A GOOD START II

10.3K 166 39
                                    

KIEFER's POV

Mga 3:30am nagising ako. Sobrang nanginginig si Mika.

Umuungol-ungol pa sya at mangiyak-ngiyak.

"Babe, ok ka lang?"

Yakap yakap ko sya habang nakatalikod sa akin.

"Dalhin na kita sa ospital."

"I'm fine." Mahina ang boses at nanginginig talaga.

Narinig lang ata ang ospital..Bigla syang sumagot.

"Babe I am so worried. Baka kasi kung ano na yan. Ano bang masakit? Sabihin mo."

Hindi nya ako sinasagot. Nakapikit sya pero halatang she is in pain.

Patuloy pa rin sya sa panginginig.

Niyakap ko sya nang mahigpit na mahigpit na mahigpit.

Lord, heal Mika with your powerful hands. Sana naman po hindi life-threatening itong nararamdaman nya. We love and trust you Lord.

Hay naku talaga. Wag na wag kong makikitang iinom ka pa. Lagot ka talaga sa akin. Ganito pala ang epekto ng alak sayo. Malala. Kaya please. No more alcohol Babe. No more. Sa loob-loob ko.

Hindi halos ako nakatulog as I kept checking on Mika. Maya't maya ay kinukuhanan ko sya ng temp. Kanina nag-39.6 pa sya. Kaya ako biglang kinabahan. Huling kuha ko ng temp sa kanya mga 5:30am, 38.7.

At kung kelan ako dinalaw ng antok, biglang may dumagan sa akin.

"Good morning Daddyyyyy!!!" Natutuwa ngunit mahinang bati ni Micoi.

"Baby!!!" Sinenyasan nya akong wag maingay.

"How's Mom, Dad? How is she now?" Tanong nito habang nakatuon ang pansin namin sa Mommy nya na noon ay tulog na tulog.

"She's still sick. But I hope she is feeling better now."

Maya't maya may kumatok. Si Micoi ang sumagot. "Please come in."

"Ay, good morning Kief." Bati ni Ate Doris.

"Good morning Ate Doris." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Uhmm, si Micoi sana. Paliliguan ko na. Maaga kasi pasok nya."

"Oh, ok......" Bumaling ako kay Micoi. "Baby, you have to go with Ate Doris now. Take a shower first. Then come back here when you're done. Ok."

"Alright Dad. Can I kiss Mom first? She hasn't slept with me for the past 2 nights. I miss her." Paglalambing ni Micoi.

Inginuso ko na humalik na sya at inaantay sya ni Ate Doris.

Micoi kissed his Mom on the cheeks. Bigla tumagilid si Mika at humarap sa amin ni Micoi, na noon ay nakahiga na between us. Pilit idinidiat ni Mika ang mga mata nya.

"I heard that." Halatang nanghihina pa rin sya.

Hinalik-halikan sya ni Micoi sa pisngi sabay niyakap. Di na ako magtataka kung kanino ito nagmana. Style pa lang ng paglalambing nya, Kiefer na Kiefer na. Hahaha!

"Mom, hope you get well real soon. It's family day on Sunday in Don Bosco. We all have to be there." Tumingin sa akin si Micoi. "Dad, are you going on Sunday? Will have a lot of activities."

"Oh yeah, I am definitely going. Tita Dani actually mentioned that to me. Di ba Mommy pupunta tayo? Kaya pagaling ka na ha." I said with so much sweetness. Sinalat ko ang noo nya, mainit pa rin sya.

"Ok baby, go with Ate Doris na..Take a shower. I'm gonna drive you to school today. Ok?"

Sinabihan ko si Ate Doris na ako na ang maghahatid kay Micoi. May kukunin pa kasi ako saglit sa condo pero babalik din ako.

One Last Chance (A MIEFER Story)Where stories live. Discover now