Curse Resurrection (Complete)

By CypressinBlack

99K 4.1K 147

◈◈BOOK II of Curse Saga◈◈ At this time, I'm desperate to resurrect the curse of mine, my Cursed Guardian. Kim... More

----
Prologue
Chapter 1: The Contract
Chapter 2: Tomoki Ascandelancé
Chapter 3: The Beginning of Curse
Chapter 4: Lupus Tribe
Chapter 5: The Power of Being a Princess
Chapter 6: Under the Moonlight
Chapter 7: Second Body and The Bitter Truth
Chapter 8: Encountering the Demons
Chapter 9: Spiritual Beast
Chapter 10: Realization
Chapter 11: Real Fight
Chapter 12: Tomoki's Last Wish and Confusions
Chapter 13: Morning Shadow
Chapter 14: Chaos
Chapter 15: Memento of the Goddesses I
Chapter 16: Memento of the Goddesses II
Chapter 17: Best Choice
Chapter 18: Bloodbath
Chapter 19: Goddess of Immortal
Chapter 20: Second Sign
Chapter 21: A Hunt to Survive
Chapter 22: Flaglet
Chapter 23: Snakes' Downfall
Chapter 24: Subtle Pearl
Chapter 25: Question(s)
Chapter 26: Their Revenge
Chapter 27: The Three-Eyed Butterfly
Chapter 29: King's Mate
Chapter 30: End of the Contract
Chapter 31: Facing the Giant God
Chapter 32: Gods and Goddesses' Reunion
Chapter 33: Vengeance of Light
Chapter 34: God of Illusion
Chapter 35: Dyspherein's Gift
Chapter 36: Dead's Mate
Chapter 37: Preserved Body
Chapter 38: Long Wait
Chapter 39: Move On
Chapter 40: The Conflict between the Zeurdous Siblings
Chapter 41: Hard Decision
Chapter 42: Awakening the 1000 Year Demon
Chapter 43: Saving the Vampiric Auras
Chapter 44: Goddess of the Nightmare
Chapter 45: Just the Beginning
Chapter 46: Pairs of Dagger
Chapter 47: Fight for Kim Dwight
Chapter 48: Facing Darkness
Chapter 49: Apprentice of Eternity
Chapter 50: Final Battle
(: Shout Out Is Real :)
Chapter 51: Blades of Card
Chapter 52: Turns to Skeleton
Chapter 53: Scream for Death
Chapter 54: Barrier
Chapter 55: He's Back!
Epilogue
Untold 1: Last Hope and Nightmare
Untold 2: Yin and Yang Keeper
Untold 3: Goddess of Manipulation
ANNOUNCEMENT!

Chapter 28: Memory

1.2K 59 1
By CypressinBlack

BAWAT PAGBAON ng mahahabang kuko ni Ge Chen sa aking kalamnan sa likuran ay napapakagat labi ako para inadahin ang sakit nito. Kinukuha niya ang mga nakalibing na maliliit na sanga rito dahil sa nangyari kanina.

Nandito kami sa loob ng paliguan ng palasyo. Matapos ang nangyari sa Pherinlan ay ibinigay ko kay Master Atos ang may tatlong mga matang paru-paro. Maraming natuwa sa pagkakuha ko sa paru-parong ‘yun. ‘Yung iba ay nagtanong pa kung paano ko ‘yun nakuha. Of course, I told them the truth. May iba namang nagtaka kung bakit sa akin pa talaga ito magpakita sa dinami-dami namin roon. Others believe that it was just a miracle. Meron namang hindi.

Ang iba naman ay nagtanong kung nasaan ang mahiwagang nilalang na pinagtataguan nito. Sinabi ko na lamang na ‘diko rin alam na kahit na ang totoo ay nasa harapan na nila ito na 'di nila nakikita.

About Haru, that spiritual beast. Pinayagan ko na siyang sumama sa akin at nandito lamang siya sa aking paligid nagliliwaliw.

Dahil nagkataong may kailangan akong malaman ay ‘di ako nagdalawang isip na kupkupin siya. Kinakailangan ko ang tulong niya para malaman ang pagkamatay ng mahal na prinsesa na si Felicity.

Nabalik lamang ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang pagdampi ng daliri ni Ge Chen sa aking sugat na unti-unti ng naghilom, Tapos na po, mahal na prinsesa.”

Nang tingnan ko ang tubig ng binababaran naming bathtub ay may halong dugo ko na ito. Pero ‘diko ‘yun pinansin.

Naramdaman ko ang unang pag-ahon ni Ge Chen dahil sa paggalaw ng tubig. Unti-unti narin akong tumayo. Ramdam ko pa ang pagdausdos ng ilang butil ng tubig mula sa aking hubad na katawan.

Ang sunod kong naramdaman ay ang paglagay ni Ge Chen ng tuwalya sa aking kahubaran.





Habang nakaharap ako sa malaking salamin ay sinusuklayan ni Ge Chen ang mahaba kong buhok. Ako naman ay nakatitig lamang sa sarili kong repleksyon.

“Wala bang ginawa ang reyna sayo, Ge Chen?”

“Hindi naman po kami nagkasalubong,” mahinahon nitong sagot. Matapos niyang suklayan ang tuyo kong buhok ay inayos na niya ito bago tinalian.


Nasa may harden ako nun nakatitig sa isang bulaklak na kapareho nung bulaklak na aking pinitas na may taglay na sumpang lason.

I’ve been thinking of the curse prevalence kung kailan ba talaga ito aabot sa imperyong ito. I’m not saying na pinapanalangin kong, ‘sana ay tuluyan nang lumaganap ang sumpa,’ ang akin lang ay kelan kaya ito kakalap sa mundong ito?

“You’re alone,” I heard a soft and sweet voice of a baby at the back of me. Nang harapin ko ito ay sumalubong ang mukha ni Haru nang nakanguso.

“Tell me, Haru. Bakit ka lumipad ng ganun kabilis sa Pherinlan?” hindi pa rin ako makaisip ng dahilan kung bakit bigla siyang sumulpot ng ganun. Maliban nalang sa narinig ko galing sa kanya. Abyssal demon… kasapi ni Hareim.

Nang naroon ako ay nakita ko sa isipan ng isang abyssal demon na limampung bata na lamang ang kinakailangan nila para magawa na ang ritwal na kanilang pinaghahandaang gawin.”

Iyon ang sinabi ng isang abyssal demon na inialay ni Ina para sa pangalawa kong katawan. Mangyayari na ang paglaganap ng sumpa kapag nagkataon. This only means that, kailangan ko ng magmamadali sa pagkilos sa kontrata ko kay Tomoki.




Lumipas ang mga araw. Nakatayo lang ako sa may hardin dito sa mansyon habang pinagmamasdan ko ang sakura tree na meron dito. Ewan ko kung bakit, pero ang alam ko lang ay ang ganda ng araw ko ngayon.

Hindi na kasi ako binibwesit nang mga ahas sa mansyong ito. Si Loraine naman ay ‘di na sinasalubong ang aking mga titig, maliban kay Lacsy at Mara na para bang ‘di parin mawawala ang sama ng loob sa akin. Pakielam ko ba sa kanilang dalawa!

Sa totoo lang, ‘yung nangyari sa kanila sa Pherinlan ay ‘diko na inalam pa kung ano ang naging reaksyon ng mga magulang nila sa nangyari. Wala akong pakielam sa kanila kung sasabihin pa nila ang totoong nangyari sa kanila. Pero dahil ‘di naman ako binulabog ng mga ito ay ramdam kong ‘di nila ‘yun sinabi.

Pumitas ako ng bulaklak ng isang tulip at inilagay ito sa aking tainga. Bakit kaya ang ganda ng araw ko ngayon?

“Mahal na prinsesa!” napatingin ako sa isang taga silbi ng mansyon na mabilis na nakarating sa aking harapan.

“Oh, bakit?” intriga ko dito.

“M—may bisita po kayo!” habol hiningang sagot nito.

“Sino naman?”

“Ang punong hukom ng imperyo!” halos ‘di ako makapaniwala sa narinig.

Sigurado ka ba!?” baka pinagtitripan lamang ako ng babaeng ito. Mananagot siya sa akin kapag kasinungalingan lamang ito. Ano namang gagawin ng isang punong hukom sa aking mansyon?

At biglang sumagi ang isipan ni Tomoki sa akin. Kapatid ng kanyang ina ang punong hukom ng imperyong ‘to? What—?

Mabilis pa sa kidlat ang pagtungo ko sa direksyon nito kung saan ito naghihintay na itinuro sa akin ng taga silbi.

Nakita kong may lalaking nakatayo sa may rest hut na tila may hinihintay. Bakit dito pa niya napiling maghintay?

Pinapanood nito ang mga goldfish ni Therese sa may lawa.

Pasensya na mahal na prinsesa sa biglang pagsulpot ko sa mansyon mo,” his deep voice were calm and gentle.

Hindi ako nakapagsalita nang tuluyan itong humarap sa akin. Kamukhang-kamukha ito ng mahal na hari. May singkit rin itong mga mata.

“Alam kong ‘di mo ako naalala dahil sanggol ka pa lamang noon nang makita mo ‘ko. Ako nga pala si Kyo(ka/yu)” ngumiti ito sa akin. Kahit ang pagngiti niya ay parehong-pareho sa hari na halos mawawala na ang sariling mga mata.

Napatingala lamang ako sa kanya nang i-pat nito ang aking ulo, Parehong-pareho kayo ng iyong inang tumingin sa mga nilalang na bago lamang sa inyong mga mata,” huminga siya ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita, “Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, mahal na prinsesa,” sumeryoso ang kanyang mga matang nakatitig sa akin ng diretso, Nandito ako para arestuhin ang iyong mga pamilya sa pagtangkang paglason sa iyo at sa pagkamkam ng kayamanan ng iyong ina na dapat nasa iyo,” diretsong sabi nito na ‘diko man kang napaghandaan. Pero paano niya ‘yun nalaman?

Nang tumuntong ka sa labindalawang taon ay nag-utos ako ng dalubhasa sa pag-iispiya na bantayan ang mga galaw ng inyong mga magulang. At dun ko nalaman ang lahat ng kanilang ginagawa sa kayamanan ng iyong ina. At nitong nakalipas na linggo ay may natanggap akong sulat sa aking ispiya tungkol sa paglapit mo sa mga siyentipiko ukol sa pagkaing pina-imbestigahan mo sa mga ito. Ayon sa aking ispiya, ang pagkaing may lason na ‘yun ay ang pagkaing inihanda sayo ng mga pamilya mo noong nakabalik kana galing sa palasyo. Sa totoo lang, gagawa na sana ako ng aksyon laban sa iyong pamilya nang masunog ang mansyon mo dahil sa kanilang ginawa ngunit naunahan ako ng prinsipe kaya ‘di muna ako nakisali rito. Pero sa pagkakataong ito ay hindi ko na palalampasin pa ang ginawa nila sayo!” sa mga nalaman niya, isang bagay lamang ang ‘di niya nalaman. Ang paglason ng mga ahas sa mansyong ito sa tunay na prinsesa.

Mula rito sa rest hut ay rinig na rinig ko ang pag-aresto ng mga kawal sa aking pamilya sa loob ng mansyon, “Sa utos ng punong hukom, inaaresto namin kayo sa salang pagtangkang pagpatay sa mahal na prinsesa at ang pagkamkam niyo sa kayamanang dapat pagmamay-ari nito!”

“Tayo na sa loob,” sumunod  ako sa punong hukom.

Pagdating namin sa loob ay umiiyak na si Loraine, Lacsy, Mara, at Dominic habang pinagmamasdan nila ang kanilang ina at ama na nakaluhod sa harapan ng mga kawal na nakatali ang mga kamay nito sa kanilang likuran.

“We have evidence against you if you will try to protest,” biglang sabi ng punong hukom dahilan kaya napatingala ang mga ito. Kahit nahuli na sila ay damang-dama ko parin ang galit sa nila sa akin. Mga matataas ang pride!

Ipinakita ka agad ng pinunong hukom ang isang kulay kayumangging naka rolyong papel na siyang  nagsisilbing ebidensya laban sa kanila. Hindi maipinta ang kanilang mga mukha sa kanilang pagkahuli. Makikita ang kanilang pagkainis sa mga mata nila mismo.

“Third sister!” nagmamakaawang lumapit sa akin si Loraine habang basa na ang mukha sa mga luha na halos lumuhod na sa aking harapan, “Please forgive them!”

Hindi ko sinalubong ang lumuluha niyang mga mata, “This is their punishment for committing a crime,” sabay tingin ko kay Cynthia na kalmado lamang na nakatayo sa isang sulok habang nasa balikat nina Natalie at Rosh ang mga palad nito. Hindi siya kasali sa pagkamkam ng kayamanan at lalo na sa pagtangkang paglason sa akin. That’s for being a good one in this mansion. I salute her for being who she is.

“Third sister please don’t do this to mother!” pagmamakaawa rin ni Dominic sa akin. He’s just a twelve year old kid at hindi ko kasalanan kung bakit magdudusa ang kanyang ina sa kulungan sa palasyo. Its her mother’s fault.

“Just accept Dominic that your mother Bridgette is a sinner in this mansion.”

Tinapunan ko naman ang butihin kong ama ng tingin, “I told you father,” ‘yun lamang ang aking sinabi bago silang lahat kaladkarin ng mga kawal papalabas sa mansyon.

Napatingin na lamang ako kay Loraine na ‘di parin tumitigil sa pag-iyak, “Don’t worry, mother Cynthia is still here. May ina pa tayo,” tuluyan namang tumalikod si Lacsy habang umiiyak ganun narin si Mara na halatang ‘di matanggap ang katotohanan.

A plenty of days passed. Its been a week, I guess. Naging tahimik na ang mansyon sa pagkawala ng tatlong ahas na ‘yun. Damang-dama ko ang lungkot ng aking mga half-siblings sa pagkawala sa loob ng mansyon nang presensya ng kanilang ina. Ako lang yata ang natuwa sa mga nangyari.

Nalaman narin ng kamahalan ang nangyari sa loob ng mansyon at galit na galit ito sa aking ama, even its concubines. Gusto niyang papugutan ito ng ulo sa harapan ng buong bampira sa imperyong ito dahil sa kapangahasang ginawa nito sa akin bilang isang prinsesa ngunit ang pagsang-ayon ko na lamang ang hinihintay nito kung papayag ba ako sa gagawing desisyon niya.

Kasalukuyan kaming patungo sa piitan kung saan naroroon ang mga pamilya kong ahas na matatagpuan sa underground ng palasyo. Tanging kasama ko lang ay si Ge Chen at si Haru na ipinakilala ko narin kay Ge Chen. Noong una ay ‘di pa makapaniwala si Ge Chen na may kasama akong spiritual beast ngunit sa ilang araw na lumipas ay nasanay narin siya. Pati siya ay nakikita narin ito, pili lang kasi ni Haru kung kanino niya ipapakita ang kanyang sarili.

Nang makita kami ng dalawang kawal ay pinagbuksan kami kaagad ng mga ito para makapasok sa malaking gate na sobrang kapal ng mga bakal na halatang pinaglipasan na ng ilang taon.

Tinanong muna kami ng isa dito kung sino ang aming pakay. Sinabi ko naman kung sino at sa ilang saglit lang ay pinasamahan na kami ng isang kasama nito para gagabay sa amin kung saan namin makikita sina Therese.

Medyo madilim ang loob ng seldang ito. Para kaming nasa isang hawla ng daga na may ilang floor pa bago namin makita ang aming hinahanap.

Bawat seldang aming nadadaanan ay gawa sa sobrang tigas na metal at mayroong mga tinik pa ang mga rehas.

Maya-maya lang ay tumigil na ang sinusundan naming kawal at iniwan na kami ng tuluyan matapos nitong ituro ang selda ng aming pakay.

“How’s the feeling inside this cell?” salubong ko sa aking mahal na ama habang pinagmamasdan ang kanyang mga paa at kamay na nakakadena sa pader, “Anyway, dinalaw lang kita rito para makita ang sitwasyon pero mukhang ayos ka naman. Hindi ka pa naman siguro mamamatay rito hindi ba?” a mocking grin curved into my lips when he made deadly stares on me.

Subukan mong tingnan ang nakaraan niya Haru kung totoong anak niya ba talaga ako habang lutang pa ang kanyang isipan,” tumango naman  si Haru sa aking buong.

Maya-maya lang ay tuluyan akong natahimik pati si Ge Chen ng may mga alalang pumasok sa aming isipan.






CypressinBlack

Continue Reading

You'll Also Like

89.1K 1.7K 62
UNDER EDITING [ A not so ordinary story of demons and angels | Fallen book #1 | Tagalog ] Not all those who has white wings are good, and not all tho...
11.2M 504K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
69.6K 1.6K 56
Let's say she's a Princess but she doesn't have a blood-like Royalties. Her story is a bit chaotic, well, not really. She's just a simple girl, with...
6.4K 722 95
There are things that will not make you believe. In the land where there are enchantments and fantasies. The land that would define your imagination...