Could Have Been Better (Crush...

By PollyNomial

16.2K 600 58

Elaine Joy Mendoza was from Los Angeles. Pero kahit ilang taon na mula nang tumira siya roon kasama ang pamil... More

Could Have Been Better
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Ending
Lost With A Shattered Heart

Chapter 38

190 14 4
By PollyNomial

CHAPTER 38 — Unregistered Number


Parusa sa akin ang makatabi si Conrad. Even though he's not doing anything that could hurt me, his mere presence torments me. The fact that he's not doing anything was the most painful for me. Kasi ibig sabihin nito ay wala na talaga siyang pakealam kahit pa ako ang nasa tabi niya.

I remained quiet. Wala rin namang nagsalita kahit sila Celine at Vans. The music was on and it's the only thing that could be heard inside the car.

Nagpasalamat akong hindi muna ako kinausap ni Celine. If Conrad's not here, I'm sure that we'd be talking about a lot of things. Hindi naman kasi siya nawawalan ng mga kwento para sa akin. Siguradong kahit ang tahimik na si Vans ay makikipag-usap din sa akin.

I played with my fingers. Tiningnan ko ang aking bag kung nasaan ang aking phone at naisip na mag-text na lang kayla mommy. I forgot to tell them the good news. Siguradong matutuwa silang dalawa ni daddy kapag nalaman nilang natanggap ako sa trabaho.

I took out my phone and texted them. Napapangiti pa ako habang tinitipa ang magandang balita sa kanila. They'd be proud of me, I'm sure. Sobrang nakatulong din ang sinamahan nila ako kanina para magkaroon ako ng sapat na lakas ng loob. They were very supportive and it really inspired me.

I also informed them that I would be visiting Celine's family and they didn't have to wait for me for dinner. Malapit nang lumubog ang araw at siguradong hapunan na ang dadatnan namin kayla Celine.

Pagkatapos i-send ang text ay itinago ko itong muli. I sent the message to the both of them, though I was not sure if they were still busy. Baka mamaya pa nila mabasa ang text.

The situation I'm in right now won't do good to me. So tnstead of dwelling on it, I chose to think of what I could do for my work. Napangisi akong muli nang maalalang may trabaho na talaga ako at magsisimula na ako bukas.

Hindi naman siguro ako mahihirapan dahil ito naman ang tinapos ko sa aking pag-aaral. The field where I decided to work for was also related to what I love to do and that is writing. Siguro ay kung may mahirap man dito ay ang pagod at hirap na kaya nitong idulot sa akin. But if I love my work, why would I be stressed and tired, right?

Naisip kong bigla si Constantine. I'm still wondering what kind of boss he is. Kanina ay ipinaliwanag na niya ang mga pamantayan niya sa kaniyang mga tauhan ngunit hindi sapat iyon upang makilala ko siya bilang amo. He's my superior that I need to impress because if not, there's a chance that I'd lose my job.

Malinaw ang ipinaliwanag nila sa akin. Sa kontratang pipirmahan ko bukas ay siguradong nakalagda iyon. I should work hard to prove myself to them. Hindi ako maaaring magmukhang baguhan sa aking mga gagawin. I should give all of me in the future projects that I would do.

I was so consumed at the thought of my new job until I heard harsh sounds. Malalim na paghinga ang narinig ko sa aking tabi. Kusang lumingon ang ulo ko upang balingan si Conrad na nakatingin pala sa akin.

Nahigit ko ang aking paghinga at nawala ang ngiti sa aking labi. So much of not dwelling in the situation, Elaine. Nandito naman talaga ako sa tabi niya at paano ko iiwasan ito?

He stared at me for a few more seconds before he averted his eyes in front.

Doon lang may lumabas na hangin sa aking bibig. Hindi na pala ako humihinga noong mga segundong nakamasid siya sa akin na parang may maling nangyayari. The way he looked at me wasn't like before. His eyes weren't as soft as how he used to look at me and there's no passion in it.

Ibang iba na siya na Conrad ko noon.

Ipinilig ko ang aking ulo nang magsimula na namang bumaha ng alaala sa aking isip.

A few more minutes have passed and we're already outside a familiar village. Hindi ako makapaniwalang dito pa rin sila nakatira. Celine already told me that they are sitll living here. Ang makita ang lugar na ito ay sobrang nagpaalala sa akin ng napakaraming bagay sa nakaraan. It was full of memories, both happy and sad. The most pleasant and agonizing experiences happened in this place, too.

Bawat sulok ng village na ito ay may magagandang alaala mula sa kabataan ko.

The place didn't change so much. Pamilyar pa rin sa akin ang ilang mga bahay na nakatayo. I saw new ones but that's it. Wala nang ibang pagbabago.

Until we get to Celine's house. It was different from the way it was before. Mas malaki at mukhang nabili na nila ang lupang katabi ng bahay nila noon. I remember that there was a house situated there before but it's gone now. Sa halip ay karugtong na ito ng mas malaki at malawak na lupang kinatitirikan ng bahay nila Celine.

"Baka manibago ka, Elaine. This is still our house. Pinaayos at pinalaki lang ni daddy nung umasenso ang negosyo niya," ani Celine habang nakasilip sa akin mula sa harap.

Tumango ako at hindi pa rin natigil sa pagkamangha.

A maid opened the gates for us. I also saw a security guard helping the maid. Mukhang totoong umasenso na ang buhay nila Celine. It's not that they didn't have a good life before. But what I saw proved that it's even better now.

A sad thought entered my mind. Wala na ang dating hitsura ng bahay nila Celine. That means, the memories I have in their old house was gone too. Ibang iba na ito sa dati nilang bahay kung saan naganap ang ilan sa mga masasayang alaala ko.

Vans parked his car inside together with three more cars. Napansin kong kasama roon ang kotseng ipinanghatid sa akin ni Celine dati. Iba't ibang sasakyan ang naroon. I assumed that these are owned by each one of them.

"Let's go!" Celine mumbled and went out.

Vans chuckled at her excitement. Si Conrad ay mabilis ding lumabas at tumakbo pa paikot. Nadatnan niya si Celine sa labas ng sasakyan. They scowled at each other which had me curious. Ano bang mayroon sa kanilang dalawa? Nag-aaway ba sila?

Celine opened the door for me even though I was already opening it from the inside. Nginisihan ko naman siya dahil doon.

"Tara sa loob. I'm sure Lola Encar will be thrilled to see you!" masiglang sabi niya habang hinihila ako papasok sa kanilang bagong bahay.

The changes outside was just a mere part of the changes that happened inside their house. Talagang hindi na ito ang dati nilang bahay na nakagisnan ko noon. Pagkapasok ay talagang nanibago na ako. Ibang iba na ang mga muwebles sa paligid. Ang kulay ng pintura ay nagbago na rin, mas matingkad at bago sa mata. I also noticed the huge staircase at the side of the living room.

"Papa had it rebuilt two years ago. May sarili na kaming condo ni Conrad that time at doon kami tumira. Hindi naman mahirap sa akin kasi nag-aaral pa ako noon kasama si Vans sa states," paliwanag ni Celine kahit na hindi ko naman iyon hiningi.

Inilibot niya ako sa buong first floor ng bahay. Wala na si Vans na nagpaalam na kauusapin ang tatay ni Celine. Isang katulong naman ang inutusan ni Celine na ihanda na ang hapunan at tawagin na si Lola Encar upang ipaalam na narito na kami.

I didn't see Conrad anywhere.

"Elaine, is that you?" I heard an old but cheerful voice behind me.

Paglingon ay halos maluha ako nang makita si Lola Encar na mabagal na naglalakad patungo sa amin.

Instead of just waiting for her, I ran to her and hugged her. Nasamid pa si Lola Encar dahil sa pabigla bilang yakap ko sa kaniya.

I missed her so much! Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ko siya ka-miss nang makita ko siya ulit.

"Lola," mangiyak-ngiyak kong sambit habang nakasiksik sa kaniyang leeg.

Marahang hinampas ni Lola Encar ang braso ko. "Ikaw bata ka. Saan ka ba nagsususuot, ha?" biro niya na sinamahan ng mahihinang tawa.

Nanginig ang labi ko at hindi nakasagot. Sa halip ay humikbi lang ako.

Siya na mismo ang naglayo sa aming dalawa. She placed her hands on either sides of my shoulders and watched my face.

"Napakalaki mo na. Tingnan mo nga naman at napakaganda mong lumaki," puri niyang ikinainit lalo ng mga mata ko.

How could you leave them, Elaine? How were you able to bear disappearing from these beautiful people who did nothing but accept and love you? Kahit na hindi ko naman iyon hiniling sa kanila noong bata ako, ibinigay nila iyon sa akin.

I remember the times when I was so insecure about myself. I came from a place where no one accepted who I was and bullied me from being different. The times when what I only wanted was to go to a place where people would embrace my flaws. A place where I could show the real me without other people judging me.

It was this place. They were those people.

Si Lola Encar, si Celine at si Conrad. Ilan lang sila sa mga taong tinanggap ako ng buong puso. Walang pagdududa at walang katanungan. Dumating ako sa mga buhay nila at kahit kailan ay hindi nila ipinaramdam sa akin na ibang tao ako. They treated me as a family. They loved me with all their hearts.

But in return, I lied to them. Sa buong pakikisama ko sa kanila ay puro kasinungalingan lang tungkol sa aking sarili ang nalaman nila. They didn't know that my family once lived in the states. That I came from a different country and not from the province. That my mom was working abroad. That I was bullied as a kid that's why I wanted to come back here, my true home.

Lahat ng kasinungalinan na hindi ko man lang ipinaliwanag sa kanila. Sa halip ay dinagdagan ko pa ng isa pang kasalanan.

Iniwan ko silang lahat. Inulila ko silang lahat dahil lang sa takot at kaduwagan ko noong bata pa ako. I only thought of myself and didn't think of how they would feel when I left them.

Napakasama ko.

Sa lahat ng alaalang iyon ay bumuhos ang lahat ng luhang kinimkim ko nang ilang araw.

Lola Encar gasped and Celine came close to me. Napaupo ako sa kanilang sahig at paulit ulit na namumutawi sa aking bibig ang isang pangungusap.

"I'm sorry, I'm sorry.... I'm so sorry," paulit ulit kong utas. Hindi ko magawang tumingin sa kanila.

Sa mga taong iniwan ko. Sa mga taong wala namang kasalanan sa akin pero tinanggal ko sa buhay ko. All for my own welfare. Kahit na ang dahilan nito ay upang mabuong muli ang aking pamilya na muntik nang mawasak noon, hindi pa rin sapat na dahilan iyon upang maglihim ako sa kanila at putulin ang aming koneksyon.

"Hindi ko po sinasadyang umalis," umiling ako.

Hindi totoo iyon. Sinadya ko iyon kaya nga nangyari iyon.

"Nagsinungaling po ako," utas kong hindi malaman kung paano ko ipapaliwanag ang mga kasinungalingan ko noong bata ako. 

"Diyos ko, Elaine," taranta ngunit may pag-aalalang sambit ni Lola Encar.

Celine was holding me and I only let myself be hugged by her. "Elaine, it's okay. Wala na 'yon..."

"I'm sorry..."

"What's happening here?" said the person that I owed the most.

Lalo akong naghinagpis dahil sa boses ni Conrad. Mas marami pang luha ang bumagsak ngunit hindi ko na nagawang magsalita. Puro hikbi ko ang narinig ang buong bahay.

Celine continued hugging me while trying to make me calm.

"Bakit ka umiiyak?" Conrad asked a question solely directed to me.

Yumuko ako at inisiksik ang aking sarili sa mga braso ni Celine. I still couldn't do it. Kahit na yata balde baldeng lakas ng loob ang baon ko ay hindi ko magagawang harapin ang taong mahal na mahal ko ngunit sinaktan ko. Ang taong minahal ako pero tinalikuran ko.

Narinig ko ang malalakas na yabag. Hindi ko na marinig si Lola Encar pero alam kong kasama pa rin namin siya.

Conrad marched to us and kneeled in front of me.

"Stop it, Con!" Celine muttered when Conrad faced me to him.

Hinaklit niya ang braso ko dahilan upang mapalayo ako kay Celine. Nagtama ang aming mga mata ngunit hindi ko siya makita nang maayos dahil nanlalabo ang paningin ko sa dami ng luha.

"Why are you crying?" Conrad asked, pleading for my answer.

Hindi ko alam kung nagmamakaawa ba talaga siya o galit at tila naniningil ng napakalaking utang ko.

He lifted one of his hands and caressed my cheek. Pinahiran niya ang luhang bumabasa roon.

Iniwas ko ang aking mga mata sa kaniya dahil hindi ko kaya ang intensidad na ibinibigay nito sa akin.

Umiling ako at nanatiling tikom ang aking bibig.

"Conrad, just let her be, please? Iwan mo muna kami rito," Celine begged her twin.

Umiling si Conrad at mariin akong tiningnan sa mga mata. May talim doon ngunit may iba pa akong nakikita.

"Elaine..." he called my name with the passion that I was looking for earlier in the church when I was with him.

Labis labis na pagdurusa ang naramdaman ko nang marinig iyon. Winawarak nito ang puso kong warak na. Ngunit kahit durog na ay tumitibok pa rin ang bawat piraso niyon.

"I am so sorry," I uttered it for so many purposes.

I'm sorry that I couldn't look at you, Conrad. I'm sorry that I acted this way. I'm sorry because I'm crying and I don't have the right to feel hurt.

I'm sorry because I left you. I'm sorry because I never talked to you again. I'm sorry that I came back and it was too late.

I am sorry for apologizing. I'm sorry because I'm here, shamelessly asking for your forgiveness.

I am sorry because I'm still in love with you and I couldn't stop myself from loving you...

"Look at me," Conrad mumbled with grief.

Sinapo ni Conrad ang parehong pisngi ko at iniharap ang mukha ko sa kaniya. Kahit ang mga mata ko ay hindi na nagawang umiwas dahil kusa iyong nahila ng utos ni Conrad.

Kahit sa likod ng nanlalabo kong mga mata ay nagawa kong pagmasdan ang mga luhang lumalandas sa pisngi ni Conrad.

And I was not thinking when I raised my hand and did the same to him. I wiped away his tears using my fingers. He closed his eyes while I was doing it. Tila dinarama niya ang bawat pagpahid ko ng kaniyang luha.

Nang siya ay dumilat ay wala na iyong Conrad na kanina lang ay may pagmamakaawa at lungkot sa mga mata. His face was suddenly void of all the emotions that I've seen just a few seconds ago.

Bumitiw siya sa akin. Unti unting bumaba ang mga kamay niyang kanina lang ay nararamdaman ko pa sa balat ko.

He stumbled away from my hold and he looked like he just realized that everything was wrong.

Mapait akong ngumiti. Tama nga ang mga kinatatakutan ko noon. He would never be able to forgive me. His expression says it all.

Kunot-noo niya akong pinagmasdan at saka siya umiling.

"Tapos na 'yon," Conrad finally said.

Naguluhan ako sa kaniyang sinabi ngunit naintindihan ko rin ito sa huli.

"Conrad," Celine still tried to call his attention. May pagbabanta na sa kaniyang tono. 

"Kinalimutan na namin 'yon," aniya sa nakakapanlamig na tono. 

Hindi siya tumitingin sa aking na para bang napakahirap para sa kaniyang gawin iyon.

"Kinalimutan ko na iyon..."

"Dammit, Con! I'm begging you, stop it!" Celine warned him again.

Nadatnan kami sa ganoong eksena ni Vans at Tito Enrico. They were both going down the stairs.

Tumakbo si Vans kay Celine habang si Tito Enrico ay kunot-noong lumalapit sa amin.

Isang matunog at mapait na ngisi ang pinakawalan ni Conrad.

Nanlulumo akong tumungo. Tapos na. Wala pa akong nasasabi bukod sa paghingi ng tawad ngunit batid kong tapos na.

Pinapakalma ni Vans si Celine. Si Lola Encar ay nanonood sa amin at puno ng kaguluhan ang kaniyang mga mata. Si Tito Enrico naman ay nilapitan ang ina upang alalayan ito.

"You're an asshole," utas ni Celine sa kapatid.

"Celine!" sigaw ni Tito Enrico dahil sa masamang salita ni Celine.

"Am I? Bakit kung makapagsalita ka parang ako pa 'yong masama rito?" tanong ni Conrad.

Nanikip ang dibdib ko. Sinapo ko iyon dahil sa sobrang sakit ng mga salitang lumabas sa bibig ni Conrad. Of course, who else was here to blame? Ako nga naman kasi ang masama rito.

"Tumigil na kayong dalawa," banta ni Tito Enrico sa kaniyang mga anak. "Maawa kayo sa lola niyo at pinapakita niyo pa sa kaniya ang pag-aaway niyo," aniya.

Parehong hindi nagsalita ang kambal.

"Let's just end this and have our dinner," mariing utos ni Tito Enrico sa aming lahat.

"Aalis na ako—"

Naputol agad ni Tito Enrico si Conrad. "No one will leave," mapanganib na utas ng kaniyang ama.

Si Celine ang tumulong sa aking tumayo. Hindi ako makatingin sa kanilang lahat.

It was all my fault. Hindi magkakagulo rito kung hindi ko pinaunlakan ang pag-imbita nila Celine at Vans. If I wasn't here, their dinner as a family would have been fine.

Wala sanang ganitong mangyayari sa pagitan namin ni Conrad.

But should I still regret it? It's finally over. Even though I wasn't able to explain myself, I still managed to say the words that I have been wanting to tell them. Celine and Lola Encar forgave me but Conrad couldn't. He wouldn't forgive me.

Sapat na ang nakita ko sa mga mata niya nang bigkasin ko ang mga salitang iyon. Sapat na at hindi na niya kinailangan ang eksplanasyon ko upang mapag-isipan kung karapatdapat ba ako sa kapatawaran niya.

It wasn't what I wanted to happen but it did happen. Ano pa bang hihilingin ko? Hindi ba't nasabi kong sapat na sa akin ang makahingi ng tawad? Sinabi kong hindi ako aasa na patatawarin niya ako? I said to myself that I would accept whatever the outcome may be.

Ito na iyon.

Hindi ka pinatawad ni Conrad, Elaine.

All of us was silent as we eat dinner. Kahit na ang mga matatanda ay tahimik lamang na nagmamasid. I wonder if it would also be like this if I'm not here. Kasiraan lang talaga ko sa kanilang buhay.

All of a sudden, the insecurities I felt when I was a child flooded my soul again.

Nakakahiya dahil panggulo lang naman ako. Sana hindi na lang ako nagpunta rito.

Iyon lamang ang tumatakbo sa isip ko. Tulala ako kaya naman napakislot ako sa tikhim ni Tito Enrico. He was watching all of us.

Katabi ko si Vans. Si Celine ay nasa kanan ng kaniyang ama na nakapwesto sa kanang bahagi ng mahabang mesa. Si Lola Encar naman ang nasa kaliwa ni Tito Enico. Conrad was seating beside Lola Encar.

Hindi ko kailanman siya sinulyapan. Ayoko nang makakita pa ng kahit anong magmumula sa kaniya. Sobrang sakit na. Tama na muna.

"How's your father, Elaine?" Tito Enrico chose to speak to me.

Humugot ako nang malalim na paghinga bago sumagot. "H-he's fine, tito. Busy po sa trabaho," sagot kong nauutal pa rin dahil sa mga nangyari.

Tumango siya. "He told me that you don't want to accept the work that I'm offering. Sayang iyon, Elaine. He said that you want to work in a publishing company?" tanong nito sa akin.

Walang awa niya akong pinagmasdan. Wala naman kasing alam si Tito Enrico. Hindi niya alam kung gaano kahirap na nasa akin ang atensyon ng lahat.

Bago pa ako makasagot ay si Celine na ang nagsalita.

"Elaine already has work, papa. She had an interview today and she got accepted right away," aniyang puno ng pagmamalaki sa tono. Napansin ko pang matalim niyang tiningnan si Conrad bago matamis na ngumiti sa amin bukod dito.

"Oh, really? Is it a publishing company?" tanong ni tito.

I nodded my head as response. "Yes po," I simply answered. I just wanted everything to end here.

"May I know what company it is?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Arden Publishing..."

Nanlaki ang mga mata ni Tito Enrico at namamangha akong tiningnan. "The biggest publishing company in the Philippines! Wow!" he muttered with pride.

Nag-init ang aking pisngi dahil doon. Totoo bang ito ang pinakamalaki? I haven't done my research yet. Sana pala ay inalam ko ang estado ng kompanyang papasukan ko.

"I've been trying to reach out to them for months now. They are so hard to please," pumalatak siya. "It is a big company for us so I already expected that they won't entertain us," wika pa niya.

"Mayabang kasi ang may-ari," Conrad mumbled sarcastically.

"May ipagmamayabang naman, anak," sagot ni Tito Enrico kay Conrad. "Kaya nga ako nagsisikap para maabot din ng kompanya natin ang estado nila. Wala pa tayo sa kalingkingan ng Arden Publishing at sa iba pang negosyo nila," aniya.

Iba pang negosyo nila? I was suddenly interested. Naalala ko si Mr. Arden na chairman nito at ang anak niyang si Constantine. I should really do my own research when I get home. At least before I start tomorrow.

"I think I saw the owner, papa," ani Celine.

Nagkatinginan kaming dalawa. May ngisi sa mga labi niya habang ako ay pinaningkitan siya.

"Hinatid niya si Elaine kanina sa simbahan," she informed everyone at the table.

Sobrang pamumula ng pisngi ang naramdaman ko.

Anong alam ni Celine? Kilala niya ba si Constantine?

"Who? The old man?" tanong ng papa niya.

Mas lalong nag-init ng aking pisngi.

"No, pa. 'Yong anak," humagikgik si Celine habang sinasabi iyon.

"Oh! Constantine Arden? You know him, hija?" Tito Enrico's attention was all on me.

Nahihiya akong umiling. "Hindi po. Uhm, he's my boss po."

"Pero hinatid ka niya?" nagtataka nitong tanong na parang napakaimposible kasing mangyari niyon. 

Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpaliwanag. Si Celine naman kasi!

"On the way po ang simbahan sa pupuntahan niya kaya isinabay na po niya ako. We came from a meeting," sa huli ay paliwanag ko sa kanila.

"Tsss," an irritated voice mumbled.

Hindi ko pa rin tinitingnan ang may-ari nito.

"Hm, anyway, that's a good company, hija. Good job. I'm sure you'll do great in your job," paninigurado niya sa akin.

Pati si Lola Encar ay maraming beses akong pinuri at sinabihan na pag-igihin ko sa trabaho.

Isang ngiti na lang ang isinagot ko roon. Nagpasalamat akong natapos na ang mga tanong dahil tumungo naman kay Celine at Vans ang kanilang atensyon. Tito Enrico asked them about the preparations of their upcoming wedding. Ang mga ikakasal naman ay masayang nagkwento tungkol sa mga patapos nang plano.

Maya maya lang ay natapos na rin ang aming pagkain. The whole time I was on the table, I controlled myself not to give any of my attention to one of the people there. Nagtagumpay ako. I focused on finishing my food and listening to the conversations. Wala akong ibang inatupag bukod doon. Kahit na ang mag-isip pa ng ikasasama ng loob ko ay hindi ko na nagawa.

Naabala lang ako nang magkakasama na kami sa living room at tumunog ang aking phone.

An unregistered number was calling me.

Kinunotan ko ng noo ang aking cell phone. Umangat ang tingin ko sa kanilang lahat at hindi sinasadyang kay Conrad tumama ang paningin ko. Isang beses niyang tiningnan ang aking phone at tumingin muli sa mga mata ko.

I quickly averted my eyes to the other people with us. "Excuse po. I'll just answer this," I said to all of them while raising my phone.

Umalis ako sa harap nila at nagpunta sa isang sulok ng bahay.

"Hello?" I answered the call.

"Is this Ms. Mendoza?" a baritone voice answered.

Muntik ko pang patayin ang aking phone sa pag-aakalang kung sino lang itong tumawag ngunit hindi ko ginawa. Pamilyar ang boses sa akin.

"Yes. Who is this?" marahan kong tanong.

"Good evening, Elaine. This is Constantine," he informed me.

Sinapo ko ang aking bibig at tiningnan ulit ang caller na hindi nakarehistro.

Si Constantine? Paano niya nakuha ang number ko? Nanggaling ba ito sa resume na pinasa ko sa kanila?

"I called because I want to inform you that you need to be in the office at 8AM," utos niya sa akin.

Maraming beses akong tumago. "Sige po," walang pag-aalinlangan kong sagot.

"Do not be late. Gusto ko nandoon ka na pagdating ko," aniya pa. "I'll be there at exactly 8AM also."

Kinabahan ako dahil sa banta niyang iyon. Kung ganoon ay dapat akong mauna sa kaniya.

"Opo sir," masunurin kong sagot.

Isang tikhim ang narinig ko sa kaniya. "I thought we're clear, Elaine? I don't like anyone calling me 'sir'."

Mabilis na tumibok ang puso ko dahil sa takot na baka nainis siya dahil hindi ako sumunod. "Uhm, I'm sorry."

Pinutol niya ako. "Masanay ka nang tinatawag akong Constantine," utos niya.

"Uhm, Con..."

Hindi pa ko tapos ay nagsalita na siya.

"That's right. You can also call me Con," aniyang sinabayan ng isa pang boses.

"Bakit?"

Nilingon ko agad ang boses na iyon. Si Conrad iyon na nakatayo sa aking likod.

Bakit siya nandito?

Lumunok ako at inalis ang tingin sa kaniya dahil ayoko na talagang may maramdaman pa.

"Elaine, are you still there?"

"Yes po, sir... I mean, Constantine," nauutal kong sambit.

Someone cursed and I'm so sure it wasn't Constantine.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
69.5K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
17.7K 259 58
Agape Sanguine Laude is a woman that should have lots of friends and should be respected highly. But in the place she stays, she has neither of those...
33.9K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...