THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓

By dragonlibran

10.8K 436 26

[BOOK 2] Limang daan taon na ang nakakalipas nang matapos ang huling digmaan. At sa nakalipas na panahon ay n... More

KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3 - NOT EDITED
KABANATA 4 - NOT EDITED
KABANATA 5 - NOT EDITED
KABANATA 6 - NOT EDITED
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KANANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
EPILOGO
SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER 2 - THE HIDDEN CHAPTER
Thank You! & Announcement

KABANATA 21

322 12 0
By dragonlibran

KABANATA 21

3RD PERSON’s POV

“Boss… nakita na namin yung apo nyo po…”

“Good…” wika nito.

“Hindi ka nga po nagkakamali at dito dinala ang po nyo ng pesteng asawa nya,” tumango tango naman si Maxwell.

“Sa katunayan dala namin sya,” napataas naman ang kilay ni Maxwell nang marinig iyon.

“Nasan sya?” at inihiga ng lalaki ang apo sa lupa na payapang natutulog. Nasa gubat sila namamalagi upang hindi agad sila matunton ng mga kalaban at mabilis ang kanilang mga magiging pagsugod sa kaharian ng Two Moons.

“Magaling… magaling… magaling…” napatingin naman si Maxwell sa kanyang likuran at nakita nya ang pinuno ng mga may sapak sa utak na mga kakaibang nilalang.

“Ikaw pala Niel,” wika ni Maxwell na inaak-knowledge nya ang prisensya ng bagong dating.

“Pumunta na kayo sa palasyo… alam nyo na ang gagawin,” nakangising wika nito kay Maxwell. Hindi man gustong sundin ni Maxwell ang utos nito ay sinenyasan nya lang ang mga tauhan na sumunod na. Kinuha ng isa nyang tauhan ang apo’t binitbit ito na parang sako.

Malapit na malapit na sila sa palasyo ng biglang nagkaron ng malay si Margaux. Nagulat pa nga sya nang makita nya’t makilala ang ilang tauhan ng kanyang Lolo. Nagwawala sya at nagsisisgaw upang makahingi ng utong at makawala sa pagkakahawak ng tauhan ng kanyang Lolo.

“Oh… gising na pala ang mahal kong apo…” natigil sya sa pagwawala ng makita nya ang kanyang Lolo na nakangisi sakanya.

“OLD HAG! LEAVE ME ALONE!” sigaw nito ngunit naramdaman nalang nya ang sarili na nakasalampak sa lupa. Hindi nya maigalaw ng mabuti ang katawan nya dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Tinignan nya ng masama ang lalaking hinagis sya sa lupa.

“Ang ingay mo…” simpleng wika nito na ikinatawa ng lahat. Naginit ang kanyang dugo at susugod na sana sya ng maramdaman nya ang isang bagay na bumaon sa kanyang tigiliran. Hinawakan nya ang tagiliran nya’t napagtanto nya na binaril lang pala sya ng kanyang sariling Lolo.

“Alam mo… gusto ko sanang mapabuti ang buhay mo pero dahil nalason na ni Merlin yang utak mo mas magandang patayin nalang kita. Tutal wala ka naman nang silbi,” nabato si Margaux sa kanyang kinauupuan at sa isang kisap mata ay naramdaman nalang nya ang limang balang bumabaon sa iba’t ibang parte ng katawan nya.

Ramdam nyang binuhat syang muli ngunit hindi na nya magawa pang umangal o magkagawa man lang ng tunog dahil nanghihina sya. Gustohin man nyang lumaban at tumawag ng tulong hindi nya magawa.

“Sayang ka talaga Margaux… apo… nagiging katulad mo narin si ang pinsan mo…”

“D-Dahil masama k-ka…” mahinang bigkas nito na hindi naman narinig ng matanda.

“Pagkamatay ni Justine at nalaman ni Caiden ayun! Nagrebel;de! Walang puso! Hindi man lang sya magpasalamat na kinupkop ko silang magama sa mansion at pinatira’t pinagaral pa sa ibang bansa! Wala syang utang na loob!” galit na galit na wika nito.—“Tulad ng ginawa ko sa mga magulang mo Margaux… ganoon din kita papatayin… inubos mo na ang pasensya ko lalo na yang si Caiden,” gigil na wika nya.—“J-jann ka naman magaling… ang p-pumatay…” nanghihinang komento ni Margaux.

“Gaya ng pagutos ko kay Justine na patayin ang asawa nya ay mas pinili nyang patayin ang mga magulang mo. Hindi nya kinaya ang ginawa nya’t nagpakamatay nalang sya’t bago pa sya mamatay ay sinabi nya pa ang totoo sa anak nyang isa ring bobo! Mga walang utang na loob!” sigaw nito’t napadaing nalang si Margaux nang saksakin sya ng kanyang Lolo sa tagiliran kung saan may tama pa sya ng bala.

Tuloy tuloy lang sa pagpasok ng palasyo sila Maxwell edahil walang tao at pagdating na pagdating nila sa bulwagan ay nakita nya ang kanyang apo na dapat patay na matagal nang panahon.


“Caiden! My boy!” masiglang bati ni Maxwell nang makita nya ito na may kausap at alam na alam ni Maxwell kung sino iyon. Asawa lang naman yun ng apo nyang si Margaux.

‘Mamamatay kayo lahat…’ nababaliw na wika ni Maxwell sa kanyang isipan.

Nagkaroon ng pagasa si Margaux ngunit hindi na nya nagawa pang magsalita o humingi man ng tulong ng tuluyan na syang nawalan ng lakas. Agad namang napansin ni Maxwell na nakatingin si Tristan sa asawa na buhat buhat ng isang tauhan ni nya at alam nya ring napansin nito ang katawan ni Margaux na puno ng dugo lalo na ang damit nito na narumihan din dahil sa pagkabagsak nito sa lupa.

‘Magalit ka… gusto kong makita kung paano ka magalit at kung paano mo papatayin ang asawa mo…’ wika nito habang nakangisi ng nakakaloko sa dalawa. Kitang kita nilang lahat ang pagpapalit nito ng anyo na mas lalong ikinatuwa ni Maxwell.

Nagsumula na itong magwala na pinipigilan naman ni Caiden ngunit pati sya ay nasaktan na ikinatuwa naman ni Maxwell ngunit nawala ang ngiti nya ng papalapit ito sa pwesto nila.

“ANO PANG TINUTUNGANGA NYO! PATAYIN NYO!” sigaw nito sa mga tauhan na ginawa naman ang lahat ngunit sadyang malakas si Tristan kaya nahahagis nalang sila sa kung saan saan. Kinabahan si Maxwell ng makitang palapit na ito ng palapit sakanya kaya ang ginawa nya ay inutusan nya ang lalaking tauhan nya na may buhat kay Margaux upang pigilan ito na agad namang sinunod ng tauhan nya.

Nang tamaan ang tauhan ni Maxwell ay nabitawan nito ang katawan ng babae at bumagsak sa matigas na marmol. Natahimik ang lahat at ilang sandali lamang ay umagos na sa sahig ang dugo ni Margaux at tuluyan nang nawala sa sarili si Tristan ng makita nya ang asawa na naliligo sa sarili nitong dugo. Walang awang pinagpirapiraso ni Tristan ang katawan ni Maxwell ganoon din ang mga tauhan nito na kahit saang tumakbo ay wala na silang magagawa kung gindi harapin ang kanilang ginawang kasalanan.

Kahit na naghihina’t masakit ang katawan ay pinuntahan ni Caiden ang pinsan habang busying busy pa ang asawa nito sa kakalaspag ng katawan sa kanilang Lolo. Wala syang naramdamang kahit anong awa sa nangyari sa Lolo nila mas lalo pa nga syang nagalit at kinamuhian ito. Pinahiga nya ito ng maayos at gusto nyang magwala sa galit dahil ang dami ng tama ng bala’t isang saksak sa tagiliran ang kanyang nakita. Binuhat nya ito at dinala sa kwartong nakita nya kanina. Inihiga nya ito sa mataas na table na sobrang laki at lapad. Inihanda narin nya yung mga gamit na pupwedeng gamitin para pantangal sa bala’t panlinis ng sugat. At buti nalang may nakita sya’t hindi pa nagagamit. Tinangal nya ang damit ng pinsan at para syang nawalan ng pagasa ng makita ang lagay nito.

“Laban lang!” wika ni Caiden at sinimulan na nya ang panggagamot sa pinsan nya. Isang license doctor si Caiden sa isang sikat na ospital at isa rin syang head doctor.

Nang matapos nyang tanggalin ang mga bala at linisin at tahiin ang mga sugat nito. Buti nalang talaga at parehas silang type ng dugo dahilan para hindi na sya nahirapan pang maghanap ng dugo dahil marami rami raming dugo na ang nawala sa pinsan. Kompleto rin ang gamit dito sa loob ng silid at may nagagamit syang heartbeat monitorat namomonitor nya ang heartbeat ng pinsan at meron din syang nakitang oxygen.

Napaupo nalang sa sahig si Caiden ng wala na syang magawa na kahit na anong kompleto ng gamit sa silid o anong salin nya sa dugo o kahit na linisin nya pa ang sugat ng pinsan nya nawala din sya sakanya ng ganoon ganoon nalang.

Sa labas ng palasyo ay buong pwersa’t lakas nilang pinuksa ang mga kalaban na hindi maubos ubos sa dami. May kung anong naramdaman ang mga dyos at dyosa na parang may nabuksang gate kaya pagkatingin nila sa kalangitan ay kitang kita nila at ng lahat ang gate na nakabukas. Nagkatinginan silang lahat at iisa lang ang ibig sabihin nun… naalay na ang susi.

Ang lahat ay natahimik at walang nakakilos man o walang gumagawa ng ingay at lahat sila nakatutok lang sa gate na nakabukas. Lahat ay nagulat ng biglang kumulog ng malakas at kumidlat na tumama sa iba’t ibang parte ng Lilamila Mcrenon. Hindi alam ng mga dyos at dyosa ang gagawin dahil isa lang silang normal na nilalabg na walang mga kapangyarihan na kailangan ng proteksyon mula sa iba.

“Paano naalay ang susi kung wala naman sya dito?” takang tanong ni Mher.

“Kahit nasaang parte man sya ng lugar na ito ay pwedeng maging lugar para pagalayan…” sabay sabay silang napatingin sa matandang mangkukulam.

“Pa-paano mo nasabi yan?” utal na tanong ni Azula.

“Pwedeng ialay ng kung sino man ang susi kahit na hindi ginagawa ang rituwal lalo na’t nais ng taong iyon na mabuhay ang taong kanyang minamahal… o kung maari ay kagustuhan lang ng taong iyon na ialay ang susi upang mabuksan na ang pintuan ng kaharian…” wika nito habang nakatingin sa gate na nakabukas.

“Magaling… magaling… magaling…” nanigas silang lahat ng marinig nila ang boses na yun.

“Na saan na ang tapang nyo? Nawala na? Bakit?” natatawang tanong nito. Gustong gusto nang sapakin ni Freya ang lalaki ngunit pinipigilan lang sya ni Mher. Alam kasi nya na walang laban si Freya—silang laban sakanya dahil wala silang mga kapangyarihan at hindi sila gumagamit ng armas o ang pisikal man nilang katawan dahil pinaunawa’t pinaintindi sakanila ni Helfrina na hindi nananakit ang mga kagaya nilang nasa itaas ng mga nasa baba kung hindi pinahahalagan, pinoprotektahan at iniingatan. Ngunit si Etrah ay iba dahil sya ang dyosa ng digmaan, lalaban na sana sya ngunit sa pananatili nila sa mundong ilalim ay ang dating lakas na meron sya ay parang isang lakas na lamang ng isang bata na walang alam kung hindi umiyak. Yun ang kanyang nararamdaman at ganoon din ang iba hindi lang sya.

“Hmm… nakakapagtaka lang at hindi parin kayo lumilipad papuntang langit para makuha nyo na ang mga kapangyarihan nyo… ano kaya… hindi parin kasi bumabalik ang dyosa na ang dapat ay prinoprotektahan kayo!” at sinugod sila ng lalaki. Sa isang kisap mata ay mga nawalan sila ng buhay kasama narin ang matandang mangkukulam.

“Yohan… nasa bayan sila…” pagbibigay alam ng kararating lang na lalaki.

“Ikaw pala yan Lee… halika… may ipapakita ako sayo,” natutuwan wika nya. Lumapit naman si Lee sakanya at ganoon nalang ang pagkagulat nya ng makita nya ang mga dyos at dyosa na wala nang buhay.—“Mapapasakin na ang kaharian ng dyosa… at kapag nakita ko na ang susi ay bubuhayin ko si Claire…” nakangiting wika nito. Napailing nalang si Lee na hindi nakikita ni Yohan.

‘Kahit kailan hindi na muling mabubuhay si Claire ng dahil sayo… dahil ikaw ang pumatay sakanya…’ mapait na wika ni Lee sa kanyang isipan.

“Pumunta na tayo sa bayan at tapusin na natin ang pagiging Alpha ni Mitsuo…” wika nito. Tumawa lang ng parang baliw si Yohan habang naglalakad papaalis sa mga dyos at dyosa na wala nang buhay.

“Ipinapanalangin ko nalang Yohan na matapos na ang kabaliwan mo kahit na kasama ako…” wika nito bago sumunod sakanya.

Kahit saan ka man tumingin sa paligid ng Gerald sa bayan ng Armo ng Two Moons ay makikita ang mga patay na katawan ng mga taong bayan at ang ibang kawal. Maririnig sa buong paligid ang pagkikiskisan ng mga kuko, ngipin, balat na napupunit at mga putok ng baril ngunit mas nangibabaw ang alulong ng isang halimaw di kalayuan sa bayan.

Kahit na gustuhin ng mga lobo na huwag umatras ay tumatakbo nalang sila palayo na ikinatutuwa ng mga hunters at ang mga rouge. Ngunit kinabahan silang lahat ng palakas ng palakas ang alulong nito at sa isang iglap ay nagkanda lasog lasog ang mga katawan ng mga Hunters at ganoon din ang mga lobo o iba pang mga nilalang.

Sa kabilang parte ng bayan ay madugo ang naging tagpuan nila Yohan at Mitsuo. Unang pagtama palang ng kanilang mga paningin ay bigla nalang nagalab ang galit ni Mitsuo at ganoon din si Yohan sakanya kaya kahit na punong puno na sila ng maliliit na sugat dahil puro mga daplis lang ang natatamasa nila sa isa’t isa.

“MAMATAY KA NA MITSUO!!!” galit na galit na sigaw nito habang walang tigil ang pagpapaulan nito ng nagbabagang apoy na naiilagan naman ni Mistuo at nang makakita sya ng butas ay mabilis nyang sinuntok ito sa takiliran. Hindi lamang simpleng suntok dahil bumaon ang kalahati ng yelo na nakapalibot sa kamao ni Mitsuo. Mabilis na pinutol ni Mitsuo ang yelo kaya naiwan ang kalahati nito sa katawan ni Yohan.

“Ilang taon kayong pinabayaan ng ama ko at ilang taon ko rin kayo pinabayaan ngunit mas lalo lang kayong lumala… nagsisi ako sa desisyon ko na maging malaya ka dahil inabuso mo iyon at hinangad mo pang mamatay ako…” malamig na wika ni Mitsuo at walang awang dinukot nya ang puso ni Yohan.

“Isinusump—”

“Pasensya ka na ngunit hindi ko hahayaan na masumpa mo ako o ang pamilya ko o ang mga kaibigan ko…” wika nito na malamig na nakatingin kay Yohan habang nakasaksak ang ginawa nyang matabang espada sa ulo nito bago pa man makapagsabi si Yohan ng mga salita. Mariin nyang tinignan ang itsura nito at walang sabisabing sinunog ito.

“Maraming salamat Mitsuo…”

“Lee… ikaw pala…”

“Natapos din ang kabaliwan ng lalaking yun…” wika ni Lee. Tumango lang si Mistuo at magsasalita na sana sya ng may bigla nalang sumulpot na halimaw sa kanilang harapan. Napasigaw nalang si Lee sa takot at sa isang kisap mata’y sumusuka na sya ng dugo.

Napadantay sya sa braso ng halimaw na nakasaksak ang mga kuko nito sa kanyang tiyan at isang kuko’y nasa kanyang puso. Hinugot ng halimaw ang kanyang mga kuko kay Lee at bumagsak nalang ito sa lupa ng wala nang buhay. Hindi na nakapagreak pa si Mitsuo ng lagpasan sya nito habang punong puno ng emosyon ang pagalulong nito ngunit nangingibabaw ang galit.

Continue Reading

You'll Also Like

182K 7.5K 51
Being a hero doesn't mean, Good Image, Noble attitude, It means, doing something great without expecting something in return.
15.7K 603 60
Living without knowing the mystery residing about the past was like living in the world with a blind eye. So, the search for the missing pieces of m...
1.8M 53K 56
Isang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan par...
2.3K 146 13
"Everything must take its place. This has been written in their fates." Lahat tayo ay may kalalagyan. Lahat tayo ay may kanya-kanyang papel dito sa b...