Getting To You (Azucarera Ser...

By jonaxx

29.8M 1.2M 839K

Crisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera... More

Getting To You (Azucarera Series #2)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 9

591K 24.2K 12.9K
By jonaxx

Kabanata 9

Sleepy


We didn't have the last day I looked forward to. Maaga kasing nagtake ng exam si Soren dahil may maagang bakasyon siya kasama ang pamilya kaya nawala na sa isipan niya ang training.

Naturally, that supposed last day was cancelled. Alam na iyon ni Alonzo at alam ko na rin iyon kaya ang huling training, iyon na ang naging huling araw din sa pagtuturo niya kay Soren.

That week, I kept on thinking what would happen if Soren didn't tell us about his vacation. Na paano kung pumunta kaming pareho ni Alonzo sa gym, only to find out that Soren isn't around and the training is postponed.

I sighed. Hindi naman siguro mangyayari iyon pero hindi iyon naging hadlang para isipin ko.

Why am I dwelling on this, anyway?

"Ang ganda nitong kapatid mo, Peppa!" sabi ng designer ni Ate.

Lumuwas sa Cebu ang taga Maynilang designer para sa final fittings ng gown. Lumuwas din kami ng Cebu ng pamilya ko para roon. Pinadala lang ang sukat ko, nagpadala lang siya ng tauhan patungong Negros pero ngayong final fitting na, nariyan na siya.

"Simple, elegant, and timeless beauty!" she smiled at me.

I remember being compared to Ate Peppa growing up. She's our eldest so I think it was natural of her to be wild, untameable, and headstrong. Kung ikukumpara nga naman sa kanya, napaka plain at boring ko. Iyon ang sabi. Tahimik at masunurin sa mga magulang, ibang-iba kay Ate.

"Yes, that's why I'm so protective!" si Ate Peppa sa designer.

"Bagay sa kanya ang kapatid ni Ramon. Kasing edad mo ba 'yon, hija?"

Ngumiti ako sa designer. "Isang taon po ang tanda ni Romnick sa akin."

"Ayos na rin! Kaya ang ganda tingnan sa pictures."

Ilang beses na naming na meet ang pamilya ni Kuya Ramon kaya kilala ko na rin si Romnick, ang kanyang nakababatang kapatid. He's studying in Cebu. Minsan, nakikita ko si Soren sa kanya, except that Romnick is quite a playboy. We're just good friends and Kuya Ramon warned him not to do funny things on me. Sure, it shouldn't stop a playboy but I think Kuya Manolo's glare every time stops him from doing funny business.

Usap-usapan na sa buong Altagracia ang tungkol sa kasal ni Ate Peppa. Imbitado ang mga malalapit na pamilya sa amin pero pili lang din. Soren's family, although one of the richest, wasn't invited. Ang mga del Real ay imbitado at sina Anais din. Both Camila and Steffi will be there too, with their family. S'yempre, kasali si Margaux.

Hindi ko maimbitahan si Ella pero sigurado naman na naroon sila sa salo-salo pagkauwi namin.

Pagkatapos ng exams, dumiretso na kami sa Cebu ng pamilya ko at doon na nagpalipas ng mga araw bago ang kasal.

On the wedding day, Margaux met Romnick and immediately took off a shady relationship. Umiling na lang ako sa kaibigang mabilis magkagusto. Kahit anong sabi ko na babaero si Romnick, wala nang pakealam si Margaux dahil guwapo at mabait sa kanya.

I smiled at Soren's chats and his picture updates for their trip to the US.

Ako:

Ang ganda riyan! Enjoy ka!

Soren:

Kumusta ang kasal ng ate mo? Nakita ko sa pictures ni Margaux, sino 'yong lalaki?

Ako:

Si Romnick, kapatid ni Kuya Ramon.

Soren:

Nililigawan ka?

Ako:

Hindi. Idunno about Margaux, though.

Masaya ang wedding. Magarbo at ilang puri galing sa ibang pamilya ang natanggap namin. Mr. Luis del Real was one of the people who gave their speeches about married life. Sumulyap ako kay Chayo at nakitang nakatitig lang sa kanyang inumin habang tuwang-tuwa ang lahat sa speech ng ama.

I felt bad. Lalo na dahil minsan nang issue na ang Mama ni Ella ay kabit ni Tito Luis.

"Enjoy the party, Chayo," sabi ko nang nilapitan ang lamesa nila ni Camila, Anais, at Steffi.

"Thank you. Ang ganda ng party," she smiled to me though I know the speech bothered her.

"Hi, Crisanta! You're so pretty, come here! Let's take a picture!" si Camila.

"Hi, Ate! Thanks for coming!"

Ilang picture ang kinuha sa grupo namin. Nasa gitna ako ni Ate Camila at ni Steffi. Kasama si Chayo, Anais, Nancy, at Ciara. May iilang nakakita sa ginawa kaya lumapit agad sa amin para makuhanan ng picture. Hinanap ko si Margaux pero sa sobrang abala yata kay Romnick, wala nang pakealam kung hindi na masali sa picture.

"Halika, Sancha. Picture tayong dalawa!" si Steffi naman ngayon.

Lumapit ako sa kanya at hinayaan ang isang selfie. Pagkatapos ay nilingon niya ako, nakangiti na ngayon.

"Kumusta na kayo ni Lonzo?"

Nagulat ako roon. Nakita kong napabaling si Chayo sa amin, kuryoso rin yata.

"Ano ka ba, Steffi. Hindi nga niyan bet si Lonzo. Tama na!"

Tumango ako. "Hindi kami ni Alonzo."

"Ah!" Tumawa siya. "Noong nakaraan kasi sabi dumidiskarte sa'yo. Nililigawan ka?"

Umiling ako. "Hindi!"

"Talaga? Eh, alam ng lahat na may gusto 'yon sa'yo, ah? Hindi na kataka taka kung liligawan ka no'n!"

"Steffi..."

"Alonzo is older. Isn't it inappropriate?" si Anais.

"Hindi siya nanliligaw sa'kin," agap ko.

"Hindi na ako magtataka kung liligawan niya si Sancha, Anais. Hindi niya nga tinatanggi ang tsismis, e. At kung tatanungin sino ang gusto niya, alam mo na ang isasagot. Kaya tingin mo makakahadlang sa kanya ang kahit ano sa pagligaw kay Sancha?"

I can't believe I'm in some family event and this is our topic.

"Sancha!" Kuya Manolo called.

"Po!"

"I don't think Kuya Manolo would let that happen, too," si Chayo.

"Excuse me..."

Natuwa ako na matanggal sa crowd na iyon. Kahit pa para ipakilala sa iilang mga negosyante.

"Opo! For this summer, while Ate Paloma's gone for their honeymoon, iti-train ko na si Crisanta sa azucarera."

What? Kuya Manolo saw the question in my eyes. He only smiled at me and nodded.

"Ano bang kukuhanin mong kurso, hija? And my, dalagang dalaga ka na!"

"H-Hindi ko pa po alam." Nursing? I don't know.

"Business, of course," si Kuya Manolo na ang nagdesisyon ng para sa akin. "Tutulong ito sa azucarera."

Umuwi na ang mga panauhin. Hindi lang sa kanilang hotel, ang iba'y lumakad na sa kani-kanilang out of the country trips, others went home to Altagracia. Kami naman ay nanatili sa Cebu para makapagbonding pa sa extended family namin, ang pamilya ni Kuya Ramon.

Romnick is now busy texting Margaux. I could roll my eyes while he talks about how beautiful and sexy Margaux is. Hindi ko na gustong malaman ang iba pang detalye ng pagiging magboyfriend at girlfriend nila.

Naghahanda na ang mga tauhan namin sa Altagracia. Pagkauwi namin, kinabukasan ay ang salo-salo na roon. Imbitado ang lahat ng tauhan at pamilya nila sa planta kaya mababa na ang isang libo na panauhin noon. Pagkatapos ng salo-salong iyon, aalis na si Ate Peppa at Kuya Ramon para sa kanilang honeymoon.

"Hindi ba ako mag nu-nursing, Kuya?" I asked Kuya Manolo while we're on the plane, going home.

Papasok na sana sa tainga niya ang earphones nang tinanggal niya at umismid sa akin. "You're not for that. You don't know what you're talking about. You'll deal with sick people and you'll care for them. Are you ready for that? O naaakit ka lang sa mga nakaputi?"

Ngumuso ako at natantong tama siya. Kailangan ko na ring seryosohin ang pag-iisip tungkol diyan lalo na't sa pasukan, last year ko na sa JHS.

"You're right."

He laughed. "Take up business. Para kung gusto mong tumulong sa azucarera, magagamit mo ang kurso mo."

Hindi man naka trahe si Ate Peppa, nagsuot naman siya ng isang mahabang puting damit na papasa na ring wedding gown. Kuya Ramon is on his comfy white button down longsleeves and khaki pants for the party. Mommy adviced us all to dress in semi formal so people would still feel that it's a wedding party.

May make up artist at designer pa rin para sa aming mga damit. I wore a simple soft pink tube romper with long pants to elongate my legs. My hair is in a simple side braid.

Hindi ko alam kung bakit napuna ko ang kaba ko ngayon kumpara sa mismong kasal ni Ate Peppa na hectic at sobrang daming importanteng tao. I didn't even feel nervous that day but today, I'm literally sweating bullets.

"Handa na ang big screen sa labas?" narinig kong tanong ni Daddy sa isang kasambahay.

"Big screen, Dad?"

Mommy is busy fixing Daddy's shirt. Nasa sala kami at sabay na pupunta sa backyard namin, kung nasaan ang lahat ng bisita.

"Oo. Ipapakita ang pictures at video ng kasal ng ate mo, Sancha. Syempre gusto ring makita ng mga empleyado iyon."

I remember my pictures from the official photographer. My lips parted and my hand immediately flew to my mouth.

Namamanhid na ako nang sabay-sabay kaming pumunta sa handaan. Wala akong maramdaman. Ni pagtapak ng sapatos ko sa damo, hindi ko maramdaman. I think my soul got lost or something. Uminit lang lalo ang pisngi ko nang narinig ang magarbong pagpapakilala kay Ate Peppa at Kuya Ramon na para bang hindi kilala ng lahat.

"Mabuhay ang bagong kasal!"

"And of course, this won't be possible without their family, our boss, Mr. Crisanto Alcazar and Mrs. Camila Alcazar!"

Para akong mahihimatay nang binanggit kami ni Kuya Manolo. Kuya Manolo looked at me twice before he noticed. Nagpalakpakan na ang mga empleyado na naka pormal na damit din habang nakaupo sa nakalatag na mga round tables.

"Smile, Sancha."

It's worst because my smile probably looked constipated. Laking ginhawa ko nang naupo na kami sa lamesa. Nagspeech si Daddy, Mommy, Ate Peppa, at Kuya Ramon.

"Samahan n'yo ang kapatid n'yo sa pagbati sa mga bisita," bilin ni Mommy sa amin ni Kuya Manolo pagkatapos ng speech.

My horror was screaming inside my head as Kuya Manolo agreed.

Siniserve na ang pagkain nang tumayo si Ate Peppa at Kuya Ramon para isa-isahing puntahan ang mga lamesa kasama ang photographer. Uminit ang pisngi ko nang pagtayo ko, nakita ko si Alonzo sa malapit na lamesa.

Nakatingin na siya sa akin nang natanaw ko siya. He tore his eyes off me and drink on his glass of water. Tumikhim ako at sumunod na kay Kuya Manolo na sumusunod naman kay Ate Peppa at Kuya Ramon.

Kuya Ramon shook the hands of the employees who said their congratulations kaya ganoon din kaming tatlo. Ang iba'y bumati at nahihiyang magpapicture pero dahil friendly talaga si Ate Peppa, tuluyan niya ring napagaan ang loob ng lahat.

I can't pinpoint what is it that I'm feeling. While walking towards the tables, I feel like I'm floating in the air knowing that... somehow Alonzo is watching me from where he is.

Lumapit si Ate Soling nang napansin na medyo nainitan ako.

"Ayos lang, Ate."

It was actually late in the afternoon and the sun isn't that fiery anymore. Talagang nininerbyos lang ako.

While the food was served, sa big screen naman nagsimula na ang presentation ng mga pictures. My face heated when the third picture showed my face with a the entourage flower.

"Ganda mo, Miss Sancha!" sabi ng isang empleyado kung saan kami na lamesa.

"Salamat po."

Nilingon ko ang banda nina Alonzo at nakita kong titig na titig siya sa screen ngayon. May dumaang waiter sa harap niya at gumilid lang ang ulo para hindi maputol ang titig sa screen. May kumalabit sa kanya sa tabing lamesa at ang isa'y tinulak pa ang likod niya. He only laughed and glanced at them before he continued watching the presentation.

Nang muli siyang inasar, saktong nahanap niya ang tingin ko. He pursed his lips and faced his table. Hindi na binalik ang tingin sa screen at ibinaling na ang atensiyon sa pagkain.

"Congrats Ate Peppa! Ang ganda n'yo sa pictures ni Sancha!" bati ng isang classmate na dala ng empleyado niyang mga magulang.

"Thanks."

My heart is beating so fast as we approached the next table. Umulit ang presentation ng pictures. Laking pasasalamat ko dahil medyo nahihiya rin ako sa video. Naroon din kasi ako.

"Congratulations, Peppa, Ramon!" si Mr. Salvaterra na tumayo nang tanggapin ang kamay ni Kuya Ramon.

My eyes narrowed slightly because the manners is just very evident on his father. Hindi lahat ng nakipagkamayan sa amin ang tumayo nang tinanggap ang kamay. Ganoon din ang Mama ni Alonzo nang kamayan si Ate Peppa. Alonzo did it, too, when he said his congratulations to my sister.

Nasa likod ako ni Kuya Manolo. Kanina'y ang iba't tinapikan na lang ni Kuya at ako naman, binati na lang pero para sa pamilya nila, isa-isa talaga kaming kinamayan.

"Ang ganda mo hija. Dalagang dalaga ka na."

"Thank you po."

Huli si Alonzo sa pakikipagkamayan. Si Kuya Manolo'y pabirong tinapik ang kamay ni Alonzo. Akala ko'y hindi na kami magkakamayan pero inilahad niya iyon sa akin.

"Congratulations..." he trailed off a bit.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Wearing and old short sleeved white polo and a black slacks, he stood there tall.

"Ang ganda mo sa kasal... at ngayon..." aniya sabay tingin sa kamay niyang nasa ere.

"Thank you," I said in a very formal way, hiding the insane tension I'm feeling.

Sumulyap si Kuya Manolo sa akin. Mabilis na binawi ni Alonzo ang kamay pagkatapos ng ilang sandali kong pagtanggap doon.

"Oo nga po, eh!" dismayadong balita ni Ate Peppa.

"Ayos lang 'yan. Ganyan talaga. Kaya na 'yan ni Sir Manolo," ang Mama ni Alonzo.

Tumawa si Kuya Manolo. "Iti-train ko nga si Sancha sa azucarera ngayong summer."

"Oh?" Napasulyap sila sa akin. "Naku!" his mother sounded worried, as if I am not made for any work.

Tumawa ulit si Kuya Manolo. "Senyorita 'yan sa akin at gusto ko ganyan lagi, pero hindi na rin masama kung may alam siyang gawin sa azucarera, kahit paano. In case lang po..."

"Oo nga naman pero..." Ngumiti ang Mama ni Alonzo sa akin.

Uminit ang pisngi ko.

"Sa opisina lang naman po. Hindi ko papayagan 'tong mainitan at mastress!" agap ni Kuya Manolo.

"Mabuti naman kung ganoon."

Sumulyap ako kay Alonzo bago kami umalis sa kanilang lamesa. I saw him watching me and he smiled a little bit. Nanginginig ang labi ko nang pinilit kong ngumiti.

"Sancha!" si Kuya Manolo nang may naglalahad na pala ng kamay sa akin at hindi ko namalayan katitingin ko kay Alonzo!

"Po! Sorry po!"

The party was exhausting. Lalo na dahil sinuyod namin ang ilang lamesa. Ni hindi ako ang kinasal pero dahil kailangan naming bumati sa mga empleyado, nandoon ako.

"Magpahinga ka muna," si Kuya Manolo nang napansin ako.

Nagtawag ulit kay Ate Soling. Umiling ako. I hate that people seem to expect that I am the softest Alcazar in this household. Hindi puwedeng napapagod, hindi puwedeng nagtatrabaho, hindi puwedeng matagal umuwi, hindi puwedeng lahat... but then I'm too pampered my whole life I'm so used to it.

"Hindi na, Kuya. Kaya ko pa naman."

Tinapos ko iyon. The achievement I felt after the exhausting encounters with all our employees and their family made me so weak. Ganoon din siguro ang nararamdaman nina Kuya pero siyempre hindi pinapahalata at patuloy ang party.

Gabi na nang bumalik kami sa lamesa. Lumamig na ang aming hapunan pero naging masarap pa rin iyon dahil sa gutom na naramdaman.

Nag anunsiyo si Daddy ng holiday sa planta at inuman sa gabing iyon. I smiled as I ate my food. Tuwang-tuwa ang lahat. Uminom ako ng tubig at hindi na tinapos ang napakaraming pagkain sa aking pinggan.

Nakihalo si Mommy at Daddy sa kanilang mge empleyado, ganoon din si Ate Peppa at Kuya Ramon. Si Kuya Manolo, naroon sa isang grupo na puro lalaki at ako na lang ang natitira sa long table namin.

Sina Ella at ang mga classmate naman ay nasa malayong mga lamesa. Iniisip kong makihalo roon para may makausap ako pero masyado pa akong napagod. Itinuring kong pagpapahinga ang pag-upo roon sa long table namin.

"Alonzo! Sa'yo na ulit!" sabay tawanan.

Napalingon ako sa mga lamesa. May iilang nagsasayawan na at nagtatawanan. Nakita kong inabutan si Alonzo ng inumin. Tiningnan at inamoy niya ang inumin. Nahanap niya ang tingin ko at binaba agad ang baso. Nakita kong inilapag niya iyon sa lamesa at may sinabi sa mga kasama.

I cleared my throat and looked at my food. Bigla akong napahikab at natanto na talagang pagod pa ako. Siguro sa ginawa sa araw na iyon at sa biyahe pa kagabi. Hindi pa ako nakakabawi. But then... I don't want to go to bed this early. The party is still going on.

Kinusot ko ang gilid ng mata ko, may kaunting luha na roon sa hikab at pagod. Then, I glanced at the crowd again. Naabutan kong nakatingin si Alonzo sa akin. He took his phone out for a bit. Naroon ang atensiyon niya, may tiningnan siguro o t-in-ext.

I suddenly remember my phone too so I took it out of the purse beside my plate. Walang mensahe roon.

Humikab ulit ako at napabaling sa nagkakatuwaan. I saw how Alonzo stared at the screen of his phone before he clicked something and it went dark. He swallowed and looked at the people he's with before he glanced at me. Iniwas ko ang tingin ko at tiningnan ngayon ang cellphone na wala namang text.

Nagtagal ang tingin ko sa cellphone. Hindi ko alam kung bakit dumaan sa isipan ko na matagal na nang huli niya akong t-in-ext. Sa taon na ito, wala na. Ang mga training nila ni Soren, si Soren na ang tini-text niya.

I don't know why I'm thinking about that at this moment, though.

I glanced at the crowd again and saw Almira, and some of his classmates now coming to his table.

Mabilis akong bumaling sa lamesa ko at ilang sandaling tinitigan ang cellphone. So silly of me to think that...

I sighed and yawned again. I'm so sleepy, anyway.

"Ate Soling..." I called.

"Sancha?"

I smiled. "Pagod na ako. Pakisabi na lang sa kanila Daddy at Kuya Manolo na matutulog na muna ako."

"O... O sige. Halika na at ihatid na kita sa kuwarto mo."

"Kaya ko na. Pakisabi na lang po at nahihiya akong magpaalam." I smiled.

Tumayo ako at dire-diretso nang tinahak ang pabalik sa aming mansiyon. 

Continue Reading

You'll Also Like

742K 11.8K 56
Collection of K-pop.. Tagalog Ver. & etc. LOLOLOL
65.4K 1.4K 49
The one is as nice as an angel. The other one is as stunning as ever. But who will be the one for his heart? How can handle two hearts for a one man...
43M 1.4M 43
Charlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all - friends, popularity, riches, boys. But...