Could Have Been Better (Crush...

By PollyNomial

16.2K 600 58

Elaine Joy Mendoza was from Los Angeles. Pero kahit ilang taon na mula nang tumira siya roon kasama ang pamil... More

Could Have Been Better
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Ending
Lost With A Shattered Heart

Chapter 42

265 20 8
By PollyNomial

CHAPTER 42 — Halimaw


Wala kang karapatan, Elaine.

Iyon ang pinapaulit-ulit ko sa aking sarili habang sa gilid ng aking mga mata ay nasisilip kong magkausap si Conrad at Shayne.

Hindi na ako muling binalikan ni Conrad. When he left, he really left. Sa loob loob ko ay sarkastikong tinawanan ko na lang ang aking sarili. Hindi ba't nang-iwan din naman ako noon at hindi bumalik nang matagal na panahon?

Kaya nga wala na akong karapatan.

Bitbit ko ang mga bag ko nang masulyapan ko si Lorenzo na palapit sa akin. Ang unang pumasok sa isip ko nang makita ko siya ay iyong nangyari sa simbahan. I haven't had a proper explanation but I don't think I still need one. Hindi naman masama ang naidulot ni Lorenzo sa akin noon. I was shocked, yes. But no harm done. And maybe he has reasons that he can't tell me. Hindi rin naman nagsabi si Vans o Celine tungkol doon. Kaya naman kinalimutan ko na lang din.

Sinalubong niya ako ng sikat niyang ngisi. His white teeth was peaking behind his lips. Pinasadahan pa niya ang kaniyang buhok na mas lalong nagpalakas ng dating niya.

If there was one thing about Lorenzo that I like, it was his ability to lift anyone's mood up just by showing off his full smile and bright aura.

Hindi ko alam kung ano ang nakatago sa likod ng ngiting iyon pero nagagawa niyong pagaanin ang pakiramdam ko. He seemed like a happy pill for anyone who's feeling down.

Ngayon, ang simpleng ngisi niya ay nagawang buhatin ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko.

"Hi, Elaine!" he beamed at me. Dinungaw niya ang dalawang bag na dala ko.

"Hello!" I greeted back. Isinukbit ko ang backpack sa likod ko habang ang duffle bag ay buhat ng dalawang kamay ko.

"Need help?" he asked while pointing his lips to my things. "Kanino ka ba sasabay?" Lumipat ang tingin niya sa kotseng nasa likod ko. The way his eyes speak tells me that he already knows where I just came from.

"Kay Celine ako sasabay," mabilis kong salita upang malihis na ang isipan niya. "Alin ba ang van na gagamitin nila para mailagay ko na ang mga gamit ko," sabi ko sa kaniya habang tinitingnan ang dalawang puting van na nakaparada.

"They're not using any of the vans. Sabay sabay kaming tatlo sa sasakyan ni Vans," aniya.

Tumango ako at hinanap ang sasakyan ni Vans. Nakita ko naman agad ito sa tabi ng isa sa mga van. Maglalakad na sana ako palapit doon nang hawakan ni Lorenzo ang duffle bag na dala ko.

"Tulungan na kita riyan," aniya.

Hinayaan ko na lang siya dahil naagaw na rin niya sa akin ang bag. Naglakad siya patungong sasakyan ni Vans at sinundan ko naman siya. He opened the compartment and there I saw more bags that are probably owned by the cousins and Celine.

"Kung sasabay ka sa amin, hmm, magkatabi tayong dalawa," mapang-asar ang tono ni Lorenzo.

Tinaasan ko lang siya ng isang kilay pero ang totoo ay hindi naman ako naiirita sa kaniya. He somehow reminds me of Kavan, my close friend from the states.

And speaking of Kavan, the promise that I made that I would call him and Rhyna didn't happen anymore. Naubos ang aking oras sa trabaho nitong nakaraang linggo at pag-uwi ng bahay, ang nais ko na lang ay magpahinga. Kailan ko kaya makakausap ang mga naiwan kong kaibigan sa L.A.? I hoped they were here with me.

"Put your backpack here," ani Lorenzo habang tinuturo ang bakanteng pwesto katabi ng duffle bag ko.

Umiling ako. "Sa tabi ko na lang ito, Lorenzo," sambit ko sa kaniya.

Tumango naman siya at sinara na ang compartment ng sasakyan. Sa kaniyang likod ay nasilip ko si Conrad na panaka-naka kaming tinitingnan.

Shayne was still talking to him. Hindi na ba sila nauubusan ng pag-uusapan?

Humalukipkip ako dahil naiirita pa rin ako sa pagtatalo naming dalawa kanina. Sana ay hindi na lang siya nakipaglaban sa akin kung sa huli ay susuko rin naman siya.

"Looks like you two are still not in good terms," ani Lorenzo sa aking tabi.

Sa puntong ito ay hinanap ko ang presensya ni Celine. Where is she? Kung nandito siya ay malamang nakalayo na ako sa lugar kung nasaan din si Conrad.

I inhaled and exhaled a few times before I answered Lorenzo. "I thought it'd be okay with me if I see him with someone else," utas ko sa isang kasinungalingan. Alam ko sa sarili ko na kahit kailan ay hindi ko matatanggap na may iba na siya.

"That's plain stupid," walang prenong bulalas ni Lorenzo. "No one would be happy if you see the one you love with someone else."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. His eyes were full of emotion. Haluhalo iyon na kung iisipin kong maigi, o kung pagdududahan ko siya, hahantong ako sa konklusyon na nasa pareho kaming sitwasyon.

Tiningnan ko ang babaeng kasama ni Conrad.

"Do you like Shayne?" I suddenly asked without even thinking.

Nabigla rin ako sa tanong ko. May parte sa akin na sana ganoon nga. Sana silang dalawa na lang. Ipinilig ko ang aking ulo at hinintay na lang na sumagot si Lorenzo.

Hindi sumagot siya sumagot. Nang iangat kong muli ang aking tingin sa kaniya ay may malawak na ngisi sa kaniyang mukha. Habang pinagmamasdan ako ay nagsimula siyang humalakhak na tila may narinig na nakakatawang biro.

"Where'd you get that?" he asked with amusement in his eyes.

Hindi ko siya maintindihan. Naisip ko lang naman na baka pareho kami ng pinanggagalingan. At kaya masyado siyang apektado kay Conrad at Shayne ay dahil gusto niya si Shayne. Bakit pinagtatawanan lamang niya ito?

"O baka naman si Conrad ang gusto mo?" nangungunot na ang aking noo habang siya ay mas lalong lumalakas ang halakhak na hindi matapos tapos.

"Kayong mga babae, napakamapaghinala niyo," aniya sa akin habang hindi tumitigil sa pagtawa.

Dumila ako at binasa ang aking labi. "So, you're saying I'm wrong? Si Shayne, hindi mo ba siya gusto?" tanong kong muli dahil hindi naman niya talaga sinagot ang tanong ko.

"I don't care about her. I don't like her, to answer your question. We were just acquaintances because I usually play basketball with her brother before. And no, until now, we don't consider each other as friends. We have a mutual friend, though. Si Conrad," he explained to me.

Humigpit pang lalo ang paghalukipkip ko. Siguro ay ito na lang ang paraan ko upang protektahan ang puso ko.

"K-kailan naging sila?" tanong ko sa kaniya. Kagat kagat ko ang aking labi pagkatapos ng tanong kong iyon.

I am on the verge of crying the hell out of me. Sa tuwing napag-uusapan talaga ito ay parang pinapatay ako.

"No one knows, actually. One day it just happened. Conrad didn't even court her. At least, that's what I know. Malihim silang dalawa. Nagulat na lang ako nung nalaman kong sila na pala," wika niya.

It was like a hammer smashed my heart when I heard what Lorezon said.

Kailan nga kaya nagsimula? I could still remember the pictures that I saw before on Facebook. Iyong kasama ni Conrad si Shayne. I still remember the day when I confronted Conrad and asked him about her. Mariin niyang itinanggi si Shayne. Naniwala ako noon sa kaniya. Hanggang ngayon ay naniniwala akong totoo ang sinabi at ipinangako niya noon sa akin na walang namamagitan sa kanilang dalawa. Pero ilang taon na ang lumipas. Maraming maaaring mangyari. Maybe, through the years, they learned to love each other. Conrad forgot his promise to me and he learned to love Shayne.

Imbes na durugin pa ang aking puso nang sobrang pino ay ngumiti na lang ako at tumalikod sa dalawang taong walang kayang gawin kundi wasakin ako.

I faced Lorenzo and showed him a genuine smile. It really was genuine, actually. Ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang pait na kaakibat ng ngiting iyon.

"I'm happy for him. He found someone and that's what is important to me," utas kong nanginginig ang mga labi.

Para akong baliw na natawa sa harap niya nang may maisip.

"Why are we talking about this, anyway? Sa lahat dito, ikaw pa talaga ang kinakausap ko tungkol sa bagay na 'to," natatawa kong wika.

"Who'd you talk to instead of me, then? The maids? The driver? O silang dalawa mismo?" sarkastikong tanong niya. "Siyempre, sa akin mo na lang ilabas 'yang mga hinanakit mo. I like helping the needy. I like lifting people's spirits up," magkasunod niyang sambit habang abot tainga ang ngiti sa akin.

Napailing na lang ako. Kinalas ko ang pagkakahalukipkip ng aking mga braso at humarap sa kaniya.

"Well, thank you, Mr. Lorenzo Fajardo. I did not expect this from you. Hindi naman kasi tayo close," sambit ko na tinawanan lamang niya. "Noong high school ako, hindi ko kailanman naisip na makakausap kita nang ganito," I told him. Deep in my heart I was so grateful.

"We don't have to be close to share things with each other, Elaine. Sometimes, the same experience we had would be enough for us to sympathize and help each other to feel better," aniyang sa tingin ko ay hindi na rin niya napag-isipan pa. Baka hindi niya batid na nasasabi na niya ito sa akin. Iyon ay dahil sa kakaibang kislap sa mga mata niya.

There was something in his eyes that opposes the happy face he's sporting. Hindi tunay ang ngiting ipinapakita niya sa akin.

Tinapik ko ang kaniyang balikat.

I couldn't ask him about his own problem. Hindi ko nakasanayan ang ganoong ugali lalo na kung kakikilala ko pa lamang sa tao. Hindi naman ako kasing pakealamero niya. But the fact that he's talking to me about my problems with Conrad was really helping me a lot. I wanted him to feel the same way. Gusto ko rin siyang tulungan. But I won't be nosy if he doesn't want to talk about it. Kasi, kung may problema siya ay sana nagsabi na siya, hindi ba? Natanong ko na kung may gusto ba siya kay Shayne ngunit ang sagot niya ay wala. That means, there was another peson involved here.

"I'm also here for you. Ready to sympathize with you," usad ko sa kaniya.

Saglit na umawang ang kaniyang bibig na bumalik din naman sa nakasanayan nitong gawi, ang pagngiti.

Isang malutong na tikhim ang pumutol ng usapan namin ni Lorenzo. Nawaglit din ang ngiti sa mga labi ko.

I did not intend to look at the person who interrupted us because I already knew who it was.

Si Lorenzo ang bumaling dito at dahil nga si Conrad ito, mas lalong lumiwanag ang mukha niya sa nakakaasar nitong ngisi.

"Bro," ani Lorenzo at iniumang ang kaniyang kamao kay Conrad.

I saw from my peripheral vision that they fist bumped each other.

"I'll talk to Elaine, Lorenzo. Pwede bang iwan mo muna kami," ani Conrad sa seryosong tono.

What should we talk about, huh? Is this another painful conversation between the two of us? Tuwing nakikita o nakakasama ko siya ay wala akong ibang nararamdaman kundi sakit at hapdi sa aking puso. When will this end?

"Okay! I'll look for Vans. Dapat ay umalis na tayo dahil palubog na ang araw." Iyon lang ang sinabi ni Lorenzo pagkatapos ay umalis na siya.

I watched him as he entered the house.

Malakas at papansin ang tikhim ni Conrad.

Suminghap naman ako at nirolyo ang aking mga mata. The guards are acting as a barricade between us.

"Anong pinag-uusapan ninyong dalawa?" tanong ni Conrad sa akin. Ni hindi man lang ba niya naisip o naramdaman na ayaw kong makipag-usap at naiilang ako sa kaniya?

Hindi ko nga siya matingnan nang maayos pero heto siya, ang lakas ng loob kausapin ako.

"None of your concern," malamig kong utas. Though, we are really talking about him. Pero wala na siyang pakealam doon.

Mariin siyang nagmura kaya tinapunan ko siya ng matalim na tingin. When did he get accustomed to cursing?

"I told you not to go near him or speak to him. He's trouble," paalala niya.

Kinagat ko ang aking labi dahil nagbabadya na naman ang lahat ng sakit at sama ng loob ko.

"Hindi ko makita ang sinasabi mo, Conrad. If you think that he's trouble, then for me, he's not. Hindi ko alam kung bakit pinapalayo mo ako sa kaniya. We are starting to become friends, for your information," pahayag ko. "He's Vans' cousin and Celine's friend. Through that fact, I know that he's a good man. Wala namang masama kung makipag-usap ako sa kaniya," mahabang litanya ko. "He's also your friend, right? Bakit ba sinisiraan mo siya?" bintang ko sa kaniya.

Umawang nang kaunti ang labi niya at ilang sandaling hindi nakasagot sa tanong ko. He just stared at me like he was reading what's on my mind, as if I was very transparent that he could see through my soul.

Itinagilid ko ang aking ulo. Shayne was no where to be found. Nasaan na naman ba siya at iniwan pa niya itong si Conrad? Sana ay palagi na lang silang magkasama para hindi na ako nahihirapan nang ganito. Labis na pasakit sa akin ang makausap si Conrad sa bawat segundo.

"Hindi ko siya sinisiraan, Elaine. Gusto ko lang na mag-ingat ka—"

"I can take care of myself. Isa pa, why do you care?" putol ko sa kaniya.

I bit my lower lip when I saw that he was surprised with my answer. Bakit gusto niya akong mag-ingat? Dahil iyon ay pangako niya kay daddy?

Hindi siya sumagot. Muli ay tinitigan niya lang ako. Direkta sa kaluluwa ko ang mga mata ni Conrad na sa anomang oras, kung hindi niya puputulin iyon ay susuko na ako. I might kneel in front of him and ask him to return to me. To take me again. To accept me like nothing happened. To forgive me for that's all I ever wanted.

Nagbadya ang aking mga luhang hindi pa yata mauubos hanggat alam nitong nasasaktan pa rin ako.

Before anyone of us could speak again, Celine appeared in the doorway of their house and her eyes immediately found us.

Mabilis kong itinago ang lahat ng hinanakit ko at nagpaskil ng ngiti sa aking labi. Iniwan ko si Conrad na hindi naman ako pinigilan. Lumapit ako kay Celine at mahigpit siyang niyakap.

"Hi! Sabi sa'yo, e. Makakasama ako," usad ko ngunit sa loob loob ko ay gusto ko lang ng taong dadamayan ako sa mga nararamdaman ko.

"Nakarating ka na pala. Hindi ka nag-rereply sa text ko. Dapat ay ipapasundo kita, e," aniya sa akin nang bumitaw ako.

Napanganga ako sa sinabi niyang iyon. Ipapasundo niya ako? Hindi niya alam na narito na ako?

Nilingon ko si Conrad na nakanguso lamang habang hinahagod ang batok.

Pagbaling ko kay Celine ay may pagtataka sa kaniyang mga mata. Kumunot ang noo niya sa kakambal.

Huminga ako nang malalim bago hilaw na nginisihan si Celine. "Halos kararating ko lang. I saw Lorenzo and he helped me put my bags in the compartment of your car," I informed her.

It's not important anymore to tell her that Conrad was the one who brought me here. Bahala na ang lalaking iyon. Nagsinungaling siya sa akin. Kaya nga nagtataka ako kung bakit siya pa ang naisipan ni Celine na sumundo sa akin gayung alam nito ang sitwasyon naming dalawa. Iyon pala, kusa lang niyang inalok ang sarili niya na kumuha sa akin sa bahay.

For what, huh, Conrad? To tease me? To provoke me? Para ba makaganti ka sa mga ginawa ko sa'yo noon? I bet he would be happy when he knew how affected I was. How much pain he could give me. How his every word stabbed me like a sharp knife. Makukuntento kaya siya kapag nalaman niya iyon?

Hindi na kami naghintay pa ng oras. Nakahanda na ang lahat at ang mga tao na lang ang hinihintay. Hindi na ako humiwalay kay Celine upang wala nang taong makalapit sa akin. Kung hindi siya ay si Lorenzo ang kasama ko habang naghihintay na umalis kami.

Pumasok din ako sa loob ng kanilang bahay upang batiin sila Tito Enrico at Lola Encar. I still feel the same whenever I see or talk to Lola Encar. Siguro dahil sobrang malambot ang aking puso para sa kaniya. Itinuring ko kasi siyang pamilya. Isa rin siguro sa dahilan ay dahil matanda na siya at mas nakokonsensya ako dahil doon. But she made sure that everything's okay. Hindi siya galit sa akin.

"Elaine, come here!" tawag ni Celine sa akin nang nasa labas na kaming lahat.

Isa isa nang sumasakay sa sasakyan ang mga taong kasama namin. There are a lot of people coming but the closest ones like their relatives will ride the van. Ang iba ay hahabol na lang gamit ang sarili nitong mga sasakyan.

Lumapit ako kay Celine.

Sa tabi niya ay dalawang lalaki at isang babae. They look like my age, maybe a bit younger or older. Una kong napansin ay yung lalaking nakatungo at nakapamulsa lamang. His aura resembles Vans'. Yung mukhang suplado at hindi makakausap nang matino. The other guy acts the same as the first one but his face looked more appealing in a way that you'd think that he's more approachable than the other one.

"This is Warner, Deneb and Eden. They are my cousins," pakilala ni Celine sa mga ito.

Eden was the first one to greet me. "Hi!" she said while slightly waving her hand.

Nginitian ko silang lahat. "Hi! I'm Elaine," I introduced myself.

Deneb, the one who looked more approachable, smiled at me. "It's nice to meet you," aniya. Ang punto niya ay pang dayuhan.

While the other one just stared at me. Pero sa huli ay tipid din itong ngumiti at bumati. "I'm Warner," he simply said.

Nakakailang ang mga mata niya pero nginitian ko na lang.

Pagkatapos niyon ay sumakay na kaming lahat sa sari-sariling mga sasakyan. Ang mga pinsan ni Celine ay roon sumakay sa van habang ako naman ay kasama sila Celine, Vans at Lorenzo.

Ito na yata ang pinaka relaxing na parte ng araw na ito. Bukod sa trabahong nakakapagod ay may isa pang nagdudulot sa akin ng pagod ngunit sa ngayon ay malaya ako sa kaniya.

Kanina ay nakita kong sumakay si Shayne sa sasakyan ni Conrad. Kung pumayag ako sa pamimilit ni Conrad ay ano na lang ang magiging parte ko habang kasama ko sila? I don't want to ruin their moment.

I could imagine myself seating at the backseat of his car and watching them being sweet to each other in the fronseat. Nakakahiya! Tama lang ang sagad sa buto kong pagtanggi kay Conrad na sumakay sa sasakyan niya.

"If you are hungry, Elaine, may food diyan sa likod. Ipaabot mo na lang kay Lorenzo," ani Celine mula sa harap.

Binalingan ko si Lorenzo na taas-baba ang kilay sa akin, sumasang-ayon sa sinabi ni Celine. I grinned and shook my head.

"I'm okay. Mamaya na lang siguro," sabi ko sa kanila.

"Mahaba haba ang biyahe natin," si Vans naman ang nagsalita. "If there's traffic, more or less, five hours," aniya.

Dahil doon ay naisipan ko na lang matulog. Isinalpak ko ang earphones sa aking tainga at nagpatugtog ng malalamlam na kanta mula sa aking phone. Lorenzo did the same thing. Habang si Celine ay hindi naman tinulugan si Vans upang may makausap pa rin ito. Hindi siguro siya matutulog dahil may dala siyang libro na babasahin.

Pagdilat ng mga mata ko ay madilim na sa labas. Nasa express way na kami at mahaba haba pa rin ang tutunguhin namin.

I didn't feel the time because I slept again. Probably because of exhaustion from work. Nang magising ay hindi na ako muling nakatulog at naghintay na lang na makarating kami sa Batangas. Lorenzo replaced Vans in the driver's seat. Paggising ko ay si Celine na ang nakatabi sa akin habang si Vans naman ay natutulog sa dating pwesto ni Celine.

"Sinong nagdala sa'yo sa bahay kanina?" tanong sa akin ni Celine nang wala na kaming mapag-usapan.

Sinasabi ko na nga ba at hindi ako makakalagpas sa tanong na ito. "Si Conrad," matipid kong sagot.

"Hindi ko alam 'yon. Ang bilin ko kay Lorenzo ay siya na ang sumundo sa'yo. But I remembered na hindi naman niya alam ang bahay ninyo kaya si Vans sana," paliwanag niya sa akin.

"Okay lang 'yon. 'Wag ka nang mag-aalala. Hind naman kita sinisisi," utas ko.

Nakita ko ang paghugot ni Celine na malalim na hinga. "My twin's so secretive. Hindi ko na alam kung anong nasa isip niya. Sobrang malihim na niya. I cannot read him, anymore, Elaine. Dati, kaya ko pang alamin ang mga nasa isip niya pero ngayon, ang layo layo na niya sa akin," aniya.

Nalungkot ako sa sinabi niyang iyon. Naalala ko pa noon kung gaano kalapit sa isa't isa si Celine at Conrad. Oo, minsan ay para silang aso't pusa kung mag-away pero kakaiba pa rin ang pagiging malapit nila. They said that it's a thing about twins.

Kung totoo ang sinasabi ni Celine, nararamdaman ko na kung gaano kalungkot para sa kaniya ang pagiging masikreto ni Conrad.

"But don't get me wrong. I did not blame you for anything. Si Conrad naman kasi ang nagdedesisyon para sa sarili niya," pahabol niya.

Malungkot pa rin akong ngumiti. "Pero sorry pa rin. Naglihim ako sa'yo kaya wala kang alam."

"I already forgave you for that, Elaine. Tapos na 'yon. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hanggang ngayon ay nagpapakagago si Conrad. He said he doesn't want anything to do with you and then days later he'd fetch you? And what's with Shayne? Ngayon ko lang sila nakikitang parating magkasama. She's always with him," usad niya sa mga gumugulo sa kaniya.

Nakita ko ang paggalaw ng ulo ni Lorenzo mula sa harap. Malamang ay naririnig niya ang usapan namin.

Nagkibit na lang ako ng balikat. "Ang gusto ko na lang din ay matapos na ito. I really want him to forgive me. Pero hindi ko na alam kung paano ko siya kakausapin ulit. You saw what happened when I tried..." mapait akong ngumiti. "Halos mandiri siya sa akin," sabi ko nang maalala kung paanong mabilis na lumayo sa akin si Conrad nang humingi ako ng tawad sa kaniya.

It's clear that he didn't want my apology. Sinabi niyang kalimutan na lang ang lahat dahil tapos na at maging siya ay kinalimutan na iyon. Ibig sabihin ay wala na. Wala nang dapat balikan pa.

Tinanguan ako ni Celine. Naiintindihan niya ako. Marahil iba kami ng pinagdaanan sa buhay pero sa lahat ng panahong magkasama kami ay wala siyang ginawa kundi damayan at samahan ako sa mga problema. Kahit noong mga bata pa kami at mga simpleng bagay pa lang ang pinoproblema namin.

Nakarating kami sa Batangas matapos ng apat na oras. Ang sabi ni Celine ay talagang malayo ang lugar na napili upang mas maging pribado ang lahat. The resort was rented only for us. Kaya sa loob ay kami lamang ang mga tao at wala nang iba.

We entered the resort and I couldn't help myself when I saw the beach. Kaya naman binuksan ko ang bintana upang amuyin ang sariwang hangin na amoy dagat. Celine did the same and we both laugh at ourselves.

Ang dalawang lalaki sa harap ay nagtatalo na kung saan ba dapat iparada ang sasakyan.

"Nag-iisip ka ba, Lorenzo?," naiiritang utas ni Vans. "Let's just ask someone to park the car later. Ibaba muna natin sila Celine sa hotel para makapagpahinga na sila," ani Vans.

"Fine!" suko ni Lorenzo nang maisip na mas tama ang kaniyang pinsan.

Ang gusto kasi niya ay iparada na ang sasakyan. Malayo sa hotel ang car park kaya mahihirapan kami lalo na at marami kaming dala. Lorenzo's suggestion was to call a staff who would bring our things in the hotel. Pero mas maganda ang suhestyon ni Vans na sa hotel na kami mismo tumigil at doon na tumawag ng magdadala ng gamit at magpaparada ng sasakyan.

"Nagsisimula ka na sa husband duties mo," ani Lorenzo. "Kulang na lang buhatin mo si Celine para hindi na siya mahirapan pang kumilos," pang-aasar ni Lorenzo kay Vans.

Sinutok naman siya ng pinsan sa tagiliran. Umubo siya sa ginawa nito ngunit tumatawa pa rin.

"Kung makapagsalita ka parang hindi mo 'yon ginawa," iritadong sabi ni Vans.

Tumigil si Lorenzo sa pagtawa niya. I was also laughing but I stopped when I saw Lorenzo's serious face. What happened?

Nakikinig lang ako sa kanila nang bigla silang manahimik.

"Kayong dalawa, tumigil na kayo!" ani Celine upang pigilan ang pagbigat ng hangin sa paligid namin.

Naging tahimik din si Vans. Sa tingin ko ay may mali siyang nasabi.

Imbes na mang-usisa pa ay nanahimik na lang din ako.

Nang nasa harap na kami ng hotel ay sabay sabay na naming bumaba. Si Vans ay lumapit kaagad kay Celine at hinapit ito sa baywang. Lorenzo, on the other hand, changed from jolly to deadly. Seryoso at may talim sa mga tingin niya. Kung hindi ko nga siya kilala ay matatakot na ako sa kaniya.

Si Vans na ang kumilos at tumawag ng maaaring tumulong sa amin. Siguro ay hindi pa dumadating ang iba dahil wala pa akong nakikita sa kanila. The real person I was trying to look for is not yet here. Nilinga ko ang aking ulo pero wala pa talaga.

"We booked the whole resort, Elaine, so you can get your own room if you want. Or do you want to share a room with Celine?" tanong sa akin ni Vans.

Kasalukuyan kaming nasa reception.

Tiningnan ko si Celine na nakangiti. Bumalik din ang mga mata ko kay Vans na nakataas ang kilay at naghihintay ng aking sagot.

"I'll have my own room," sagot ko sa isiping makakaistorbo ako sa dalawa kung maghahati kami ni Celine ng kwarto.

Who knows? Baka gusto pa lang makasama ni Vans si Celine.

Natawa ako sa aking iniisip nang may sumiko sa akin. It was Lorenzo. Nakakaloko na ang isang 'to. Kung kanina ay tila sumama ang mood niya, ngayon ay bumalik na ito sa dati.

"Good decision. 'Yang si Vans, gusto palaging naso-solo si Celine," matabang niyang sabi.

Unti-unting nangunot ang aking ulo. Pinalo ko siya sa braso nang may mapagtanto.

"Hey! Don't tell me, may gusto ka pa kay Celine. Tama ba?" bintang ko sa kaniya. Tama! Si Celine nga siguro ang babae.

"What?" gulat niyang tanong. "For God's sake, that was years ago, Elaine! Even Vans believes that I don't like her, anymore. And who told you about that, huh?"

"Hula ko lang," tinaasan ko siya ng isang kilay. "And see, totoong nagustuhan mo nga si Celine," I concluded.

"I wouldn't deny that. Alam ng lahat 'yan. Except for you. How did you know?" aniyang dahan dahang lumalapit sa akin.

Ako naman ay paisa isang hakbang na lumalayo.

"Hula ko nga lang," giit ko sa kaniya.

Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya ang mga kwentuhan namin ni Celine noong nag-uusap pa kaming dalawa dati nung mga high school pa lang kami. Baka magalit si Celine at magmayabang pa itong si Lorenzo.

"Ano ka manghuhula? Sinong nagsabi sa'yo?" pamimilit ni Lorenzo.

"Why is it important? Akala ko ba hindi mo na siya gusto? Unless, tinatago mo lang..." napatili ako nang abutin bigla ni Lorenzo ang tagiliran ko at kilitiin ako ng ilang beses.

Sobra sobra ang tawa ko at hindi ko alam kung paano ko ilalayo ang katawan ko sa mahahabang braso niya.

"Stop it, Lorenzo!" tili ko sa kaniya. Walang ibang tao bukod sa aming apat at iilang staff kaya malaya akong nakakasigaw.

I saw Celine smiling widely at the two of us. Si Vans naman ay umiiling.

When Lorenzo stopped, he reached for my waist and snaked his arm around me. "Hm, sarap panoorin," ani Lorenzo habang nakatingin sa akin.

Hinihingal pa ako kaya wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. "What did you say?" tanong ko sa kaniya.

Ngumuso siya. Mas hinapit pa niya ang aking baywang. Sa tingin ko ay namumula ito sa kakatusok ni Lorenzo kanina para lang makiliti ako.

Nangunot ang aking noo. "What?"

"'Wag kang papahalata. Pero tingnan mo sa harap mo. May halimaw na papatay ng tao," aniya sa akin.

Ginawa ko ang sinabi niya. Pasimple akong tumingin sa aking harap. It was the glass door that I saw and behind it was the monster that Lorenzo was referring to.

Damn. Tama si Lorenzo. Parang halimaw si Conrad na papatay ng tao.

Poging halimaw, Elaine.

Napalunok ako at pinilit kumalas sa braso ni Lorenzo. 

Continue Reading

You'll Also Like

163K 4.4K 47
Art. Roses. Sweets. One Direction. Paris. And a baby. These are the things Cassidy Mendez are in love with since she experienced a traumatic heart br...
1.7K 118 53
Figure skater, Gaia Merceline Romualdez fell on her bestfriend's crush, Brandon Nicholas Rinoja after meeting him on her Aunt's wedding. She thought...
23.2K 655 46
When he started singing, he shines like the brightest star in the night sky. A star that I don't want to stop from shining, because when it does I kn...
1.3K 82 19
It was summer when I got lost in the middle of nowhere-a paradise. Then, my eyes fixated to a girl who's sitting on a wooden rocking chair; in a fai...