Could Have Been Better (Crush...

By PollyNomial

16.2K 600 58

Elaine Joy Mendoza was from Los Angeles. Pero kahit ilang taon na mula nang tumira siya roon kasama ang pamil... More

Could Have Been Better
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Ending
Lost With A Shattered Heart

Chapter 40

233 15 0
By PollyNomial

CHAPTER 40 — As A Person


Gulong gulo pa rin ang utak ko sa nangyari sa pagitan namin ni Constantine kanina. I understand his point. Tama naman ang sinabi niya. May karapatan din siyang pagalitan ako dahil boss ko siya. Tungkol naman sa trabaho ang dahilan kung bakit ako napagalitan kanina.

At kahit na ipilit kong maganda ang intensyon ko na pumasok nang maaga, may punto pa rin siya. Tama siya na dapat ay hindi ganoon kaaga ang pasok ko. I over reacted. Sumobra naman yata ang kasipagan ko. I should have used the excess time in sleeping more. Kung sana ay ginawa ko iyon ay hindi ako nadatnang tulog ni Constantine.

Iyon lang naman kasi ang ikinagalit niya. I might not function well if I'm not well rested, that's his point. Wala akong mahanap na mali sa pahayag niyang iyon.

"Prepare yourself, Elaine," nagitla ako sa boses ni Constantine. "We'll go to the conference room in ten minutes," aniya nang hindi man lang ako tinitingnan.

His eyes were solely focused on his laptop. A bunch of papers was also stacked on the side.

Ngumuso ako at nag-asam na sana ay may ginagawa na rin ako. Tanungin ko kaya siya kung may maitutulong ako? But he looked like he didn't need any help. Nakatuon lamang ang atensyon niya sa trabaho at baon na baon siya roon. I'm sure that he'll call me if he needs my help.

Pagkalipas ng sampung minutong sinabi niya ay sinara niya ang laptop at ibinalik sa tamang ayos ang mga papel na nasa gilid nito.

I also fixed myself. Inisip ko kung ano bang kailangan kong dalhin. I chose to bring a notebook and pen, the one he gave me yesterday. Tomorrow, I must bring my own laptop. Mas madaling gumamit nito kaysa magsulat.

After a while, he stood up and glanced at me.

"How's the minutes of the meeting yesterday?" tanong niya habang inaayos ang kaniyang mga dadalhin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil siguradong mapapagalitan na naman ako. "I'm sorry po. But I wasn't able to do it. Pero nandito po iyon sa notebook na ibinigay niyo. Maayos naman po ang pagsulat ko..." Tumigil ako nang walang reaksyon siyang tumango sa akin.

"It's okay. Wala naman akong instruction na kailangan ko iyon ngayon. Just do it after the meeting. I need the file before you go home," aniya.

"Yes po," I obeyed.

Sabay kaming lumabas ng kaniyang opisina. Ako ay nakasunod sa kaniyang likuran.

Ang conference room na tinutukoy niya ay nandoon lang sa tabi ng office niya. He opened it for us. There's no one yet inside. Kaming dalawa pa lamang ang tao.

"Can you assemble this for me?" tanong niyang tinutukoy ay ang kaniyang laptop at ang projector na nasa mesa.

I obeyed and reached out for his laptop. Lumapit naman ako sa projector at isa isang kinabit ang mga kable roon. Mabuti na lang at marunong akong mag-assemble nito. I am familiar with this because we usually do this before when I was still studying for reports and presentations.

Abala kong ginagawa iyon habang siya ay binabasa ang laman ng folder na hawak niya.

Maya maya lang ay nakarinig na ako ng mga maliliit at mahihinang ingay mula sa labas ng conference room. Someone knocked from the outside three times and opened the door slowly. Isang lalaki ang nagbukas niyon at kasunod nito ang limang babae.

"Good morning, Con!" the man who first entered greeted our boss.

Ngumiwi ako nang marinig ang palayaw na iyon. Kailangan ko nang sanayin na maririnig ko iyon araw araw dahil ito talaga ang madalas na gamit nila. The name Constantine was a mouthful. Ako lang yata ang handang tumawag nang ganoon kahabang pangalan niya.

"Good morning," Constantine answered in a straight voice.

Three of the girls ogled at him and greeted him using their sweet voices. Saka ko lang napagtanto na ang mga babaeng ito ang nakasalubong namin kahapon nang sumakay kami ng elevator ni Constantine.

"Hi, Con," anang isa sa kanila. "How are you?" she asked. I couldn't ignore the way she looked especially because of her ash gray hair. Pwede pala ang ganitong buhok sa trabaho?

"I'm good, Draina. Thank you for asking," aniya.

"Ang tagal mong hindi pumasok, a. Mula nung nag-resign ang huling editorial assistant natin," anang isa pang babaeng kasama roon sa tatlong nagpapa-cute sa kaniya.

Hindi naman pinansin ni Constantine ang sinabi nito. Instead, he looked at me. "Open the file, please, Elaine. It's in the 'Montecarlos' folder," aniya sa akin.

Tumalima ako at hinanap sa kaniyang laptop ang folder. Binuksan ko iyon at nasa loob nito ang isang powerpoint presentation.

In my peripheral vision, I could see the three girls staring at me. Hindi ko lang malaman kung paano nila ako tinitingnan. If they really are the girls that I saw yesterday, I think I already have a hint of how they are looking at me right now.

Nagtataka lang ako kung bakit silang tatlo lang ang ganoon. Ang dalawang natirang babae ay tahimik lang na naghihintay.

"Any news about the Montecarlos project, dude?" the man asked. Hindi ko pa alam kung anong pangalan niya.

Nagkibit ng balikat si Constantine. After a few moments, one of the sides of his lips curved up.

"Oh, yes! You got it?" tanong nung babaeng nakilala kong si Draina.

"We just had our meeting yesterday. He said yes. Tito wouldn't reject me especially because he's dad's best friend," aniya na may kakaibang himig.

"That's great! So, is it our agenda for this meeting?" tanong ng lalaki.

"It is, Royce. I'll present to you my plans for the Montercarlos project," aniya sa mga ito. "But before that..." Constantine continued while walking beside me. "This is Elaine, our new editorial assistant," pakilala niya sa akin habang ang isang kamay ay nasa aking braso.

Nabigla ako roon ngunit tumayo rin naman agad ako upang magpakilala sa kanilang lahat.

All of their attention were directed to me especially Royce's. Ang tatlong babae ay nakahalukipkip. Magiging problema ko ba sila rito?

"Good morning, everyone. I'm Elaine Joy Mendoza," I introduced myself. "I genuinely look forward to working with all of you and I'm excited of the projects that we will be working together in the future," sinserong utas ko sa kanilang lahat.

Malakas ang palakpak ng ilan sa kanila habang ang tatlong babae ay mahihina at mababagal lamang na parang tinatamad sila.

Lumunok ako at kinabahan sa magiging pakitungo nila sa akin. If they are acting this way in our first meeting, how would they act when we are already working together?

Tiningnan ako ni Constantine. There was a hint of smile on his face. He nodded his head once as a sign of approval.

Isa isa naman niyang itinuro sa akin ang mga miyembro ng aming team.

"This is Royce, our art director," aniya. Lumapit si Royce sa akin at nakipagkamay.

"It's nice to meet you, Elaine. I also look forward to working with you," usad niya habang nakangisi sa akin.

I smiled shyly.

"And these are Draina, Pen, and Glaze, the designers. They work under Royce," patuloy niya sa pagpapakilala sa tatlong babaeng kanina pa ako pinadidilatan ng mga mata.

Nakaupo na ang mga ito kaya naman simpleng pagtaas na lang ng mga kamay ang ibinigay nila sa akin. Ganoon din naman ang ginawa ko. I waved at the three of them.

"While these two are Joselle and Desh," they are the editors and also proof readers. You'll be working closely with them in the future projects."

Ngumiti ako sa dalawa pang babaeng may ngisi na rin sa kanilang mga mukha. They came near me and offered their hands to me. Kinamayan ko silang pareho at nagpalitan pa kami ng mga magagandang salita tulad na lang ng kung gaano nila ako kagustung makatrabaho.

Naupo kaming lahat pagkatapos akong ipakilala ni Constantine sa kanila.

"You still have a lot of people to meet in future, Elaine, but for now, it's only the eight of us here," aniya habang nakamasid sa akin.

Tiningnan niya ang lahat ng nandito sa loob ng conference room.

"I just want to settle everything first before I present this to the board. I need ideas for new designs and plans for our next project. Remember, we stopped publishing our magazine for half a year and we need to regain our status in the media by the end of this month. We'll release our come back issue on April and we need it to be big. That's why I did everything to close the Montercarlos project," ani Constantine. "I still have to talk and close the deal with a number of people that we will feature in our next issue. For now, let's focus on the come back of our magazine," aniya.

Sobrang haba nang itinagal ng meeting. We brainstormed content ideas that we could include to the future content of the magazine. Nakakatuwa dahil maging ang mga ideya ko ay pinakinggan nilang lahat.

I couldn't believe how creative all of them are. Lalong lalo na si Constantine. Being the editor-in-chief really fits him. Lahat ng katangian ng pagiging isang editor ay nasa kaniya. He is a great leader and he listens to everyone. Kahit ang pinakamaliit na detalye ay pinapaunlakan niya.

That's where I saw that he's not too strict after all. Totoo naman pala talaga ang sinabi niyang mabait din siyang boss. Because even though some ideas were made just for fun, he was still able to improve it into an outstanding idea using his own creativity and vision. Hindi niya kami pinagalitan dahil kung anoano lang ang naiisip namin. In fact, all ideas were accepted by him.

The meeting was done after almost two hours.

Hindi ko naisama sa research ko ang tungkol sa pagtigil ng magazine na pinamumunuan ni Constantine. Iyon ang napag-usapan namin kanina.

He was the owner and the man behind the magazine which is one of the best sellings in the country for almost three years of its existence.

Nalaman ko lamang ito nung bumalik kami sa opisina at nagkaroon ako ng pagkakataon na mag-research ng tungkol dito.

They stopped publishing last year for an unknown reason. Wala akong mabasang balita tungkol dito na kumukumpirma ng tunay na dahilan kung bakit natapos bigla ang paglabas ng magazine sa media. There were some speculations but it was not proven. Ang sabi pa ay kusa itong itinigil ng pasaway na anak ni Constantino Arden dahil sa hindi malamang dahilan.

I doubted it. Sa tingin ko ay hindi naman ito kayang gawin ni Constantine. Bakit naman niya basta basta na lang ititigil ang sariling pinaghirapan niya?

Bizz Nest Philippines was one of the major business magazines in the country and more than a hundred thousand copies were sold each month in and even outside the country. Siguradong may matinding dahilan kung bakit ito huminto.

"Elaine," Constantine called my name while he was seating on his table and doing nothing.

Mukhang nagpapahinga siya mula sa meeting kanina.

"Yes po?" nag-angat ako ng ulo upang tingnan siya.

"Do you have plans this lunch break?" tanong niya sa akin habang nakamasid sa magiging reaksyon ko. Dinungaw niya ang kaniyang relo at hindi na muling ibinalik ang mga mata sa akin.

"Uhm..." kinagat ko ang loob ng aking pisngi. "Wala naman po," sabi ko.

Tanghali na pala. Hindi ko man lang naramdaman ang gutom ko hanggang sa sinabi niya iyon. I heard my growling stomach when I realized the time and that I haven't eaten anything aside from a piece of bread I had this morning.

Hinimas ko ito at ngumuso.

Tiningnan niyang muli ako habang pinaglalaruan ang kaniyang relo. "Do you wanna dine out?" tanong niyang nagpatigil sa akin.

Sinulyapan ko siyang muli. He was not that far away from me so I could see that he's serious.

Kakain kami sa labas?

"Kasama po ba ang team?" nag-aalangang taong ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin.

Why would we dine out together? Siguro ay para mag-celebrate sa natapos naming agenda kanina.

"Hm, no. Do you want them to join us?" mataman niyang tanong.

Dumagundong ang kung anong matigas na bagay sa dibdib ko. Hindi ako makapagsalita o makasagot man lang sa kaniya. Bakit niya ako tinatanong? Kung ayaw ko ay kaming dalawa lang, ganoon?

"Kayo po..." hiyang hiya na ang boses ko.

Hindi ako makasagot at dahil siya naman ang amo ay siya na lang ang magdesisyon.

He smirked and stood up. Nabigla pa ako sa reaksyon ng kaniyang mukha. "I'm sure they've already gone to lunch. It's past twelve already. Kanina pa nagsimula ang breaktime," aniya habang naglalakad palapit sa akin.

Inayos niya ang sleeves ng kaniyang itim na polo at ginusot iyon pataas sa kaniyang siko.

Now, he looked more casual in my eyes.

Nalunok ko ang laway ko habang pinapanood siyang naglalakad na parang modelo patungo sa akin.

I couldn't look away.

"Let's go? I'm sure you're hungry by now," sabi niya nang huminto siya sa harap ko.

"H-hindi naman po masyado..." tanggi ko.

Inayos ko ang aking bag at nanginginig pa ako habang nilalagay ang mga importanteng bagay roon.

"Hm, liar," he accused me. "C'mon. I'm starving, too. Kapag hindi pa tayo umalis ngayon ay baka tao na ang makain ko," aniya.

Napanganga ako sa biro niyang iyon. Natapon pa ang ilang laman ng bag ko dahil nabitawan ko iyon sa sahig.

Isang malakas na halakhak ang lumunod sa akin.

What the hell?

Pinagmasdan ko si Constantine na tumatawa habang lumuluhod sa harap ko. Kinuha niya ang mga gamit na natapon sa sahig. I was just watching him and doing nothing aside from it. Nang mag-angat siya ay tumigil ang mga mata niya sa akin.

"Close your mouth, Elaine... Are you that hungry, too?" he whispered, his face were only a few inches away from my face. Ngumisi pa siyang muli at iba na ito sa mga nakita kong ngiti niya noon.

Damn, Elaine.

Kumurap kurap ako para lang isalba ang sarili ko sa kung ano mang lumunod sa akin kanina. I reached for my belongings that he was holding. Hindi ko na iyon inayos pa at basta na lang itinapon sa loob ng bag ko.

Tumayo ako nang tuwid sa harap niya. While he was slowly standing up in front of me.

"Your ideas during the meeting were good, are you aware of that?" aniyang may nakakailang na tingin sa akin.

Nawala na ang mapaglarong tingin niya.

Umiling ako ng isang beses. "T-thank you po..." kabadong sabi ko dahil hindi ko na alam ang patutunguhan ng usapang ito.

"That's one of the things I want my team to have. Creativity and originality. Keep it up, okay?" he asked and there was sincerity in his voice.

Hindi ko napigilan ang ngumiti. "Okay, uhm... Constantine. Thank you," I said.

"Naiilang ka ba kapag tinatawag mo ako sa pangalan ko?" tanong niya.

Hindi pa rin kami umaalis sa dating pwesto namin. He was still standing so near that I could feel the heat coming from him.

"Uhm, medyo po," pag-amin ko.

"I see. Lahat naman kayo ay nailang sa una. But... I always tell you that you can use my nickname. Constantine is too long. You can just call me Con," ulit niya sa iniiwasan kong itawag sa kaniya.

Ngumiwi ako at umiling. "May kakilala po kasi akong Con rin ang nickname. Kapag tinawag ko po kayo nun, siya po ang unang naiisip ko... Para po kasing siya ang kinakausap ko at hindi kayo," amin ko sa tunay na dahilan kung bakit ayaw ko ang palayaw na iyon.

Para matapos na at hindi na niya ipilit.

Umawang ang kaniyang bibig. Sinara din niya iyon at nakakaintinding tumango. "I see..." aniyang tila wala nang ibang masabi.

"So, you'll really just settle with Constantine?" tanong niyang nakataas ang gilid ng labi.

Hindi ko alam kung bakit big deal sa kaniya masyado ang pangalan niya.

"Yes, Constantine," tango ko.

His eyes was filled with amusement. He smiled afterwards.

Wala naman siyang magagawa kung iyon talaga ang gusto ko. Pinapili naman niya ako at iyon ang pinili ko.

I just don't want to remind myself anymore of that person. As long as I can avoid it, I will. Kahit dito man lang sa aking trabaho.

Umalis kami ni Constantine sa kaniyang opisina. Dumiretso kaming dalawa sa lobby. Hindi naman nakalagpas sa paningin ko ang panonood sa amin ng ilang mga taong nakakasalubong namin. If Constantine is the son of the chairman, then he's also the boss of these people.

Mali bang sumama ako sa kaniya? Magkaka-issue ba kapag nakita nilang sabay kaming kakain sa labas?

But, what's wrong with that? I'm his editorial assistant. Malay ba nila kung trabaho ang ipinunta namin doon? Which, I'm sure, is just all about work. Marahil may mahalaga kaming pag-uusapan at tungkol iyon sa trabaho. Siguro ay may mga dapat pa akong malaman tungkol sa mga kailangan naming tapusin. I'm his editorial assistant, afterall.

But we didn't talk about anything related to work when we got to the restaurant that he chose.

"How's the food? Do you like it?" imbes ay tanong niya habang nasa gitna kami ng pagkain.

Mangha akong tumgin sa kaniya dahil hindi ko ito mapigilan sa sarap ng pagkain. "Sobra!" I said cheerfully.

Tumawa naman siya. Hindi ko napigilang panoorin siyang tumawa. Nakakatuwang isipin na may ganito naman pala siyang side. Kahit na kahapon lang kami nagkakilala ay nagiging kumportable na ako sa kaniya.

Siguro nga ay umiiral lang ang pagiging boss niya kaya suplado siya minsan.

"I hope you're not weight conscious. Red meat has a high number of calories and fats," imporma niya sa akin.

Steak ang kinakain naming dalawa dahil ito ang pinili niya kanina. When he asked me what food I would like to eat, I just let him choose for me.

"Mukha po ba akong weight conscious?" tanong ko habang sinusubo ang malaking tipak ng steak.

He chuckled at my response. "It's my fav, though. Despite of the calories and fats. Bumabawi na lang ako sa workout araw araw," kwento niya sa akin.

Masaya ako dahil kaswal na nag-uusap kaming dalawa at hindi siya masungit katulad na lang noong nasa opisina kami kanina.

"Kaya naman pala ang laki ng katawan mo," usad ko habang tinuturo ang mahigpit na kapit ng manggas ng polo niya sa braso niya.

Namamangha niya ako tiningnan. Nagbaba pa siya ng tingin sa muscles niya roon. Pinatigas pa niya iyon sa harap ko at hindi ko napigilang tumawa.

"Makulit din po pala kayo. Kahapon at kaninang umaga, ang sungit sungit niyo," sabi ko sa kaniya na sana ay hindi na lang dahil nawala ang ngiti sa labi niya.

"Am I?" tanong niya sa mababang boses.

Damn, Elaine. Sana hindi mo na lang sinabi iyon.

"M-medyo po," sa halip na tumigil ay nasambit ko pa rin ang salitang iyon.

"That's just the superior side of me. I am your boss and I need you to see me as a respectable and decent man. I apologize if I sounded arrogant yesterday and this morning," bumalik na naman ang pagiging pormal niya.

"Hindi naman po sa ganoon. Naintindihan ko naman po," utas ko sa kaniya. "Pero mas gusto ko po yung side na nakikita ko ngayon," sabi ko na sana ay hindi na lang ulit dahil sa ipinakita niyang reaksyon.

He smiled fully but he didn't look at me. "I rarely show this side of me to people. Only to those I trust..." tumigil siya bigla.

"So, you trust me po?" diretsong tanong ko sa kaniya.

"No."

Ngumuso ako nang iyon ang isagot niya. Sumimangot ako at itinuloy na lang ang pagkain.

He laughed at my reaction, though. "It's because I like you," usad ng baritono niyang boses.

Imbes na ilunok ang karneng kinakain ko ay bumalik lamang iyon sa bibig ko. Nasamid pa ako pero hindi naman niya iyon nahalata dahil nakatungo siya at abala siya sa paghiwa ng kaniyang steak.

"I like you as a person, Elaine. I like your personality. My father was right about you. It's only right that he chose you among all the applicants that we interviewed," paliwanag niya.

Iyon naman pala. Akala ko naman kung ano na.

Continue Reading

You'll Also Like

13.4K 504 32
Miss Rhythm (Misses Series #2) [COMPLETED] Eleina is the woman who believes that music is the way to make each one of us heal and escape reality for...
20.5K 445 54
Description: [Saudade] How I long wanted to be yours and for you to be mine. How I long wanted for the time to pass by so we don't have to wait. How...
4.6K 250 44
The epitome of beauty and grace- Gabriella Venice Valentina, was devastated because she was deserted by a man, who loves no one but himself. Slowly...
1.2K 128 47
Gratifying Wretched What if you met a person who caused for you to hold a responsibility even though you're not responsible for it... What if someday...