THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓

Von dragonlibran

10.8K 436 26

[BOOK 2] Limang daan taon na ang nakakalipas nang matapos ang huling digmaan. At sa nakalipas na panahon ay n... Mehr

KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3 - NOT EDITED
KABANATA 4 - NOT EDITED
KABANATA 5 - NOT EDITED
KABANATA 6 - NOT EDITED
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KANANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
EPILOGO
SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER 2 - THE HIDDEN CHAPTER
Thank You! & Announcement

KABANATA 20

360 16 2
Von dragonlibran

Ramdam na ramdam ko na konting push nalang at matatapos na ireng Book 2 ng THE IMMORTAL...

KABANATA 20

3RD PERSON’s POV

Pagkatangal ni Miyasaki ng tali ni Margaux ay agad syang naumupo at nagtago kay Tristan. Biglang tinuktok ng matandang mangkukulam sa sahig ang kanyang tungkod kaya ito nakagawa ng isang malakas na ingay sa apat na sulok ng bulawagan.

“Ikaw na babae… huwag mo akong linlangin babae, kaya mong linlangin ang iba ngunit hindi ako. Hindi ka isang ordinariyong nilalang sa aking paningin,” malamin na wika ng matandang mangkukulam. Wala namang umimik ni isa sa mga nasa loob ng bulwagan at hinihintay lamang nila ang sasabihin ng matandang mangkukulam.

“Sino ka? Magpakilala ka!” biglang naalala ni Margaux na sya’y nagpakilala na kanina ngunit nagkibit balikat nalang sya at walang nagawa kung hindi lumabas sa kanyang pinagtataguan. Naging tao narin si Tristan na agad namang binigyan ng tela ni Anthony ganon din si Miyasaki na binigyan ng ina ng tela. Sasagot na sana si Margaux ng mawalan sya ng malay na nasalo naman agad ni Tristan ang katawan ni Margaux bago bumagsak sa matigas na marmol.

Agad na dinaluhan ni Terrence ang kaibigan ng asawa upang icheck kung anong nangyari ngunit bigla nalang nabasag ang lahat ng mga naglalakihang salamin sa bulwagan dahil sa lakas ng pagsabog di kalayuan sa palasyo.

Agad namang naalarma ang lahat dahil sa nangyari. Wala pang ilang minutong lumilipas ay nakarinig sila ng putukan ng baril. Agad nilang napagtanto na may nakapasok na mga hunter sa lugar.

Magsasalita na sana si Mitsuo ngunit biglang may pumasok na kawal na hiihingal. Agad nyang ibinalita na may mga hunter na nakapasok at nagpapalitan ng mga putok ng baril at ang iba ay nakikipag espadahan.

“Magsihanda kayong lahat!” malakas na utos ng Alpha King.

“Pumunta kayo sa kwaro sa east wing kung saan madalas kayong nandon kasama si Mama… itago mo roon ang babae… mas ligtas doon…” utos nito sa kapatid. Tumango lang si Miyasaki at sinabihan si Tristan na dalhin ang asawa sa espesyal na kwartong iyon.

Nang madala na ni Tristan ang asawa ay hinalikan nya ito sa noo’t labi upang magpaalam na muna para tumulong sa labas kahit na gusto nyang bantayan ang asawa na payapa lamang na natutulog sa kama. Unang lumabas si Tristan ng silid dahil humingi si Miyasaki ng permiso sakanya kung maari ay makausap nya lang ito kahit sandali kahit na ito’y natutulog.

“Kung ano man ang sanhi ng pagkawalan mo ng malay… please magising ka na… marami pa akong katanungan… marami pa akong gustong sabihin sayo at konpirmahin…” wika nya bago halikan sa pisngi ang babae bago lumabas ng silid.

Pagkalabas ni Miyasaki sa silid ay syang paglitaw naman ng mga dyos at dyosa. Hindi nila mapigilang isipin na baka nasa kaharian na ng dyosa ang kaluluwa ni Margaux dahil sya ang may hawak ng susi.

Hahawakan na sana ni Azula ang kamay ni Margaux ngunit bigla nalang pumasok ang matandang mangkukulam bitbit ang libro’t bolang krystal.

“Ramdam ko kayo’y may itinatago sa lahat…” nagulat ang lahat sa biglaang pagsasalita nito pagkatapos sumara ng pintuan.

“Alam kong kilala nyo ang batang yan… magsabi kayo kung sino sya,” wika ng mangkukulam.

“Hindi kami sigurado kung tama ang hinala namin, pero…” nagdadalawang isip si Etrah kung sasabihin nya ba ito.

“Pero, ano?”

“Hindi kami sigurado kung tama ang hinala namin, pero… yung ipinakita ng bilang krystal ang itsura ng may hawak ng susi sya ang pumasok sa isipan naming lahat,” pagaamin ni Mher sa mangkukulam. 

Nilapitan ng matanda si Margaux at inenspeksyon ngunit wala syang naramdaman na kahit ano. Wala syang naramdamang init na gaya ng naramdaman nya noong dumating ang may hawak ng susi ng kaharian ng dyosa.

“Iwan na muna natin sya sa silid na ito… kailangan nating tumulong sa kaguluhan sa labas na sanhi ng mga mangangasong nanghimasok sa ating teritoryo…” wika ng mangkukulam sa mga ito. Walang salita salita at sabay sabay silang lumabas ng silid ng babae.

*

Pinakatitigan ni Tristan ang asawa na nakahiga’t payapang natutulog sa kama. Nagaalala sya dahil baka kung anong mangyari sa asawa o baka may tinirang maliit na karayom na may lason na unti unting kumakalat sa kantawan ni Margaux. Maraming posibleng kapahamakan ang naiisip ni Tristan sa asawa na wala paring malay hanggang ngayon. Nagaalala narin sila Mitsuo, Miyasaki at ang mga kaibigan ni Tristan kasama na ang kamaganak at kakilala nila.

“Tristan… may paguusapan daw tayo at kailangan lahat tayo kompleto,” lumingon naman si Tristan at nakita nya si Miyasaki na seryoso ang mukha. Tumango lang sya at hinalikan ang noo ng asawa bago lumabas ng silid kasama si Miyasaki.

Pagkaratig nilang dalawa sa bulwagan ay marami nang mga opisyales na nandoroon upang dumalo sa pagpupulong. Agad pinuntahan ni Tristan si Merlin nang makita sya ng lalaki. Gusto man makita muna ni Merlin ang pamangkin ay importante ang bagay na paguusapan sa pulong na ito dahil konektado ito sa nangyari kanina lang.

Pagpasok ng Alpha King ay syang pagtahimik ng lahat at nasa kanya ang buong atensyon. Sinabi nya ang bawat detalyeng nangyari sa mundo ng mga tao sa pagatake ng mga mababang uri ng mga lobo’t iba’t ibang nilalang hanggang napunta sa usapang Hunter.

“Merlin… kumikilos na naman yung organisasyong hindi natin kilala at mas lalong lumalakas ang kanilang pwersa’t nakapasok na sila sa teritoryo ko…” wika ni Mitsuo kay Merlin na nakaupo sa kanyang wheel chair. Malungkot namang ngumiti si Merlin at may ibinigay na sulat kay Trisha upang ibigay kay Mitsuo. Nang matangap ni Mitsuo ang sulat ay agad nyang binasa ito.

Bigla namang lumambot ang kanyang ekspresyon nang mabasa nya ang nakapaloob sa sulat. Tinignan nya si Merlin na nakangiti sakanya ngunit ito’y malungkot.

“Gawin mo kung anong tama…” wika nito kay Mitsuo habang nakangiti ng malungkot. Tumango lang si Mitsuo bilang sagot.

“Makakaasa ka…” buo ang loob na wika ni Mitsuo sakanya. Tumango lang si Merlin at—“Pwede ko bang makita ang pamangkin ko?” tanong nito pero sa pandinig ni Mitsuo parang nakikiusap itong makita ang kanyang pamangkin. Tumango nalang si Mitsuo bilang pagbibigay permiso kay Merlin upang makita ang pamangkin.

Tahimik na binabaybay ni Merlin ang malaking pasilyo ng kaharian patungong silid ng pamangkin. Marami syang iniisip at sumasakit lamang ang kanyang ulo. Kamuntikan na nga syang lumagpas sa silid ng pamangkin kung hindi pa sabihin ng kanyang kanang kamay. Napabuntong hininga nalang si Merlin bago tumuloy sa silid kung na saan ang kanyang pamangkin.

Pagpasok ni Merlin sa loob ay nakita nya agad ang pamangkin na payapang nakahiga sa kama. Bigla nyang naalala ang itsura nito sa loob ng kabaong na ang buong akala nila ay wala na itong buhay. Nilapitan nya ito ngunit sa kanyang Paglapit ay syang pagbuhos ng kanyang luha na kanina nya pa pinipigilan simula nang pumasok sya sa silid.

Nang makalapit na si Merlin ay hinawakan nya ang kanang kamay ng pamangkin na kasing lamig ng yelo. Para syang sinaksak ng paulit ulit dahil parang bumalik na naman sila sa panahong nakaratay ito sa kanyang kabaong.

“Sweetie~ Margaux…” pigil hiningang wika nya upang hindi sya pumiyok. Hinalikan nya ang kamay ng pamangkin.

“Marg… alam kong hindi mo ako naririnig pero… mahal na mahal na mahal ka ni Tita Merlin…” wika ni Merlin habang lumuluha. Hindi na nya napigilan pa ang pagiyak nya sa sakit, galit, at poot na kanyang nararamdaman.

“And I am really sorry kung hindi ko na mapigilan pa si Dad sa kabaliwan nya… wala na akong nagawa pa kung hindi sabihin kay Dad ang totoo na hindi tao ang napangasawa mo kung hindi isang lobo… wag kang magalala… proprotektahan kita laban sakanya wag ka lang mapahamak, pati narin ang mga tauhan ko upang tapusin na ang kabaliwan ni Dad…” suminghot na muna sya’t pinunasan ang kanyang luha’t huminga ng malalim.

“Nalaman ko rin na sya ang tumutulong sa mga immortal na makalabas sa lagusan at maghimagsik ng kasamaan sa mundo ng mga tao… nalaman ko rin na kaya nya lang tinulungan ang mga ito dahil gusto nya ring buhayin si Mama… ang Lola mo. Magaux… magiingat ka, kayo ni Tristan…”

“Hindi ko alam na magagawa yun ni Maxwell…” napalingon si Merlin nang marinig nya ang boses ng kaibigang si Trisha.

“Trish…”

“Nagaalala lang ako kaya kita sinundan…” tumago lang si Merlin bilang sagot.

Magsasalita na sana si Trisha ngunit hindi ito natuloy dahil sa biglang pagsabog di kalayuan sa kanilang pwesto hanggang sa naging sunod sunod ang naging pagsabog. Hindi nila alam ang gagawin dahil sa biglaang pagatake ng kalaban kaya’t nagkagulo sa buong palasyo at hindi lang pala sa palasyo kung hindi pati narin sa bayan.

Hindi na nagawang magisip ni Trsiha ng makita nyang mababagsakan ng malaking bato ang kaibigan kaya bigla syang nagpalit ng anyo bilang isang lobo’t kinagat nya ang kwelyo ng damit nito upang sila’y makaalis ng silid. Mabilis syang nagtungo sa bulwagan kung nandon pa ang Alpha nila. Lahat ng mga lobo na walang taglay na kapangyarihan ay nakikipaglaban na sa mga kauri din nilang lobo na mga wala na sa sarili at ang iba naman sa mga hunters na nagkalat sa buong paligid ng palasyo.

Ang iba naman ay hindi pa nagpapalit anyo bagkus gunagamit nila ang kanilang kakayahan upang sila’y maprotektahan. Biglang naalala ni Trisha ang kanyang manugang na babae ena nakahiga sa kama sa loob ng silid ng palasyo. Bigla syang nagbago ng anyo kaya’t hubo’t hubad sya sa harapan ni Merlin na agad namang hinubad ang isang parte ng kanyang dress upang ipasuot sa kaibigan.

“Dito ka lang… babalikan ko lang si Margau—” hindi na natapos pa ni Trisha ang kanyang sasabihin ng makita nyang may lumabas na dugo mula sa bibig ni Merlin. Agad nyang sinalo ang katawan ni Merlin na babagsak.

“W-Wag na… ram-ramdam kong ligtas sya…” wika nito habang hinahabol ang kanyang paghinga. Inihiga naman ni Trisha ang kaibigan sa marmol na lapag.

“Shhh~ wag kang magsalita… dadalhi—” natigil ang kanyang pagsasalita ng hawakan ni Merlin ang kanyang kamay.—“Sabihin mo nalang sakanya na mahal na mahal ko sya…” Nagsimula nang umiyak si Trisha ng may lumuhod sa kabilang side ni Merlin.

“Ma…” sa pagsasalita palang nito ay ramdam na pinipigilan nya lang ang kanyang pagiyak.

“A-Ang anak ko…”

“MA!” sigaw nya at tuluyan nang umiyak habang nasabisig nya ang ulo ng ina.

“Ma… mahal na mahal kita… please laban ka pa… dadating na si Dad… he will help us…” ngumiti lang si Merlin at hinawakan ang pisngi ng anak.—“Anak… ma-mahal na mahal ka ni M-Mama… yan ang lagi mong ta-tatandaan… mahal na mahal kita…”

“Ma… please…”

“Shhh… yo-your Dad… he k-killed my si-sister… He killed y-your Tita Martha… because he ne-never loves me…” para namang natauhan ang kanyang anak sa sinabi ni Merlin.

“Because he never wanted to kill his own wife instead he killed his sister-in-law to protect her wife. He never wanted to killed Tita… he never wished to do that but because he loves you he done that for us, especially for you…” ngumiti nalang si Merlin bilang tango.

“Wh-Who knows…” wika nya.

“Ma… please…”

“I love you… I always do…” wika nito bago tuluyang mawalan ng buhay. Iyak lang ng iyak ang anak ni Merlin at ganoon din si Trisha.

Natigil lang ang kanilang iyakan ng makarinig sila ng putok ng baril. Gusto mang dalhin ng binata ang labi ng kanyang ina ay mas inuna nya ang kaibigan ng ina ngunit malapit na silang makarating sa pintuan ng bigla nalang tumigil si Trisha sa pagtakbo. Magtatanong na sana ang binata ng makita nya ang pagdaloy ng dugo sa bibig ni Trisha. Mabilis nyang binuhat ito at tumakbo sa labas upang humingi ng tulong. Kamuntikan pa nga sya matamaan ng bala sa likod kung hindi lang sya mabilis nakaiwas.

“MA!” tawag ng isang lalaki na nagpatigil sa binata. Mabilis na kinuha ng lalaki sa binata ang kanyang ina na si Trisha.—“Trace…” wika ni Trisha sa pangalan ng pangalawang anak. Mabilis namang dinaluhan ni Gyro ang asawa pati narin ni Tristan.

“Ma…” nagaalalang wika ni Tristan.

“She’s fine… d-don’t worry…” wika nito. Mabilis namang ginamot ni Terrence si Trisha nang mapansin ni Travis ang binata.

“SINO KA!” malakas na sigaw nito at naghanda sa kanyang pagatake.

“I’m Caiden…” pagpapakilala nya. “I’m Margaux’s cousin…” nagulat pa silang lahat. Susugurin sana ni Travis ang lalaki ng pigilan sya ni Mitsuo at sya ang humarap dito.

“Anong nangyari at bigla bigla nalang kayong sumusugod?” kalmado nitong tanong kay Caiden.

“Gusto ni Lolo na makuha si Margaux upang ipakasal kay Kuya Remi at patayin ang buong lipi ng mga lobo…” pagaamin nito. walang nakapagsalita ni isa man sakanila kahit na si Tristan ay walang masabi.

“Ngunit hindi ako papayag na sirain ni Lolo ang buhay ng pinsa ko… kung sa akin nasira nya ng ganoon ganon nalang ay ibahin nya kay Margaux dahil gagawin ko lahat para hindi sya mapasakamay ni Lolo,” punong puno ng determinasyon wika ni Caiden. Naghiwalay hiwalay silang lahat uipang tulungana ng mga nangangailangan ng tulong at para matalo na rin ang pwersa ng mga hunters at rouge. Pinili ni Tristan at Caiden na magistay sa bulwagan upang makapagusap ngunit bigla namang dumating ang dapat nilang pagusapan.

“Caiden! My boy!” masiglang bati ni Maxwell habang buhat buhat ng isang tauhan ni Maxwell ang katawan ni Margaux na puno ng dugo ang damit. Biglang kumulo ang dugo ni Tristan at hindi nya namalayan na nagpalit na pala sya ng anyo hindi bilang isang lobo kung hindi halimaw na lobo.

Hindi na alam ni Tristan ang kanyang ginagawa basta ang gusto nya lang gawin ay makuha ang kanyang asawa at matingnan kung okay lang ba ito o may tama. Basta ang alam nya gusto nya lang makuha ang asawa.

Pipigilan lang sya ng pinsan ni Margaux ngunit pati sya nadamay sa pagwawala nito at kahit anong pigil ng mga tauhan ni Maxwell sakanya ay wala paring nangyayari hanggang sa kusa nang nabitawan ng lalaki ang katawan ni Margaux at bumagsak ito sa marmol at ilang sandali lang ay napalibutan na ng pulang likido ang paligid ng katawan ng asawa. Tuluyan nang nawala sa sarili si Tristan ng makita nya ang asawa na naliligo sa sarili nitong dugo.

Walang awang pinagpirapiraso ni Tristan ang katawan ni Maxwell ganoon din ang mga tauhan nito na kahit saang tumakbo ay wala na silang magagawa kung gindi harapin ang kanilang ginawang kasalanan.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

18.4K 896 53
Astrid Fay Velon a not so ordinary girl. She has the ability to see ghosts and life time marks of people, that are not normal in the eyes of others. ...
2.3K 146 13
"Everything must take its place. This has been written in their fates." Lahat tayo ay may kalalagyan. Lahat tayo ay may kanya-kanyang papel dito sa b...
237K 7.7K 71
©2017 -Unedited- Sword of Justice. The missing sword. The sword that no Swordailes can able to summoned for almost a decade or two. The sword that pl...
47.3K 1.3K 49
We all have Dark Secrets, We all have Bad sides, We all did mistakes. In the Dimension where magic and powers Exist, Everything is posible. Could yo...