ang halos lahat sa'min pati na ang mga royalties. Hindi na muna ako sumama sa kanila. Nandun sila sa table sa tabi ng platform.


Bigla namang may umanunsiyo na magsisimula na daw ang Waltz de Eschanger kaya bigla na naman akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Yun bang parang natutuwa ako and at the same time hindi ko alam kung ano na yung gagawin ko.


"Ryen. Can I have this dance? For now?" Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Xeven at nakalahad na yung palad niya sa'kin.


"Ahh...sure..." Medyo nag-aalangan kong sagot sabay lapat ng palad ko sa palad niya.


And we slowly, elegantly walked our way to the center of the hall, across the platform. Pumupunta na rin sa kanila-kanilang puwesto ang ibang magkakapares. I felt my heart skip a beat when I caught a glimpse of Azul. Nakatayo na rin siya sa patutunguhan namin habang...nakahawak sa kamay ni Persephone...


"Don't look." Bulong ni Xeven na agad kong sinunod. "Masasaktan ka lang."


Putek...alam na alam niya, ah? Ang sakit-sakit nga talaga...


"Now all you have to do is dance waltz with me. And when I signal you to take a graceful turn, bibitawan na kita and Zein will take my place."

"W—"

"Keep quiet or he'll notice."


Shit...


Tumango na lang ako.


AS IN MAKAKAPARES KO TALAGA SI AZUL MAMAYA?!


"Do your best to act normal and as planned when you're with him later." Pahabol pa niya tsaka niya ako tuluyang hinarap at hinawakan niya nang marahan yung beywang ko gamit ang kanang kamay niya at itinaas naman niya yung kanang kamay ko gamit yung kaliwang kamay niya.


Dance position is now on... Shet lang talaga... Nagpa-panic ba ako? Hindi naman diba? Utak ko lang ang nagpapanic kasi naman sasayaw talaga kami ni Azul mamaya?!


There are two layers of a big circle formation. Kaming mga babae sa outer layer at ang mga lalaki naman sa inner layer.


I placed my left hand on Xeven's right shoulder, and then I inhaled as heavily as I could. Nagsimula na sa pagtugtog ang isang waltz music kaya naman nagsimula na din kami sa pagsayaw.


Kaliwa't kanan, a bit of rotation, and then back to original position. In my peripheral view I see Azul and Persephone, silently dancing with each other. Taliwas sa inaasahan ko, hindi mukhang masaya si Azul pati na si Persephone.


"Now turn..." Mahinang imik ni Xeven na agad namang nagpa-alerto sa'kin.


OMG ITO NA TALAGA!


Kabang-kaba akong umikot nang dahan-dahan. Naramdaman kong kumawala na si Xeven sa'kin. Nagpatuloy ako sa dahan-dahang pag-ikot habang nagdadabog ang puso ko sa loob ng dibdib ko.


And I finally finished the turn.


And I finally saw Azul standing in front of me, staring at me blankly...


Muntik na'kong mapaurong. Buti na lang at napigilan ko ang sarili kong magpanic. Kelangan kong umasta ng normal para hindi niya ako mahalata. Ang hirap talaga. Parang paulit-ulit namang nadudurog ang puso ko sa sitwasyong 'to...


"Can I?" Maginoo niyang tanong, malayo sa mukha niyang parang walang emosyon.

Muntik na akong sumagot ng SURE, buti na lang natikom ko agad yung bibig ko sabay tango na lang.

Inilahad niya ang kaliwang kamay niya at kasabay nun ang paghawak ng kanang kamay niya sa beywang ko. Nanginginig man ang laman-loob ko ay humawak na din ako sa kaliwang kamay niya at kumapit na din ako sa kanang balikat niya.


Biglang bumalik ang nakaraan. Isa-isang sumasagi sa isipan ko ang masasaya naming alaala. Ganitung-ganito ang ginawa namin noong kami pa, nung Christmas eve. May suot kaming kapa at korona na parang hari't reyna. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit niya ginawa yun... Dahil pala isa talaga siyang maharlika...


Ako pa rin ba ang mahal mo, namja?


Kasi ako...ikaw na ikaw pa rin ang mahal ko... Hindi kailanman nagbago yun...namja...


He started moving his feet, from one side to the other, in sync with the music's rhythm. Gustuhin ko mang yumuko na lang ay hindi ko magawa. Habang sumasabay sa galaw niya ay palihim akong sumusulyap-sulyap sa mukha niya.


Ang gwapo talaga ng asawa ko...SANA.


Huhuhu namja!


Nabigla ko nang biglang nagtama ang paningin naming dalawa. Agad kong ibinaba yung tingin ko at palihim akong ng huminga nang napakalalim para maibsan ang kaba at tuwang na nararamdaman ko.

He stared at me! Kahit hindi niya alam na ako 'to, masaya pa rin ako!


Naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng pagkakahawak niya sa beywang ko kaya naman napatingin ako sa kanya nang naiilang. Wala naman siyang sinasabi. Nakatitig lang talaga siya sa mga mata ko.


Nahahalata ba niya? Oh no! Hindi pwede!

"Sino ka?" Finally, a little topic. Pero hindi naman ako makakasagot.


I pressed my lips together and pointed my index finger at my lips, then at my throat. Pagkatapos nun ay umiling ako sabay ekis pa ng dalawang hintuturo ko para ipahiwatig na PIPI ako.

Nasilayan ko ang pagsalubong ng mga kilay niya pati na rin pagkunot ng noo niya.


"Hindi ka nagsasalita?" Tanong na naman niya.


If only I could, namja, I'll tell you how sorry I am right now.


Umiling na naman ako bilang sagot.


"Ah..." Bahagya siyang bumuga ng hangin. Dumampi pa nga yun sa ibabang bahagi ng pisngi ko. "May relasyon ba kayo ng kapatid ko?"

Noo ko naman ang kumunot. Nagtataka kong tinuro si Xeven, and then I gave him a "siya-ba?" look.

"Yes." He retorted.

Umiling ako. Kung pwede lang ulit-ulitin ko yung pag-iling ko eh ginawa ko na.


Duh, namja! Ikaw lang kaya mahal ko! Period!


"Ah, okay." Maikli na naman niyang sagot sabay tahimik na.


Yun na yung huling topic sa pagitan naming dalawa. Hiniling kong mag-open topic ulit siya kahit na tango at iling lang maaari kong isagot, pero hindi na nangyari yun.


Huminto ang musika at ganun na rin ang pagsayaw namin. Unti-unti siyang lumayo at bumitaw sa'kin. Unti-unti akong bumalik sa riyalidad na hindi pa rin kami pwedeng magkalapit ulit. Na hindi ako pwedeng maging si Ryen Eve. Na hindi pa rin ako pwedeng maging yeoja ulit ni Azul...


"Zein?" Napalingon kaming pareho sa babaeng nagsalita.


Si Persephone pala. Ambilis naman, babawiin na yata agad niya si Azul...


"Kailangan ko nang umalis." Matipid na paalam ni Azul tsaka siya tuluyang lumapit kay Persephone. Kumapit naman agad iyon sa kanya at naglakad na sila palayo sa'kin...


Ni hindi man lang ako nakasagot...


Ni hindi ko man lang nasabi na "Ako 'to, namja... Si Ryen Eve, ang yeoja mo...".


Hindi ko namalayang namamasa na pala ang mga pisngi ko pati na yung loob ng maskarang suot ko dahil sa mga luhang hindi ko na napigilan ang pagbagsak...


"Hey..." Isang kamay ang dumapo sa likod ko sabay marahang hagod. "It's okay... Tara sa garden."

Hindi ako nakasagot—hindi naman ako dapat magsalita eh. Sumabay na lang ako kay Xeven patungong garden. Yung back garden ang pinuntahan namin dahil wala masyadong tao.






Pagkahinto na pagkahinto ni Xeven sa paglalakad ay doon na ako napahagulhol sa sobrang sakit...


"Uy...tahan na..." Ang kaninang seryoso niyang aura ay nag-iba na ngayon...

"Bakit?" Nanginginig kong tinanggal ang maskarang suot ko at itinapon iyon sa damuhan. "Bakit ang sakit-sakit pa rin?" Pumipiyok kong pagpapatuloy habang paulit-ulit-ulit-ulit na pinupunasan ang mga luha kong hindi maubus-ubos...


Hindi siya nakasagot. Siguro hindi rin niya alam ang sagot...


"Nandito na ako, diba? Nakita ko na siya. Nahawakan ko na ulit siya at nakasama. Pero bakit parang hindi pa rin ako masaya? Bakit ayaw pa rin mawala nitong sakit, Xeven?" Ramdam ko na ang panlalambot ng mga tuhod ko kaya bigla akong napakapit sa braso niya. Agad naman siyang umalalay sa'kin at mukhang nagulat din siya sa nangyari.

"Ryen, tahan na... Maaayos din ang lahat—"

"Nakakalungkot... Sobrang nakakalungkot lang, Xeven. Kaharap ko na siya pero wala akong masabi. Wala akong magawa. Tapos...nakikita ko pa siyang may kasama nang iba..." And I bawled again, then I covered my own mouth para hinaan ang tunog ng bawat pagsinghot at paghagulhol ko...

"Alam kong masakit. Alam kong mahirap. Pero kailangan mo 'tong gawin. Kailangan mong maging matatag, para sa ikakabuti ng lahat ng nandito."

"K-Kailangan ko lang siguro ng pahinga..." Wala na akong maisip na sabihin. Punung-puno ng bakit ang utak ko.


Bakit kailangan ko ulit masaktan?


Bakit ako lang ang nahihirapan?


Bakit kailangan kong panoorin si Azul na napapalapit sa iba?



Bakit ako lang ang nagsasakripisyo?



BAKIT?!



"Ihahatid na kita sa magiging kwarto mo..."


Pinulot ng isang katulong ang maskarang itinapon ko kanina tsaka nito iyon ibinalik sa'kin. Agad ko naman iyong isinuot ulit matapos kong punasan ang mga luhang bumabaha sa pisngi ko.


Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para pigilan ang patuloy kong pag-iyak. Huminga ako nang malalim at muling kumapit sa bisig ni Xeven sabay tayo nang tuwid.


"Pwede na ba tayong bumalik sa loob? Dadaan lang naman tayo sa hall papuntang kwarto mo." He asked, making sure...


Tumango na lang ako sabang sumisinghot nag-aayos ng sarili...


Hindi na rin siya kumibo pa at nagsimula na ulit kami sa paglalakad pabalik sa loob ng palasyo. Muli kong nasilayan ang eleganteng liwanag ng hall, at ang mga taong nagsasaya sa kabi-kabilang sulok. At muli na namang nahagip ng mga mata ko ang lalaking walang kaalam-alam na binabasag niya ang puso ko...


"Wag mo na lang silang tignan..." Bulong ni Xeven sa tenga ko mismo, kaya naman nahimasmasan ako.


I didn't say a word. I continued walking with him...until I saw stairs leading to the second floor, which is thrice as high as our usual second floor in the Philippines.


Umakyat kami doon at sinalubong naman kami ng maraming hallway. Dahil lutang ako, hindi ko na natandaan kung saan kami dumaan. Basta ang alam ko, nakarating naman kami nang buhay sa kwartong inilaan nila para sa'kin.


Binuksan ni Xeven ang pinto at inakay niya ako papasok sa malaking kwarto. Napakaganda ng disenyo, parang pang-prinsesa. Yung kama ay queen size tapos may apat na pole sa bawat sulok, tapos may nakasabit na pulang telang parang kurtina doon. The usual medieval design of princesses' beds. May eleganteng sofa din sa tapat ng malaking bintana sa dulo ng kwarto, at may vanity set, malaking closet, at malaking TV na nakadikit sa pader. May aircon din pala.


"That door leads to the bathroom." Itinuro ni Xeven ang isang pintong gawa sa kahoy.

"S-Sige... Salamat, Xeven... Tsaka pasensya na sa kadramahan ko..." Nahihiya akong yumuko at bumuntong-hininga...


Umeksena pa talaga ako sa harap ng prinsipeng 'to...


"Naiintindihan kita, Ryen. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo ngayon. Kaya huwag kang mag-alala, you can tell me anything. Feel free to tell me what you feel, para maibsan ang bigat na nararamdaman mo." I can see gentleness in his eyes now... Parang napakalma din ako ng aura niya at ng mga sinabi niya.

"Salamat ulit, Xeven. Baka nga pala naiistorbo kita... Prinsipe ka pa naman—"

"No, I don't mind helping you at all. Mahal ka ng kapatid ko at mahal mo din siya—at isa kami sa dahilan kung bakit kailangan niyong maghiwalay sa ngayon, kaya naman dapat lang na tulungan ka namin. This may seem too hard for you, but trust me, Ryen, this is the easiest way we could think of. Rest assured that we will help you in this process."


Xeven's words truly touched my heart with warmth... Itong-ito talaga yung mga kailangan kong marinig ngayon...


"Pero...diba...marami pa kayong dapat gawin?" Nag-aalangan kong tanong dahil hindi ko na talaga alam kung ano pa ang nais kong malaman mula sa kanya.

"Of course, there will be times when you'll have to be on your own. Pero marami naman kaming mga sundalo at guwardiya dito, kaya masisigurado pa rin natin ang kaligtasan mo. Oo nga pala, nagpasabi si Zack Angelo na masaya siyang nandito ka na. Gustuhin man niyang tumulong sa'yo gaya ko, hindi rin yun magiging madali para sa kanya. You see, sinagot na siya ng babaeng dati pa niyang mahal. The problem is, mabilis magselos yung girlfriend niya kaya...alam mo na."

"Ahh...kaya pala. Medyo nakakalungkot kasi close din kami ni kuya Angelo, pero dibale na. Magkikita din namin kami dito sa palasyo—pero syempre di naman na ako didikit sa kanya."

"That's good to know." Bahagyang ngumiti si Xeven at marahan niyang hinawakan yung ulo ko. "Bago ko makalimutan, may mga bagong damit diyan sa closet. Sa'yo na lahat yan."

"H-Huh? Talaga?"

"Yeah. Pinabili yun ni dad kanina nung nalaman niyang isasama ka ni Blade dito. At may cellphone diyan sa drawer sa tabi ng kama. That's yours. Naka-save dun ang number namin ni Blade. Don't hesitate to send us a message when you need something, okay?"

"Okay po..."

"And don't contact anyone else, just to be safe. Gumawa ka na din ng bagong Facebook account if you want to communicate with your family and friends in the Philippines."

"May wifi dito?" Segway lang, hehe...

"Of course." Parang natawa siya pero parang hindi rin. "Your phone is already connected to the wifi. Kapag may kailangan ka dito sa kwarto—like food, toiletries, beddings, and others—nandun ang telepono. Hindi mo na kailangang magdial dahil sa linya ng Palace Assistant Headquarters lang talaga yan nakakonekta."

"Ohhh...that's new."

"I know." Ngumiti na naman siya nang maliit tsaka bumuntong-hininga. "Well, that's it. Sige na, magpahinga ka na. Alam kong pagod na pagod ka na dulot ng biyahe at...ng maraming bagay na nalaman mo mula nung dumating ka dito." He gently patted my head once again.

"Yeah..." I heaved a sigh and gave him a natural smile. "Thank you talaga, Xeven. Pinagaan mo nang sobra yung loob ko. Sige na, bumalik ka na rin doon sa ball at baka hinahanap ka na nila."

"Sige. Good night." Tumalikod na siya at naglakad papunta sa pinto.

"Good night." I replied and walked towards my new bed...

"Before I leave, may I know what name to call you as of now?" Nilingon niya ako habang nakahawak na siya sa door knob.


Napaisip ako.



Ano nga ba ang magandang pangalang pwede kong gamitin?



Hmm...



Teka...



May nasabi akong pangalan kay Blade nung nasa Pilipinas pa kami.



Ano nga ba yun?




Ahhh!



Natatandaan ko na!





"You can call me...Sena."














[A/N]: Ayun, lumabas ang clue tungkol sa konek nito with Serlande University! Sena sounds familiar, right? At least, if you have read any of my Serlande University series! Hihihi!

Anyway, I hope you enjoyed this update! Thank you for your time!

God bless us all!





Read. Vote. Comment. Support.
#babaengbully

Continue Reading

You'll Also Like

998K 44.4K 78
ရစ်နှောင်ကြိုး×သက်ဆင်းနွံ "အနွံ့အရပ်ဘယ်နှစ်ပေရှိလဲ" "ငါး...ငါးပေလေး " "ဒါဆို ကိုယ့်ရင်ခွင်ထဲနေဖို့အလုံအလောက်နေရာရှိတာပေါ့ " "ကို...ကိုကို...တော်...တေ...
788K 34.4K 57
"Mujhe jhelna mushkil hai nader," she said with a smile while her gaze was fixed on the table. ("It's difficult to tolerate me, Nader") "Main jhel l...
975K 30.3K 61
Dans un monde où le chaos et la violence étaient maitre, ne laissant place à ne serrait ce qu'un soupçon d'humanité. Plume était l'exception. Elle...
2.9M 118K 75
"ဘေးခြံကလာပြောတယ် ငလျှင်လှုပ်သွားလို့တဲ့.... မဟုတ်ရပါဘူးဗျာ...... ကျွန်တော် နှလုံးသားက သူ့နာမည်လေးကြွေကျတာပါ.... ကျွန်တော်ရင်ခုန်သံတွေက...