Getting To You (Azucarera Ser...

By jonaxx

29.7M 1.2M 838K

Crisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera... More

Getting To You (Azucarera Series #2)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 6

607K 25.9K 28.2K
By jonaxx

Kabanata 6

Creepy


Pagod na pagod si Soren nang natapos ang session. Inisip ko nga kung uulit pa ba siya sa susunod na linggo. Mukhang sa pagod niya kasi, hindi niya na kaya.

"See you next Sunday?" si Alonzo.

"Yes, coach!"

Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Alonzo bago binagsak ang mga mata sa gamit.

"Let's go!" si Soren sa akin.

Tumango ako at kinuha ang mga ibinigay ni Soren na hindi ko man lang nagalaw. Sumunod ako kay Soren na muling nagpaalam at nagpasalamat kay Alonzo. Haharapin ko na rin sana si Alonzo pero hinila na ako ni Soren.

"Grabe! Tingin ko sasakit ang katawan ko nito bukas!"

I glanced back at the bench where we left Alonzo and saw him watching me.

"Ang sakit ng binti ko. Buti pinag warm up ako!" patuloy ni Soren habang palabas kami.

Hindi ako makasabay. Nakinig na lang ako sa mga sinabi ni Soren hanggang sa nakalapit na kami sa sasakyan nila. I put my things down so I could text Ate Soling. Doon yata napansin ni Soren ang mga dala ko.

"Oh, hindi mo ginalaw ang mga pagkain? 'Tsaka... bumili ka ng tubig?"

"Uh-"

He then laughed and drank his own sports drink. "Manong!" diretso ang baling niya sa bodyguard o driver niya. "Pakibigay na lang po kay Coach Lonzo ang suweldo at bigyan mo na rin ng tip. Nasa loob pa siya."

Nag-usap pa sila saglit ng driver. Nagkasundo kung magkano ang tip na ibibigay bago ito dumiretso sa loob ng gym. Hindi ko alam kung bakit medyo nag-iba ang pakiramdam ko habang nakikinig sa usapan nila.

"Nariyan na ba ang sundo mo? O... ihahatid ka na lang namin?" si Soren na agad ding namataan sa likod ko ang pagpasok ng SUV namin.

"Thanks, Soren. Salamat din sa ibinigay mong merienda. Sobra sobra na 'to."

He laughed. "Oo nga, e. Ngayon ko lang naisip na masyado palang marami 'yan. Paano pa ang kinakain mo sa recess at lunchbreak? Next week, babawasan ko na."

"Uh... Ayos lang naman ako kahit huwag na. Ayos na ako at kumakain naman sa pagkain sa cafeteria kaya hindi na talaga kailangan."

"Ikaw talaga. Kahit inumin na lang. Huwag lang 'yang tubig, s'yempre, ang cheap niyan."

Napasulyap ako bote ng tubig na ibinigay ni Alonzo sa akin kanina. Cheap. I don't know why I find that more uncomfortable.

Lumapit na si Ate Soling at binati si Soren bago ako tinulungan sa mga dala ko. Inilagay niya iyon sa backseat.

"Uuwi na ako. See you tomorrow," sabi ko.

Tumango si Soren. "See you!"

Nakita kong pabalik na ang driver niya. Pagtalikod ko ay narinig ko pa ang malakas na tanong ni Soren dito.

"Kumusta, Manong? Ayos na ba raw ang bigay ko o kulang pa?"

Sinarado ni Ate Soling ang pintuan ng SUV at umandar na ito nang nakita ko ang paglabas ni Alonzo sa gym. Dumiretso siya sa nakapark na motor. I saw him putting his bag on his shoulder as he maneuvered the motorcycle easily. I don't really know if it was easy, though. It only looked easy because he was tall and very natural on it.

Hindi ko alam kung bakit hindi matanggal sa isipan ko ang nangyari. Hindi ko rin alam kung bakit paulit-ulit sa isipan ko ang mga huling tanong at sinabi ni Soren.

"Ikaw talaga. Kahit inumin na lang. Huwag lang 'yang tubig, s'yempre, ang cheap niyan."

"Kumusta, Manong? Ayos na ba raw ang bigay ko o kulang pa?"

It replayed on my mind like a broken vinyl and I don't understand why.

The next week came like a breeze. Siguro dahil palapit na ang mga pagsusulit, medyo abala kami sa pag-aaral.

It's starting to be an exciting year for Margaux's lovelife. For me, though, since the donut incident, Soren had been extra caring. Lagi kong katawagan o ka text tuwing gabi at lagi rin akong excited sa Linggo dahil sa practice game niya.

I just don't understand why I am extra stiff whenever it's Sunday.

Naka pantalon at striped t-shirt ako at siniguradong may dalang tubig papuntang gym, kasama si Soren. He gave me a bar of chocolates for my snack kahit pa sinabi ko nang huwag na akong bigyan ng pagkain.

Nag-aayos si Alonzo ng hurdles nang dumating kami. Tumigil siya at tumingin sa amin.

"Good afternoon, coach!" si Soren at dumiretso kay Alonzo para makabati ng maayos at maka high five.

I saw how Alonzo's head slightly moved to stop Soren's body from taking away his sight of me. Naupo ako sa bench at tahimik na hinintay sila. Narinig ko ang mga sinabi ni Alonzo tungkol sa mga gagawin nila ngayon. Pabiro nang nagreklamo si Soren pero alam kong sa huli, susundin niya rin ito.

Nagsimula na at gaya noong una, mabilis magreklamo si Soren dahil sa nakakapagod na mga routines na itinuturo ni Alonzo. Sinisigawan naman siya ni Alonzo at paulit-ulit na pinapaalalahanan na walang mangyayari kung hindi niya pipilitin ang sarili niya.

Nakapamaywang si Alonzo habang tanaw sa malayo si Soren.

"Good! Do it again!" utos ni Alonzo.

May cellphone na tumunog ng malakas malapit sa mga gamit niya. Nilingon ko iyon. Napasulyap siya sa akin bago niya kinuha ang cellphone. His brows furrowed as he looked at his screen.

"Excuse me," aniya bago nilagay sa tainga ang cellphone at bahagyang lumayo.

Sinundan ko siya ng tingin. Hindi kami nag-uusap at hindi rin namin sobrang lapit para kailanganin niya ng malayong espasyo para sagutin ang tawag pero ganoon pa rin ang ginawa niya.

Huminto siya malapit sa bukana ng gym. Nakaharap sa dingding at pinaglalaruan ang damit habang kinakausap ang tumatawag. He played with his shoes then before he put his hand on the wall above him. The veins on his arm and his position kind of gave me different thoughts.

Nang humarap siya ay nagtama agad ang tingin naming dalawa. Tumikhim ako at unti-unting bumaling kay Soren na ngayon ay tumigil ulit at iniinda na ang pagod habang nakaupo sa court.

"Ituloy mo pa!" si Alonzo.

Bumalik na siya roon. Napasulyap ako nang napansin ang titig niya sa akin. He played with his phone through banging the other end on his other hand bago niya ibinalik sa upuan.

"Classmate ko lang," aniya. "Nagtatanong tungkol sa assignment."

Nagtaas ako ng isang kilay. He cleared his throat and slightly turned red. The ghost of a smile is on his lips as he looked at the court. He wrinkled his nose and shut his eyes. Ipinasada rin ang kamay sa buhok at nang dumilat ay bahagyang natawa sa sarili.

"Ituloy mo pa, Soren! Sige na!" sigaw niya bago ulit sumulyap sa akin.

Unti-unti siyang naglakad patungo kay Soren at doon na ipinagpatuloy ang pagpipilit niya na matapos ni Soren ang hinandang gagawin.

"Ano? May mga ginagawa kayong ganyan?!" si Margaux nang aksidente naming napag-usapan ni Soren ang tungkol sa pagkikita tuwing Linggo.

Nagpatuloy kasi iyon sa mga sumunod pa na Linggo. Ngayong schedule yata ng midterms ng college at first periodical naman namin, nagtext si Alonzo sa akin na ipagpaliban muna namin iyon para pareho kaming makapag-aral ng mabuti.

Alonzo:

Hindi na muna tayo magkakaroon ng session sa Linggo para sa periodical n'yo. Pakisabi na lang kay Soren.

Ako:

Oh. Okay. Sige, sasabihin ko sa kanya. Para rin makapag-aral ako.

Alonzo:

Mag-aral ka na muna. Mag-aaral din ako para sa midterms.

I stared blankly at my phone at that message. Natatakot akong magreply dahil nararamdaman ko na ang irereply niya kung mag sabi ako ng 'okay'.

Study hard!

Natawa ako sa naiisip na ireply at tinabunan ng unan ang mukha.

Ako:

Okay. Mag-aral kang mabuti. :)

I gave out a slight shriek of horror at that last message! Nakakainis! Gusto kong magtago sa ilalim ng kama ko at palipasin ang mga araw hanggang sa malimutan ko ang huling s-in-end ko! Hindi pa nakakatulong na matagal ang reply niya!

Baka hindi na siya magreply!

Ayos lang kung hindi na siya magreply. Ano naman ngayon?!

Alonzo:

I'll do that for sure. Mag-aral ka ring mabuti.

My lips parted. My heart is pounding so hard on my chest. Muli ay nag-isip na naman ng magandang reply kaysa 'okay'. Ano ba itong ginagawa ko? Hindi ko alam bakit ganito!

Mabilis na lang akong nagtipa.

Ako:

Okay.

I've got no choice. Nagbuntong-hininga ako. I expected him to reply his usual 'alright'. And then it will end like usual but the next text I received is different.

Alonzo:

Kapag nahirapan ka, puwede kang magtanong sa akin. Baka may maitulong ako. Though, I know for sure you're smart and you can do it.

Ako:

Hindi naman. Nahihirapan din ako. May mga topics naman kasi na mahirap talaga.

Alonzo:

Like what? Maybe I can help?

Hinalungkat ko agad ang mga notes ko para maghanap ng mga mahihirap na topics.

Alonzo:

Hindi ako magaling pero may naaalala pa ako kaunti sa mga topics ng Grade 9.

I smiled at his double reply.

Ako:

Sa Chemistry at Trigo. Uh... Ititext ko sa'yo kapag magsisimula na akong mag review at malilito ako.

Alonzo:

Okay. I'll do my best to teach you. Tatawagan kita para mas ma explain ko ng mabuti sa'yo. Kung ayos lang sa'yo?

Ako:

Oo. Okay lang.

I recalled those long texts as I told Soren about our moved sessions.

"Ayos lang. Wala naman tayong magagawa. Maglalaro-laro na lang kami sa amin nina Julius."

Tumango ako.

"Ba't 'di n'yo ako sinasama?" si Margaux na nalungkot sa narinig.

Tinawanan lang siya ni Soren kaya ako ang pinagdiskitahan niya.

"Ba't 'di mo ako inaya?"

"Eh, kasi Margaux, abala ka naman yata sa boyfriend mo."

Yes. She's got a boyfriend now. Iyong manliligaw niyang kahalikan niya noong nakaraan lang.

"Hindi ah! Hindi naman kami nagkikita ng Sunday, ah! Sino ba ang kasama n'yo?"

"Uh... Kami lang."

"Ikaw? Soren? At?"

"Si Alonzo."

Namilog ang mga mata ni Margaux at nagkatinginan sila ng tahimik na si Ella sa gilid. Pareho silang tumawa na dalawa pero mas grabe ang reaksiyon ni Margaux.

"Si Alonzo?! Ba't si Alonzo?"

"Siya ba ang nag co-coach?" si Ella.

I nodded. "Binabayaran siya ni... Soren para turuan siya."

"Wow! Eh 'di, ano? Awkward ba?" natatawang tanong ni Margaux.

"Ba't magiging awkward?"

"Eh, may gusto 'yon sa'yo, 'di ba? Tapos... si Soren!" nag ngising-aso si Margaux ngayon.

"Ano? Ano 'yang kuwento n'yo?" si Soren na bumaling sa amin ngauon.

Sinipat ko si Margaux at agad niyang kinagat ang labi niya. Alam na ayaw kong nalalaman ni Soren ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Wala! Ang sabi ko, kasama n'yo pala si Lonzo sa practice."

"Oo nga. Eh hindi ba may gusto 'yon kay Sancha?" si Julius naman ngayon.

Umiling agad ako.

Kumunot ang noo ni Soren. "Hindi 'yan totoo, 'no! 'Tsaka imposible kasi ang tanda na no'n! Ilang taon na ba 'yon? Mas matanda pa kina Leandro. Limang taon ang agwat sa inyo."

"Ano naman ngayon? Age doesn't matter!" si Margaux.

"Oo at dati pa 'yon usap-usapan, eh," singit ni Julius. "Hindi 'yon d-in-eny ni Alonzo, ah, kaya tingin ko totoo."

"Hindi 'yan totoo! At kung totoo man, naku!" inakbayan ako ni Soren sabay mayabang na tawa. "Ang creepy niya naman. Ang tanda niya na at ang bata pa ni Sancha. Hindi sila bagay. Bukod pa sa mayaman ang mga Alcazar kaya walang pag-asa."

"Asus! Nagseselos ka lang, e!" pang-aasar ni Margaux na hindi naman tinanggihan ni Soren.

"Totoo naman kasi. Ang creepy kung totoo 'yang usap-usapan na 'yan kay Coach. Hinahangaan ko 'yon pero kung totoo man 'yan, naku, mawawalan ako ng respeto sa kanya! Hindi ba, Sancha?"

Soren pulled me closer to him. I looked at him. Magkalapit ang mukha namin at kaunti na lang mahahalikan ko na siya pero mas nangingibabaw sa akin ang mga sinabi niya.

Creep. Creepy. Mawawalan ng respeto.

"T-Tama. Hindi naman siguro."

Hindi ko alam kung bakit dahil sa usapang iyon, muling nag-iba ang pananaw ko.

Sure, Alonzo isn't texting me when there's no important thing about the sessions. Pero kinakabahan ako na kapag bigla niya akong t-in-ext tungkol sa ibang bagay, mas lalong magbabago ang pananaw ko.

Kaya naman, natapos ang exams ng hindi ako humingi ng tulong sa kanya. Hindi rin naman siya nag text o nag-offer noon kaya hindi na ako nahirapan pa.

The next sessions, I feel like I'm back to zero.

Alonzo:

Puwede na ako ngayong Linggo. Kung okay na kayo, puwede na nating ipagpatuloy ang training.

Ako:

Puwede na kami ni Soren.

Alonzo:

Alright.

Nothing's change with him, though. His occassional glances is still there and the changes made me extra nervous around him. Hindi ko nga lang alam kung nahalata niya ba o hindi.

Tahimik ko siyang pinanood sa mga games ng Interschool games. Nagco-coach siya sa Senior High kaya habang nasa bleachers kami, tinitingnan ko ang likod niya habang seryosong nakatingin sa laro.

Sa semi finals, nagulat ako dahil hindi na siya ang nag coach.

"May duty raw si Alonzo," narinig ko sa mga kaibigan nang napag-usapan dahil iba ang nag handle noon.

"Naku! Matatalo sila nito kapag hindi si Alonzo ang nag handle!"

Mabuti na lang at kahit nag overtime at nagkakagulo, nanalo pa rin naman ang school namin. I cheered with my friends because it was such a long and intense game. Lumapit si Julius sa amin, pagod na pagod at nakipaghighfive kina Soren at sa ibang kaibigan.

"Nariyan daw ba si Coach sa championship?"

Tumango si Julius. "Oo! Tang ina, hindi kami nagkakasundo lahat kapag wala siya! Muntikan na 'yon kanina!"

On the championship, we watched again. Packed na ang gym ngayon dahil nandito na rin ang taga ibang school para i-cheer ang school nila. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.

Dinungaw ko sila sa benches at nakitang nag-angat ng tingin si Alonzo. For a moment, I thought he was looking at me. But then he laughed and I noticed his classmates on the bleachers near him.

Isang babae ang lumapit sa barandilya at nakita kong nag-abot ng bag sa kanya. Sinalo iyon ni Alonzo at nginitian. Nang bumalik sa upuan ang babae, napansin kong parehong babae iyon sa nagtatanong sa kanya sa Kiosk.

"Girlfriend ba 'yon ni Alonzo?" si Margaux, pareho yata kami ng tinitingnan.

"Alin doon?" si Ella, ang tinanong niya.

"'Yong babae na may inabot?"

"Hindi ko alam, e. Hindi naman siguro kasi wala namang usap-usapan na may girlfriend siya."

Ngumisi si Margaux at bumaling sa akin. "Oo nga naman. Ang tsismis lang naman ay may gusto siya kay Sancha."

Nagtawanan sila ni Ella. Umiling na lang ako at tahimik na nanood.

I was constantly at the edge of my seat. Kahit pa lumaki na ang lamang nila, hindi kailanman kumalma si Alonzo kaya hindi rin tuloy ako makalma.

Sa huli, tuluyan na silang nanalo. Masayang masaya ang buong school at pictorial agad ang mayroon. Nagtagal kami sa bleachers at kahit nagsilabasan na ang iba, hindi kami umalis dahil siyempre babatiin pa ang ilang kaibigang kasali sa pagkapanalo. It gave Soren an inspiration too.

"Aayusin ko na talaga sa training para masali ako sa varsity!" aniya.

Tumawa si Soren at may kinausap na taga ibang team. Nagyabang pa siya kung gaano kagaling ng varsity sa school kaya medyo naging ukupado.

"Tapos na ang pictorials! Bumaba na tayo!" yaya ni Margaux, hindi na inalintana na naiwan na namin si Soren sa bleachers.

I went with them, though. Naroon nga naman si Julius at binati na namin sa pagkapanalo nila. Alonzo was busy talking to some other college students who watched the game. Naroon si Levi del Real at ang iilang faculty na proud na proud sa kanya.

Aksidente niya akong nasulyapan at nagtagal ang tingin niya sa akin.

"Hi, Alonzo! Congrats sa game! Galing n'yo!" si Margaux na may paghiyaw pa.

Some of our classmates went there to congratulate Julius and the team, too. Kaya naman, heto at napansin agad ang lapit ko kay Alonzo.

Gusto ko rin sanang bumati. I was about to open my mouth when I heard someone.

"Nanonood pala si Sancha kaya inspired ang coach!" may usiserong gumawa ng istorya.

"Mag congrats ka naman, Sancha!"

"H-Huh?"

Uminit ang pisngi ko. Hindi ako halos makagalaw. Lalo na nang natawa ang dalawang faculty at tiningnan ako pagkatapos si Alonzo.

Parang umuusok na ang tainga ko sa hiya. Hindi na ako kumportable.

"Congrats, Alonzo! Kaya ka pala inspired," biro ng isang teacher.

Alonzo smiled politely. Kaya lang nang nalingunan ako'y agad niyang ibinaling sa ibang bagay ang atensiyon. Tinawag niya sina Julius. Itinuro niya ang malayong banda hanggang sa tuluyang umalis ang grupo nila roon at pumuwesto na sa gitna para sa karagdagang picture taking.

Nakababa na si Soren at agad na dumiretso sa kung nasaan ang varsity para bumati. My phone vibrated. I saw Alonzo sliding his phone on his pocket from afar.

Alonzo:

Sorry about that. Hope it didn't make you feel uncomfortable.

Sunod na angat ko ng tingin sa banda nila, nakita kong lumapit na ang mga kaklase niya at nagtawanan na sila.

"Magpainom ka naman! A tayo sa pre finals, ta's champion ka rito!"

"Oo nga, Lonzo! Sabi mo no'n!"

Alonzo laughed. "Mamaya! Sa bahay!"

Naghiyawan sila at nagkatuwaan pa.

Continue Reading

You'll Also Like

95.9M 2.3M 64
Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he's probably t...
3.4M 94.6K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
339K 11.5K 54
"I just woke up as a villain in the novel that i was reading," - Amara Grammatical errors || Typos || Unedited Ara grew up in an orphanage and becam...
1.9M 129K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...