A few weeks later..
STACEY
Wala na kaming balita kay Criszette di namin alam ang nangyari sakanya dahil pinagbawalan kaming pumunta sa kaharian nila..
Ang sabi nila ay wala na Criszette.
Kaya hanggang ngayon ay nagluluksa kami.
Nasa classroom kami pero ang isip namin ay lutang. At hanggang ngayon ay fresh pa din sakin lahat na nangyari nung araw ng war. At hindi namin matanggap na ganun kabilis nawala samin si Criszette.
Sa ngayon hawak na namin ni Cheena ang Zaynadarks. Nabawi namin ito sa pamamagitan ni Criszette, pero kapalit naman nito ang pagkawala niya samin. Ang pagkamatay ng bestfriend ko.
Tuwang-tuwa naman ang mga mamamayan doon dahil muli namin itong nabawi. Dahil matagal ding nalugmok sa kadiliman ang buong Zaynadarks.
At habang si Gabby naman ay bumalik muna sa mundo ng mga tao. Dahil kailangan niya bumalik doon at sinamahan siya ni Christian upang makalimot sa nangyari sa kapatid niya.
Higit sa sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ni Criszette ay ang sakit din na nararamadaman ni Christian dahil sa aming lahat ay siya ang nakasama ni Criszette, dahil kahit nagkaalaman na hindi sila totoong magkapatid, hindi nagbago ang turing niya kay Criszette.
At habang si Keiron naman ay..
"Serena leave me alone! And also you Mercedes stop following and bothering me. Dahil kay Criszette lang ako and I will be forever belong to her. Kaya please leave me alone!" malamig na sabi ni Keiron. At tsaka walang sabi-sabi na umalis at iniwan kami.
And yes bumalik sa dati si Keiron, simula ng malaman niyang wala na si Criszette ayaw niyang maniwala dahil wala pa naman siyang nakikitang bangkay to prove na wala na talaga si Criszette.
Kaya mamaya ay susubukan naming pumunta sa palasyo upang tanungin sa reyna kung ano ba talaga nangyari kay Criszette.
Si Andrea naman ay nagiging okay na sila ng kakambal niya na si Andrei. Bumalik ang bond na meron sila na nawala dahil nagkahiwalay sila.
At sa ngayon ay okay na din sina Headmistress at Andrei. At dahil dun unti-unti ng lumalabas ang kapilyuhan ni Andrei at totoong ugali na meron siya na matagal niyang itinago sa lahat.
Patuloy pa din naman ang panliligaw ni Joshua kay Andrea, at ayun kahit nagliligaw ay di pa rin nawawala ang bangayan nila.
Samantalang si Coleen at Miguel ay going strong together, minsan naiirita ako sa kasweetan nila.
Si Jarret naman ay madalas wala dito dahil alam niyo na. Nakikipagkita sa Jenica niya - ang harot-harot.
Si Isay naman yung kapatid ni Jarret ay di na nahihirapang ilabas ang sarili dahil kilala na siya ng mga estudyante sa campus. Nagkaroon na siya ng mga kaibigan at di na niya kailangang itago pa ang sarili niya at nakikita kong mahal na mahal siya ng mga magulang ni Jarret.
At madalas siyang sumama samin every lunch.
"Ate Stacey." biglang sulpot ni Isay sa gilid ko. Kaya napalingon ako sa paligid..
Ay shit. LUNCH na pala, bakit ba hindi ko napansin yung oras?
"Oh Isay?" gulat na sambit ko tsaka tumayo at isinukbit ang bag ko.
Napatingin ako sa mga kasama ko na nakatingin sakin kanina pa palaa ko inaantay.
"Bakit po pala ngiting-ngiti ka?" usisa ni Isay. Napakachismosa talaga ng batang ito. Nakita kong nagpipigil ng tawa ang mga kaibigan ko. Putakte oh!
"Aish. Ikaw bata ka? Andami mong tanong tara na nga at nagugutom na ko." sabi ko tsaka hinila si Isay.
"Palusot sis!" parinig naman ni Cheena.
"Baka naman si Drake iniisip yan!" rinig kong gatong ni Andrea.
Speaking of Drake. Nasaan na naman kaya yung kumag na yun? Aba di na naman pumasok.
"Anong Drake? Kay Cheena kaya may gusto yun." depensa ko.
"Paano kung di na pala ako gusto niya?" pang-aasar ni Cheena.
"Cheena, ate mo ko kaya tumigil ka." saway ko sakanya.
Pero ningisian lang niya ko at pinandilatan..
"Alam mo Ate wala namang masama kung magkakagusto ka kay Drake." pang-aasar pang muli ni Cheena.
"Cheena Isa!" saway ko sakanya.
Nagtawanan naman ang mga kumag kong mga kaibigan. Oo, sabay-sabay sila maliban kay Keiron na napakatahimik.
Okay siya pumalit sa posisyon ni Criszette.
Bigla ko tuloy namiss si Zette.
Sasagot pa sana ko ng biglang..
"Namiss mo naman agad ako?" biglang sulpot ni Drake.
"Hi, Kuya Drake!" tawag ni Isay sakanya.
"Hello! Isay." nakangiting sagot ni Drake sakanya.
Inakbayan ako ni Drake kaya inis ko siyang siniko.
Tsk you deserve it.
"Ganyan ka ba pagnamimiss mo isang tao. Nanakit ka." pacute na sabi niya.
"Wag kang magpacute diyan di bagay sayo." irap ko sakanya.
"By the way guys saan punta niyo?" tanong ni Drake.
"Ah sa Ainabridge tatanong namin kay Reyna Jasmine ang totoong nangyari kay Criszette." rinig kong sagot ni Andrea.
"Sama ako ha! Gusto ko sana magpasalamat sa pamilya ni Criszette." nakangiting sabi niya.
Wala na akong nagawa dahil pumayag na sila. Pagdating namin sa Kaharian ay bumungad samin ang mahal na Reyna na mugto ang mata.
"Kung itatanong niyo kung nasaan si Criszette. Wala na siya yun ang nakasaad sa propesiya patay na siya. Kaya tanggapin niyo nalang please. Bigyan niyo na ng kapayapaan ang aking anak." umiiyak na saad ng Reyna.
Kaya di na namin napigilan pa at nag-iyakan na kami.
So totoo nga? Wala na siya.
Wala na ang bestfriend ko.
Inalalayan ako ni Drake.
Nakita ko na rin ang luhang nagmumula sa mata ni Keiron.
"Hindi totoo yan." pagmamakaawa ni Keiron.
"Pero yun ang totoo Keiron bigla nalang naglaho ang katawan niya noong nakaraang linggo hudyat na patay na siya." biglang sulpot ni Jenica na tulad ng Reyna at namumugto na rin.
"Tapos na ang misyon niya at kasabay nun ang pagtatapos niya rin sa mundong ito." umiiyak na saad ng Reyna.
Wala na kaming nagawa kundi mag-iyakan.
Maya-maya pa'y nag-uwian kami. Umuwi kaming luhaan. Kanya-kanya kaming balik sa mga dorm namin. Hinatid naman ako ni Drake.
"Tatagan mo loob Stacey. Pag kailangan mo ng karamay nandito lang ako." paalala niya sakin tsaka tumalikod.
"Salamat!" maikling sabi ko tsaka binuksana ng pinto at pumasok.
Btw tinanggal na ang kwarto ni Criszette. Kaya ako nalang mag-isa dito pero yung mga gamit niya ay itinago ko bilang alaala.
Dumeretso ako sa kwarto at umiyak ng umiyak.
Wala na talaga siya.
Wala ng mainitin ang ulo.
Wala ng mahilig sa barbeque.
Wala na..
Wala na siya..
Wala na ang kaisa-isang tao na sobra kong pinahalagahan.
Wala na ang tagapagtanggol ko.
Wala na.
"Babalik siyang muli di pa siya patay kailangan niyo lamang ihanda ang inyong mga sarili sa maaring mangyari sakanyang pagbabalik."
Natahimik ako at natigilan at nilinga ang paligid upang alamin kung saan ang nagmumula ang boses.
Ngunit nabigo ako.
"Ang Sandiwa Jewel ay muling magbabalik."
Kaya lalo akong napalingon sa paligid at hinanap ang boses ngunit bigo ako.
Pero sana totoo ang sinasabi niya. Sana!
-The End-