LUCKY CHARM

11.8K 146 22
                                    


MIKA's POV

"Of course, I love you too Babe... I may not say it more often, but know in your heart that I do." And I gave him another long passionate kiss.

Nagising si Micoi around 3 in the afternoon. Hinayaan ko muna ang mag ama na magbonding at maglaro ng basketball.

Ako naman, I kept myself busy in the kitchen. Kief told me na kung totoong marunong na daw akong magluto, ako raw ang magluto ng dinner and so I accepted his challenge.

Habang nasa kitchen, andun din sina Ate Sabel at Ate Doris. Sinamahan na muna nila ako.

Me: Bat ganyan kayo makatingin sa akin? May nagawa ba akong masama?

Nangingiti kong tanong sa dalawa. Tinitingnan kasi nila ako mula ulo hanggang paa. At ang mga ngiti nila parang nakakaloko.

Ate Sabel: Bebe girl, umamin ka...nagjerjer na kayo ano?

Me: Ha? Anong jerjer?

Ate Sabel: Yung kembelar! Ganern!

Me: Di kita maintindihan Ate Sabel. Naloloka ako sa mga terms mo.

Ate Doris: Alam mo Sabel, diretsahin mo na kasi.

Me: Ano nga kasi yon. C'mon tell me.

Ate Doris: Bebe girl, ang ibig nya sabihin, kung nagsex na ba ulit kayo ni Kiefer.

Napahagalpak ako ng tawa.

Me: Oh my gosh! Ate Sabel. You're so gross.

Ate Sabel: Ayan tayo eh..ini-english mo na naman kami eh. Pero di nga bebe girl, may nangyari na ulit sa inyo? Yung totoo..

Sinisiko siko pa ako ni Ate Sabel na halatang kinikilig.

Me: Kung sakali man, walang masama kasi......... uhmmmm...kami na ulit.

I smiled at them..

Grabe ang reaction nilang dalawa. Para silang nanalo sa lotto. Andyang nagtatalon pa sila sa sobrang kilig at saya. Niyakap nila ako. They told me they are so happy for the two of us and of course, for Micoi.

Saktong nakagroup hug kami when Kiefer went inside the kitchen..

Kief: Anong ibig sabihin nito? Sali ako.

At nakigroup hug na rin sya.

Ate Sabel: Tengene! Ok na, ok na. Tama na ang group hug at baka makalimutan kong jowa mo ito.

Sabay turo kay Kiefer, na nakabackhug pa rin sa akin

Ate Doris: Oi, tama na yan. Magluluto pa yang Babe mo. Utang na loob, wag mo kaming inggitin. Sumasakit ang puson ko.

Tawanan kaming lahat.

Kief: Sige na nga, alis na nga ako..... Ay! Babe, andyan na pala yung tutor ni Micoi. Nasa study room na sila.

Me: Owww! Ok. Yeah, everyday yan.

Kief: Eh di ba Babe, nagkuKumon pa sya? Baka naman masobrahan na sya sa pag-aaral, daigin na nya si Albert Einstein..haha! Mahirap din pag maburnout yung bata.

Me: No kasi, MWF lang naman yung Kumon nya. Tsaka sanay na sya sa ganyan. Nung nasa US kami ini-enroll ko sya kung saan-saan activities para may pagkaabalahan sya.

Kief: Ohhhh, okay. Bigla lang kasi ako nabother. Sometimes, di rin tama puro sa academics lang nakatuktok yung bata. He also needs to mix socially with others..like engage himself into sports like basketball, etc.

Me: No worries Mr Ravena. Meron po syang taekwondo class pag weekend and basketball clinic whenever he feels like going.

Kief: Aba, bilib na talaga ako sa asawa ko. Wala na ako masabi. Kaya naman love na love na love kita eh.

One Last Chance (A MIEFER Story)Where stories live. Discover now