HE'S INTO HER Season 1

By maxinejiji

371M 8.9M 8.7M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 24: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 25: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 26: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
HE'S INTO HER SERIES NOW STREAMING ON iWANT
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
HE'S INTO HER SERIES
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94

CHAPTER SEVENTEEN

3.6M 84.7K 54K
By maxinejiji

MAX'S POV

NAGDESISYON AKO na maligo bago magpalit ng damit. Nagmukha akong marungis dahil sa kalbaryong pinagdaanan ko nang umaga lang na ito. Habang nasa shower room ay hindi ko maiwasang mapaisip. Mabigat sa loob ko ang mga nangyayari sa 'kin sa school na 'to. Hindi normal. Hanggang sa sandaling iyon ay iniisip ko kung ano ba ang malalim na dahilan ng lalaking 'yong para i-bully ako nang ganito.

Hindi man ako babae sa paningin niya, may pinag-aralan siya at mayaman pa, hindi niya dapat ginagawa sa 'kin ang mga ito. Tss. Mukha nga akong skwater, nasa kaniya naman 'yong ugali. Ano'ng 'kala niya sa 'kin, bato? Nakailang tulak din siya, ah?

Napapabuntong-hininga 'kong sinalamin ang aking sarili. Nararamdaman ko ang pagod sa buo kong katawan. Pero tila napalitan 'yon ng sakit at bigat sa likuran ko, dahil sa ilang beses na pagkakatulak sa 'kin ni Sensui.

Tss. Ginusto mo rin 'yan, kaya magtiis ka. Kung hindi mo na sana siya pinatulan ay baka hindi mo inabot 'yan. Lalo kong pinakatitigan ang sarili ko. "Malakas ako, pero may limitasyon ang kakayahan ko," pabulong kong sabi, naghahalo ang galit at lungkot.

Papalabas na sana ako sa pinto nang muli akong matigilan. Nagulat ako kay Lee na noon ay nakasandal sa pader na katabi ng pintuan. Tila ba nag-aabang.

"Hey," pilit ang ngiting bati niya. "Sorry. Did I scare you?"

"What are you doing here?" kaswal kong tanong.

"I heard what happened," napapakamot sa batok na aniya. "Do'n sa locker area."

"Tss," nag-iwas ako ng tingin.

"Can I borrow sa second?" seryoso niyang tanong. "I just want to talk to you."

"May klase ako."

"Kilala ko ang lecturer ninyo," ngumiti siya. "Ako ang bahala sa 'yo."

Sandali kong sinipat ang mukha niya saka ako tumango at naunang maglakad papalayo. Kakatwang magkasama kami ngunit hindi namin magawang mag-usap. Pumunta kami sa mall na batid kong pag-aari ng kaibigan niya. Tumuloy kami sa isang kilalang coffee shop para doon umano mag-usap.

Habang nakaupo ay nilingon ko ang parking area, saka sinipat ang kotse ni Lee mula gulong hanggang itaas.

Jaguar XJ, 1999 model. Bigtime.

"My dad gave it to me." Natinag ako nang mangibabaw ang tinig ni Lee. Inilapag niya ang tray sa table saka naupo sa harap ko. "It's an ultra-luxury car," walang bahid ng pagyayabang na aniya.

I know. Hindi ko na isinatinig pa ang laman ng aking isip. Sa halip ay nilingon ko na lang muli ang sasakyan. Batid kong bibihira ang may gano'ng modelo sa buong mundo.

"Parehong vented disc ang front at rear breaks niyan, hindi ba?" tanong ko, nananatiling nakatingin sa kotse. Nilingon ko lang siya nang hindi siya tumugon. "Why?" tanong kong muli nang mahuli siyang nakangiting nakatitig sa 'kin.

"You know a lot about cars?"

Ngumiwi ako. "Not that much. Pero iyang kotse mo ay gamay ko." Tipid akong ngumisi. "Its front and rear suspensions are both independent, with double wishbone and CATS. Ang engine ay 4.2 DOHC 32V V8. The fuel type is gasoline and its transmission is six-speed AT. Four-door sedan with five seating capacity and eight airbags."

"Wow." Nakangiti siyang sumandal. "Madalang sa babae ang maalam sa sasakyan, lalo na sa parts."

"It is more that eight million pesos if I'm not mistaken," napapabuntong-hiningang sabi ko. "You must be really wealthy."

Natawa siya. "Not me." Saka siya ngumiwi. "My parents are."

Tumango ako. "So what is it that you'd like to talk to me about?" Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi ko alam na ganito pala katagal ang segundo sa 'yo."

Napapahiya siyang tumawa. "It's about Deib Lohr."

"I know," mabilis kong tugon saka humigop ng kape.

"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, at kung ano ang mga sasabihin ko." Halatang nahihiya siya. Panay ang pagkakamot niya sa leeg at sentido, hindi mapakali sa pagkakaupo.

Bakit mo pa 'ko inabala kung gano'n? Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang prangkahin siya. Tuloy, ang mga salitang 'yon ay naiiwan lang sa isip ko.

Umiling-iling siya habang nakatingin kamay niyang iniikot-ikot ang baso. "I'm not even sure if I'm in the right position to say this," nagkibit-balikat siya. "I've been friends with Deib Lohr for a very long time. And we've witnessed each other grow up. I know him too much that I can even read his actions." Batid kong sa gano'ng kwento siya magsisimula. "But I'm a bit confused now," kunot-noong aniya saka tumingin sa 'kin. "Parang hindi na siya 'yong Deib Lohr na kilala ko, 'yong nakasama kong lumaki," aniya na tila ba inaalala ang kabataan nila.

Kinuha ko ang kape ko saka sumisimsim na nakinig sa kaniya. Panay ang paglingon ko sa labas, iniisip ang mga kinukwento niya. Panay rin ang aking pagbuntong-hininga dahil pakiramdam ko ay alam ko nang lahat ng sasabihin niya.

"Hindi na bago sa 'min ni Tob 'yong pagiging bully niya. Madalas pa nga ay pinagtatakpan namin siya sa ate at nililigawan niya," patuloy niya. "Pero napapansin ko kasing sumusobra na siya. Sa dami nang nakaaway niya, ikaw lang ang nakasakitan niya nang pisikal. Noon ay puro salita lang ang ibinabato niya sa mga binu-bully niya. At wala ni isa sa mga 'yon ang gumanti o lumaban kay Deib Lohr," tumingin siyang maigi sa 'kin. "Ikaw lang."

Nanatili siyang nakatitig sa 'kin. At sa paraan ng kaniyang pagkakatitig ay para bang naghihintay siya ng sagot. Kaya naman mabilis akong nag-iwas ng tingin at bumuntong-hininga. "I see," sagot ko sabay tango.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya saka nangunot ang noo. "That's it?" tanong niya.

"What do you mean that's it?" inosente kong tanong.

"I see," ginaya niya ang sinabi ko. "Iyon lang ang sasabihin mo? Wala ka na bang ibang sasabihin?" Hindi niya malaman kung matatawa o ano.

Napabuntong-hininga ako. "Hindi ako interesado sa buhay ng ibang tao," saka ko sinalubong ang tingin niya. "So I don't think I have to say anything."

Matagal siyang napamaang sa 'kin. "Aren't you mad or anything?"

"I am mad."

Lalo siyang napamaang, bahagyang lumayo saka natatawang nag-iwas ng tingin. "Galit ka nang lagay na 'yan?"

"Yes," seryoso kong sagot.

Matagal siyang natigilan saka iiling-iling na tumawa. Nag-iwas ako ng tingin. "No offense but I think you're weird."

Muli ko siyang nilingon. Natigilan siya sa pagtawa nang makita kung gaano ako kaseryoso. "I'm not weird."

"What are you, then?"

"I'm unique," mariing sabi ko. Sandaling nagtama ang paningin namin saka kami sabay na natawa.

"If you say so," natatawa siyang umiling. Nangibabaw ang sandaling katahimikan. Pareho kaming nakatingin sa magkaibang direksyon habang lumalaghok ng kape. "Ako na lang ang hihingi ng sorry para kay Deib Lohr," mayamaya ay aniya.

Nilingon ko siya. Sa sinabi niya ay bahagya akong nadismaya ngunit hindi ko na iyon ipinahalata pa.

Nakatungo siya at tinitingnan ang sariling kamay na nilalaro ang tasa ng kape. Nang hindi ako magsalita ay saka siya nag-angat ng tingin sa 'kin. "Why?" he asked.

"Bakit mo kailangang gawin 'yon?"

Nalito siya. "Ang alin?"

"Why ask forgiveness for him? Why are you sorry for another person's immaturity?"

Sandali siyang natigilan saka bumuntong-hininga. "Dahil hindi niya gagawin 'yon," sinsero niyang tugon.

"Nobody asked him to do it," pormal kong tugon. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "I'm not going to accept it anyway."

"Why?" hindi niya naitago ang pag-aalala.

Nag-iwas ako ng tingin saka humigop ng kape. "It's not all his fault," kaswal kong tugon. "I'm aware of my own faults." Inilapag ko ang tasa saka ako naunang tumayo.

Nagulat man ay agad niya akong sinundan ng tingin bago humabol. "Hey, wait."

"Bumalik na tayo sa school."

"Oo nga," napapahiyang aniya saka ako iginaya sa sasakyan. "I'm sorry," aniya sa gitna ng pagmamaneho.

Napabuntong-hininga ako. "Please," mariing sabi ko. "Never ask someone's forgiveness for anyone else. Never ask for forgiveness without doing anything wrong." Kunot-noo akong tumingin sa daan. "Ask for it if you really mean it. Because it's not just a word."

Hindi siya nakasagot. Hindi ko siya nakikita ngunit nararamdaman ko ang pagkapahiya niya.

Nang makarating kami sa school ay sabay kaming umakyat ng building nang walang kibuan. Nagharap na lamang uli kami nang nasa harap na kami ng classroom nila.

"Ihahatid na kita sa room mo," presinta niya.

"'Wag na, ayos lang ako."

"Late na, baka mapagalitan ka."

"Sanay na 'ko," tipid ang ngiti ko.

"Ihahatid na kita."

"'Ayun na ang lecturer mo," inginuso ko kung nasa'n ito.

Huli na nang lingunin niya ito, nakalapit na. "Mr. Gozon, why are you coming this late?"

"I'm sorry, miss," napapahiyang sagot ni Lee, hindi malaman kung sino sa 'min ng lecturer ang unang titingnan.

"Go to your seat, now, Mr. Gozon."

"Yes, miss," nanlulumo niyang sabi saka napapahiyang lumingon sa 'kin. "Thanks for your time."

Pinanood ko lang siyang pumasok saka ako tumuloy sa floor namin. Tapos na ang klase nang makarating ako sa room.

"Where have you been?" mataray na bungad ni Naih sa 'kin. Agad na naupo sina Michiko, Migz at BJ sa harap ko para makiusyoso.

"Nagkape lang," sagot ko.

"Ha?" sabay-sabay nilang reaksyon. "Nag-cut ka ng class para mag-coffee? Ang astig mo talaga," natatawang ani BJ.

"May kinausap ako," pagdadahilan ko.

"Sino naman?" usisa ni Naih.

"Si Lee." Pinaglaruan ko ang ballpen sa mga daliri ko.

"What? Why?" usisa ni Michiko. Hindi ako nakasagot.

"Naku, ah, issue 'yan, 'te," nanunukso ang tinig ni Migz.

"Ano naman ang pinag-usapan ninyo at kailangan pa ng kape?" nang-aasar ang tinig ni BJ.

"Tungkol kay Deib Lohr Enrile." Naaasiwa akong banggitin ang pangalan na 'yon.

Pinandilatan nila ako pero bago pa man sila makapagsalita ay pumasok na ang sumunod na lecturer. Napabuntong-hininga ako dahil hindi na nila nagawang mangulit. Wala silang nagawa kundi makinig sa klase.

LEE'S POV

SINUSUBUKAN KONG ituon ang buo kong atensyon sa klase pero hindi na mawala si Max sa isip ko. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n kasaya ang pakiramdam ko. Bagaman napahiya ako ay may parte sa 'kin ang hindi maintindihan kung matatawa ba ako sa mga sinabi niya o ano. Ngunit alam kong namangha talaga ako at humanga nang sobra.

Lalo na nang sabihin niya ang huli niyang linya. It's not all his fault, I'm aware of my own faults. Napangiti ako. She's so cool.

Pakiramdam ko sa sandaling nakasama ko siya ay bahagya ko siyang nakilala. Lahat ng emosyon at reaksyong nakita ko sa mukha niya ay tandang-tanda ko pa. Cold ang personalidad niya pero interesting. Para bang napakarami kong nalaman tungkol sa kaniya kahit na ang totoo ay wala naman maski isa.

Nang matapos ang dalawang subjects ay saka pa lang bumalik sa 'kin sina Tob at Deib Lohr. Alam ko nang magtatanong sila kung bakit ako nawala, hindi pwedeng hindi. At nasisiguro kong mang-aasar na naman ang mga ito, lalo na si Tob.

"Hoy, sa'n ka nanggaling?" ani Tob.

"Bakit hindi ka pumasok?" sabat naman ni Deib Lohr.

"May kinausap lang ako," masungit kong sagot. Hindi ko inaasahang kakausapin ako ni Deib Lohr. Hindi naman ako kasing-isip-bata niya para hindi siya pansinin.

"Sino?" sabay nilang tanong.

"Basta," nag-iwas ako ng tingin at umasta na namang abala.

"'Naaay, naghanap ka ng magiging partner mo sa party, 'no?" tanong ni Tob saka malakas na tumawa.

"Tsh." Inilingan ko lang siya.

"Saan ka nga ba nanggaling, Lee?" naghihinala ang tinig ni Deib Lohr.

"Sa 'kin na lang 'yon," nakangising sagot ko.

Pinandilatan nila ako at akmang aasarin sana ngunit dumating ang sumunod na lecturer. Hindi na nila nagawang mangulit pa hanggang sa matapos ang lahat ng pang-umagang klase.

"Pasabay!" Nangibabaw ang pamilyar na tinig ni Kimeniah nang makarating kami sa canteen para sa lunch break. Tuloy ay 'ayun na naman si Deib Lohr na nagkakandautal-utal habang binabanggit ang pangalan niya.

Napapailing na lang akong nag-iwas ng tingin. Ang tagal niya nang nanliligaw, nauutal pa rin. Isip-bata talaga.

"Alam mo ba 'tong pinsan mo ay marunong nang mag-cutting class?" pagsusumbong ni Tob kay Kim habang kumakain kami. Pinandilatan ko siya at minura sa isip.

"Is that true, Lee?" mataray na tanong ni Kim.

Nginiwian ko siya. "May kinausap lang ako. Hindi ko ugaling mag-cut ng klase kung hindi importante..." Hindi ko na nagawang ituloy pa ang sasabihin nang masulyapan ko si Max na papasok. Kasama niya si Naih at iba pa nilang kaibigan. Hindi ko naiwasang mapangiti.

"Talagang mas importante 'yan kaysa klase, ah?" nang-aasar na ani Deib Lohr.

"Oo," wala sa sariling naisagot ko.

Hindi ko na narinig pa ang mga sinabi nila, bagaman alam kong pulos pang-aasar 'yon. Sumulyap uli ako sa gawi nina Max at mga kaibigan niya. Panay ang salita ni Naih, panay ang pagtawa nina Michiko, BJ at Migz. Kakatwang nananatiling walang reaksyon o emosyon ang mukha ni Max, bagaman mukhang nakikinig naman siya.

Siguro nga ay tama si Deib Lohr. Hindi kasingganda nina Michiko at Naih si Max pero para sa 'kin ay cute siya. Nangiti ako sa sarili kong naisip.

"'Naaay!" Nasira ang pagmumuni-muni ko nang umere ang maingay na bibig ni Tob.

Inis ko siyang nilingon. "What?"

"Bakit napapangiti ka habang sumusubo? Nakakadiri ka, Lee Roi!" Bahagya siyang lumayo. "Umamin ka nga, saan ka ba talaga nanggaling?" kunyari siyang seryoso, nagagalit, pero alam kong mang-aasar lang siya. Lalo pa at tatawa-tawa kaming pinanood nina Kim at Deib. Ganiyan ang ugali ni Tob, sa iilang salita ay nababaliw ang sinumang kausap niya. Napakaraming kalokohang nalalaman.

"Tsh, shut up, Tobi," naisagot ko na lang.

"Namakla ka, 'no?"

"What?"

"'Naaay, humanap ng bakla si Lee! Bakit ka pa lumayo kung marami naman dito?" Itinuro niya bigla si Deib Lohr, nang-aasar. "Sana isinama mo 'to para 'yong mga bakla ang kusang lumapit sa 'yo."

"Oh, shut up, Tob. Kumain ka na nga lang, ang ingay mo," asik ko.

"Wala na 'to, 'dre," nakangiwi at iiling-iling na aniya saka tinunghayan si Deib Lohr. "Naglilihim na sa 'tin 'tong best friend mo, 'dre."

Sinulyapan ko si Deib Lohr. At gano'n na lang ang pagkakakunot ng noo ko nang mukhang hindi man lang niya pinakinggan ang mga sinabi ni Tob.

Sinundan ko ang tingin ni Deib Lohr at natigilan nang makitang nakatingin siya kay Max. At mas nagulat pa ako nang makitang deretso ring nakatingin si Max kay Deib Lohr.

Bigla ay tumayo si Max dahilan para mag-iwas ng tingin si Deib Lohr. Pinanood ko siyang um-order hanggang sa muling makabalik sa mesa at magsimulang kumain.

Muli ay nagulat ako nang masulyapan ko si Deib na nakatingin sa 'kin. "What?" tanong ko. Sa halip na sumagot ay sinamaan niya lang ako ng tingin. Tsh.

"Excited na ako sa party." Si Kimeniah ang nagbukas ng usapan.

"Kami rin," sumagot agad si Tob. "'Etong pinsan mo ay wala pang partner. Pero sa ikinikilos nito ngayon, tingin ko ay nakakita na. Hindi lang nagsasabi." Nginisihan niya 'ko. "Baka magulat na lang kami, 'dre, si Angel Locsin ang dalhin mo sa party?" maingay niyang sabi.

Natawa ako pero hindi ko naiwasang sulyapan si Deib Lohr na noon ay tahimik nang kumakain.

"'Wag mo ngang sayangin ang kaguwapuhan mo, Lee Roi. Maraming pwedeng maging partner mo, okay?" ani Kim. "Besides, pinagkakaguluhan ka ng girls. Hindi ka mahihirapang maghanap."

"Oh, my God! Look at her!" Sabay-sabay kaming natigilan at napalingon sa gawi ng entrance nang mangibabaw ang malakas na tinig ng isang babae. "'Yan ang nababagay sa kaniya, tutal, she's a squatter!"

"Oh, look at her," naaawa kunyaring anang isa pa. "She's so down-and-out. We should pity her." Saka sabay-sabay na nagtawanan ang ilang estudyanteng nakatayo sa banda ro'n.

Nakakaloko ang ingay ng mga nagkukumpulan sa gawi ng entrance. May mga malakas na nagtatawanan na tila may inaasar at kinukutya.

"What's going on?" nakangiwing nag-angat ng tingin si Tob. "Dumarami ang barumbado sa campus, ah?"

"Ano kaya ang meron?" kunot-noong usisa rin ni Kim.

"'Wag ninyo na lang pansinin," seryosong ani Deib Lohr, patuloy sa pagnguya. Nakatuon ang siko niya sa mesa habang masama ang tingin sa gawi ng nagkukumpulang tao. "Mga trippers lang 'yan."

Sinubukan kong bale-walain ang nangyayari. Pero may kung anong humihila sa paningin kong tumingin doon. Kahit pa pulos likod lang ng mga estudyante ang nakikita ko.

"Talagang mga wala kayong magawa, 'no?" Bigla ay nangibabaw ang pamilyar na tinig ni Naih.

"Si Parrot 'yon, ah?" inosenteng ani Deib Lohr.

Nagkatinginan kaming tatlo saka mga wala sa sariling napatayo. Nag-unahan kami sa paglapit sa nagkukumpulang mga estudyante. Pinatabi ko ang mga nakaharang at doon ako nagulat.

Si Max ang pinagkakaguluhan ng mga ito. Nakaupo siya sa sariling silya, tadtad ng noodles sa ulo na isa-isang tumutulo papunta sa damit niya. Sina Migz, BJ at Michiko ay panay ang pagpapaalis sa mga naro'n pero walang natitinag. Nang walang mangyari ay lumapit sila sa kaibigan at inalis ang nagkalat na noodles sa katawan nito.

Si Naih naman ay halos mamaos sa kasisigaw sa tatlong babae na siyang nasa harapan nila. Kahit walang magsabi ay mukhang ang mga ito ang may kagagawan sa hitsura ni Max ngayon.

"Sino ba 'tong mga 'to?" pabulong at masungit na tanong ni Deib Lohr. Walang pumansin sa kaniya.

"Mga wala kayong magawang matino!" singhal ni Naih sa mga 'yon.

"Excuse me, kasali ka ba, ha? You're so epal!" mataray at nang-aasar na anang isa sa tatlo.

"Tanga ka ba? Kaibigan ko 'yan, eh, malamang ipagtatanggol ko!" hindi nagpapahuli sa pagtataray si Naih.

"Sana pala ay binuhusan mo rin ang isang 'yan," tatawa-tawang anang isa pa.

"Hindi na, baka maiyak pa sa panghihinayang sa nasayang na pagkain." Nagtawanan ang tatlong babae.

"Ooh, cat fight," bulong ni Tob.

"Ano ba kayo? Ano ba ang ginawa ni Max sa inyo?" bagaman galit ay gumagaralgal sa takot ang tinig ni Michiko. Hindi magawang sabayan ang pagtataray ng tatlo.

"Oh, come on, idiot! Will you please shut up?" maarteng sagot nang nasa gitna.

Hindi ko malaman kung paanong papasok sa gulong iyon. Hindi ko magawang magsalita o sumingit man lang sa pagitan nila. Hindi ko pa nasusubukang manghimasok sa gulo ng mga babae.

Nangibabaw ang tilian ng ilang babae nang biglang damputin ni Naih ang isang baso ng juice. Akma na sana niyang ibubuhos iyon sa tatlong babae nang hawakan ni Max ang kamay niya.

"'Wag," kalmadong ani Max, hindi kapani-paniwala.

"Hindi!" galit talaga si Naih. "Igaganti kita sa mga 'to, Max! Mga loko, eh!" Nanggagalaiti siya sa galit. Samantalang ang mga babaeng iyon ay nagtawanan nang may naghahamong tingin.

Pinanood ng lahat si Max nang tunghayan niya ang bag at ilabas ang maliit na towel do'n. Napamaang ang lahat nang punasan niya ang sarili na para bang normal ang lahat ng nangyayari. Ngunit halos mapaatras ang lahat nang mag-angat siya nang may masamang tingin.

Nangunot ang noo ko. Are you okay? Hindi ko magawang isatinig ang laman ng isip ko. Mas napansin ko ang kawalan niya ng ekspresyon o reaksyon. Bakit ba siya ganiyan?

Muli pang napaatras ang lahat nang tumayo si Max. "Sino ang nagbuhos?" kaswal niyang tanong.

"Ako, bakit?" mataray at matapang na anang nasa gitna. Biglang nangibabaw ang tilian nang sa isang iglap ay mahawakan siya sa magkabilang braso ni Max at ingudngod sa mesa nila. "Let go of me!"

Hindi nakinig si Max. "Alam mo ba kung ga'no kainit 'yong itinapon mo sa 'kin?" mahihimigan ang matinding pagpipigil ni Max sa sariling galit.

Biglang tumawa ang babae. "Of course, ako ang bumili, eh!"

"Eh, kung sa 'yo ko gawin?" ani Max na dinampot ang soup na nasa mesa nila. Napatili agad ang babae.

"Hoy, bitiwan mo ang girlfriend ko!" Napalingon ang lahat sa entrance nang mangibabaw ang tinig ng lalaki. Ngunit huli na ang lahat dahil nadukwang na nito si Max at pabatong inilayo.

"Max!" nag-aalalang lumapit si Naih sa kaibigan saka hinarap ang magnobyo. "'Yang girlfriend mo ang pagsabihan mo! Naturingang pangit, sumobra sa arte at nuknukan nang sama ang ugali!"

"You, shut up!" Dinuro ng lalaki si Naih. Humakbang ako papalapit ngunit agad akong pinigilan ni Tob. Pinanood namin ang lalaking iyon na lumapit kay Max. "Ang lakas ng loob mong magsiga dito sa campus, ano ba ang maipagmamalaki mo?" Kung hindi ako nagkakamali ay anak ito ng isa sa mga sikat na propesor sa tertiary campus.

"Awatin ninyo na, please," naluluhang pakiusap ni Michiko.

"Ano, ha?" naghahamong anang lalaki. "Sumagot ka—"

"Enough," sabat ko dahilan para matigilan siya.

Nakangisi niya akong hinarap. "Arbor ko na ang isang 'to, Mr. Gozon. Tuturuan ko lang ng leksyon," mayabang niyang sabi.

"Babae 'yan, pare," nakangiting sabi ko.

Tumawa naman ito na para bang nakikipagbiruan ako. "Hindi naman halata." Saka siya uli bumaling kay Max. "Ano? Ano'ng maipagmamalaki—ugh!" Halos tumalsik siya nang bigla siyang itulak ni Max.

Akma niyang susugurin muli si Max ngunit humarang na 'ko. "I said, enough," nakangiti ko pa ring pakiusap.

"Pare, please, isa lang," tatawa-tawa kunyaring anang lalaki, batid kong galit siya. "Isang sapak lang!" biglang singhal niya. "Mayabang 'tong gagong 'to"

"Sinabi nang tama na, eh!" singhal ko dahilan para matigilan siya. "Babae 'yan, papatulan mo?"

"Bakit, kilala mo ba 'yan?" Dinuro nito si Max. "Basura lang ng school 'to, eh."

"Pagbibigyan kita," gumitna bigla si Max dahilan para magulat ako. "Pero 'wag mo 'kong sisisihin kapag nasaktan ka" Bago pa niya matapos ang sasabihin ay sinampal na siya ng lalaki.

"Hoy! Loko ka, ah!" umalingawngaw ang tinig ni Tob.

Mabilis kong nilapitan si Max. "Are you okay?" nag-aalala kong tanong. Natuon ang paningin ko sa dumurugong labi niya. "Hey, are you okay?"

Ngunit hindi ako sinasagot ni Max. Wala sa 'kin ang kaniyang paningin at nang sundan ko 'yon ay na kay Deib. Masama ang tingin nila sa isa't isa. Gusto ko iyong ipagtaka, para bang nagagawa nilang mag-away gamit ang tingin at isip.

"Max," naupo si Naih sa harap ng kaibigan, hindi malaman kung nagagalit o maiiyak. "Ano? Hindi pa ba kayo aalis dito? Nakailan na kayo, ah!" sigaw niya sa tatlong babae, saka tiningala ang lalaking sumampal kay Max. "Fuck you and your friends!" Nang makalayo ang mga 'yon ay saka siya ulit bumaling sa kaibigan. "Bakit naman kasi hindi ka lumaban? Tingnan mo, dumurugo 'yang labi mo!" Saka siya biglang bumaling sa 'kin. "Bakit naman kasi hindi na lang ikaw ang sumapak do'n!"

Napalayo ako. "Hindi ko naman alam na sasampalin niya si Max," halos mautal kong sagot.

"Psh! Stop me! Ang sabihin mo, duwag ka lang talaga!" Pasiring niyang inalis ang paningin sa 'kin. "Guys, tulong. Dalhin natin si Max sa clinic."

Inalalayan ko sa siko si Max at tinulungang makatayo. Pero bago pa man humakbang ay inagaw na agad sa 'kin ni Naih ang braso niya saka ako tiningnan nang masama. Na sa sobrang sama ay akala mo ako ang gumawa ng gulo.

Continue Reading

You'll Also Like

26.9K 3.3K 101
Sa mundong ang pagtataglay ng malakas na aura ay ang nagsasabi ng lakas, isang walang aura at walang kapangyarihang nilalang ang magiging pinakamalak...
743K 26.4K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...