Curse Resurrection (Complete)

By CypressinBlack

99K 4.1K 147

◈◈BOOK II of Curse Saga◈◈ At this time, I'm desperate to resurrect the curse of mine, my Cursed Guardian. Kim... More

----
Prologue
Chapter 1: The Contract
Chapter 2: Tomoki Ascandelancé
Chapter 3: The Beginning of Curse
Chapter 4: Lupus Tribe
Chapter 5: The Power of Being a Princess
Chapter 6: Under the Moonlight
Chapter 7: Second Body and The Bitter Truth
Chapter 8: Encountering the Demons
Chapter 9: Spiritual Beast
Chapter 10: Realization
Chapter 11: Real Fight
Chapter 12: Tomoki's Last Wish and Confusions
Chapter 13: Morning Shadow
Chapter 14: Chaos
Chapter 15: Memento of the Goddesses I
Chapter 16: Memento of the Goddesses II
Chapter 17: Best Choice
Chapter 18: Bloodbath
Chapter 19: Goddess of Immortal
Chapter 20: Second Sign
Chapter 21: A Hunt to Survive
Chapter 22: Flaglet
Chapter 23: Snakes' Downfall
Chapter 24: Subtle Pearl
Chapter 25: Question(s)
Chapter 26: Their Revenge
Chapter 27: The Three-Eyed Butterfly
Chapter 28: Memory
Chapter 29: King's Mate
Chapter 30: End of the Contract
Chapter 31: Facing the Giant God
Chapter 32: Gods and Goddesses' Reunion
Chapter 33: Vengeance of Light
Chapter 35: Dyspherein's Gift
Chapter 36: Dead's Mate
Chapter 37: Preserved Body
Chapter 38: Long Wait
Chapter 39: Move On
Chapter 40: The Conflict between the Zeurdous Siblings
Chapter 41: Hard Decision
Chapter 42: Awakening the 1000 Year Demon
Chapter 43: Saving the Vampiric Auras
Chapter 44: Goddess of the Nightmare
Chapter 45: Just the Beginning
Chapter 46: Pairs of Dagger
Chapter 47: Fight for Kim Dwight
Chapter 48: Facing Darkness
Chapter 49: Apprentice of Eternity
Chapter 50: Final Battle
(: Shout Out Is Real :)
Chapter 51: Blades of Card
Chapter 52: Turns to Skeleton
Chapter 53: Scream for Death
Chapter 54: Barrier
Chapter 55: He's Back!
Epilogue
Untold 1: Last Hope and Nightmare
Untold 2: Yin and Yang Keeper
Untold 3: Goddess of Manipulation
ANNOUNCEMENT!

Chapter 34: God of Illusion

1.2K 55 0
By CypressinBlack

BUMANGON KA agad si Zeref mula sa pagkakabagsak. Kahit masakit ang kanyang brasong tumama sa matulis na bato na dumudugo ay ‘di niya ito pinansin.

Mabilis siyang nag-anyong lobo at tinakbo ang kinaroroonan ni Kim.

Sobrang bilis ng kanyang mga hakbang na halos sabayan na niya sa pagtalon. Sinuot niya ang isang parte ng gubat na may napakaraming tinik at matutulis na bato. Medyo napangiwi pa siya sa kaloob-looban niya nang may bumaong tinik sa kanyang isang paa. Saglit siyang huminto, nag-anyong tao at binunot ang nakabaong tinik. Muli na namang nag-anyong lobo.

Nang makita niya ang tumatakbong Diyos ng Eksplosyon na tumatakbo rin ay huminto siya. Napalibot sandali ang kanyang mga mata sa kabuuan ng kagubatan, naghahanap kung saang banda ng gubat niya susugurin ang Diyos.

Nang may makita siyang isang mataas na mga punong nagdidikit-dikit ay agad siyang tumalon rito. Inakyat niya ito hanggang sa mapadpad siya sa pinakadulong parte nito.

Kitang-kita niya si Kim at Hailey na paalis na sa kinaroroonan ang mga ito. Ngunit bago pa man ang mga ito makaalis ay sinugod na ang mga ito ni Zaphro.

Hindi pa man nakalapit si Zaphro sa dalawang dalaga ay tinalunan na ito ni Zeref.

Natumba si Zaphro nang tumama nang malakas ang isang malaking lobo sa kanyang likuran.

Napagulung-gulong silang dalawa sa may lupa. ‘Di pa man nakatayo si Zaphro ay nakadagan na sa kanya ang napakabangis na lobo.

Sinusubukan siya nitong lapain gamit ang matutulis nitong mga pangil na sinasamahan pa ng kalmot.

Halos bumaon narin siya sa hinihigaang lupa dahil sa lakas nito. Nagkasugat na ang kanyang dibdib dahil bumaon na ang ilang kuko nito.

Nagpupumiglas si Zaphro pero ‘di parin sapat ang kanyang lakas na tapatan ang napakalakas na Alpha.

Bago tuluyang bumigay ang nanghihina niyang katawan ay may bigla nang sumabog na napakalakas na puwersa sa pagitan nilang dalawa na nagpatalsik sa napakalaking lobo.

Hinahabol ni Zaphro ang kanyang paghinga at tiningnan ng masama si Zeref na bumagsak sa may lupa.

Naka anyong tao na si Zeref. ‘Di na nito maigalaw ang katawan kahit ang kanyang daliri ay ‘di niya mapilit na igalaw. Tila nahigop lahat ng kanyang lakas at nawalan ng pandinig sa pagsabog na ginawa ni Zaphro.

Nakamulat lang ang kanyang mga mata sa kawalan. May tumulong dugo na sa ilong at tainga nito.

Sa pagkakataong ito ay alam niyang wala na siyang laban. Alam niya rin na sa mga oras na ‘to ay posibleng susunduin na siya ng kanyang kamatayan. Pero kahit na ganun ay wala siyang nararamdamang takot para dito.

Ngumiti pa siya sa kawalan nang mahagip sa sulok ng kanyang mga mata ang mga paa ni Zaphro na huminto sa kanyang tabi.

“Ang mga paki alamero ay dapat na mabura sa mundong ito. At dahil isa ka dun, Evan. Buburahin na kita!”

Sumabog ang lupang kinahihigaan ng Alpha. Ngunit nagulat ang huli nang makitang walang gutay-gutay na katawan ng lobo rito.

Napamura na lamang siya nang makita ang isang nilalang na may pakpak paniki na lumilipad. Tangay ang katawan ng Alpha na wala nang malay, si Thania. Ang Yin Guardian ng Diyosa ng Imortal.

Napakimkim siya sa kanyang mga palad dahil sa inis habang pinapanood ang paglayo ng mga ito.




Magkasabay na tumalon sina Hailey at Kim habang iniiwasan ang mga humahabol sa kanilang mga parasite. Parang mga lamok ito na hinaluan ng hugis ng bubuyog.

Alam nilang kapag makagat sila ng isa sa mga ito ay ‘di na sila makakatakas pa. This parasites are extraordinary. Ang mga kagat nito ay lulubo, kakalat sa buong katawan ng isang partikular na nilalang hanggang sa puputok ito.

Nakasakay naman si Nishra sa isang napakalaking kulisap na malapit nang makahabol kena Kim.

Nang mapansin ito ni Kim ay nagpakawala siya nang napakaraming matutulis na kristal ng yelo.

Naiwasan naman ito ni Nishra pero lingid sa kanyang ka alaman na bumabalik pala ang mga yelong iyon kung saan ito nanggagaling.

Napahiyaw siya nang dumaplis ang isang kristal ng yelo sa kanyang balikat. She hissed because of anger.

‘Di na siya nagpatumpik-tumpik pa. Mas binilsan niya ang pagpalipad sa sinasakyang kulisap.

Nang makita niyang nasa may kapatagan na sina Kim na tumatakbo ay lumitaw sa kanyang magkabilang palad ang busog at palasong natataglay ng kamandag sa alaga niyang kulisap.

Itinutok niya ito sa direksyon ng kanyang target at nang mahula na niya kung saan ang direksyong tatakbuhan ni Kim ay pinakawalan na niya ang palaso.

Mabilis pa sa kidlat ay bumulusok na ito. Animo’y hinihiwa ng tulis nito ang hanging nasasalubong.

Napantig ang tainga ni Kim nang mapansing may lumilipad na bagay pahabol sa kanya.

Hindi na siya lumingon pa dahil sa paghakbang niya nang mabilis sa lupa ay lumabas sa ilalim ng lupa ang harang na isang makapal na yelo na siyang pumigil sa palaso. Pero nagkamali siya nang tumagos ito bigla. Huli na para maiwasan niya ito.

Ngunit napalingon na lamang siya sa likuran nang ‘di niya maramdaman ang pagtama nito.

Napaawang saglit ang kanyang labi nang makita ang isang berdeng dragon na nasa bibig nito nakaipit ang palasong muntik na maka tama sa kanya. Hindi sa palaso siya namangha kundi sa paglitaw nang dragon na ‘di man lang niya naramdaman kahit sobrang laki nito. Pero sino nga ba ang nagmamay-ari nito?

Isang binata ang dumapo sa tabi ng berdeng dragon. Kulay berde ang mga kaliskis na yumayakap sa maskulado nitong pangangatawan. Mayroon rin itong pakpak kagaya ng dragon na kulay berde rin. Kumikinang ang berde nitong mga mata. At ‘di maipagkait ng sansinukob ang taglay nitong kakisigan.

Pero sa bagay, wala namang napansin si Kim sa mga Diyos at Diyosa na walang maibubuga kung ganda at kakisigan lamang ang pagbabasehan.

Nabalik sa katinuan si Kim nang magsalita ang binata. Kilala niya ito dahil sa memorya ni Eleiah na sumanib sa kanyang isipan. Si Bliss, ang Diyos ng Nakalalason.

“No pierdas tu tiempo en mirar mi rostro guapo, señorita,” (Don't waste your time in looking at my handsome face, miss).

Nang sabihin ‘yun ng binata ay tumalsik siya nang tabigin siya na parang papel nang malakas na hangin.

Napaatras si Kim nang makita ang pagdapo ni Vexa sa kanyang harapan, ang Diyosa ng Apocalypse. There’s one thing that she felt towards this Goddess’ presence. A final destruction…

Hindi pa man ito nakalapit sa kanya ay sinunggaban na ito ng isang black phoenix, na mabilis na nag-anyong babae. Kilala niya ito, si Cleo ang Guardian ng Diyos ng Eklipse.

Inaatake ni Cleo si Vexa pero ibinalibag lamang siya nito gamit ang mala telekinesis nitong kapangyarihan.

Aakmang tatayo na si Vexa galing sa pagkakahiga sa ginawa ni Cleo pero lumitaw sa kanyang harapan ang nagmamay-ari kay Cleo. Si Dark, the God of the Eclipse.

Nakatutok sa kanyang leeg ang talim ng hawak nitong espada. Mabilis na tinuhog ni Dark ang kanyang espada sa leeg ni Vexa—pero ‘di man ito lumapat sa leeg ng huli ay may humigit na sa kanyang katawan at inihagis sa malayo, si Andrein.

Napatakbo na si Kim papalayo sa mga ito ngunit humarang sa kanya si Angelica, the Goddess of Resurrection.

Napahinto siya sa ginawa nito at napalunok nang sumalubong sa kanya ang kulay itim nitong mga mata.

“Don’t you know who am I?” nakangiti nitong tanong. “I can resurrect the every dead that I want to live again, even your dead mate,” napakimkim ng palad si Kim sa sinabi nito.

“I don’t need your power just to resurrect him. Out of my way!” matigas na sambit ni Kim at itinutok sa leeg nito ang kanyang kumikinang sa liwanag na katana.

Napa arko naman sandali ang kilay ni Angelica nang makita ang katana nitong nasa may bandang leeg na niya.

“Well, if you can!” pagkasabi nun ni Angelica ay mabilis niyang itinabig ang sandata ni Kim na lumipad sa malayo at muntik pang mahagip ang kanyang mukha sa mahahaba nitong mga kuko.

Kim swiftly dodged the evey attack of Angelica. Hindi siya natamaan sa mga kamay nitong kung saan-saan lang lumilipad sa parte ng kanyang katawan. Hanggang sa sunud-sunod na lumipad papunta sa kanya ang mga tela ng damit nito na napakatulis ang dulo at sumusubok na tamaan siya.

Umikot si Kim paatras at ang mga tela ng damit ng kalaban na malapit nang tumama sa kanya ay itinabig ng kanyang mapalumpong na mga buntot.

Kim hissed and summoned a block of ice in her palm and deformed it into a sword.

Muling lumipad sa kanya ang matutulis na dulo ng damit ni Angelica pero sa pagkakataong ito ay sumama na si Angelica.

Sumasayaw sa hangin ang kamay ni Kim na may hawak na espada. Sinasangga ang mga tela ng damit ni Angelica.

Nang aakmang mahahagip na ng kanyang espada ang tagiliran nito—ay may humilang puwersa sa kanya papalayo rito.

“You’re mine, Eleiah!” ‘di siya makapaniwalang napatingin kay Vexa na siyang naghila sa kanya.

Nasa harapan siya nito. ‘Di siya makagalaw dahil kapangyarihan nito kahit sinusubukan niyang magpupumiglas.

“Get off her!” sinugod ni Hailey si Vexa. Sa totoong lang, kanina pa niya napapansing ‘di na nakasunod si Kim sa kanya at nang balikan niya ito ay ito ang sumalubong sa kanya.

Gagamitan sana ni Vexa si Hailey ng kanyang kapangyarihan pero naunahan siya nito. Naparlisa ang kanyang katawan sa kanyang posisyon nang binatbat ni Hailey nang mahina ang isa sa pinaka makapangyarihan nitong orasyon.

Sinabuyan ka agad ng huli ng mahiwagang alikabok si Kim para makawala sa kapangyarihan ni Vexa. Tuluyan namang nawala ang kapangyarihang humahawak kay Kim kanina.

“Hali kana. Bilis!” hinatak ni Hailey si Kim papalayo sa lugar na ‘yun ngunit napalibutan na sila nang napakaraming undead. Mga iba’t-ibang nilalang na patay na pero buhay pa. Mangkukulam, spiritual beast, lobo, malalakas na mga bampira, Diyos at Diyosa at iba pang ‘di mapangalanang mga nilalang. They’re all made by Pharsa, Goddess of the Undead.

Wala na silang matatakbuhan pa. Na corner na sila. Ang tanging paraan lang na dapat nilang gawin ay kalabanin ang mga undead.

Malapit na ang iba kong kasamahan. Kaya naman ihanda mo na ang sarili mo, Eleiah!” matigas na sambit ni Pharsa na may kalayuan sa kanila, sabay sigaw sa kanyang mga alagad na, “Kill her!”

Sabay-sabay na sumugod ang mga undead patungo sa direksyon nina Kim. Ang iba pa ay gumamit na ng kapangyarihang napakalakas. Kita rin sa sulok ng mga mata ni Kim ang pagsidatingan ng mga kalabang Diyos at Diyosa.

Napayakap na lamang siya kay Hailey, hinihintay ang paglapit ng mga undead.

Nang makita niya ang paa ng isang undead na nasa likuran ni Hailey ay napangisi siya. I’m not that weak as they thought.

Sabay sigaw ng,MOKAHADOMMA!”

The time stopped moving on its own will.

Maingat na inilayo ni Kim ang kanyang katawan mula sa pagkakayakap kay Hailey. Napangiti si Hailey sa ginawa ng huli.

“I believe that you are stronger than what we are expecting Kim.”

“As long as I can use the light and the power of ice, I can still fight,” inilibot nila ang kanilang mga mata sa paligid at nang mahanap ni Kim ang banda kung saan makakalusot sila ng mabilis ay muli siyang nagsalita, “Sa bandang ito!” bago sila umalis sa kanilang pwesto ay gumawa pa si Kim ng estatuwa nila ni Hailey dito na gawa sa yelo.

Binilisan nila ang kanilang pagkilos. Dahil alam nilang ilang segundo na lamang ay babalik na muli sa pagtakbo ang oras.

Matagumpay silang nakalusot sa mga nakaharang na mga undead. Ngunit sampung hakbang pa lamang ang kanilang nagawa at bumalik na sa pagtakbo ang oras.

Nahatak niya ka agad si Hailey patago sa malapit na bato. Nang silipin nila ang mga undead ay pinagtutulungan na ng mga ito ang estatuwa nila na kanyang ginawa.

“Tayo na!” tumayo siya at muling hinila si Hailey.

Nakita nila muli ang kulay asul na alitaptap na kanina pa nagtatago dahil hinihintay silang makatakas mula sa kumpol ng mga undead.

“So, you do really think that you can trick us with your ice statues,” napalunok si Kim at Hailey nang may nagsalita sa kanilang likuran.

Nang harapin nila ito ay tila nawalan ng lakas si Kim nang makita kong sinong Diyos ito.

God of Illusion… Ocsus


























CypressinBlack

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 64K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
258K 6.9K 87
(COMPLETED) She's an orphan who was sent to the human realm at a young age with no recollection of who and what she is. She lived there for a few yea...
24.3K 1.2K 50
[Mystic Academy: Book I] 𝕱𝖎𝖗𝖊, 𝖂𝖆𝖙𝖊𝖗, 𝕰𝖆𝖗𝖙𝖍 𝖆𝖓𝖉 𝕬𝖎𝖗. 𝕿𝖍𝖊 𝖋𝖔𝖚𝖗 𝖒𝖆𝖎𝖓 𝖊𝖑𝖊𝖒𝖊𝖓𝖙𝖘 𝖙𝖍𝖆𝖙 𝖐𝖊𝖊𝖕 𝖙𝖍𝖊 𝖇𝖆𝖑𝖆�...
156K 6.6K 63
Are you sure you're a princess? Do you have powers just like we have? Are you powerful? Am I a princess?👑