Curse Resurrection (Complete)

By CypressinBlack

99K 4.1K 147

◈◈BOOK II of Curse Saga◈◈ At this time, I'm desperate to resurrect the curse of mine, my Cursed Guardian. Kim... More

----
Prologue
Chapter 1: The Contract
Chapter 2: Tomoki Ascandelancé
Chapter 3: The Beginning of Curse
Chapter 4: Lupus Tribe
Chapter 5: The Power of Being a Princess
Chapter 6: Under the Moonlight
Chapter 7: Second Body and The Bitter Truth
Chapter 8: Encountering the Demons
Chapter 9: Spiritual Beast
Chapter 10: Realization
Chapter 11: Real Fight
Chapter 12: Tomoki's Last Wish and Confusions
Chapter 13: Morning Shadow
Chapter 14: Chaos
Chapter 15: Memento of the Goddesses I
Chapter 16: Memento of the Goddesses II
Chapter 17: Best Choice
Chapter 18: Bloodbath
Chapter 19: Goddess of Immortal
Chapter 20: Second Sign
Chapter 21: A Hunt to Survive
Chapter 22: Flaglet
Chapter 23: Snakes' Downfall
Chapter 24: Subtle Pearl
Chapter 25: Question(s)
Chapter 27: The Three-Eyed Butterfly
Chapter 28: Memory
Chapter 29: King's Mate
Chapter 30: End of the Contract
Chapter 31: Facing the Giant God
Chapter 32: Gods and Goddesses' Reunion
Chapter 33: Vengeance of Light
Chapter 34: God of Illusion
Chapter 35: Dyspherein's Gift
Chapter 36: Dead's Mate
Chapter 37: Preserved Body
Chapter 38: Long Wait
Chapter 39: Move On
Chapter 40: The Conflict between the Zeurdous Siblings
Chapter 41: Hard Decision
Chapter 42: Awakening the 1000 Year Demon
Chapter 43: Saving the Vampiric Auras
Chapter 44: Goddess of the Nightmare
Chapter 45: Just the Beginning
Chapter 46: Pairs of Dagger
Chapter 47: Fight for Kim Dwight
Chapter 48: Facing Darkness
Chapter 49: Apprentice of Eternity
Chapter 50: Final Battle
(: Shout Out Is Real :)
Chapter 51: Blades of Card
Chapter 52: Turns to Skeleton
Chapter 53: Scream for Death
Chapter 54: Barrier
Chapter 55: He's Back!
Epilogue
Untold 1: Last Hope and Nightmare
Untold 2: Yin and Yang Keeper
Untold 3: Goddess of Manipulation
ANNOUNCEMENT!

Chapter 26: Their Revenge

1.3K 65 0
By CypressinBlack

AFTER THE Dowager met me, pinanatili niya ako sa palasyo hanggang tanghalian. Gusto niya raw akong makasalo sa hapag-kainan.

Habang nasa harapan na ng pagkain ay ‘di maawat ang kanyang titig sa akin. Para bang tuwang-tuwa siyang nakita ako.

Masayang nagkukuwentuhan naman ang mahal na Hari sa kanyang pamilya. Ngunit napapansin ko parin ang masamang titig ng Reyna sa akin. Alam ko namang ayaw niya akong makita rito pero ano nga ba ang magagawa niya kung ang Dowager at ang Hari mismo ang may gustong manatili muna ako rito kahit saglit lang.

Simulan na nating kumain,” anunsyo ng Hari.

Sa pagkasabi niya nun ay agad namang gumalaw ang aming mga kamay para kumuha ng makakain.

Habang kumakain ay napapasulyap ako kay Ge Chen na nasa aking tabi. Even she's just a caretaker of mine, pinayagan parin siya nang Hari na makasalo sa amin.

Muli akong napatingin sa Hari na magiliw na nakikipag kuwentuhan sa dalawa niyang anak. Nang bigla na lamang akong balingan ng tingin ng nito, Oo nga pala, Tomoki.”

Bakit mahal na hari?” pormal kong tanong na saglit pang napatigil sa pagsubo.

Nabanggit sa akin ni Kyohanne na isang linggo kang ‘di na pumasok sa Hasseium. May problema ba?” may pag-alala nitong sabi.

Napatingin naman ako kay Kyohanne dahil sa sinabi ng mahal na hari.

Pasensya na, mahal na prinsesa. Nag-alala lang ako sayo. Baka kung ano ng nangyari sayo, kaya nabanggit ko ito kay ama,” damang-dama ko ang sinseridad sa kanyang pananalita.

“Wala naman po akong problema,” binigyan ko lamang sila ng pilit na ngiti. Sa ngayon, ayoko munang isali sila sa pag-iimbestiga ko sa pagkamatay ng mahal na prinsesa. Pero dahil sa Reyna ay mukhang masali ko sila.

“Don’t be shy to share your problem, sweetheart. Pamilya mo rin naman kami. Just tell us what’s the matter. Is there something bothering you?” sa Dowager naman napabaling ang aking tingin. Kalmado ang mukha ngunit makikita ko rito ang pag-alala niya sa akin.

“Wala po talaga akong problema.”

“Pero bakit ‘di kana pumasok ng isang linggo?” napakakulit talaga ng prinsipeng ito.

I just shrugged my shoulder. Wala akong maisip na paraan, “Nothing. Medyo bumibigat kasi ang aking pakiramdam nitong mga nakaraang araw kaya ‘di ako pumasok ng isang linggo.”

Muli bang bumalik ang karamdaman mo?” usisa pa ng Hari.

“Hindi naman po.”

“Anyway, may ipapagawa si Master Atos sa kagubatan ng Pherinlan. All students in Hasseium are required to attend. Dapat kang sumama, Tomoki!” sabik na sabi ni Autumn na nasa aking tabi, Tiyak na mag-eenjoy tayo ro’n. “Diba kuya?” baling niya kay Kyohanne.

“Yeah,” sumingkit ang mga mata ng prinsipe ng ngumiti ito sa akin, Tatlong araw tayo roon. Kaya sana pupunta ka. Sa Hasseium magtitipon ang lahat bago tayo tutungo roon. At mamayang gabi ‘yun magsisimula.”

Dapat kayong mag-ingat ro’n. Sa pagkakaalam ko delikado raw ang kagubatang Pherinlan,” bilin sa amin ng Dowager.

Maging maingat po kami. Tsaka kasama naman namin si Master Atos at ang siyam na Master ng Hasseium kaya wala po kayong dapat ikabahala pa, Dowager Len.” Nakangiting sabi ni Autumn.

Hwag kayong maging kampante sa Pherinlan,” kinuha ng hari ang kopitang may laman ng dugo at ininom ito. Nang mailapag na ay muli siyang nagsalita, “May mga mapanganib na nilalang ang Pherinlan.”

Ano nga ba ang pakay ng mga tagaturo ng Hasseium sa Pherinlan?” tanong muli ng Dowager.

“They’re looking for a three eyed butterfly,” sabi ng prinsipe habang may inaalala, “Sa pagkakaalam ko ay gagamitin ‘yun bilang sangkap sa gagawin nilang ritwal para magkaroon ng barrier ang ating imperyo laban sa mga masasamang nilalang.” Selaris Mestija Empire were about to prepare themselves if the demons of this world will attack their empire.

Naalala ko ang bagay na ‘yan ngunit nakalimutan ko dahil sa dami kong iniisip. Nakipagsundo sa akin si Haryu, ang tagapamahala ng Hasseium na hinihingi niya ang aking kooperasyon sa paghahanap ng paru-parong may tatlong mata,” seryosong tugon ng Hari, Dahil naalala ko na. Mamayang gabi ay magpapadala ako ng mga kawal sa Hasseium para samahan kayo sa paglalakbay ninyo.”




Pag-apak ko pa sa lang papalabas sa may karwahe ay agad na akong tumungo sa may rest hut na sinundan naman ni Ge Chen.

Pagdating ko ro’n ay nakababad parin si Therese sa may lawa. Nandun parin si Bridgette na nakabantay sa kanya, hawak parin nito ang latigo. Ngunit may dumagdag na ahas.

Galit na galit ang mukha ni Agnus na sumalubong sa akin nang makapasok na ako rito.

Anong ibig sabihin nito!” sigaw niya na halos pumutok na ang ugat sa kanyang leeg sa lakas niyang pagsigaw. Nanlilisik narin ang mapupula niyang mga mata na diretsong nakatitig sa akin.

Kalmado naman akong sumulyap ng tingin sa kanya at tuluyan siyang nilagpasan na parang isang rebulto lamang na dekorasyon sa rest hut na ‘to.

“How’s the feeling, Therese. Unsatisfied?” natatawa kong salubong rito.

Kita ko sa kanyang mga mata na kanina pa siya nanggigil sa akin. Pero ano nga bang magagawa niya—nila? Nothing. But to endure what punishment I want them to feel.

“Next time, don’t provoke me. Be honest and of course, be humble in front of the princess. I don’t want someone who let their pride rule them. In this mansion, I am the only preeminent so don’t try to become one!” matigas kong sambit. Si Bridgette na nakatayo sa harapan niya ay ‘di nakakibo, “For now, you can go back to your room and change your filthy clothes!” sabay sulyap ko sa basa niyang suot, “Kung gusto mong tatayo kana lamang diyan Bridgette buong maghapon ay pwede mong gawin. I’m now giving you your freedom,” natatawa kong sabi saka tumalikod na sa kanila.

Ngunit bago ako tuluyang makalabas ay hinarangan ako ng butihin kong ama.

“I can’t believe you are doing this to your family!” nanggigigil nitong sambit.

Tuluyan ko siyang hinarap na may nakaukit na ngiti sa aking labi, “I don’t remember I have a family. As far as I know, a family won’t dare to poison a member of their own family,” tuluyang napaawang ang kanyang bibig sa aking sinabi, “Prepare for that consequence, father,” without removing my evil smile.






Pagsapit ng gabi ay dumiretso na ako sa Hasseium with myself alone. Si Ge Chen ay pansamantala kong iniwan sa palasyo. Humingi na ako ng permiso sa Hari kahapon bago kami lumisan na doon ko muna si Ge Chen ipapaiwan dahil wala siyang makakasama sa mansyon, kapag sasabak na ako kasama sa Pherinlan. We know it was a lie.

Pumayag naman ang Hari. Ayon sa kanya ay wala ‘yung problema. Pinagsabihan ko rin si Ge Chen, na hanggang kaya niyang iwasan ang Reyna ay hwag na hwag niyang tangkaing salubungin ito. Malakas ang kutob ko rito na kapag makasalubong niya ito ay may ‘di magandang mangyayari.

I removed that thought and turn my attention in these vampires in front of me were their eyes were glowing red as blood.

Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid para hanapin ang prinsipe at ang kapatid nitong prinsesa sa napakaraming bampira na sobrang ingay. Naalala kong kasama sina Lacsy, Loraine at ang ilang half-siblings ko sa paglalakbay na ito dahil parte rin sila bilang mga estudyante rito sa Hasseium. That means, may pagkakataong makikita ko sila. Believe it or not, I’m looking forward of it.

Kanina ka pa?” ‘diko namalayang nasa tabi ko na pala ang prinsipe.

Kararating ko lang.”

“Kami rin!” sabat ng prinsesa na nakangiti sa akin. Halatang sabik ang isang 'to. Siguro dahil sa pagiging prinsesa niya ay 'di niya naranasang maglakbay, unlike me na ilang beses na.

Maya-maya lang ay habang naghihintay kami roon ay bigla na lamang kaming nagpati-anod sa nagtutulakang mga estudyante. Nagsimula naring tumahimik ang kapaligiran akala mo’y may Haring dumating.

“Trainee students of Hasseium. Ikinagagalak namin ang pagsama ninyo sa aming paglalakbay sa kagubatan ng Pherinlan. Ngunit dapat niyong isa-isip na hindi ito basta-bastang paglalakbay lamang na dapat ninyong ikatutuwa,” rinig naming pahayag ni Master Atos, “Searching for the three-eyed butterfly takes a lot of time and efforts. Remember, it might cost your life if you won’t take this journey seriously.”

Nagsimula naman ang bulung-bulungan sa paligid. May walang paki sa sinabi ng taga turo, meron namang nagbigay respeto rito, at kami namang tatlo ay chill lang na para bang alam naming walang mangyayaring masama sa amin sa Pherinlan. Idagdag mo pa ‘tong si Autumn na para bang manghuhuli lamang ng ordinaryong paru-paro dahil sa sobrang sabik.

Dapat tayong maging maingat kapag makarating tayo roon. Kaming mga Master nang Hasseium ay ‘di palaging nasa tabi ninyo para iligtas kayo. Sana ay walang magmamatigas ng ulo.”

Tumahimik na ang lahat dahil sa sinabi ni Master Atos. Dahil siguro napansin ng lahat na mas sumeryoso na ito.

Bakit kailangan pa nilang magsama ng mga trainee students kagaya natin, para lang mahanap ang paru-parong may tatlong mga mata kung meron namang mahiwagang perlas sila na mas makakatulong para mahanap ang bagay na ‘yun?” ‘diko mapigilang ‘di mapaisip sa aking napagtanto.

Nagtatago ang mahiwagang paru-parong tinutukoy nila. Ayon sa mga sabi-sabi, nagtatago raw ito sa isang mahiwaga ring nilalang na lumulutang lamang sa hangin,” sagot ng prinsipe sa akin. Napaisip naman ako. Ano namang nilalang ‘yun?

Ngayon ang dapat ninyong gawin ay ang sumunod lamang sa amin,” pagkasabi niya nun ay bigla siyang lumipad sa itaas na sinundan rin ng kasamahan niyang mga taga turo rin sa Hasseium.

Sunud-sunod namang nagsiliparan ang ibang bampira pasunod sa kanila. Samantalang, ang walang abilidad na lumipad na bampira ay tumalon na lamang nang sobrang taas. Bigla ko nalamang naalala si Hiro sa mga nakikita kong bampirang tumatalon. Ganyan rin ang ginagawa niya noon nang ‘di pa lumabas ang itim niyang pakpak na parang pakpak ng itim na anghel.

No! I should not have to remember those painful memories of him. Hindi ito ang tamang oras na alalahanin ko siya.

Huminga ako ng malalim at pumikit saglit saka iminulat ko ang aking mga mata.

Napansin kong paunti ng paunti na kaming natitira. Hanggang sa kami na lamang tatlo ang natira. Kita ko pang, parang bubuyog ang aming mga kapwang bampira na nagsisiliparan sa hangin dahil ang dami nila.

“I am very excited!” napalingon ako kay Autumn nang biglang lumabas ang napakalaki niyang mga pakpak na parang pakpak ng paniki. Pulam-pula narin ang kanyang mga mata, humaba narin ng tuluyan ang kanyang mga pangil. But her beauty remain still. As far as I remember, according to the books that I have read, only a royal blooded vampire has the ability to have wings. Dahil namana na nila ang abilidad na ito sa mga mahaharlika nilang ninuno. Ngunit may dalawang klase ng pakpak ang mga mahaharlika. Ang pakpak ng paniki at ang pakpak ng ibon.

Lumabas narin ang pakpak ni Kyohanne, kapareho sa prinsesa.

Handa na silang lumipad samantalang ako ay tiningnan lamang sila.

“Shall we?” pormal na aya sa akin ng prinsipe sabay abot ng nakabuka niyang palad na para bang niyaya niya lamang ako sa pagsasaway.

Ngumiti lamang ako sa kanya, “No need to offer your hand. Let’s go!” sabay talon ko ng sobrang taas.

Ramdam ko ang malamig na paghampas ng hangin sa aking mukha.

Rinig ko narin ang pagbagwis ng mga pakpak ng magkakapatid sa aking likuran. Alam ko namang masusundan nila ako sa bilis nila.

Nang padapo na ako ay bigla akong nagulat ng saluhin ako ni Autumn.

“Hahaha!” tawa niya habang nakayakap ang kanyang mga braso sa akin, “Hwag kang malikot baka malaglag ka!” medyo nilakasan niya ang kanyang sigaw dahil lumalakas narin sa aking pandinig ang ihip ng hangin.

Nang sulyapan ko si Kyohanne ay nakatabi ito sa amin na seryoso ang mukha. Ngunit hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin pa.

Maya-maya lang ay mas binilisan na ni Autumn ang kanyang paglipad.

Ilang minuto ang lumipas ay naabutan na namin ang lumilipad na kasamahan naming bampira.

Tahimik ang mga ito na para bang ang lalalim nang mga iniisip.

Magsihanda kayo. Malapit na tayo sa Pherinlan!” rinig naming anunsyo sa may unahan. Boses ‘yun ni Master Atos.

Nang mapansin ni Autumn na pabilis na nang pabilis ang sinusundan namin ay mas binilisan rin niya ang kanyang paglipad at mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin.

Hanggang sa mapansin namin ang sunud-sunod na pagdapo ng lahat sa partikular na direksyon. Tuluyan na ring dumapo si Autumn na sinundan naman ni Kyohanne.

Nakiusisa na rin kami kay Master Atos nagbabakasakaling may idadagdag itong sabihin, Ngayon, ang tanging gagawin niyo lamang ay hwag na hwag kayong lumayo sa ibang kasamahan ninyo. Siguraduhin ninyong ‘di kayo mapapahiwalay sa iba.”




Kanina pa kaming tatlo nagsusuot sa napakakapal na damo. Ngunit wala pa kaming napapansing kakaiba sa lugar na ‘to.

Piniling sumama sa akin ng dalawang maharlika na ‘to para daw mabantayan nila ako. At ayon rin kay Autumn, may alam siyang incantation na siyang makakapagturo sa amin kung saang banda ng kagubatang ‘to na pwede naming mahanap ang bagay na aming hinahanap. Ngunit mamaya nalamang niya raw ito gagamitin.

“So, mukhang aabutan talaga tayo ng tatlong araw sa paghahanap ng paru-parong ‘yun!” napalingon ako sa isang grupo sa may unahan, na may limang miyembro. Tama sila. We’ve been spending our time here that is almost five hours. Kung ordinaryo lamang akong tao siguro kanina pa ako inaantok dahil madilim parin.

“Wait!” napalingon naman kami ng prinsipe sa kapatid niya, Dito ko na gagamitin ang incantation na ‘yun,” sabi pa nito sa seryosong tono, “Cu puterea—!”

Tomoki!” sabay nilang bulaslas.

Bago pa ako makagalaw sa aking posisyon ay nagulat ako nang may nilalang na mabilis tumangay sa aking katawan. Sobrang higpit ng pagkahawak nito sa aking balikat na pakiramdam ko ay mababali na ‘yung buto ko, bumabaon narin ang mahahaba nitong kuko.

Alam kong mas didiinan nito ang pagkakahawak sa akin kapag gagalaw ako kaya mas pinili kong hwag na lamang gumalaw. Kahit na gusto ko nang magwala!

Hindi ko makikita ang kanyang hitsura dahil nakatalikod ako sa kanya, tinatangay. Ngunit alam kong may pakpak ito dahil sa pagbabagwis na aking naririnig.

“Sino ka ba?” tanong ko habang pinagmamasdan ang maraming puno na aming nalalagpasan.

Hanggang sa tuluyan niya akong binitawan sa isang direksyon. Sh*t!

Biglang na activate ang reflexes ko nang babagsak na ako sa isang puno na may maraming sanga.

Sobrang bilis ng mga pangyayari. Sinubukan kong ilagan ang mga sanga ngunit napaungol na lamang ako nang bumagsak ang aking sikmura sa isa namang napakalaking sanga.

Namimilit ako sa sakit habang nakapikit. Sinubukan kong kumapit rito dahil na a-out balance na ako ngunit ‘di kinaya ng aking pagkapit.

Naramdaman ko nalang ang pag-ikot ng aking katawan sa hangin na halos bumaligtad na ang aking sikmura sa sobrang pagkahilo. Hanggang sa tuluyang bumulusok ang aking ulo sa may lupa na siyang na una pa talagang bumagsak.

“Ugh!” napapikit ako sa sobrang sakit nito habang hinahawakan ito. Pakiramdam ko, madilim na ang aking paningin dahil sa nangyari sa akin. Hinahabol ko narin ang aking paghinga habang ‘di gumagalaw sa aking posisyon. Humanda ang may gawa nito!

“How does it feels like?” tila bumalik ang aking lakas nang marinig ang boses na ‘yun.

Napabuga ako ng hangin at tuluyang humiga sa lupa. Sumalubong sa aking mga mata ang mukha ni Mara at ni Loraine na tila tuwang-tuwa sa nakita. Nakita ko rin ang biglang pagdapo ng napakalaking agila sa kanilang tabi at nag-anyo itong si—Lacsy. Hindi ko alam na shapeshifter ang bruhang ‘to! At siya ang tumangay sa akin!

“Our dear sister, take our revenge!” at sabay silang sumugod sa akin.






CypressinBlack

Continue Reading

You'll Also Like

86.8K 2.6K 67
(Completed) Book 2 of TCPAA: In the world of pain and haunting mistakes, Criszette, presumed dead, resurfaces as a cold and sarcastic figure at Ainab...
11.2M 504K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
55K 2.4K 29
Twelve members of the magic council, Eleven were killed, Ten years passed, Ninety five representatives and only Eight people were qualified. Seventh'...
46.9K 2.6K 36
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.