𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪

By Seannnyoritooo

264K 8K 671

𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆𝗮 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮 𝗨𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗦𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗺�... More

I DON'T KNOW
SPECIAL
KABANATA1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA4
KABANATA5
KABANATA6
KABANATA 7
KABANATA8
KABANATA9
KABANATA10
KABANATA11
KABANATA12
KABANATA13
KABANATA14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA17
KABANATA18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
Psst!!
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗘

KABANATA24

4.3K 174 15
By Seannnyoritooo


Nakasubsob lang ang mukha ko sa mesa habang hinihintay ang babaeng anak ni dragona.Hindi ako pinapansin at alam ko kung bakit
















"Oh Uno bakit nakaganyan ka? akala ko ba papasok ka?" Napa angat ako nang tingin ng mabosesan ko ito














"Kasi po tita wala akong pasok ngayon may practice po kasi kami sa banda" magalang na sabi ko dito ngumiti lamang ito at nagsabing galingan ko raw tsaka nagmamadaling umalis.














Akmang Pipikit na ako ng makita ko si bria na bihis na bihis kaya lumapit ako dito "Uy saan ka pupunta?" Maangas kong tanong sa kaniya pero dedmakels lang akesh ni atey














"Bakit ganyan suot mo hindi ba dapat naka uniform kana?" saad ko pa pero wala pa din dinaanan lang ako ng bruha














"Bria! bingi ka ba? sino kasama mo? bakit bihis na bihis ka?" syempre ako ulit yan















"Mind your own business" sa wakas sumagot na ito pero mataray nga lang ang pagkakasagot















"Tsk business kita kaya ikaw ang iisipin ko kaya sagutin mo ako saan ka pupunta?" sa ngayon ay magkaharap na kami














"May date ako kaya pwede ba umalis ka diyan sa dadaanan ko bitj!" Umirap pa ito kaya nainis naman ako














"At sino naman yang date mo? Ang gara mo ah! bago pa lang tayo pero may pinagkaka abalahan ka pang iba" pagalit kong sabi mukhang hindi niya ito nagustuhan














"Nag de-date ako ng iba! baka kasi dun mapagbibigyan nila ako hindi tulad ng iba diyan tabi!" tinulak ako dahilan ng pagka urong ko kaya naka daan siya. napa kibit balikat na lamang ako ng makita ko itong sumakay na sa kaniyang kotse












Pagkatapos ng practice ay naghiwa-hiwalay na kami ng landas pero dinala ako ng mga paa ko sa isang bar hindi ko masasabing mababait ang mga nandito











"Opsss saan ka pupunta?" Isang maskuladong lalaki ang humarang sakin akala siguro papasok ako sumilip lang naman ako. Umiling lang ako dito sabay talikod na at naglakad nang muli.













Pag-uwi ko sa bahay tanging mga katulong lang nila bria ang naabutan ko "Ah manang nandito na po ba si bria?" Nakasalubong ko ang isa sa mga katulong nila tsaka nagtanong
















"Naku Uno kanina nandito hindi ko lang alam ngayon baka nasa kwarto niya" nakangiting sagot niya















Umakyat na ako sa kwarto namin ni bria nang makarating na ako ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto at isang magandang binibini ang aking natunghayang natutulog














Mabuti naman nandito na siya kung hindi baka bigwasan ko ito haha joke lang

















Nakangiti akong umupo sa tabi nito pinagmamasdan siya,sana matanggap niya ako kapag binigay ko ang gusto niya isa lang naman ang pumipigil yun ang sikreto ko








Nakita kong nagmulat ito ng mata sabay sabing "Ngayon ka lang?" Hindi na siya nagtataray bagkus nakangiti itong tumingin sakin








"Ahm oo pinagmamasdan lang kita ang ganda kasi ng view" sabi ko dito dahan dahan itong bumangon at tumitig sa akin na siyang pinagtaka ko











"Bakit? May dumi ba ako sa mukha? Napapangitan kana ba sakin?" Biro ko dito umiling lang ito












"Sorry..sorry sa nangyari alam kong hindi kapa handa sa mga ganitong bagay at tama ka masyado pa tayong bata para gawin yun ng maaga" nakangiting sabi niya sakin sabay lapit sakin at ako ay kaniyang niyakap











"Hayst akala ko talaga hindi tayo magkakabati.. Darating din naman tayo sa mga bagay na yan" niyakap ko din siya ng mahigpit ng biglang may naalala ako










"Ay teka may nakalimutan kang sabihin sakin" kumunot naman ang noo niya "Saan ka pumunta kanina? Sabi mo makikipag date ka baka sakaling dun mapagbibigyan ka" lungkot-lungkutan kong ani










Tumawa lang naman si bria "Baby nagbibiro lang ako kanina dahil sobrang bwisit ako sayo tsaka nakipagmeet lang ako sa mga pinsan ko"











Tumango na lamang ako pero nakakapagtaka biglang naglumikot ang mga mata nito parang may mali kay bria ngunit pinagsawalang bahala kona lang ang nakita ko sa mga mata niya.











KINABUKASAN










Kinabukasan masaya akong gumising dahil nga sa masarap na ang tulog ko eh katabi ko pa ang babaeng mahal ko









Napagawi ang tingin ko sa pintuan ng makarinig ako ng katok tumayo ako at nagsuot ng tsinelas bago ito buksan. pagkabukas ko isang lalaki ang nakatayo sa pintuan











"Goodmorning dude!" ani nito habang nakangiti at pasimpleng sumilip sa kwarto para naman akong nainis sa inasal nito may pasilip silip pa "Oh btw I'm Tristan ong sorry kung naistorbo ko ang tulog niyo" saad pa nito pero seryoso lang ang mukha ko














"kaibigan niya ako, ako nga pala si uno at kung tatanungin mo kung gising na siya sorry bawal siyang maistorbo" seryoso kong sabi dito bigla namang sumeryoso ang pagmumukha niya at napabuntong hininga.














"Oww how sad, it's okay dude siguro maghihintay na lang ako sa kaniya sa baba" akmang tatalikod na ito ng tawagin ko ito














"Trixie-" naputol lamang ito ng kunot noo itong bumaling sakin sabay tikhim "It's Tristan dude not TRIXIE" parang hindi niya nagustuhan ang binigay kong pangalan malay ko ba.

















"Okay kung ano man tawag sayo, ka ano ano kaba ni bria?" tanong ko sa kaniya kita kong umarko ang labi nito na siyang kinainis ko
pero sobrang nainis ata ako sa sinabi niya

















"I'm Tristan and to answer your question girlfriend ko si bria" sarap sapakin pagmumukha nito men.
















"Boyfriend kailan pa?" dagdag ko pa
















"Hahaha dude alam kong kaibigan ka pero kasi masyadong private ang relation namin" mayabang itong ngumiti bago tumalikod tsk bastos na mahangin sana tangayin papunta sa impyerno.
















Muli akong pumasok sa loob ng kwarto hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi ng ulupong na yun o nagbibiro lang pero kasi may tiwala ako kay bria alam kong hindi niya ako lolokohin diba nga nagsisimula pa lang kami?














Dahan dahan kong binuksan ang kurtina na siyang kinagising niya hate niya kasi yung naaarawan siya kapag natutulog kaya nagising ito may naglalaro saking isipan sinasabi nitong wag akong maniniwala sa sinabi ng lalaki meron naman sa kabila na sinasabing baka niloloko na talaga ako ni bria at ang malala baka pinaglalaruan lang niya ako.
















"Baby naman eh! pakisarado ng kurtina ang sakit sa mata" reklamo nito habang nakapikit ang mga mata
















Hindi ako sumagot at umupo na lamang sa kabilang side ng kama parang nanghihina ako sa nalaman ko pero imposible talagang lokohin ako ni bria mahal niya ako at ganun din ako sa kaniya.
















Naramdaman kong niyakap niya ako sa likuran ko napabuntong hininga na lamang ako "Hey what's the problem?" sabi nito sakin ngunit tulad kanina ay tahimik lang ako
















"Baby ano bang problema mo? may hindi kaba sinasabi sakin?" kunot noo nitong sabi umiling lang ako sabay lingon sa kaniya


















"I love you bri" mula sa pusong sambit ko ngunit natahimik naman ang isa at bumitaw sa pagkakayakap


















duon na ako kinutuban..













Paano kung..

















"love you" maiksi niyang sabi pero hindi sakin nakatingin tumayo na ito at nagpaalam na maghihilamos lamang siya tumango lang ako.















Hindi ako ang mahal niya at..
















pinaglalaruan lang niya ako paano?..





















----

opszxc! 🥀

Continue Reading

You'll Also Like

377K 19.7K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
146K 5K 29
Historia #2 Penelope Andrea Smith Odysseus Miller Date started: May 21, 2020 Date finished: June 27, 2020
10K 523 52
Masyado akong bukas. Handa kong tanggapin ang lahat ng pumapasok. Tapos ang ending itatapon lang pala nila ako sa putik? Ngayong humihingi sila ng ta...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...