Aya's Confusion(Book 1)[Gxg]

By angDiyosaNgBuwan

180K 5.4K 888

The worst thing that can happen to a lesbian is to fall for a confused and deceitful straight woman. But what... More

ALL RIGHTS RESERVED © 2019
Preface
F1. The Game Begins
F2. Fall Out
F3. The First Fool's Card
F4. The Second Betrayal
F5. Over and Done
F6. Back Again
5. Yuna's Story
6. The twist
7. The repeat
8. The Revelation
9. The Goodbye
10. Memories
11. Moving on
12. Two sides of the coin
13. Spoiler Alert
14. The Witch
15. The Race
16. Alexa's Story
17. The Battle
18. The Fight
19. Hidden Emotions
20. I am Confused
21. Self-Deception
22. The Dragon
23. The Kiss
24. The Kiss Part 2
25. New Friends
26. Pity or Love?
27. Girlfriend
29. Meet the parents
30. Shadow of the past
31. Lost
32. Saving Yuna
33. Saving Yuna Part 2
34. Confusions. And more confusions.
35. The escape
36. Death
37. Suicide
38. War
39. Chaos
40. The Fall
41. Fly away
42. Gone
43. Call-off
44. It's Over
45. The Box
46. Commemoration
47. Reign's list
48. The Sound of Defeat
49. The Proposal
50. The Final
Epilogue

28. Birthday

2.2K 97 2
By angDiyosaNgBuwan

"So..." si Ivy sa nanunudyo at masiglang boses "kumusta naman ang pamamasyal sa London? I've heard..." she stretched the last word "na pinuntahan ka pa raw ni Alexa at nadiligan na daw--- Aw!" Biglang irit ng journalist.

Naputol ang sinasabi nito nang sundutin sa tagiliran ni Aya.

Pinandilatan ito ng designer. "Anong nadiligan ang pinagsasabi mo riyan?? " Nagpalinga-linga sa paligid. Nasa isang coffee shop sila, kung saan sila nag-rendezvous ng journalist. "And it's not as if she had a cock..." mahinang saad niya.

"So... totoo nga?..." pagkumpirma ni Ivy. "Ayy!..." tili nito at animo'y bulateng nilagyan ng asin "kinikilig ako sa inyong dalawa. How was it? Nag-init ba ang London?" Tanong pa at inilapit ang mukha kay Aya na animo'y sabik sa tsismis.

"'Yang bibig mo... tumahimik ka nga..." mahinang saway ni Aya sa kaibigan, nag-iinit ang pisngi.

"Bakit? Eh ano naman... hayaan mo sila diyan. It's not as if they're innoccent. Duh!" Saad pa ng journalist sabay exaggerated na paghawi ng kulot na buhok.

Marahang hinampas ni Aya ang braso ng kaibigan. "Nakakahiya! Saka... ano bang pinagkukuwento sa'yo ng baliw na babaeng 'yon? Malilintikan siya sa'kin," ani Aya na magkasalubong ang kilay. Hindi siya komportableng pinag-uusapan ang tungkol sa sex-life niya.

Natawa si Ivy. "Ikaw naman... huwag kang masyadong mataray do'n sa tao. Masyado mo yatang ina-under eh..." aniya.

"Hindi ah..." depensa naman ng designer "pano'y ang hilig ding mang-asar lagi. Alam mo namang madali akong mapikon. And you know how she is... " lumipad ang isip ni Aya sa kasintahan. Ang alam niya ay nasa Vermont ito at may inaasikaso. Huli nilang usap ay kanina pang umaga. Ano na kayang ginagawa nito ngayon?

"Hey..." pukaw ni Ivy sa kaibigan. "Mamaya mo na isipin si Alexa at magkuwentuhan muna tayo," aniya ritong nangingiti.

Namula naman si Aya nang mahuling nananaginip.

"Mukhang... ang lakas na rin ng tama natin ah," tudyo ni Ivy. "Naalala ko pa dati, galit na galit ka sa kanya no'ng una mo siyang ikuwento sa'kin," natatawa ang journalist sa alaalang iyon "what a sudden turn of events. Sino nga bang mag-aakala na magiging kayo pala."

"I'm even surprised myself. Hindi ko rin akalain talaga. I thought she would just be a nuisance in my life. But..." Aya shrugged and left the words in the air.

"Matanong ko lang..." ani Ivy matapos ngumuya ng chocolate mousse cake. "What is Alexa's real standing in your heart? Kasi... alam namin natin na kagagaling mo lang sa isang mala-roller coaster na relasyon... so, ano? Mahal mo ba siya? O baka naman... na-o-overwhelm ka lang?" Diretsang tanong ng journalist.

Aya stirred her frappuccino using the straw. She thought about Ivy's question. "Alam mo... sa totoo lang, ayoko pa muna talagang pumasok sa isang relasyon. The past is still fresh. I admit I still wasn't fully healed but, I don't know... kahit ako sa sarili ko ay nasu-sorpresa na lang sa mga pinaggagawa ko," may kalakip na bahagyang tawa sa sinabi ng designer "you know that instance when your mind was telling you to stop but your body just move on its own? It was like that. But there's one thing I am sure, Alexa makes me happy. And I've grown to love her... maybe it wasn't to that extent as how they overrate love, but it was there. Minsan naman pakiramdam ko parang napasubo yata ako... but then, when I look at her, my brain just shuts off and my body take control of me. I know how Yuna manipulated me, but with Alexa... it was different. She held a different spell. She had the charm of an adorable baby. Just like... even if you're feeling like a wreck inside, they were able to bring out the love within you," Aya waved her hand "If you know what I mean..."

"Yeah, I get you. Iyon bang kahit na galit na galit ka pag nakakita ng isang adorable na baby, bigla na lang malulusaw ang galit mo. You were overcome by their cuteness. So, na-overcome ka pala ng cuteness ni Alexa?" Nangingiting tanong ng journalist.

Aya released a laugh. "Well... parang gano'n na nga... she's a very sweet baby."

"Aww..." Ivy cooed "pero mag-iingat ka, ha. Because she maybe just as vulnerable as a baby. You know... there's that thing with outgoing people. Akala natin parang lagi silang walang problema, na maning-mani lang sa kanila ang buhay, pero yo'n pala... mas malalim pa ang pinagdaraanan kesa sa'tin. Front lang pala 'yong pagiging masayahin nila," ang wika ng journalist "but I don't know with Alexa," agad na dugtong sa mas mataas na tono "I'm just saying."

Natigilan si Aya sa sinabi ng kaibigan. Naalala niya ang muntik na nilang pagka-aksidente ni Alexa. Siguradong may malalim na rason kung bakit biglang nawala sa sarili ang kasintahan noon. Hindi na niya naikuwento iyon kay Ivy at hindi na rin niya siguro sasabihin. That was a very sensitive topic for Alexa. Ayaw niyang pangunahan ito.

"O, bakit?" Curious na tanong ni Ivy nang biglang matahimik si Aya.

"Hm... wala naman..." iling ng designer.

"Akala ko'y na-offend ka na," turan ng journalist.

"Hindi... ano ka ba. Wala 'yon. Salamat sa paalala," nakangiti pang tugon ni Aya.

"Naalala ko kasi iyong sinabi ni Alexa---"

What Ivy was saying peaked Aya's interest. She tuned in expectantly. Ngumunguya kasi ito muli ng cake kaya naputol ang sasabihin.

Lumunok muna ang journalist at sumisimsim sa sariling inumin na espresso. "---ang sabi kasi niya, baka raw naaawa ka lang sa kanya," dugtong nito.

Napakunot-noo si Aya. "Sinabi niya 'yon?" Takang tanong ng designer. May kung anong damdamin ang nasaling sa kanya nang dahil sa nalaman.

"Yup. Just before you go to London," ang sagot ng journalist.



----



Napakurap-kurap si Alexa. Medyo nagiging awkward na kasi ang pakiramdam niya sa pagkakatitig ni Aya sa kanya. Kanina pa itong nakatingin lang at hindi nagsasalita.

Nasa apartment sila ni Alexa. Nakaupo ang dalawa sa makeshift couch na gawa sa pinagpatung-patong na unan. Nakasandal ang mga likod sa paanan ng kama. Wala kasing couch sa silid ng babae. Wala ring TV. Bukod sa kakain lang iyon ng space, para kay Alexa ay magdudulot lang ito ng katamaran sa kanya. At ayaw niyang nagsasayang ng oras. Ugaling-chinese.

Alexa cleared her throat when she couldn't fathom the silence, anymore. "Babe? What is it?"

Tahimik pa ring nakatitig lang ang kasintahan sa kanya.

"Nag-a-ala-estatwa ka na naman eh," komento pa ng makulit na babae. "Ano 'yan... pinagtitripan mo na naman ako ah..." dinaan niya ito sa biro. Sa totoo lang ay hindi maganda ang pakiramdam niya sa paraan ng pagkakatitig ni Aya.

"Why you didn't tell me?" Aya suddenly asked.

Napakunot ang noo ni Alexa. "Ang alin?"

"Na pinagdududahan mo pala ang nararamdaman ko para sa'yo," sagot ng designer. Mula nang sabihin iyon ni Ivy sa kanya ay hindi na siya natahimik.

"Anong... " naguluhan si Alexa "ah... sinabi ba sa'yo ni Ivy?" She added in a realization. "Ano ka ba... normal lang naman siyempre na magduda ako. Pero huwag mo nang isipin 'yon. Okay na. Hindi na 'ko nagdududa. No'ng una lang naman eh..." pagrarason niya. The silly woman tried to act cool but she was having a bad feeling on where this conversation was heading.

Aya sniffled as if she was close to crying. She looked down, then back up at Alexa again. "I'm sorry... " turan ng designer. Nasasaktan siya para sa kasintahan "I'm sorry," ang ulit pa.

"Hey... bakit ka nag-s-sorry? Wala kang dapat ihingi ng sorry, ano ka ba..." ani Alexa na medyo kinakabahan na talaga. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ng kasintahan. Shit. Napamura siya sa isipan. Iniisip niyang baka makipaghiwalay na agad si Aya.

Hinawakan ni Aya ang mga kamay ng kasintahan na nakapatong sa kanyang balikat at ikinulong iyon sa sariling palad. She looked compassionately at the silly woman."I'm sorry dahil binigyan kita ng dahilan para mag-isip ng gano'n," patuloy ni Aya. Napakagat-labi sa pagpipigil ng emosyon. "Sorry..."

Napailing lang si Alexa. Medyo nagiging emosyonal na din.

Nagsalita muli si Aya.

"Aaminin ko na minsan... minsan nagdududa din ako sa naging desisyon ko," ang pag-amin ni Aya "Na minsan, tinatanong ko ang sarili ko nang... ano bang ginawa ko? Tama ba 'yong ginawa ko? Tama bang sinagot na kita?" Naiiling ang designer habang pinaglalaruan ang mga daliri ni Alexa. "Pero alam mo... " nagsimula nang maglandas ang luha sa mga mata ng designer.

Maging si Alexa ay nag-iinit na rin ang gilid ng mga mata. 'No. She couldn't end this. It's too soon,' sa isip ay hinaing ng makulit na babae.

Humigpit ang pagkakahawak ni Aya sa mga kamay ng kasintahan,"---totoo talaga ang nararamdaman ko para sa'yo eh..." patuloy niya.

Parang nabunutan ng tinik si Alexa pagkarinig niyon. Napapikit siya at nagpakawala ng hininga sa pasasalamat. Pero napaangat muli ng ulo dahil hindi pa pala tapos ang kasintahan.

"Aaminin ko... there's still some piece for Yuna that was left here," turo ng designer sa dibdib "there was still that ache, that hope..."

Aya had really fallen hard for Yuna. Ito ang kauna-unahang babae na minahal niya ng lubos. At ang kalimutan ito ay hindi na yata niya magagawa. The witch would always have a piece of her heart. Maybe it was a curse that Yuna bestowed upon her.

"---but I am choosing you, Alexa..." Aya continued "YOU."

But now, it was Alexa that she wanted to love. Not Yuna.

"---you are the one that makes me happy," dugtong pa ng designer. She blinked her tears as she spoke "Yuna... well... everytime I thought of her, all I feel was pain. But you... you manage to beat that," she smiled despite the tears "You manage to make my heart love once more. You revived it. But it was still damaged, all right," she sniffed. Her nose was starting to clog"But you gave it life again... "

Alexa's face was also drenched with tears but of joy. It was enough for her... to know that Aya truly care for her. That was good enough.

"But I have a favor to ask of you..."

Alexa suddenly got alarmed again.

"I wanted to fight for you..." Aya stated with such intensity "but I'm damaged. I'm weak," she admitted her incompetence "So, if ever I forget..." the designer released Alexa's hand to grab the silly woman's face and stroked them lovingly "promise me to make me remember that you're the one I want. Promise me that you'll fight for me," Aya's tears flooded "Don't you ever give up on me," she said in a pleading voice "Because I don't want to lose you... " She said softly. "I just can't imagine my life now without you."

Alexa chuckled despite the streaming tears on her own eyes. She took Aya into her arms and hugged her girlfriend tightly.

"I promise," aniya sa pumipiyok na boses. "Grabe ka, tinakot mo 'ko... akala ko makikipag-break ka na eh..." humihikbi nang wika niya. "Nakakainis ka..."

Bigla namang natawa si Aya sa kabila ng pag-iyak. She slightly pulled herself from Alexa. "Sorry..." pinahid niya ang pisngi ng kasintahan "tinakot ba kita?" Tanong niya.

Tumango naman si Alexa na nakalabi pa habang umiiyak.

Natawa uli si Aya. Ang cute kasi nitong tingnan kahit umiiyak. Para itong bata.

"Hindi ako makikipag-break, promise. Basta kung magiging mahina man ako, ipaglaban mo 'ko ha..." masuyong wika ng designer. Niyakap niyang muli ang kasintahan. "Mahal kita... mahal kita, Alexa."

Isinubsob pa lalo ni Alexa ang mukha sa leeg ni Aya. "Mahal na mahal din kita."



----



"I'm secretly hoping that Yuna won't appear in my life again... that she would just vanished. Coz' I don't want to hurt Alexa," malayo ang tingin na wika ni Aya. She brought her cup of coffee to her lips and took a sip.

Mataman namang nakatingin si Glen sa nakatatandang designer.

Aya and Glen were standing at the rooftop of Dimitri's. Coffee break nila.

"But you know that's not possible. Susulpot at susulpot pa rin siya. Tatagan mo na lang ang loob mo, Ate Aya. Huwag mong isusuko muli ang bandera sa kanya," ani Glen na may halong biro. "You should always remember that you already have Alexa. At napaka-suwerte mo sa kanya. Samantalang si Yuna... alam naman nating sasaktan ka lang. May pagka-unstable yata ang utak ng isang iyon," komento ng batang designer "hindi makapag-decide kung sino talaga ang gusto," naiiling na dagdag pa at sumimsim rin sa sariling kape.

Aya looked up at the sky. "Yeah... she's one screwed up girl. And I don't want to spend my life with someone like her," she said in a sad voice. "Maybe I still love her, but I won't let my life get ruined because of that love. Because love shouldn't be harmful, it should be healing, caring... but Yuna gave me exactly the opposite. It was tragic."

Tumango-tango naman si Glen. "Some love just aren't meant to be. It's sad. But that's the truth."

Napatingin si Aya sa batang kasamahan. She smiled. "Thank you for listening to me..." she said gratefully.

Sa lahat ng kasamahan ay si Glen ang mas pinagkakatiwalaan ni Aya. Ito lamang ang tanging pinagsabihan niya ng buong kuwento ng buhay-pag-ibig niya. Bagamat ito ang pinakabata sa kanila ay mas matured at mas malawak ang pag-iisip nito kaysa sa iba.

"Wala 'yon... basta kapag kailangan mo ng makakausap, kahit kasinglalim pa 'yan ng dagat... game ako," nakangiting tugon ni Glen.

Natawa naman si Aya rito. "Okay..." sagot niya "How about you? Kumusta na 'yong nanliligaw sa 'yo?" Pag-iiba niya ng usapan.

Glen wrinkled her nose. "Ah, 'yon. Wala. Hindi ko rin sasagutin 'yon."

"Bakit naman?"

Umismid ang batang designer, "hmp... masyadong nagmamadali. Pagpapamilya agad ang iniisip. Gusto raw isang buong team ng basketball ang anak. Gah! Yae na! Nag-i-enjoy pa 'ko sa pagiging dalaga 'no. Ayoko munang sirain ang figure ko... ito na nga lang meron sa 'kin eh."

Napahagikhik ng tawa si Aya sa kasamahan. "Bakit, maganda ka naman ah?" Ika niya.

"Maganda talaga 'ko!" Kumpiyansa sa sariling turan ni Glen "hindi nga lang kasing-ganda mo, Ate Aya. Appeal at katawan lang ang puhunan ko. Aminado naman akong hindi ako pinalad sa face department, pero okay lang. Meron naman ako nito," turo sa kanyang sintido.

Napailing na lang si Aya habang nakangiti. "Wala na 'kong sinabi..."

Natutuwa si Aya sa personality ni Glen. At totoo rin lahat ng sinabi nito. Twenty-years-old pa lang ito nang magsimula sa Dimitri's at ngayo'y pangatlong taon na. Hindi basta-bastang nakakapasok sa fashion world ang sinuman, lalo na sa Dimitri's. Kahit siya ay nahirapan noon. But Glen got it all. The younger woman had an exceptional talent in designing.

Hindi na rin nagtagal ang dalawa sa rooftop at bumaba na sila.

That day went by like the usual days. It was laborious and full of pressure. But it was what exhilarate Aya, because she loves what she's doing.

Nang pauwi na ang designer ay nakatanggap siya ng tawag.

'Hello!'

'Hello!'

'Hello!'

A chorus of girls' voice greeted her ear. Naka-loudspeak siguro ang telepono.

Aya frowned. It was an unknown number. "Uh... who's this?"

'Aya, it's Maxie!' Sagot ng kabilang linya.

'And Quintin!' A voice chipped in.

And another... 'Margo's here too.'

And another... 'hey, don't forget about me!'

Aya was guessing it was the snarky Cleo. Lalong nangunot ang noo ni Aya. Anong meron? Bakit siya tinatawagan ng mga girl friends ni Alexa?

Mula nang una nilang pagkakakilala ng mga ito ay hindi na sila muling nagkaroon ng pagkakataon na magkita. Pulos mga busy rin sila sa kani-kanilang mga buhay. Maliban na lang kay Maxie na isa palang ground attendant sa NAIA. Sumalubong kasi ito sa kanila ni Alexa noong pagbaba nila mula ng London.

"Hi?... uh... what do you want, guys?" Tanong ni Aya.

'Ikaw sana...' ang sagot ng isa na nahimigan ni Aya na si Margo.

Nangiti naman ang designer.

'Hey! Don't flirt with Alexa's girlfriend. Take note, she's already Alexa's girlfriend. Okay?' Saway naman ni Maxie. 'Ahm... Aya, kasi... malapit na 'yong birthday ni Alexa at balak sana namin siyang sorpresahin. We wanted to include you. Are you in?'

Napakamot sa kilay si Aya. Hindi kasi niya alam kung kailan ang birthday ng kasintahan. "Kailan ba 'yong birthday niya?" She felt stupid for not knowing.

'Sa makalawa.'

"Huh??" Nagulat pa ang designer "sa makalawa na?"

'Why do you not know your girlfriend's birthday? Biglang singit ni Cleo "Some girlfriend you are--- ouch!'

'Huwag kang mag-alala, Aya. Sinipa na naming palabas si Cleo,' si Quintin.

The designer could hear some sort of fight at the background.

Bahagyang natawa naman si Aya. "Sorry, hindi ko talaga alam..." aniya.

'Tis okay. So, ano? Sama ka sa pagpaplano ng surprise?' Si Maxie.

"Yeah. Yeah. Count me in," agad na tugon ng designer. 'Kailan ba kayo magsisimula?"

'Ngayon sana.'

"Ngayon agad?? Eh... may plano kasi na bumisita mamaya sa bahay si Alexa," ika ni Aya.

'Don't worry about that. Nagawan na namin ng paraan,' si Quintin. "Kasama niya ngayon si Nolan. He'll make sure na hindi makakawala si Alexa.'

"Nolan? You know Nolan?" Takang-tanong ni Aya. Ang alam kasi niya'y hindi naman magkakakilala ang mga ito. Alexa didn't mix the two group.

'Yup. Kasi iyong baliw na si Cleo, medyo related din 'yon sa Vermont kaya kilala niya si Nolan,' si Quintin muli ang nagsalita.

"Sigurado ba kayo? Baka kasi hanapin ako ni Alexa..." nagdadalawang-isip na pahayag ng designer.

'Kaming bahala sa'yo, Aya. Huwag kang mag-alala. Saka, nandito naman ako eh..." hirit ni Margo.

'Hoy! Magtigil ka nga riyan!' Saway muli ni Maxie.

'Bakit ba? Nagseselos ka lang yata eh... gusto mo ikaw na lang?' Narinig ni Aya na tudyo ni Margo.

'Nakakadiri ka! Eww! Don't touch me with your filthy hands!'

Nailing na lang si Aya sa kulitan ng magkakaibigan.

'Ahm... Aya, punta ka na lang dito ah. Nandito kami sa Margo's diner,' si Quintin. Mukhang sinolo na nito ang telepono dahil tumahimik na.

"Okay... papunta na 'ko," bagamat alanganin ay tugon ni Aya.

'See you!' Paalam ni Quintin at pinutol na ang linya.

"Gosh... birthday niya pala sa makalawa?" Maang na saad ni Aya sa sarili. She sighed. She should have asked about Alexa's birthday. 'Di bale, babawi na lang ako sa kanya,' sa isip niya at ini-start na ang kanyang kotse.

Pagdating ni Aya doon ay nadatnan niya ang nagkakagulo pa ring magkakaibigan. May pangalawang palapag pa pala ang diner at doon ay ang penthouse naman ni Margo.

"Hi, Aya!"

"Hi, Aya!"

Ang masiglang bati ng mga ito nang pumasok ang designer.

Si Margo ang sumundo sa kanya sa ibaba.

"Hi," tugon naman ni Aya.

Mga nakaupo na ito sa living room. Si Quintin ay may hawak na laptop. Pinagigitnaan ito nina Maxie at Cleo. Hindi nakita ni Aya si Jeffrey.

"Dito ka maupo, Aya," anyaya ni Maxie at tinapik ang puwesto sa tabi niya.

Sumunod naman si Aya. "Wala yata si Jeffrey?"

"Naku, night shift 'yon eh. Pero bukas nandito siya," sagot ni Maxie.

"Oo nga pala, Aya. Kakutsaba rin namin ang mama't papa ni Alexa," imporma ni Quintin na iniangat ang mata mula sa laptop "ang alam kasi ni Alexa nasa labas ng bansa ang mga magulang niya, ang mga kapatid naman niya wala rin dito, kaya walang celebration. Pero 'yong mama ni Alexa mismo ang tumawag sa'min. Since alam niya na isa akong event coordinator, inutusan niya kami na mag-organize ng surprise party para kay Alexa. Darating din ang mga kapatid niya at iba pa niyang malalapit na kaibigan."

"So, I'm going to meet her family, then?" Medyo gilalas na tanong ni Aya.

"Actually, that was Alexa's original plan... na ipakilala ka sa parents niya on her birthday. Eh... hindi naman alam ng parents niya, kaya ayon... nabulilyaso. Medyo badtrip nga iyong isa," nagsalita si Margo mula sa likod ng sofa. "Thankfully, may plano naman pala silang sorpresa."

"Why? Are you afraid?" Biglang tanong ni Cleo kay Aya.

Aya released a laugh a little nervously. "Hindi naman... Am I going to meet them before the party? I just think it would be inappropriate. I want to give Alexa that opportunity. I mean... na siya 'yong magpakilala sa'kin sa parents niya," pagpapaliwanag ng designer.

"Oh. Don't worry about that. Pinaubaya na ni Mrs. Madrigal sa amin ang lahat. And I have my own team to help us. You won't need to meet Alexa's parents beforehand," ani Quintin.

"Oh... that's great, then," nakahinga naman ng maluwag na wika ng designer. "So... what are we gonna do?"

"Well... Alexa's plan was actually to get you on a date. Just a simple date. She's going to bring you to this place. I think she had no plan to tell you it's her birthday till the end of the night. So... 'yong kailangan mo lang gawin ay samahan mo siya sa date na 'yon. Then... kami na ang bahala sa lahat."

"Alam niyo ba kung saan niya ako dadalhin?" Tanong ni Aya.

"We actually suggested it. Nag-volunteer din kami na kami ang magse-set-up para sa date niyo. Pero hindi niya alam na maraming sorpresa ang naghihintay sa kanya," ani Quintin na mukhang excited na sa mga naiisip niya.

"That sounds fun," the designer remarked. "Let's see it then."

Inabot sila ng hating-gabi sa pagpaplano. Ala-una na nang makauwi si Aya. Kinabukasan naman ay may pasok pa siya.



----



Dumating na rin ang gabing pinakahihintay ng lahat.

"Hey..." ang bati ni Alexa sa kapapasok lang ng kotse na si Aya. Kalalabas lang ng trabaho ng designer.

Ngumiti naman si Aya. "Hi," ganti nito. Matapos isara ang pinto ay ginawaran ng mabilis na halik sa labi ang kasintahan. "Kanina ka pa ba?" Ang tanong habang inaayos ang seatbelt.

"Mga sampung minuto siguro," the silly woman answered. "You ready?"

"Yeah. Let's go..."

Sa totoo lang ay excited na ang designer. Malaking produksyon ang inihanda nilang sorpresa para kay Alexa at siguradong magiging masayang-masaya ito pagkatapos.

Mabilis lang ang biyahe nila. Sa Bonifacio Global City lang naman ang supposed-to-be ay simpleng date lamang nila. Alexa reserved a table for them in a luxury restaurant. But unbeknownst to the silly woman, her parents had booked that entire restaurant for the surprise party.

Mga tatlumpung minuto lamang ay narating na nila ang venue. It was a beautiful outdoor restaurant. Nang tumingin si Aya roon ay marami nang tao. Napangiti ang designer sa lihim na dahilan. Bumaling siya kay Alexa.

"Extra-generous ka yata ngayon at sa isang luxury restaurant mo pa ako dinala. Dati sa tabi-tabi mo lang ako idini-date," Aya remarked playfully.

Kagaya ng inaasahan ay hindi nga ipinaalam sa kanya ni Alexa na kaarawan nito ngayon.

Napabungisngis naman si Alexa sa tinuran ng girlfriend. "Para maiba naman... baka sabihin mo tinitipid kita," anito.

"Hindi nga ba?" Pagbibiro muli ni Aya. Sa totoo lang ay wala namang kaso sa kanya kahit saan pa siya nito i-date. Kahit pa ilibre lang siya nito ng isaw ay ayos lang.

"Huwag kang mag-alala, pinag-iipunan ko ang trip around the world natin," wika naman ni Alexa.

"Aabangan ko 'yan..." ani Aya sabay bukas ng kanyang pintuan. Si Alexa ay bumaba na rin.

They proceeded at the restaurant.

Alexa was not minding her surroundings, her attention was only fixated on her girlfriend beside her, when suddenly...

A loud upbeat music blared in. And the people in the restaurant stood all at once and did...

a mob dance.

Alexa was bewildered. "What the heck is happening?" She asked, confused.

The silly woman was so dumbfounded that when she looked beside her... Aya was gone.

"Aya??"

Naguguluhang hinanap ni Alexa ang kasintahan mula sa mga taong nagsasayaw.

"Aya!" Muling tawag niya pero hindi na niya makita ni anino ng kasintahan.

Patuloy pa rin ang pagsasayaw sa paligid. Nasa gitna si Alexa.

The silly woman, for a moment, didn't know what to do. Litong-lito talaga siya sa nangyayari. And where is Aya? Palinga-linga siya pero hindi na talaga niya ito makita.

Then suddenly, the people's faces, one by one became familiar to Alexa.

Her mouth gaped.

"What the hell???"

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 181K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
588 26 2
(ProfxStudent) (gxg) (r-18) (wlw) "Just this once... I'll let my heart decide" - Ephemeral Started: 11/13/202...
5.8K 422 5
Wherein Veronica, the only daughter of House Armendarez is forced to marry Kiarra, the bastard of House Saavedra. PS. Wag muna basahin bc p aq
1M 32.3K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...