KABANATA 2

574 23 1
                                    

NOTE: So far... Wala pa naman ako ineedit. Hahaha nakakatamad eh... Baka next time...

KABANATA 2

3RD PERON'S POV

Dalawang sunod na putok ang narinig sa buong paligid. Mga ilang sandal pa ang lumipas ng bumagsak ng tuluyan si Tristan at bumalik sa kanyang anyong tao na walang saplot ni isa. Mabilis na hinubad ni Christian ang kanyang suot na jacket at ipinantakip sa kaselanan ni Tristan na nakahiga lamang sa lupa. May bakas bakas pa nga ng dugo ang kanyang bibig hanggang dibdib at kitang kita s kanyang likod ang nakaturok na pampatulog na binaril sakanya, kani kanina lang.

Mabilis na nilapitan ni Trisha ang anak at sinipat sipat ito kung may natamo bang sugat o kung ano man. Binuhat naman ni Christian ang anak at ipinasok sa loob. Medyo delekado ang sitwasyon nila at baka mahuli sila ng mga Hunters na gumagala gala at naghahanap ng pwedeng mahuli o di kaya'y mga kapitbahay nilang mga mortal. Tumulong narin si Timothy at nilinis ang kalat sa likod bahay.

Nilinisan naman ni Trisha ang anak at dinamitan upang paggising nito ay malinis sya. Pagkatapos linisan ni Trisha ang anak na nakahiga sa kanilang sofa ay nagpunta sya sa kusina kung nasan ang kanyang asawa na kausap si Arvie na panganay na anak ni Timothy.

"Paki sabi sa Alpha King na kumakalat na sa mundo ng mga tao ang mga rouge pati ang iba pang mga nilalang ay hinahanap ang susi ng kaharian ng dyosa Helfrina," rinig niyang wika ng asawa bago tuluyang pumasok sa loob ng kusina. Umupo si Trisha sa tabi ng asawa't isinandal ang kanyang ulo sa balikat ng asawa. Buti nalang at nagamot agad ni Arvie ang sugat ni Christian sa balikat na sinasandalan ni Trisha ngayon. Inakbayan naman sya ni Christian for better access ika nga.

"Hindi pa man napapatunayan na nandito nga ang susi ng kaharian ng dyosa ay mabilis na nilang hinahanap bago pa ito mahanap ng iba... ganyan ang mind set nila Tito Chris... kaya laganap na ang mga kakaibang pagpatay sa iba't ibang dako ng bansa..." nagaalalang wika nito.

"Kung ganoon... kailangan nating maunahan ang mga taksil bago pa nila mapasakamay ang susi," kunot noong wika ni Christian.

"Alam na ba ng Alpha King ang about sa susi na hinahanap nyo?" tanong ni Trisha sa dalawang naguusap. Napatango naman ang dalawa't napabuntong hininga. Nagtaka naman si Trisha na parang ang laki laki ng problemang meron sila.

"Anong meron at ang lalalim ng hugot ng buntong hininga nyo?" takang tanong nya sa dalawa.

"Hon... sobrang laki—I mean malaking malaki ang problema namin dahil kapag nakuha ng mga rouge ang susi ng kaharian ng dyosa ay pwedeng pwede na nilang kunin ang mga kaluluwa ng mga kamaganakan nila't dalhin sa iba't ibang katawan ng mortal para mabuhay lang at ang mga ito," paliwanag ng kanyang asawa. Napaayos naman ng upo si Trisha't nanlalaki ang matang tumingin sa asawa.

"Seryoso? Hindi ba yan joke joke lang?" umiling naman ang dakawa.

"Tita Trish... kung makukuha nila ang susi ng kaharian hindi lang ang mga mortal ang madadamay kundi lahat tayo..."

"Saan nyo ba nakuha ang impormasyon na yan?" takang tanong nito sa dalawa.

"Sa matandang puting mangkukulam," saad naman ni Timothy na kakapasok lang ng kusina't umupo sa tabi ng anak.

"Ang akala ko wala na ang mga puting mangkukulam?" takang tanong ni Trisha.

"Nasa isang barrio sila nilagay ng Alpha King na medyo malapit sa kaharian kaya kahit hindi natin sabihin ang nangyayari dito ay laging may update si Mitsuo. Alam nya ang mga nangyayari dito," paliwanang ni Timothy at kumagat sa hawak nyang mansanas.

THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓Where stories live. Discover now