KABANATA 3 - NOT EDITED

460 21 0
                                    

KABANATA 3

3RD PERSON'S POV

Katatapos lamang ng huling klase ni Margaux at palabas na sana sya ng silid aralan ng harangin sya ng grupo ni Shelly Moiré. Napahinto naman si Marguax mga tatlong metro lamang ang layo mula sa grupong ito. Nakacross arms si Shelly habang nakasmirk na nakatingin kay Margaux at ganoon din ang apat na alalay ni Shelly.

"As I said last time... we were not done," wika ni Shelly. Tinignan lamang ni Margaux silang lima na natural na nyang way ng pagtingin. Ang bored look.

"Tsk! Don't look at me like that you stupid nerd!" sigaw ni Shelly kay Margaux at bigla na lamang nyang sinugod ang dalaga kaya't naging dahilan ng bagkabasag ng mga bintana ng silid aralan.

Namimilipit sa sakit si Margaux na nakahiga sa damuhan ng malawak na field pero pinipilit nyang huwag itong indahin. At lumanding naman ng maayos si Shelly. Tumalon na rin ang apat na kasamahan ni Shelly na nakasmirk. Nakakuha agad sila ng attensyon ng mga tao sa field kahit sa ibang lugar na malapit sa pinangyarihan pagbagsak.

"Weak ka pala!" natatawang wika ni Shelly at nagsitawanan narin ang ibang manonood ngunit ang iba'y naawa kay Margaux dahil namimilipit ito sa sakit at tila hindi makahinga.

"Hala! Kawawa naman si Ms. Snob..."

"Oo nga... alam ko sya lang ang tao dito sa eskwelahan natin eh..."

"Talaga? Kawawa naman... mukhang mataas pa ang pinagbagsakan nya..."

"Diba kung tao sya dapat wala na syang hininga?"

"Oo nga... o kaya ay sumusuka sya ng dugo,"

"Baka nagpapangap lang sya,"

"Mabuti nga sakanya yan,"

"Nagrereyna reynahan,"

"Psh! She deserve that!" at kung ano ano pang mga feedbacks ang maririnig sa buong field. Natahimik naman ang lahat ng maglakad si Shelly papalapit kay Margaux na nakahiga sa damuhan.

"Tumayo ka jan Nerd!" pagkalapit na pagkalapit nya kay Margaux ay sinipa nya ito sa sikmura dahilan para mapadaing si Margaux na nagpangiti kay Shelly. Nag-squat naman si Shelly at hahawakan na sana nya ang buhok ni Margaux upang sabunutan ito ng makarinig sila ng boses sa kung saan.

"Stop doing that," nahati naman bigla ang mga manonood at isang lalaking matangkad and sobrang gwapong nilalang na may mga matang kulay berde, matangos ang ilong, light brown ang buhok at labing mapupula. Napatulala nalang si Shelly sa nakita.

"Bro! I said don't intrude!" sigaw naman ng kararating lang din na lalaki at ang ikinagulat ng lahat ay magkamukhang magkamukha ito from the looks and the body built ang pinagkaiba lang ay may nunal sa kaliwang pisngi ang kararating lang na lalaki.

"What's happening here students?" mas nagulat ang lahat at natulos sa kanilang kinatatayuan ng makilala nila ang lalaking kararating lang.

"S-Sir T-Terrence..." kinakabahang bangit sa pangalan ng isang Alumni ng eskwelahan at beterano sa larangan ng medisina.

"Argh! *cough* *cough* *groans* *whimpered* *cough* *cough* *groans*" pilit namang tumayo si Margaux at napansin agad iyon ni Terrence. Mabilis na lumapit ang Alumni sa dalaga't inalalayan itong tumayo.

"To the office all of you!" sigaw ni Terrence sa kanila na nagpatakbo sa lahat ng estudyanteng naroon sa field.

---

THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓Where stories live. Discover now