Shotgun Wedding

By pancakenomnom

436K 4.8K 699

One wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on t... More

Characters
PREFACE
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Author's Note
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
Fifty-One
Fifty-Two
Fifty-Three
Fifty-Four
Fifty-Five
Fifty-Six
Fifty-Seven
Fifty-Eight
Fifty-Nine
Sixty
Sixty-One
Sixty-Two
Sixty-Three
Sixty-Four
Sixty-Five
Sixty-Six
Sixty-Seven
Sixty-Eight
Sixty-Nine
Seventy
Seventy-One
Seventy-Two
Seventy-Three
Seventy-Four
Seventy-Five
POSTFACE
Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 1)
Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 2)
Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 3)
Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 4)
Shotgun Wedding Plus: A New Beginning
Epilogue
Author's Note II

Thirteen

6.4K 74 27
By pancakenomnom

A/N: Ate Lhee, this chapter is for you. Thank you for always reading and looking out for this stuff. ;) Tell me what you think of this update guys. :DDD

Arleigh

Nakakatawa magselos si Lujille. Isang bayolenteng tingin pa lang sa mga babaeng iyon, kilabot na agad ang inabot nila. Hindi ko maiwasang matawa habang magkahawak kami ng kamay at lumulusong sa dagat. Mariin niyang pinisil ang kamay ko, dahilan para mapabitaw ako.

“Ano ba’ng problema mo?” tanong ko.

“Kanina pa kasi tawa ng tawa eh. Alam kong ako ang pinagtatawanan mo.” simpleng sagot niya.

“Gets mo naman pala eh. Painosente ka pa.”

“Tumigil ka.”

Nang maramdaman namin na lumalalim na ang nilalakad namin, binitiwan na niya ako at inilubog ang katawan niya sa tubig. Bigla siyang napangiti at napapikit.

“Praise the Lord, ang sarap ng tubig…”

Ramdam ko ang ginhawa sa boses niya. Maging ako ay nasasarapan din sa tubig. Matagal-tagal na rin mula nung huli akong makapag-swimming ng ganito. Ang kaibahan ng lang ngayon ay meron akong kasama. Kumakanta pa si Lujille habang nagtatampisaw sa tubig. Para siyang nabuhayan ng dugo sa ginagawa niya.

“Feel na feel mo na ba, Arleigh? Ang sarap-sarap talaga…” sabi ni Lujille na hindi pa rin bumbuka ang mga mata.

“Oo. Feel na feel ko. Ang lamig nga eh.” I answered sarcastically.

She sighed and continued to enjoy the soothing water. Nakaramdam ako ng pagod sa tubig, kaya lumangoy ako pabalik sa dalampasigan. Hindi ko na inistorbo pa si Lujille na komportable na sa ginagawa niya.

Humiga ako sa buhangin at tumingin sa langit. Nakakabawas ng stress ang ganitong bakasyon, at hiniling ko na sana habangbuhay na lang ito. Masama mang isipin, pero iniisip ko na si Leslie at kasama ko at hindi si Lujille. Oo, mabait ako kay Lujille pero hindi ko pa rin maiwasang isipin si Leslie. Alam kong nasasaktan siya sa sa ginagawa namin, at nakahanda akong balikan siya kahit na anong oras.

Maya- maya lang ay may sumigaw ng tulong. Bumangon ako para tingnan kung saan nagmula ang boses. Dumako ang tingin ko sa dagat, at bigla akong tumakbo nang makitang nalulunod si Lujille. Nagmadali akong lumangoy patungo sa kanya. Nang mahawakan ko ang kamay niya, agad ko siyang hinatak palapit sa akin. Lumangoy ulit ako pabalik ng dalampasigan habang hawak-hawak ko siya.

Inihiga ko si Lujille sa buhanginan. Nang hinawakan ko ang pulso niya, tumitibok pa ito. At doon ko naisip ang hindi ko pa nagagawa sa buong buhay ko.

Kailangan ko siyang i-CPR para magising siya ulit.

“Pare, kailangan mo ng tulong?” tanong ng isang lalakeng kasing edad ko na hindi ko namalayang lumapit sa akin.

Lumingon ako sa kanya. “Diyan ka lang, pwede? Susubukan ko lang ‘to.”

Tumango lang siya. Ginawa ko na ang CPR para magising si Lujille. Nakakailang man pero inilapat ko ang bibig ko sa labi niya at bumuga ng hangin. Tumigil ulit ako pagkatapos.

“One more try, pare. Magigising din siya.” sabi nung lalake.

Halata na ang panic sa boses ko.  “Paano?”

He demonstrated to me on how I should position my hands in pumping Lujille’s chest. Tapos noon ay bubuga ulit ako ng hangin sa bibig niya. Sinubukan kong gawin iyon ng dalawang boses, at nagising din siya sa wakas. Umubo siya bago nagsalita.

“A-Arleigh.” sambit niya sa pangalan ko na nagpangiti sa akin.

“Mabuti naman gising ka na.”

Bumangon siya at umayos ng pagkakaupo.

“Salamat at inilig-“

Agad ko siyang niyakap bago pa niya matapos ang sasabihin niya. I have this certain feeling na ayoko siyang mawala sa akin.

“Sorry nga pala kanina. Ipinahamak mo pa ang sarili mo para mailigtas ako.” sabi niya nang magising siya mula sa mahimbing na tulog. Nagpahinga siya ng halos buong magdamag pagkatapos ng muntikan niyang pagkakalunod kanina.  Halos wala ring nagsalita sa amin. Ngayon lang siya kumibo, at kinakain ako ng konsiyensiya ko dahil sa sincerity ng boses niya.

I held her hand and put mine on top.

“Okay lang. Sa susunod, huwag mo ng uulitin iyon, ha?”

She looked at me in the eyes.

“Oo. Ayoko na rin ‘no. Nagka-cramps kasi ako kanina eh. Nawalan ako ng control sa paglangoy.” sagot niya.

Kaya pala.

Naranasan ko na rin iyan noon, naalala ko lang. May nagligtas din sa aking babae, at parang kamukha niya…

Iba si Lujille sa mga taong nakilala ko. She’s stirring something deep inside me. May hinahalungkat siyang nakatagong mga emosyon sa puso ko. At kami lang dalawa ang puwede makaramdam noon. Unti-unti na siyang nagkakaroon ng puwang sa buhay ko.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya.

“Bakit?” tanong niya nang mapansin ang ginawa ko.

Hindi ko siya sinagot at dahan-dahang lumapit sa kanya. I closed the gap between our lips and kissed her as time would allow me to. It’s one way of telling her how much I care for her right here and right now.

I thought  she would resist, but later on, she kissed me back.

A/N: Yeah, I know. Hindi ko in-elaborate ng mabuti ang kissing scene. Sareeh. Pero sana magustuhan pa rin ninyo. I'll make the kiss steamier the next time around. ;)

Continue Reading

You'll Also Like

104K 4K 49
Hindi ko alam kung ano ang meron sa kanya at lahat sila ay sobrang saya na makasama siya. Wala namang kakaiba sa kanya. Oo maganda siya, pero marami...
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
120K 2.4K 45
Sofia Gail Harvelle, a girl who dream to get married with someone who'll love her truly. pangarap nyang ikasal sa lalakeng mahal nya... but what if...
88.1K 1.6K 69
He took my greatest love. Now he's taking my heart. He's taking all of me and made me his. But I won't. I will make him mine.