One Last Chance (A MIEFER Sto...

By Gem1n1

318K 4K 952

More

Author's Note
Never Easy I
Never Easy II
Back on Track
The Phenom
ALMOST
WHERE IT ALL BEGAN
TURNING THE TIDE
NEVER ALONE BUT ALWAYS LONELY
OH DANI! OH BOI! THE FIRST ENCOUNTER!
MY PRIDE AND JOY, MICOI !
THE CONFIRMATION
LIKE FATHER, LIKE SON
LIKE FATHER, LIKE SON II
UNFINISHED BUSINESS II
SWEET REVENGE
SWEET REVENGE II
A GOOD START
A GOOD START II
ALL IS WELL! (Warning: SPG)
ALL IS WELL II! (Warning: SPG)
LUCKY CHARM
FAMILY DAY
PAST IS PAST
THE PROPOSAL
THE PROPOSAL II
HAPPILY EXPECTING
HAPPILY EXPECTING II
PREPPIN'
PREPPIN' II
THE BIG DAY

UNFINISHED BUSINESS

8.2K 136 41
By Gem1n1

AT PRESENT TIME

(MIKA's POV)

"You should have atleast shown some decency, Mika. If you can't forgive him for what he has done, then try to accept him as the father of your son.... Walang Micoi, kung wala rin si Kiefer, tandaan mo yan!!!"

And my Dad slammed the door. I have never seen him like that. He was really fuming mad.

Nakita nya yung ginawa ko kay Kiefer. Saktong papasok sya ng pinto nang itulak ko si Kief at di sinasadyang masampal.

Yes, I did not mean to do that. I swear to God. I, myself, was surprised for what I have done. The last thing I wanna do is to hurt him. And I must admit, I am still so inlove with Kief despite all that has happened. Parang biglang nawala yung grudges ko when I uncontrollably slapped him.... I knew, that was a wrong move. I shouldn't have done it.

I felt his sincerity when he hugged and kissed me.

Pero hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nagawa ko syang saktan, physically.

Kief was stunned. He was indeed shocked. Napahawak sya sa pisngi nya. Sabay hinimas-himas. Napansin kong namula agad ang mukha nya. Naawa ako. He was teary-eyed. He probably can't find the words to say. Ganon din ako.

Timing lang when Dad entered the room at sumigaw sya ng , "MIKAAAAAA!!!!". Pero tapos na, nasampal ko na sya.

And because we were both in that awkward moment and we were both so conscious with Dad's presence, sya na mismo ang umalis. Ako naman, nilapitan ko na si Micoi, na noon ay natutulog pa dahil sa gamot na pinainom sa kanya.

I heard him talked to my Dad before leaving....

"Tito, balitaan nyo lang po ako about Micoi. Pakisabi po sa bata, dumaan ako pero tulog sya." Kiefer said with a very sad voice.

Hindi ko narinig ang Daddy ko na sumagot sa kanya pero I'm sure na tumango sya. Ayoko kasi lumingon that time sa kinatatayuan nila. Nahihiya ako sa nangyari.

And here I am alone, with my little man. Coz both my BIG men left me. Kasalanan mo kasi Mika, masyado kang maarte. Masyado kang mapride.

Paulit-ulit tuloy sa isipan ko yung sinabi ni Dad..

"You should have atleast shown some decency, Mika. If you can't forgive him for what he has done, then try to accept him as the father of your son.... Walang Micoi, kung wala rin si Kiefer, tandaan mo yan!!!"

Oh shoot! Kelan ba matatapos ang agony ko! Sobrang sakit na. I am crying and I can't help it anymore.

"Why are you crying Mom?"

Nagulat ako kay Micoi. Akala ko natutulog pa.

"I am just sad Honey. Kasi look at you oh, I'm not used to seeing you so weak." At hindi ko pa rin mapigilan ang umiyak.

"I will be fine. Just pray. I love you Mom."

"Ohhhhh! And I love you too Micoi. I love you sooooooo much."

Naputol pansamantala ang usapan naming mag ina when someone knocked on the door. It's Micoi's doctor.

"Hi Mam, I am Dra. Serafica-Diaz, I'll be the attending physician for Kiefer Isaac Reyes. Kayo po yung mother nya?"

"Opo."

Niyaya ako saglit ni Dra sa receiving area.

"Ok, Mommy, based po kasi sa lab result. Positive po si Baby Kiefer sa Dengue. Mababa po ang platelet nya, may internal bleeding din, uhmmm sadly medyo severe po yung case nya. So we need po to do blood transfusion. But don't worry Mommy, he is going to be fine. Looking at him right now, he doesn't seem to be so weak which is a good sign. We will closely monitore po his condition."

Mas lalo ako naiyak sa sinabi ni Dra.

"So kailangan po ng blood donors?"

"Yun pa pala. Kailangan po natin ng blood donors. A+ po si Kiefer. Kindly coordinate po sa mga nurses on duty just in case available na po yung mga magdodonate. For now po, dependent tayo sa IV Fluids. Anyway, meron naman pong available na blood if worse comes to worst."

"Ok po. Thank you Dra."

"There's nothing to worry Mommy. Kiefer is going to be all right."

Pagkaalis ni Dra, nilapitan ko si Micoi. Hinalikan ko sya at hinawakan sa kamay.

"You heard that Honey.....you are going to be all right."

"I know Mom. Stop crying then. It makes me sicker."

Oh my little man. How thoughtful of you worrying about Mom instead of worrying about yourself.

I need to call Mommy about the blood donation.

"Hindi kami pwede ni Daddy kasi pareho kaming highblood. Diabetic pati. Papuntahin ko dyan sina Sabel and Doris. Baka pwede sila magdonate. At para masamahan ka na rin dyan. Di ko maiwanan Daddy mo dito, nagshoot up na naman ang BP."

Natahimik ako sa sinabi ni Mommy. Naguilty ako.

"Tell Micoi we're praying for him. We love him so much."

"Sige Mom, thank you. Antayin ko po sina Ate Sabel."

I was thinking, what if I call Kief? Kaso I dont have his new number.

Wala pang 30 minutes, andyan na sina Ate Sabel at Ate Doris.

Syempre biglang umingay ang paligid.

"Micoi!!!! Micoi!!!! Ginawa ko naman lahat. Inalagaan kita. Halos ayaw kita madapuan ng kahit na anong klaseng insekto. Kahit nga ibang tao di makalapit sayo. Kung bakit naman nakalusot yang punyetang lamok na yan. Saang planeta ba yan nanggaling?" May pagdadramang ginagawa si Ate Sabel kay Micoi. Si Micoi naman tulala. Palipat lipat ng tingin sa amin ni Ate Doris.

"Ate Sabel, ready ka na bang magpakuha ng dugo!?"

"Ito naman nag iemote pa ako eh. Sandali lang. Kelangan ba talaga ako? Takot ako please."

"Oi, kaya nga tayo pinapunta dito para dun no?" Sabat naman ni Ate Doris.

"Ay ganon ba? Feel na feel ko pa naman dito oh..para lang akong nasa bahay. Ganda." May pahiga higa pa sa sofa si Ate Sabel. At si Ate Doris, nagchicheck ng ref. Kwela talaga tong dalawang to. Tingnan ko lang kung may lakas pa kayo mamaya pag nakuhanan kayo ng dugo.

"Uhmmmm, kelangan daw ng tig-sampu kayong bag ng dugo." Biro ko sa kanila pero seryoso ang mukha ko.

Biglang napabalikwas si Ate Sabel from the sofa. At nabilaukan naman si Ate Doris...na noon ay kumuha pala ng pagkain from the ref.

"Tig-sampu kami? Papatayin mo na ba kami? Mabubuhay nga si Micoi, kami naman mamamatay. Umayos ka Mika ha. Kung ayaw mong agawin ko si Kiefer sayo." Pag iinarte ni Ate Sabel.

"Ay, ay! Sandali lang.. Parang naiwan ko yung bangs ko sa labas. Wait lang." Kunway aalis si Ate Doris.

"Wag ka umalis dyan. Anong ibig sabihin nito?" Tanong ko kay Ate Doris.

"Check mo fon nya. Este, wala akong alam dyan. Ang alam ko lang close na sila. Nakapasyal na nga sa condo nya eh. Inunahan ka pa. Actually textmates sila." Daldal ni Ate. Doris.

"Wala palang alam ha. Pektusan kaya kita." Akmang babatukan ni Ate Sabel si Ate Doris.

"Oi tumigil na kayo. Sana lang wag sa harapan ng anak ko di ba?"

At biglang natahimik yung dalawa.

"Sorry naman, wala naman talaga ako balak agawin si Kiefer eh. Sya naman ang lumapit, hindi ako. Char! Oi, biro lang. Gaga ka! He's not my type. Hahahaha!"

"He's not my type daw pero wall paper nya yung picture nilang tatlo."

"Andami ko nang di alam ha. Naloloka ako sa inyo. Patingin ako ng picture na yan. Baka nga may chance." Sambit ko.

"Weg ne, ene ke be?!" Ate Sabel was hesitant to show me.

"Sige, ok lang kahit wag mo na ipakita.. Pero pwede ko bang mahingi yung number nya?" Nagulat yung dalawa. Di nila akalain na sasabihin ko yon.

"Oh, bat para naman kayong nakakita ng multo? Kung makareact naman kayo."

Saka lang nahimasmasan ang dalawa.

"Masama ba hingin ko number nya? Unless, super protective girlfriend ka Ate Sabel." Nakangiting sabi ko kay Ate Sabel.

"Bruha ka! Buong puso ko nang ipinapaubaya sayo si Kiefer. Iyong-iyo na sya. Saksak mo sa baga mo." Natatawang sabi ni Sabel.

"Oh, akin na yung number nya bago pa tayo magkalimutan." Pangungulit ko.

"Wait lang. Pwedeng mag antay minsan di ba? Kaloka ka. Demanding."

"Aba, at wallpaper mo nga ang picture niyong tatlo ha. In fairness, medyo hawig tayo dyan. Konting filter na lang." Nasilip ko kasi yung fon ni Ate Sabel. Haha! At totoo nga, wallpaper nya ang selfie nilang tatlo nina Micoi at Kief.

"Humirit ka pa, di ko na ibibigay number nya. Isa pa." Napipikong wika ni Ate Sabel.

"Ito naman. Di na mabiro. Sige na, tatahimik na ako."

"O eto na, 0917 333 0315".

"Are you kidding me?" Tanong ko Kay Ate Sabel.

"Kung ayaw mo maniwala..Bahala ka dyan. K bye! Alis na kami. Tara na Doris." Akmang lalabas na talaga sila ng room.

"Oi. OA ka na Ate Sabel ha. Pag si Kief na pinag uusapan , masyado ka sensitive. Biro lang naman."

"Eh sorry, nagbibiro lang din ako. Tingin mo ba iiwanan ka namin dito. Sarap sarap kaya dito oh. Laki pa ng TV. Mas malaki kesa yung nasa kwarto namin ni Doris."

"Ahhh , so naliliitan pala kayo sa TV nyo ha. Sige, alam ko na ireregalo ko sa pasko.."

"Wow! Big time. Yung 42 inches ha."

"Bibilhan ko kayo ng magnifying glass. Tig isa kayo. Wag assuming no?"

At tinaasan ako ng kilay nung dalawa.

Bumuntong hininga ako. Sinubukan kong i-dial yung number ni Kief.

Sinenyasan ko yung dalawa na wag maingay.

Nagriring lang yung phone ni Kief.

Me: "Di nya sinasagot Ate Sabel eh. Nagriring lang."

Ate Sabel: "Try mo ulit. Baka nagdadrive."

Me: "Mamaya na lang."

Ate Sabel: "Ako, itatry ko..baka sakaling sumagot."

At sinubukan ngang tawagan ni Ate Sabel si Kief using her phone.

Naka-loud speaker pa.

May sumagot sa kabilang line..it's Kiefer!

Kiefer: "Hey Ate Sabel, napatawag ka?"

Ate Sabel: "Oi Kief, kumusta? Asan ka ngayon?"

Kiefer: "Nandito ako sa bahay. Nagpapahinga. I just got back from Ilocos eh."

Ate Sabel: "Alam mo na ba yung nangyari kay Micoi? May dengue sya, need nya ng blood transfusion. Baka gusto mong magdonate ng dugo."

Kiefer: "Ganon ba? Kawawa naman sya. Di ko alam if allowed ako magdonate."

Ate Sabel: "Nagpapahanap nga kasi sila ng mga magdodonate, eh kako baka pwede ka..Pero kung hindi, ok lang naman."

Kiefer: "Tingnan ko Ate Sabel."

Ate Sabel: "Hindi, ok lang. Kahit wag na pala. Salamat na lang. Bye!!!"

At tuluyan na ngang pinatay ni Ate Sabel ang fon nya. Halatang naimbyerna sya.

Ate Sabel: "Naloka ako sa Kiefer na yan! Kelan lang umiiyak iyak pa sya kasi gusto nya raw makabawi sa anak nya. Ngayon naman parang wala lang. Bigla syang nanlamig. Ni hindi ko man lang naramdaman na concern sya sa bata."

Nanggigigil si Ate Sabel...

Me: "Wag ka magalit sa kanya Ate Sabel. Kasalanan ko kung bat sya nagkaganyan.."

At ikinuwento ko ang nangyari kanina. Na galing dito si Kief at nasampal ko sya.

Ate Doris: "Aba , eh ikaw ba naman pala ang ma-spike ni Mika, kung di ka ba naman magka-amnesia. Sabel. Pakicheck ang sahig, baka nagkalat dyan ang dugo at utak ni Kiefer."

Ate Sabel: "Gaga! Inaasar mo pa ang Mika, lungkot lungkutan na nga sya... Hayaan mo muna siguro sya bebe girl. Baka nga naalog ang utak..kaya biglang nagka-bipolar disorder." Natatawang biro ni Ate Sabel.

That's when I already cried. Hindi ko na kayang magpanggap na ok ako.

Sa totoo lang, andaming bumabagabag sa akin..

Andyang galit ang Daddy ko, may sakit ang anak ko at higit sa lahat nasaktan ko si Kiefer.

Pakiramdam ko tuloy, napakasama kong tao. Parang wala na akong ginawang tama. Dahil sa lintek na pride na yan, hindi lang sarili ko ang nasasaktan, kundi pati mga taong aking minamahal.

Niyakap ako nina Ate Sabel at Ate Doris...

"Ahhhh, bebe girl, wag ganyan, maaayos din lahat. Gusto kong malaman mo, maraming nagmamahal sayo. Mahal ka ng Daddy mo, di ka matitiis non. At higit sa lahat, mahal ka ni Kiefer, mahal nya kayo ni Micoi. Alam ko, naramdaman ko, kasi sinabi nya lahat sa akin nung magkaroon kami ng pagkakataong makapag-usap. Siguro nasaktan yung ego nya kasi di nya sukat akalain na magagawa mo yon sa kanya, pero huhupa din yon. Subukan mong ikaw naman ang magreach out. Oh, english yon ha.. I mean , you know..." Sabi ni Ate Sabel who's trying to brighten things up. Di kasi sila sanay na ganon ako ka-emotional.

"Thank you sa inyo. Sobrang naappreciate ko ang lahat ng ginagawa nyo for me and my family. Kaya love na love ko kayo." And we had a group hug..

Tumunog ang phone ko....somebody just texted me.

"Hi, may I know who is this? Sorry, missed ur call earlier."

Oh my God! It's Kief.

"Ate Sabel, si Kief nagtext!" Naexcite ako bigla.

"Naku bebe girl, dali na. Replyan mo na. Sign na yan." Utos ni Ate Sabel.

"Sige, wait lang.." Sabi ko habang iniisip ko kung ano ang sasabihin ko.

Nakailang compose ako ng message, maya't maya ididelete ko na naman..ang hirap, di ko kasi alam kung pano ko uumpisahan...until...

"Huwaaaaaaaahhhh! Ate, nasend ko na!!!!" Sabi ko sa dalawa habang para akong batang kinikilig na kinakabahan na hindi ko maintindihan..impit yung pagsigaw ko kasi baka magising si Micoi.

"Ano ba sabi mo? Parang ang haba ng text mo eh.." Tanong ni Ate Doris.

"Hi, this is Miks!"

"Tang ina, pigilan mo ako Sabel. Kala mong nobela ang message , yon lang pala sinabi. At kung makareact, wagas!"

Tumunog ulit ang phone ko..

"Hi Miks." Malakas kong binasa ang message nya.

"Uhmmmm, ano bang magandang isagot?" Tanong ko sa dalawa.

"Wala naman syang tinanong eh. So wag ka nang sumagot. Hahahaha! Naku! Wag na nga kami ang tanungin mo at baka malaswaan ka pa sa sasabihin namin. Bahala ka na dyan, malaki ka na. Halika na Sabel at manood muna tayo. Magmoment muna dyan si bebe girl."

Oh gosh! Nanlalamig ako.

But I managed to text him again.

"Kief, sorry about what happened earlier. I'm really sorry. 😪😪😪"

It took me some time before I sent that message.

And here's his reply..

"👍👍👍"

Huhuhu! Nakakainis ka Kief. Bat ganyan lang ang sagot mo.. Please, wag mo naman ako pahirapan ng ganito.

"Can we talk?"

Oh shoot! Did I just text him if we could talk?

He did not respond.

Never again.

After almost a week, nakalabas rin si Micoi. Thanks God. He's doing fine now. Parang walang nangyari. He's back in his healthy-old-self.

Pero nakalabas si Micoi ng hospital at hindi na ulit nagpakita si Kief. I haven't heard from him since.

I learned from my Dad that he offered to shoulder the hospital bill. At hindi naman daw tumanggi ang Daddy ko.

I'm ok now with my Dad after a heartfelt conversation with him, a day after THAT incident with Kief.

I feel better now.

But I know I still have to deal with an unfinished business...that is, my business with Kief.

-------------------------------------------------------------------------------------------

PS: Sorry guyths, medyo maiksi lang ang update. I promise to make bawi.

Also, may mga medical terms akong ginamit pero ang totoo hindi ko naman talaga kabisado. Eklar lang para maitawid yung kwento. Hahaha!! ✌️✌️✌️

Love you guyths,💙❤️💚

-author-

Continue Reading

You'll Also Like

3K 370 23
A 19 year old girl Adeline grew up in her non biological mother when she gone missing when she was 2 years old. She was a adopted by one of the famou...
206K 6.3K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
5.5K 140 65
THIS IS A MIKAIAH STORY HOPE YOU ALL LIKE IT! this is a fanfiction only!!!!
1.6K 79 29
She fell first, who fell harder? Si Colleen Vergara at Maya Celeste Arceta ay galing sa magkaibang squad na eventually ay nag-join force as Bibi squa...