My Girl....Snatcher!!! When L...

By mah_bhejaykee

40.1K 1.2K 70

(COMPLETED) "Kahit ano pa yang nakaraan mo, kahit murderer ka pa, wala akong pakialam. Ikaw ang buhay ko Mi... More

My Girl....Snatcher!!!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
EPILOGUE

Chapter 7

1.2K 37 0
By mah_bhejaykee

"Happy birthday hijo!" Bungad ni Don Fabio sa telepono ng sagutin ni Dean.

"Thanks 'lo. Nadagdagan na naman ang edad ng guwapo niyong apo."

"Kaya nga sabi ko na mag-asawa kana. Gusto ko nang makita ang apo ko sa tuhod bago ako mawala sa mundong ito." Sabi ng Don.

"Naku 'lo mahaba pang buhay mo okay? By the way, bukas na tayo magcelebrate for my birthday dahil may lakad pa ako ngayon eh." Kapagkuan ay sabi niya sa Don.

"Date na naman ba 'yan apo ko? Kumusta na pala yong favor ko sa iyo hijo?" Tanong niya rito.

"'And that's the reason why I can't celebrate with you guys today in my birthday." May halong tuwa sa tinig ng binata.

"Talaga hijo? At bakit parang natutuwa ka pa ngayon? May hindi ka ba sinasabi sa akin?"

"Naku 'lo wala po. Masaya lang ako dahil birthday ko." Sabay palatak sa hangin ni Dean.

"Ang apo ko talaga oo. Siya sige, I won't take so much of your time. Be sure to update me always okay? Bye apo and have a great day in your birthday!" pagkasabi niyon ay ibinaba na rin ni Dean ang telepono.

Hindi alam ni Dean kung ano ang nangyayari sa kaniyang sarili. This is not part of his plans. But there's something that pushes him to pursue anything about Micah. Hindi niya alam kung ano ang dapat niya e-pursue para sa babae subalit isa lang ang alam niya – he wants to know more about her.

Balisa si Micah sa kanyang silid ng araw na iyon sa kadahilanang susunduin siya ni Dean. Umalis nang maaga ang kanyang ina dahil maghahanap ito nang mapaglalabahan. Kahit may arthritis ito, matigas parin ang ulo. Silang dalawa lang ni Boyet ang naiwan sa bahay.

"Ate, nandito si pogi sa baba!" sigaw ni Boyet. Kumabog bigla

ang dibdib niya sa di malamang dahilan. 'Ano bang nangyayari sa 'kin? Gusto ko na ba ang lalaking 'to?' tanong niya sa sarili.

"Ate! Baba ka na. Naiinip na si pogi!" Sigaw ulit ni Boyet.

"Oo na!" Pabalik na sigaw niya sa kapatid.

Habang pababa ng hagdan si Micah, hindi parin nawawala ang kaba sa dibdib niya.

"H-hi!" Bungad niya sa binata.

"Hi." Ani Dean na hindi makapaniwala sa nakita.

"Ate, may bestida ka pala? Bakit ngayon kalang nagsuot niyan? Ang ganda mo ate!" sabi ni Boyet kay Micah na hindi parin makapaniwala sa nakikitang pag-aayos ng kapatid.

Simple lang naman ang suot ni Micah. Isang blue-collard and above-the-knee dress ang damit niya. Dotted ang disenyo niyon at hapit na hapit sa maliit niyang baywang. Because it's an above-the-knee dress, direktang makikita ang pino at maputing kutis ng dalaga.

"You look beautiful Micah." Mahinang sabi ni Dean nang makababa na ang dalaga.

"S-salamat." nahihiyang tugon ni Micah sa binata.

"Ah-excuse po sa inyong dalawa, may lakad po ba kayo?Ate sama mo naman ako. Please?" Pagsusumamo ni Boyet sa kapatid.

"Sure Boyet, isasama ka namin ng ate mo. Magbihis ka na at hihintayin ka namin." Saad ni Dean sa bata.

"Wag kalimutang maligo Boyet ha!" pasigaw na sabi ni Micah sa kapatid na dali-daling pumunta sa silid nito. Naiwan silang dalawa na kapwa tahimik sa isa't isa.

"Micah, you're gorgeous on that dress. I can't believe that you're going to wear one knowing you na parang hindi komportable sa ganyan." Mahabang sabi ni Dean sa dalaga. Mababanaag sa mga mata ng binata ang amusement.

"Hindi talaga ako sanay sa ganito eh.Ewan ko ba bakit pa ako nagsuot nito. Magbihis nalang kaya ako? Mukhang maliit narin sa'kin 'tong damit eh." Sabi ni Micah na halatang hindi komportable sa damit niya.

"No Micah, I swear! You're great!. So 'wag kana magpalit okay?" pagsusumamo ni Dean sa dalaga.

Nakabalik kaagad si Boyet matapos nitong magbihis kaya wala nang nagawa pa si Micah kundi maging komportable nalang sa damit niya.

"Okay, are we ready?" tanong ni Dean sa dalawa.

"Opo pogi! Ready na!" excited namang tugon ni Boyet sa binata.

"Well then, lets go!" Iginiya ni Dean and dalaga at si Boyet sa nakaparada nitong black Audi S4 sa labas ng bahay nila. Pinagkukumpulan ito ng mga kapitbahay ng dalaga dahil halata naman itong mamahalin. Hindi naman ito pinagkainteresan ng mga magnanakaw dahil nakaantabay ang apat na bodyguards ni Dean.

Nang makalabas na ang tatlo ay sila naman ang pinag-ukulan nang pansin ng mga tao.

"Hoy Micah ikaw ba yan! Aba maganda ka pala ha! Babaing-babae ka sa suot mo. Paakyat nang ligaw mamaya ha!" anang isa sa mga lalaki na kapitbahay nila.

"Oy, Micah yan na ba boypren mo? Kaya ba iba kana ngayon dahil sa mayaman na yang kasama mo?" tinig ng isang babae.

"Wag mo silang pansinin ate, inggit lang yang mga iyan. Pogi tayo na!" ani Boyet sabay bukas ng pintuan ng kotse.

"Boyet, dahan-dahan ka nga! Baka makasagi ka pa nang kung anu-ano diyan eh mahal pa ata sa atin tong sasakyan na 'to." May pag-alalang sabi ni Micah sa kapatid.

"It's okay Micah, bata eh." May ngiti sa labi ni Dean habang binabaybay nila ang kalye palabas ng San Matin. "And this is not worth of your lives okay? Exaggerated naman ata yan.

"So, where you do you want to go first?Kain muna tayo or pasyal agad?" tanong ni Dean na ang mga mata ay nakatutok sa kalsada.

"Puwede kumain muna tayo pogi? Gutom na kasi ako eh." Sabi agad ni Boyet.

"Boyet, mahiya ka naman nang kaunti". Suway ni Micah sa kapatid. "Ah, ikaw na ang bahala Dean kung ano ang plano mo ngayon." saad ni Micah sa binata.

"Eh, kung nagugutom si Boyet kumain na muna tayo.Saan mo gustong-."

"Sa Jollibee pogi!" tugon agad ni Boyet kahit hindi pa tapos sa pagsasalita si Dean. Halatang excited na makapasok sa restaurant na iyon.

"Ikaw Micah, saan mo gusto? Ano bang iniisip mo at napakatahimik mo yata diyan. Just relax okay?" saad ni Dean sabay hawak sa mga kamay ng dalaga.

Napapitlag si Micah sa tinuran ng binata. Agad din naman niyang binawi ang kamay dahil sa naramdamang elektrisidad na dumaloy sa kanyang katawan nang biglang hawakan nito ang kanyang kamay. Nasa likod rin si Boyet at ayaw niyang makita ito ng kapatid.

"Okay lang ako kahit saan niyo gusto pumunta. Birthday mo ngayon 'di ba. Ikaw na ang pumili kung saan mo gusto dahil wala rin naman akong alam na pwede nating puntahan at kainan." Mahinang sabi ni Micah.

"Kung gayun, leave this all to me. I'm sure mag-eenjoy kayong dalawa ngayong araw." Masayang sabi ni Dean sa dalaga.

Kung saan-saan lang napunta ang tatlo nong araw na iyon. Nagpunta sila sa amusement park at lahat ng rides ay sinubukan nilang tatlo. They just stop until they're all exhausted. Sa loob ng maghapon na nagkasama sila, noon lang nakita ni Dean na napakasaya ni Micah. The sound of her giggles and laughter smoothly pierces and melted his heart. How he wishes that he could hear those again anytime he wanted, anytime he pleases.

Huminto ang kotse ni Dean sa harap ng bahay nila Micah nang hindi namalayan ng dalaga. Nakatulog ito habang nasa daan at gayon din si Boyet na nakahiga sa backseat. Napadako ang mga mata ng binata sa mukha ng dalaga.

'Micah, what have you done to me?' ani Dean sa sarili na ang mga mata ay nakatitig sa mukha nang natutulog na dalaga. Dahan-dahang nabaling ang tingin niya sa mapupula nitong labi. 'Kaysarap halikan ng mga labi mo Micah.' Bulong pa niya habang unti-unting lumapit sa mukha ng dalaga.

"A-anong ginagawa mo?" untag ni Micah sa binata.

"Ha-ah,eh. Gigisingin sana kita. O-oo, gigisingin na sana kita dahil nandito na tayo sa inyo." Ani Dean na mababakas sa mukha ang pagkabigla.

"Ay! Ganun ba? Naku Dean, pasensiya kana ha nakatulog kasi ako." Nahihiyang sabi ng dalaga.

"It's okay Micah. Alam ko naman eh medyo napagod kayo ni Boyet sa mga pinanggagawa natin kanina. And I'm so glad you enjoyed everything we did." May saya sa mga labi ni Dean habang kausap ang dalaga.

"Salamat Dean ha. Sa totoo lang, hindi pa namin naranasan lahat ng iyon ni Boyet. Kaya maraming salamat dahil napasaya mo ang kapatid ko." Malumanay na sagot ng dalaga.

"Bakit Micah? Aren't you happy too?" may lungkot na tanong naman ni Dean.

"Naku hindi naman sa ganun Dean, naging masaya rin ako. Kaya nga maraming salamat sa iyo. Teka, gigisingin ko na muna si Boyet." Kapagkuan ay lumabas ng kotse si Micah at umibis sa likuran para gisingin ang kapatid.

"Boyet? Gising na. Nandito na tayo sa bahay." Untag ni Micah sa kapatid. "Boyet gumising kana dahil uuwi pa si Dean."

"Bubuhatin ko na lang si Boyet Micah para hindi na maputol ang

mahimbing niyang tulog." Nakangiting sabi ng binata.

"Naku,huwag na! Nakakahiya naman saiyo. Masyado kana naming naabala." Nahihiyang sabi ni Micah.

"Okay lang yon." Pagkasabi niyon ay binuhat na agad ni Dean si Boyet.Si Micah naman ay dali-daling binuksan ang pintuan ng bahay nila.

"Mabigat pala tong kapatid mo." May pag-aalaskang sabi ni Dean pagkatapos mailapag si Boyet sa kama.

"Sabi ko naman sa iyo 'wag mo na buhatin da-". Naputol ang iba pang sasabihin ni Micah nang biglang bumukas ang pinto.

"Micah nandiyan kana pala." Sabi ni Aling Meding nang makapasok na ito.

"Magandang gabi po 'nay. Ay si Dean nga pala ka-".

"Ano naman ang ginagawa ng lalaking ito dito? Hoy mister diba ikaw yong nandito noon? Bakit ka narito ngayon?" Tanong agad ni Aling Meding sa binata. Halatang hindi nito nagustuhan ang bisita.

"Nay, kaibigan ko po siya. Namasyal po kami kanina kasama si Boyet." Mahinang tugon ni Micah sa Ina.

"Ma'am magandang gabi po sa inyo." Seryosong bati ni Dean sa ina ni Micah.

"Maaari kanang umalis." Madiing sabi ni Aling Meding sa lalaki.

"Ma'am wala po akong ginagawang masama para pagsabihan ninyo ako ng ganyan. No need for you to push me away kasi kahit na anong gawin ninyo, babalik at babalik parin ako dito." Bago pa siya nakalabas ng pinto ay binalingan niya ang dalaga. "Anyways Micah, mauna na ako sa iyo.Maraming salamat nga pala." Mahinang sabi ng binata bago ipinid ang pinto.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha Micah!" galit na sabi ni Aling Meding sa anak. "At kelan ka pa natutong mag bestida?!"

"Nay, hindi naman po masamang tao si Dean eh. Bakit po ba kayo nagkakaganyan?" naguguluhang tanong ng anak.

"Ayaw ko sa lalaki na yon Micah. Mapapahamak ka lang anak kaya mabuti pang tigilan mo nang makipagkaibigan o makipagkita sa kanya!" pagkasabi niyon ay agad na pumanhik ito sa kwarto at naiwan si Micah na walang nagawa kundi sundan ng tingin ang ina.

''Ano bang ginagawa ng lalaking iyon dito sa pamamahay ko? Nahanap na kaya ako nang magaling kong ama?' ani Aling Meding sa sarili. 'Hindi pupwede. Kahit na maghirap pa kami ng anak ko, hinding-hindi ako babalik sa pamilyang minsan nang nagtakwil sa kin!' Bago natulog si Aling Meding ng gabing 'yon ay may namuo ng plano sa kanyang isip.'Akala ninyo makukuha ninyo kami basta-basta ng apo ninyo?Pwes! Nagkakamali kayo. Ayokong maranasan ng anak ko ang naranasan ko noon sa inyo!

Continue Reading

You'll Also Like

3K 131 16
|Completed| I was your first love and definitely the love of your life. But I chose to leave you and fight for my dreams. I know, I'm wrong. I know...
1.8M 125K 45
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
84.9K 1.5K 18
**EDITING the wrong spellings & shortcut words :D** this is a story of my imagination... hope you enjoy reading! #96 Vampire -July,16,2016
1.2M 49.9K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.