[ jimin's point of view ]
🎆
" Hee! Asaan ka? " sigaw ko. Naglalaro kami ngayon ng tagu-taguan. Mga bata kasi kami e, oh well, atleast stress-free kami ngayon. " Wala ako sa ilalim ng kama mo, appa! " sigaw niya. Napailing na lang ako at tinignan 'yung ilalim ng kama.
Hays, napaka-jongdae naman ng batang 'to. Lumabas na 'ko ng kwarto at naghanap ulit. " Mga hyung! Heejung! Where art thou?! " sigaw ko, umupo na ako sa sahig. Kaya ayoko maging taya eh! Pinapahirapan nila ako. Hays. Nakarinig ako ng mga halakhak galing sa kusina. Kaya dahan-dahan akong pumunta doon.
Sumilip ako, kaso wala akong nakitang prinsesa, gilagid, kabayo, badjao, alien, ilong at isang feeling-dyosa. Pumasok ako sa loob nang marahan, yung tipong walang tunog yung lakad.
Tumingin ako sa ilalim ng lamesa, wala. Aba? Saang sulok ng kusina nagtatago 'yung mga 'yon?! Baka naman nasa loob ng cabinet o kaya ng ref? Napabukas ako ng ref at what the heck, " Boom, Joon-hyung. Bakit ka nandiyan? " tanong ko.
" Walang basagan, pandak. " sabi niya, nanlait pa aba. Lumabas na siya ng ref at napatingin na lang ako sakanya ng masama. Naghanap ulit ako sa kusina kaso wala na akong makitang member Pumunta ako sa may balcony, paglabas ko may nakita akong kabayo. Hays, basic. " Boom, hyung! " sigaw ko kaya napatalon siya bigla.
" Oh my gosh, my harteu. " sigaw niya, tinawanan ko na lang siya ata pumasok na kami sa loob. Nagsimula na naman akong maghanap. Buong sulok ng bahay hinanap ko sila. Si Jin-hyung nahanap ko sa loob ng closet niya, si Yoongi-hyung sa loob ng banyo, pa-chill chill lang. Si Taehyung nakita ko sa ilalim ng sofa-puta paano nagkasya 'to?! Ibang klase.
Si Heejung at Jungkook na lang. Saan naman kaya nagtago 'yung dalawang 'yon? Hay nako. Pahirapan eh.
" Hoy! Heejung! Jungkook! Nasaan na kayo? " sigaw ko. Tinatamad na akong maghanap eh! Tss. Yung ibang hyung chill-chill na lang sila doon. Mukhang ayaw na nila maglaro ng isang round mamaya.
May isa pa pala akong kwarto na hindi napapasukan. Ang kwarda ng kabayo. Joke joke. Hehe. Pumasok na ako sa loob kaso walang tao. Baka nandito sila sa loob ng walk-in closet ni Hobie-hyung. Yes, sosyal yung kabayo, may walk-in closet siya.
" Boom! Nahanap ko din kayo. Aba, anong ginagawa niyo?! " Naiinis kong tanong. Naglaro pa tayo ng tagu-taguan? Hays. Kakainis, mga friend.
" Can't you see? Jungkook-appa and I are playing UNO. " sabi ni Heejung. Aba, taray ng batang 'to ah. Wala ako sa mood makipag-biruan ngayon. " Taray nito ah. " bulong ko, pinandilatan ako ni Jungkook ng mata kaya umiling na lang ako.
" Kung maglalaro lang pala kayo ng UNO, hindi na lang dapat tayo nag-tagutaguan. Pinahirapan niyo lang ako eh. " sabi ko. Napailing na lang ulit ako, " Sanay ka namang nahihirapan hyung. " sabi ni Jungkook. Dahil yamot na yamot na 'ko, napabulong ako ng "pakyu" sakanya. Kingina, bad trip.
" Isa pa, Jimin? " tanong ni Yoongi-hyung habang nakahiga sa sahig at pagulong-gulong " Ayoko na, kapagod. Manonood na lang ako dito ng Barbie. "
" AHAHAHA! BARBIE DAW! Ay, ako rin. " Aba, tangina hyung. May saltik ata 'tong hyung na 'to. Hays. Idadaan ko na lang 'to sa Barbie. Lalake kasi ako. " Bakla ka talaga hyung. Mag-isa ka diyan. " sabi ko. Lumabas ako ng kwarto namin at bumaba sa 5th floor. Nasa 69th-este 8th floor kasi kami. Ay sorry na mga babes.
It-treat ko na lang yung sarili ko ng frappe. Tutal birthday ko naman eh. Nandito lang ako at nagw-wifi. Wala naman akong magagawa doon sa kwarto namin. Nagi-ingay lang yung mga tao doon.
Wala masyadong tao ngayon, usually maraming natambay dito eh. Weekday kasi kaya medyo solo ko 'yung café dito. Busy sila, samantalang kami nga-nga lang sa dorm. Kakatapos lang ng comeback namin. Single lang siya, hindi album. Tapos wala pang fansigning events. Hays.
Bigla namang nag-text si Jungkook. Ay, na-miss ako ni Ilong. Kilig naman 'yung Jams ko-may Jams na ako wag kayo.
ilong ranger jungkook;
— um hyung wag kang mag-assume. hindi kita na-miss. ew. uwi ka na raw sabi niya, di na daw siya galit.
p.s hindi talaga kita na-miss.
Sus. Pakipot pa 'to eh. Ayaw pang aminin na na-miss niya ako eh. Keme, makaakyat na nga lang. Si Joon-hyung naman 'yung nagsabi eh. Hays, nagsesenti pa 'ko dito eh.
❅
Papasok na sana ako nang bigla akong daganan ni Taehyung. The hell. " Oy walangya Taehyung! Ang bigat mo jusko. Ilang kilo ka ba?! " sigaw ko. Jusko, ano 'to?! Wrestling?! Pasalamat ako soundproof 'yung mga kwarto dito. Ang ingay kasi ni Taehyung ngayon, parang naka-ano eh.
" I'M JOHN CENA! WOOOH! Ilang kilo ako? Edi 1 KILOS! WOOH! " sigaw niya, malapit pa sa tenga ko. Ano ba naman 'tong lalaking 'to. Nakahithit na naman ba 'to?!
" Gago, 1 kilos? Marami yung 1 ha? 1 kilo lang 'yon! Tsaka, isang kilo ka lang ba?! Jusko. " sabi ko sabay ayos ng buhok. Sinamaan ko siya ng tingin at tinignan din niya ako ng masama. Gaya-gaya. Binatukan ko siya ng mahina at napasinghal na lang.
" Walang basagan! Abababa ni Hoseok-hyung! Di porket birthday mo ngayon ah! Hays Jimin hays! " sabi niya, nilait pa yung baba ni hyung eh. Tikal nitong alien na 'to. Tinulak ko na siya paalis para makatayo na ako. Jusko, ang bigat eh.
Tinignan ko ulit siya ng masama habang siya naka-derp face lang. Hays, alien ka talaga Taehyung. " Papasok na ako-hoy! Anong kalokohan 'to?! " sigaw ko. Bigla ba naman akong nilagyan ng blindfold. May surprise siguro sila sa loob. Hays mahal talaga nila ako e.
" Baka masilaw ka sa kagwapuhang makikita mo sa loob. " bulong ni Taehyung, shit, ang creepy ng boses ni Taehyung. " Baka yung ibig mong sabihin 'yung gilagid ni Yoongi-hyung? "
Natahimik siya saglit at natawa, " Pwede din! Pasok ka na, ig-guide kita. " sabi niya Hindi ko siya pinagkakatiwalaan. Siguro mga 1-2% lang yung tiwala ko sakanya sa mga ganito. Nakakatakot, baka matisod ako bigla.
Nasa loob na siguro kami kasi narinig ko ng sinarado 'yung pintuan. " Jimin-appa! Tanggalin mo na 'yung blindfold mo! " sigaw ni Heejung. Pagkatanggal ko, bigla silang nagpaputok ng confetti.
" Ah! Puke, kailangan ba talaga ng confet– woah. " Napatigil na lang ako sa nakita ko. My heart is- my heart is- oh my god. I'm emotional, hehe.
Naghanda talaga sila ng surprise party. Nakaka-touch. Kahit na pinagod talaga nila ako kanina sa tagu-taguan. Hays. Napangiti na lang ako, " Happy Birtday, appa! " bati ni Heejung.
" Thank you, Hee. " sabi ko at nginitian siya. She widely smiled at me and nodded " Hehe, you're welcome appa! "
Kumanta na sila ng 'happy birthday' at sumasayaw si Hoseok-hyung habang nakanta sila. Iba ka na hyung. Hahahaha.
" Happy birthday, Jimin! " sabay-sabay nilang bati. I smiled, naluluha ako pero pinipigilan ko kasi lalake ako. Hahaha. Joke, okay lang naman na umiyak 'yung lalake eh. " Salamat mga badjao. "
" Cake mo hyung. Habadu. " sabi ni Kookie sabay abot sa'kin nung cake. Napangiti na lang ako, nag-wish muna ako bago ko hipan yung mga kandila. " May wish ako para sa'yo. " sabi ni Hoseok-hyung. Napatingin ako sakanya at hinintay yung sasabihin niya.
" Sana tumangkad ka na. Ayun lang, hbd. " sabi ni hyung sabay pahid ng whip cream sa mukha ko. Hays, ang bait talaga nila kapag birthday ko. " Hays, regalo ko guys? "
" Wala, " sabi ni Jin-hyung pero tumawa din siya kaagad. " Joke, eto na Jimin. Happy birthday. " sabi ni hyung sabay abot ng paperbag na pink. Hilig nito sa pink, jusko.
" Um, thanks hyung. " sabi ko, ngumiti siya at tumango. Sana hindi pink yung kulay ng regalo niya sa'kin. Hays. Lumapit sakin si Taehyung at may inabot na maliit box. Ngumiti na lang ako.
Hindi na ako nae-excite sa mga regalo nila. Kadalasan kasi mga cherifer or kung anong vitamins yung binigay nila sa'kin. Once in a blue moon lang sila mag-bigay ng matino na regalo. Hays. Sanay na ako.
" Jimin-ah, eto regalo ng leader mo sa'yo. " sabi ni Joon-hyung sabay abot nung regalo niya. Grabe, siya ba nag-wrap nito? Parang kinalkal ng manok, jusko. " Salamat dito, hyung. "
Isa-isa na silang nag-bigay sa'kin ng regalo. Pati si Heejung may regalo. Ang cute ni Heejung ah. Okay. Binigyan din ako nila Jena-noona at ni manager-hyung ng regalo.
" Ahh! Jiminnie! Buksan mo na dali! Nae-excite ako eh. " sabi ni Hoseok-hyung habang nagtatatalon sa harapan ko. Parang sakanya yung regalo ah. Hays.
Una kong binuksan yung kay Yoongi-hyung, special kasi siya, special child. Hehe. YoonMin is hart. Hehe. Bigla naman akong naluha, " Salamat hyung sa toothbrush at toothpaste. " sabi ko.
" Walang anuman, pasalamat ka hindi brief. " sabi ni hyung, pero bigla siyang kinurot ni Namjoon-hyung kaya bigla siyang napa-aray.
" Hoy. Tumahimik ka nga muna. " sabi nila habang nakaupo lang sa may gilid si hyung at hinihimas yung kinurot ni Namjoon-hyung. Hahahaha, nakakaawa naman si hyung.
Binuksan ko na 'yung regalo ni Hoseok-hyung, napasinghal na lang ako pagkakita ko. " Salamat sa tsinelas, Hoseok-hyung. " sabi ko habang kinuha yung regalo ni Namjoon-hyung.
" You're welcome! Hehe. " sabi ni hyung, napahinga na lang ako. Wala na ba silang matinong regalo? Grabe. Ang sarap mang-hampas eh.
Napasapo na lang ako sa ulo ko pagkabukas ko ng regalo ni Namjoon-hyung. Ano ba naman 'yan! Tanginang santol ni hyung! " Thanks sa santol, hyung. " ngumiti si hyung at tumango.
Mahahagis ko na kay hyung yung santol eh. Nakaka-beast mode. Jusko. Binuksan ko na 'yung kay Jin-hyung. Buti naman medyo matino 'yung bigay niya. " Thanks sa t-shirt hyung. Buti hindi pink. " sabi ko.
" Ang dami mo na kasing pink na t-shirt, kaya maibang kulay naman. " sabi ni hyung, tumango na lang ako at binuksan yung regalo ni Jungkook. Hays. Album, album ng BigBang. Yung M.A.D.E pa. Grabe, saan niya nabili 'to? Ebay? Lazada? Tagal na nito ah. " Sure. "
Mamaya ko na bubuksan 'yung kina Jena-noona, expected ng vitamins 'yan. Pero buti hindi na cherifer. Yung kay Heejung naman bubuksan ko. Medyo malaki 'yung kanya. Napanga-nga ako ng buksan ko yung regalo niya. " Ang RK mo naman, Hee. "
" Fake lang 'yan, hyung. " sabi ni Jungkook, kaya napatingin ako sakanya ng masama. Tumawa na lang siya at nag-peace sign. " Original 'yan, appa! "
" Eh? Saan mo nabili? " tanong ko, " Sa mall, syempre. " sagot niya. " Pwede namang sa tabi-tabi. " sabi ko. She sighed and scratched her head.
" Alam kong maarte ka kaya sa mall ko binili. " sabi niya, ay. Grabehan na 'to. Nire-realtalk ako ni Ahn Heejung. " Ay, alam din. " sabi ni Taehyung.
" Tse. " sabi ko kay Taehyung, napangiti na lang ako at ginulo 'yung buhok ni Heejung. " Thanks, Hee. "
Hindi ko na lang siya aasarin, baka mambara eh. Galing niya mang-realtalk. Sapul. Hays. " Thanks sa mga regalo at surprise party. Twitter lang ako, wait. " sabi ko. Kinuha ko na 'yung cellphone ko, at as usual, sabog ang notifications ng account namin.
Napangiti ako sa dami ng mga mentions nila. Ang s-sweet, ang dami kong nakitang mga projects ng mga fan-accounts. Grabe.
" Appa! Kain na tayo. Makakapag-hintay 'yan. Yung pagkain hindi, lalo na't may mga ano dito. " sabi ni Heejung. Natawa na lang ako. Hays, alam din. Hinila ako ni Heejung papunta sa kusina at naabutan namin silang nag-aaway kung kanino mapupunta 'yung edible decorations.
Umupo na ako at pinanood na lang silang mag-away. This is probably the first birthday I had na kumpleto kami. Dati wala yung iba gawa ng schedules. Kahit nasa dorm lang kami, basta kumpleto, masaya na ako.
🎈
for jimin's birthday ♡