HEAVEN WILL ONLY KNOW

By fedejik

328K 6.3K 217

Playboy... yun ang tamang description kay Yi Jeong. Hindi siya kuntento sa iisang babae at lalong hindi siya... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12 (End)

Chapter 11

22.1K 426 8
By fedejik

CHAPTER 11 

Wala pang isang oras ay nakarating rin sila sa mansion. Naabutan nilang nanonood ng telebisyon ang mga magulang ni Yi Jeong sa sala kasama ang ina ni Gail. 

"Where's Claire?" Taka pang tanong ng Senora sa anak. 

"We left her there." Malungkot pa niyang sagot. Hindi mawala sa isip niya ang hitsura ni Claire nang iwan nila ito kanina. 

"What happened?" Kunot-noo pa ito. 

"She's miserable, ma.  She hurt Gail." Maikling kuwento pa niya. 

"What?" Gulantang ito sa ibinalita ng anak at sabay sabay pang napalapit sa kinakalagyan ni Gail. 

Agad ding lumapit ang alalang-alalang ina ni Gail sa anak. 

"Anak, okay ka lang ba?" Hinawakan pa nito ang mukha ng kanyang anak. 

"Okay lang ako, 'nay. 'Wag na po kayong mag-alala." Mapait pa siyang ngumiti. Ayaw rin naman niyang mag-alala ito nang husto. 

"What happened to Claire?" Ang Senor na hindi rin maiwasan ang magtaka. 

"She want us together, papa." Matipid namang sagot lang ni Yi Jeong na bahagya pang sumulyap sa nakayuko lang na fiancee niya. 

"She's out of her mind!" Iiling-iling pa ang kanyang Papa. "I'll send back the private plane. She needs help. Something might happen to her."  Dumial pa ito sa telepono at kinontak ang pilotong naghatid sa kanila. 

"Sige na, magpahinga na kayo." Ang Senora na sumenyas pa sa mga katulong na magdala ng mga gamit ng anak. "Gail, magpahinga ka na muna ha. Kapag may nararamdaman kang hindi maganda, tell us okay?" 

"Opo, Senora." Sagot naman ni Gail. 

"Mama.." Pagko-korek pa niya dito. 

Matamis namang ngumiti si Gail sa sinabing iyon ng Senora. Wala talaga siyang masabi sa kabaitan ng mga ito. 

Bago pa man pumasok ng kwarto si Gail ay mahigpit pa siyang niyakap ng pinakamamahal niyang lalaki. 

"Sorry talaga ha, nasaktan ka ng dahil sa akin." Muli ay pinagmasdan pa niya ang gasgas nito sa pisngi na bahagyang naitago ng make-up. 

"Ano ka ba, 'wag mo na akong alalahanin. Okay lang ako." Tinapik pa niya ito sa pisngi at mabilis na  dumukwang para halikan ito sa pisngi. "Magpahinga ka na din ha." 

Tumango na lang siya bilang sagot at isang matamis na halik ang ipinabaon niya dito bago tuluyang tapusin ang kanilang napakahabang araw. 

Kinabukasan ay pare-parehas silang nagulantang sa balita. Naisugod sa hospital si Claire dahil sa pag-overdose ng sleeping pills. 

"She's insane!" Halos sumabog ang ulo ni Yi Jeong nang makarating sa kanya ang balita. Hindi niya lubos maisip na magagawa iyon ng dating nobya. 

"Kailangan mo siguro siyang puntahan." Suhestiyon pa ni Gail sa tila naguguluhang lalaki. 

"I can't believe this is happening..." Tutop pa nito ang noo. 

Hindi na lang kumibo si Gail sa nakikitang pag-aalala ng lalaki sa dati nitong nobya. Agad na sumagi sa kanyang isip kung papaano naging miserable ang lalaki sa pag-iwan ni Claire dito. At ngayon ay si Claire ang miserable dahil dito. 

"Can you come with me, love?" Malungkot pa nitong tanong. 

Tumango lang siya bilang sagot. Alam niyang nakakaramdam ito ng guilt sa pangyayaring iyon kay Claire. At maging siya ay ganoon din ang nararamdaman. 

Mabilis din naman silang nakarating sa hospital. Naabutan nila ang mga magulang ni Claire na panay ang iyak sa lobby. 

"Yi Jeong!" Salubong agad ng may katandaan na ring babae. Tisay na tisay ito tulad ng anak na si Claire. 

"Tita," Agad din naman niya itong niyakap at inalo kahit na nga alam na alam niyang tinutulan ng mga ito ang pag-iibigan ni Claire noon dahil mas ginusto nitong makasal ang anak sa mas mayamang angkan. 

"What happened Yi Jeong?" Basang basa ang mukha nito ng luha. 

"It's hard to explain, Tita." 

"Yi Jeong..." Ang papa ni Claire na halos doble ang edad sa asawa nito. "I understand what's going on," napasulyap pa ito kay Gail. "My daughter needs you. Please talk to her..." Sumamo pa nito. Wala sa hitsura nitong lalapitan din siya matapos ang napakahabang panahon. 

Tumango na lang si Yi Jeong sa request nito at binalingan ang tahimik pa ring si Gail. 

"Love, would you like to come with me inside?" 

Mapait lang siyang ngumiti sabay iling. "Sige na, okay lang ako dito." Banayad pa niyang tinapik ang pisngi nito. 

"Wait for me here okay?" Hinawakan pa nito ang mukha ng babae sabay kudlit nang halik sa labi nito. 

Agad din namang pumasok si Yi Jeong sa kwarto. Talagang binigyan siya ng pagkakataon ng mga magulang nito na magkasarinlan sila. Naabutan niyang gising si Claire na naka-dextrose. 

"Yi Jeong," Agad na sumilay ang ngiti sa labi nito sabay patak ng luha sa mga mata nito. 

"Why are you doing this to yourself?" Kunot-noo pa niyang tanong dito at lumapit nang husto sa kinalalagyan nito. 

"I love you, Yi Jeong." Umiiyak pang sabi nito. "I can't imagine life without you." 

"C-claire..?" Hindi naman niya malaman kung papaano ba mag-react.  Marahil kung noon nito sinabi ang mga salitang iyon, walang pag-aalangan niyang tatanggapin ito nang buong-buo.  Pero marami na ang nabago simula nang makilala niya si Gail. 

"Let me finished first..." Interrupt pa nito sa sasabihin sana ng lalaki. "I wanted to be with you. Please, I need you. I want you back." 

"But I love Gail..." Malungkot pa siyang napatitig dito sabay iling. "I can't love you more than what you want, Claire.  Things changed between us." 

"I'll kill myself if you don't come back to me!" Nanggagalaiti pa nitong banta. 

"Are you threatening me?" Kunot-noo ulit siya at may konting tigas ang mukha. Hindi siya makapaniwala sa babae. 

"I am not. I'll kill myself if you don't come back to me!" 

"I am here for you but it seems to me that you're really out of your mind!"  Irritable pang sabi niya.

"I am in love with you and I knew exactly what I want and that's you!" Nagwawala pa nitong tinanggal ang dextrose. 

Agad namang naalarma si Yi Jeong sa ginawa nito at malakas na sumigaw para humingi nang tulong. 

"I need help!" Malakas pa niyang sigaw sabay pigil sa nagwawala pa ring babae. Agad din namang dumating ang doctor na may dala-dalang pampakalma kasunod ang mga magulang nitong halos mamutla sa pag-aalala. 

"No! No!" Pilit pang nagpupumiglas si Claire sa paghawak sa kanya ng mga nurse habang pilit na itinuturok sa kanya ang pampakalma. "Yi Jeong, I love you.  Please come back to me!" Nagmamakaawa pa nitong sabi habang unti-unting tumatalab ang naiturok dito. "I love you so much.  I'd rather die if I loose you."  Ibinaling pa nito ang tingin sa may pinto.  "Gail,  please I need him back." Pagmamakaawa pa nito.  "Gail, I can't live without him." 

Agad namang napabaling ang tingin ni Yi Jeong sa noo'y tila naluluhang babae. At nang 'di kayanin ang tensyon ay nagmamadali pang nagtatakbo ito palabas ng kwarto. Sumunod din naman agad siya dito matapos na tuluyang kumalma si Claire at makatulog. 

"Gail..." Pukaw pa niya sa napakalalim na pag-iisip nito. Kasalukuyan itong naghihintay sa loob ng sports car niya. 

"K-kamusta na siya?" Alalang-alala siya kay Claire lalo na nang makita niya ang desperasyon nito. 

"She's sleeping..." Maikling sagot pa niya. Nilapitan niya ito at mahigpit na ikinulong sa kanyang mga bisig. "Are you okay?" Hinahalik halikan pa niya ang buhok nito. 

Tumango lang siya bilang sagot at tiningala ito. 

"Kailangan ka ni Claire." Seryoso pa niyang sabi dito. 

Humugot muna ng isang malalim na buntong hininga si Yi Jeong bago tuluyang magsalita. "What are you trying to say, Gail?" 

"Balikan mo siya."  

"What?!" Agad na kumunot ang noo nito.  Igting ang panga nito.

"Makinig ka muna," 

"Kalokohan ang sinasabi mo, Gail." Bara agad nito ng salita. 

"Baka kung ano pa ang gawin niya sa sarili niya kapag di mo siya pinagbigyan." Taranta din siya. 

"Are you hearing yourself, Gail?" Hindi siya makapaniwala dito. 

"W-wala siya sa sarili niya baka mapahamak pa siya." Talagang worried siya. Hindi niya gustong mapahamak ito. 

"I don't care, Gail.  I don't care!"  Halos mapasigaw ito sa inis. 

"Yi Jeong..." 

"'Wag mong hilingin sa akin 'yan, Gail. Pakiusap lang," Seryosong-seryoso ito. "I once became so miserable because of her! And now,  you're asking me to be miserable again!" 

"Sige, kahit tulungan mo lang siya makapagmove-on nang maayos. Pansamantala, samahan mo muna siya. Pretend ka munang okay ka sa idea." 

"I can't believe that you'll really beg me to do that!" 

"Kailangan ka niya," Pagpipilit pa rin niya. "Pakiramdam ko responsable din ako sa anumang possibleng gawin niya sa sarili niya." 

"What if mas makasama lang sa kanya ang paglapit ko at umasa siya?" 

"Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan." 

"Kaya mong makitang kasama ko siya?"  

Hindi naman malaman ni Gail ang isasagot. Sa totoo lang ay may takot siya sa posibilidad na muling mahulog ang loob ng lalaki sa dating nobya nito. Natatakot siyang baka magkatotoo ang drama nila. Pero hindi rin kaya ng kanyang kunsensya na makitang nagkakagan'on si Claire. 

"This will never work!" Taas-kamay pa si Yi Jeong. 

"Subukan mo muna, please.  Kawawa naman kasi si Claire. Kahit hanggang makarecover lang siya." 

Humugot na lamang siya ng isang malalim na buntong hininga. Hindi niya alam kung kakayanin ba niyang magpanggap sa harap ni Claire. 

"Please..." Sumamo pa ulit niya. Pilit na nilalambing ang napipilitang lalaki. 

"I'll try but I can't promise, Gail.  Susubukan ko lang para sa'yo at 'di para sa kanya." 

"Alam ko," Mahigpit pa niya itong niyakap. Umaasa na lang siya na tatagalan niya ang makitang madalas na pagsasama ng dalawa. 

Lumipas nga ang ilang araw na walang ginawa si Yi Jeong kung 'di ang bantayan si Claire sa hospital. At ilang araw na rin na pilit nilalabanan ni Gail ang sariling 'wag na magselos sa dalawa. Subalit ganoon na lang din ang gulat niya nang umuwi galing sa pagtuturo ay inabutan niya ang dalawa sa sala ng mansion. Hindi niya sukat akalain na magagawi pa si Claire doon. 

"Hi Gail.  Thank you!" Bungad pa ni Claire dito sabay yakap nang mahigpit na mahigpit. 

Gulat na gulat naman si Gail sa ginawa nito. Palihim pang sumulyap sa kinalalagyan ng lalaki na seryosong seryoso ang mukha. 

"K-kamusta ka na?" Pagpipilit pa niyang magpaka-kaswal. 

"I am more than okay..." Matamis ang pagkakangiti nito. Masaya talaga siya. "And that's because you let Yi Jeong get back to me." 

Hindi naman niya nagawang mag-react agad. May konting guilt siyang nararamdaman sa panloloko dito. 

"I might as well live here for the meantime to spend more time with him." 

"Live here?" Kunot-noo pa siya. 

"Yes!" May kasama pang tango na sagot nito sabay punta sa kinalalagyan ng lalaki at mahigpit na mahigpit pang niyakap ito. 

Hindi naman maiwasan ni Gail ang magselos kahit na nga alam niyang nagpapanggap lang ang lalaki. 

"I am the happiest woman alive!" Nagniningning ang mga mata nitong tumitig pa sa lalaki na tangka sana niyang hahalikan pero agad ding umiwas. 

"I need to go to the kitchen to prepare your dinner." Palusot pa nito. Makahulugan pang tumingin kay Gail na noo'y pasikreto ring sumenyas sa kanya na pupunta na sa kanyang kwarto. 

"I'll accompany you," 

"No." May kasama pang iling nito. "You need to go to rest." Hinimas pa niya ang ulo nito. "I'll prepare something special for you." 

"But--" Hindi na nito naituloy ang sana'y sasabihin dahil agad ding nagsalita ang lalaki. 

"No buts please.  Don't be so stubborn..." May panermon pa nito. 

Ngumiti na lang si Claire. Ayaw din naman niyang makulitan ito sa kanya. 

Nang tuluyan nang makapasok si Claire sa kwarto nito ay nagmamadali pang tinungo ni Yi Jeong ang kwarto ni Gail. Sobrang miss na miss niya ito. 

"Yi Jeong?!" Gulat na gulat pa si Gail sa pagkakita sa lalaki na nasa loob ng kwarto niya. 

"My love..." Mabilis pa niya itong sinalubong nang mahigpit na yakap tipong ayaw magpakawala. "I miss you so much!" Agad pa niya itong siniil nang halik. "Do you miss me?" 

"B-baka makita tayo ni Claire!" Ni hindi niya alintana ang pagkasabik sa kanya ng lalaki. Sa halip ay bumitiw siya dito at agad na tinungo ang pinto para isara. 

"She's on her room..." Hindi naman naiwasan ni Yi Jeong ang medyo mainis sa reaksyon ng babae. Ineexpect niyang ibabalik nito ang pagkasabik niya dito. 

"Ano ka ba? Dapat mag-ingat tayo sa galaw natin. Baka mabuko tayo ni Claire." Panenermon pa niya dito. 

"Oo na." Napakamot pa siya ng ulo.  

"Sa tingin mo okay na siya?" 

"What do you think?" Sarkastiko pa siyang ngumiti. 

"Sobrang saya niya na kasama ka.  Kawawa naman dahil niloloko lang natin siya." Hindi niya makalimutan ang napakasayang ngiti nito kanina. 

"Then let me tell her the truth."  

"No!" Mabilis pa niyang pigil dito. "'Wag muna.  Nagsisimula pa lang siyang magpagaling nang husto." 

"You're impossible!" Iiling-iling pa ito. 

"Sige na, lumabas ka na! baka hanapin ka pa nun!" Pagtataboy pa niya dito. 

"Wait, hindi man lang ba tayo magku-kuwentuhan?" Kunot-noo pa ito. 

"Sa ibang araw na lang baka hanapin ka ni Claire!" Hinihila pa niya ito palapit sa pinto. 

Napakamot na lang siya ng ulo sa ginagawa ng babae. Kung hindi lang niya ito mahal ay hindi niya gagawin ang pagpapanggap na iyon. 

"Labas na dali!" Tulak pa rin niya dito. 

"Ok wait!" Iiling-iling pa siyang humakbang palapit sa pinto. "What about my goodnight kiss?" 

"Sige na, good night!" Mabilis lang din ang ginawa niyang paghalik sa pisngi nito. 

Hindi na rin naman siya nakapag-react pa. Umiiling na lang niyang binagtas ang daan palayo sa kwarto nito. 

~~

May kung ilang araw din ang nakalipas na kahit nasa iisang bahay sila ay hindi man lang nila magawang makapag-usap. Sa lahat kasi ng oras ay nakabantay si Claire sa lalaki. At kahit saan pa ito pumunta ay palagi itong nakabuntot. 

"Maybe we should set our wedding."  Suhestiyon pa ni Claire habang nagpapahinga sila sa may pool side. 

"Get married?" Hindi naman malaman ni Yi Jeong kung papaano ba mag-react. 

"Yes..." Tumango pa ito. "I don't think we need more time 'coz we've known each other for quite a long time right?" 

"But Claire, " Kung dati'y nagkakandarapa siyang pakasalan ito, ngayo'y iba na. Wala siyang ibang gustong pakasalan kung 'di si Gail. 

"Didn't you want to marry me?" Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. 

"I need time, Claire. I hope you understand." 

Hindi naman na nakasagot si Claire. In denial lang naman siya. Alam niyang nagpapanggap lang ang lalaki para hindi na niya ulitin ang tangkang pagpapakamatay. 

"Okay, I'll wait 'til you're ready." Pinilit pa niyang ngumiti kahit na nga parang sasabog ang dibdib niya sa sakit na nararamdaman. Pero handa pa rin siyang sumubok. Mahal na mahal niya si Yi Jeong. 

"Thanks..." 'yun na lang din ang naisagot niya. Kahit na papaano'y nakahinga siya nang maluwag sa mabilis na pag-intindi sa kanya ng babae. 

"Why don't we travel together? We both need vacations right?" Pag-iiba pa niya ng tema nang usapan nila. 

"I am not in the mood to travel." Mabilis namang tanggi niya. Pilit na hinahagilap si Gail na hindi pa lumalabas man lang sa may garden. 

"Okay." Tameme naman siya. Sa pakiwari niya'y tatanggihan lahat ng lalaki ang mga suhestiyon niyang magsama silang dalawa. 

"Wait, I'll get us some fruit juice okay?" Iwas pa niya dito. Gusto rin niyang makita si Gail. 

"Okay." Tipid naman siyang ngumiti. Alam niyang umiiwas lang ito sa kanya. 

Mabilis namang tinungo ni Yi Jeong ang kusina para hagilapin si Gail pero hindi niya iyon nakita. Kaya naman inihanda na lang niya ang fruit juice na ipinangako niya kay Claire. Pero bago pa man tuluyang makalabas ulit sa pool side ay agad niyang nakasalubong si Claire. Agad ding bumungad si Gail na may kasamang lalaki! 

"Yi Jeong," Agad niyang nakita ang pagdilim ng mukha ng lalaki sa pagkakita sa kasama niya. "Siya nga pala si Randolf.  'Yung co-teacher ko. May pinasyalan kasi siya sa kabilang kanto kaya dumaan na rin siya dito." 

"Hey..." Si Claire na maluwag ang pagkakangiti. "I'm Claire and this is Yi Jeong." Pagpapakilala pa niya sa seryosong lalaki. 

"Hello.  Nice to meet both of you." Matamis pa itong ngumiti sabay abot ng kamay nito kay Claire. Subalit nang aabutin na niya ang kamay ni Yi Jeong ay agad itong tumalikod ng walang paalam. 

"Claire, let's go!" Tawag pa ni Yi Jeong na hindi man lang lumilingon sa bisita ni Gail. Hindi niya mapigilan ang magselos lalo na nga't magandang lalaki rin ito. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng insecurity sa ibang lalaki dahil kay Gail. 

"Hey Yi Jeong!" Si Claire na nakasunod din naman agad dito. "Randolf is good looking.  They look good together don't you think?" 

"I don't think so," Hindi niya napigilan ang emosyon. 

"Are you jealous?" Agad na naiba ang timpla niya. Hindi rin pala niya kayang pigilan ang damdamin sa lahat nang pagkakataon. 

"Me? Jealous?" Kunot-noo pa ito. "I don't get jealous." 

"Really," Tumango-tango pa siya. Hindi na lang niya ito kinontra. Pilit pa ring itinago ang nararamdamang inis. 

"Here is your juice!" Iniabot pa nito ang juice ng hindi man lamang tinatapunan nang tingin ang babae. 

"T-thank you." Pinagmasdan pa niya nang husto ang mukha nito. Halatang inis na inis ito. 

"I want to watch a movie, would you like to come?" Agad na may sumagi sa isip na gawin. Hindi niya kayang isiping nagsosolong magkausap ang dalawa sa sala. Hindi siya makakapayag. 

"S-sure..." Wala siyang magawa kung 'di ang sumunod sa trip ng lalaki. 

At tulad nang inaasahan ay naabutan nila ang dalawa na nagme-meryenda sa sala. Agad namang nagsalpak ng dvd si Yi Jeong at pumuwesto na 'di kalayuan sa kinakalagyan ng dalawa. Tumabi rin naman si Claire sa kinakaupuan nito at isinandig pa ang ulo sa balikat ng tila seryoso pa ring lalaki. 

"Hindi ko talaga matutunan itong laptop ko." Nagkakamot pa ng ulo si Randolf. Ni hindi alintana ang presence ng dalawa. 

"Ano ka ba?" Iiling-iling naman si Gail. Lumapit nang bahagya sa katrabaho para ituro dito ang pinaka-basic na dapat matutunan nito sa paggamit ng laptop nito. "Masasanay ka rin dito, naninibago ka lang siguro." 

"Nabobobo ako dito e. Kapag 'di ko talaga matutunan 'to magpapaturo ako sa'yo ha."  

"Sige ba.  Walang problema. Basta ba maglilibre ka lagi ng meryenda ha." Palihim pa niyang sinulyapan si Yi Jeong na sa kanya pala nakatingin. Kunot-noo itong tipong galit sa kanya. Nahapyawan rin niya nang tingin si Claire na saktong tumingin rin sa kanya. Wari'y hindi na lamang niya pansin iyon at nagpatuloy sa pagtuturo kay Randolf. 

"Kung gusto mo e ligawan pa kita!" Biro pa ni Randolf dito. Matagal na rin siyang may crush kay Gail kaya lang sa pagkakaalam niya'y committed na ito. 

"Sira ka talaga!" Iling-iling pa siya sa biro nito.  

"Sabihin mo lang, liligawan talaga kita!" Muli ay biro ulit nito. 

Hindi naman mapigilang magngitngit ni Yi Jeong sa naririnig na usapan ng dalawa. Ramdam niyang may gusto si Randolf sa kanyang fiancée. 

"Hay nako, Randolf! Magfocus ka na lang dito at nang 'di kung anu-ano ang pumapasok sa utak mo." Iiling-iling pa niyang sabi.  

"Matanong nga pala kita," Bigla'y sumeryoso ito. "Balita ko kasi sa school may boyfriend ka na. Pero I never saw him. Nasaan ba siya?" 

"Ha?" Hindi niya malaman ang isasagot. Wala pa sa sariling ibinaling ang tingin sa kinaroroonan ng kanyang pinakamamahal na lalaki. Muli ay nasalubong na naman niya ang mga mata nito.  Malamig iyon at parang nagtatampo.

"She's not committed to anybody." Si Claire ang agad na sumagot. 

Hindi naman na nakakibo si Gail sa sinabing iyon ng babae. 

"Talaga?!" Tuwang-tuwa pa itong napatingin sa babae. "Kaya pala hindi ko man lang nakikita 'yung bofriend mo doon.  Available ka na pala. Hindi ko nabalitaan 'yun a." 

Hindi pa rin kumibo si Gail sa sinabi nito. Alam niyang hinihintay ni Claire ang sasabihin niya. Muli ay napadako ang tingin kay Claire na yumakap pa sa seryosong lalaki. Hindi niya maiwasang magselos sa sobrang pagdikit nito. 

"Wait lang, ikukuha lang ulit kita ng juice ha." Iwas pa ni Gail. Hindi niya kayang magsinungaling na kaharap ang kanyang fiancé. Tiyak niyang magdaramdam ito kung sa kanya pa manggagaling ang kasinungalingang iyon. 

Nang tuluyan nang makapunta sa  kusina si Gail ay tsaka din nag-alibi si Yi Jeong para lang masundan ito. 

"I'll just go to the restroom." Pasimple pang paalam ni Yi Jeong kay Claire. 

"Okay." Hindi na rin naman siya nakatanggi dahil ayaw niyang makahalata itong alam pa niyang may relasyon ang dalawa. 

Naabutan nga niya ang babae na noo'y kasalukuyang nagsasalin ulit ng juice para sa bisita nito. 

"Who's that guy?" Sita pa nito. Halatang selos na selos. 

"Randolf, diba ipinakilala ko na siya sa inyo kanina." Ibig niyang matawa sa hitsura nito. 

"I don't like it." Nagtitimpi talaga ito ng inis. 

"Ang alin?" Taka pa siya. 

"You getting near him!" 

"Katrabaho ko 'yun." 'Di na niya napigilan ang mapangiti. Halos mamula kasi ito sa selos. 

"I said I don't like it." Muli ay pag-uulit niya. "What is so funny?" Kunot-noo pa siya nang mapansing ngingiti-ngiti ito. 

"Nagseselos ka ba?" Bahagya pa siyang napalapit dito at hinawakan ang pisngi nito. 

"I'm not jealous..." Pagde-deny pa nito sabay tabig sa kamay nito. 

"Really?" Mataman pa niya itong tinitigan sa mukha. 

"Okay fine! I am jealous! I am very jealous!" Namaywang pa ito. "Happy?" 

"Ano ka ba?" Bahagya pa itong sumilip sa may sala. Worried siyang marinig sila nung dalawa sa sala. "Calm down, baka marinig nila tayo." 

"So what?" Nagkibit balikat pa ito. "I told you that I don't like this idea." 

"Yi Jeong..." Hinaplos pa niya ang mukha nito. "Wala ka namang dapat ipag-alala.  Ikaw naman ang pakakasalan ko diba?" 

Hindi pa rin siya kumibo.  Dapat kasi'y nag-aasikaso na sila nang kasal kaya lang ay napurnada pa ng dahil kay Claire. 

"He's good looking.  You might fall for him." Pilit pa rin niyang iniiwasan ang tingin nito. 

"Mister, mainsecure ba?" Umarte pa siyang tipong nanenermon. "Kailan ka pa nakaramdam ng ganyan?" 

"I am just pointing the possibility." Paglilinaw pa niya. 

"You're the only good looking man in my eyes." Bahagya pa niyang tinapik ang pisngi nito nang malakas nang maalala ang pagdikit dikit ni Claire dito. "Baka nga ikaw pa itong nage-enjoy sa mga pagyakap sa'yo ni Claire e." Bahagya pa siyang ngumuso. 

"Then why don't we just put an end to all of this and plan our wedding!" Naghahamon pa ito. 

"Hey, 'di pa nga pwede diba?" 

"You can't get jealous with Claire. You knew how I feel about her." 

"Sorry na," Pang-aamo pa niya dito. "Ayoko lang din na may iba pang yayakap sa'yo kaya lang wala naman tayong magawa pa." 

"For how long we will do this drama?" 

"Basta maghintay lang tayo." Muli ay pinisil niya ang pisngi ng lalaki. 

"If I don't spend time with you for another day, I'll go crazy."  Desperado pa nitong tinutop ang noo sabay gulo din sa kanyang buhok.  

"Okay, magkita tayo mamayang gabi kapag tulog na si Claire." Halos pabulong pa niyang sabi dito. 

"Promise?" Halos tumalon ang puso niya sa tuwa. Grabe talaga ang pagka-miss niya dito. 

"Promise!" Inilagay pa niya ang kamay sa dibdib ng lalaki. 

Sa sobrang katuwaan ay wala pa sa sariling niyakap ang miss na miss niyang fiancée. 

"Yi Jeong, b-baka..." Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil agad na naman siyang hinalikan nito nang mariin. 

Kataon namang pasunod si Claire at kitang kita niya ang eksena ng dalawa. Bahagya pa siyang napaatras at halos sumabog na naman ang dibdib niya sa nararamdamang sakit. Umatras pa ulit siya nang kaunti at tsaka wari-wariang tumawag. Tuloy pa rin sa pagpapanggap na wala siyang nakita. Kaya saktong pagpasok niya ng kusina ay magkahiwalay na ang dalawa. 

"Yi Jeong, I am missing you already." Malambing pa niyang kayag sa lalaki na noo'y kasalukuyang umiinom ng tubig. 

"I just drink--" Tila lutang pang sabi nito at bahagyang natigilan. "W-water..." Alibi pa nito. 

"Una na ako sa inyo," Si Gail na umiwas na din agad at palihim na nginitian ang nag-iisang lalaki sa kanyang buhay. 

Nang kinagabihan nga ay naghanda si Yi Jeong nang husto sa pagkikita nila ni Gail. Kahit na nga nakakadalawang paligo na siya sa maghapon ay naligo pa ulit siya. Sobrang miss na miss na talaga niya ito.  

Dahan dahan pa siyang lumabas ng kanyang kwarto dahil hindi rin naman niya gugustuhing magising pa si Claire na katabi lang ang guestroom na tinutulugan nito. Mag-aalas onse na ng gabi sa mga pagkakataong iyon kaya halos lahat ng tao sa bahay ay tulog na. Mabuti na lamang din at wala ang mga magulang niya doon dahil natitiyak niyang hindi sasang-ayunan ng mga ito ang pagpapasakay nila kay Claire para lang tuluyang maka-recover ito. 

Mahina pa siyang kumatok sa kwarto ni Gail na kanina pa rin naghihintay sa kanya. 

"Hello love..." Ngiting-ngiti pang bungad ni Gail sa nakangiti ring lalaki. 

"Hello love..." At wala pang dalawang isip na sinunggaban niya ito at niyakap nang mahigpit na mahigpit. "Nainip ka ba?" 

"Nope..." May kasama pang iling na sagot niya. Pagkunwa'y kinabig na ang pinto at inilock pa iyon. "Nagluto ako kanina ng pasta, gusto mo bang kumain?" 

"No." Bahagya pa siyang umiling at niyakap ulit ito nang mahigpit. "I just wanted to stay like this the entire night." 

"Heh!" Bahagya pa niya itong kinurot sa tagiliran. Amuy na amoy niya ang after shave nito. Mabuti na lang din pala at naisipan din niyang maligo ulit. 

"I'll sleep here tonight whether you like it or not!" Pinangunahan na niya ito. 

Hindi naman na siya kumontra dahil kahit na hindi nito sinabi ay iyon sana ang i-suggest niya sa lalaki. 

"Are you sure na tulog na siya?" Tiningala pa niya ito. 

Tumango lang din ito bilang sagot. "But I have to get up early.  I don't want your mother to see us.  Alam na ba niya ang situation natin?" 

"Naikuwento ko sa kanya.  Hindi nga siya sang-ayon sa ginagawa natin." 

"I don't think my parents would ever agree to this." Dinilatan pa niya ito. 

"I know, I know..." Napangiwi pa siya. "Pero kasi baka kung ano na naman ang gawin ni Claire sa sarili niya." 

"Love, I don't think there would be any difference sa ginagawa natin ngayon. Eventually, she'll do it to herself again once she find out the truth." 

"I know, nalilito na nga ako e." Naguguluhan rin naman siya. Nagui-guilty din siya pero hindi rin naman niya kayang i-give up ang pagmamahalan nila. 

"We have to end this drama soon."  Demand na nito. "We have a wedding to plan remember?" 

"Opo." Pinisil pa niya ang pisngi nito. "Tantiyahin na lang muna natin si Claire. Kababata mo pa rin 'yun." 

"Don't put this burden on me. I never want it to happened in the first place." 

"Opo, alam ko. Basta timing ha." 

"Okay, if that is what you want..."  Inilapit pa nito ang mukha sa mukha nito. "But soon we have to put an end to this.  Promise me that, love?" 

"Opo." At hinintay na lamang niya ang labi nitong dumapo sa kanyang labi. Kahit na papaano'y mababawi nila ang nawawalang panahon sa kanila.

Continue Reading

You'll Also Like

66K 1.8K 46
BINI ships Oneshots Compilation.
378K 5.5K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
4.8M 12.9K 7
Paano kung magising ka isang araw at malaman na ang lahat ng meron ka ay kasinungalingan lamang? ...ang iyong asawa at anak ay kasinungalingan? ...an...
19.2M 38.3K 15
(sequel of Sana Akin Ka na Lang--Dee/Renz love story) Deanna Florence Saadvera is young, spoiled and rich. Being the only girl of Saadvera, she gets...