Kabanata 1

20.9K 544 17
                                    


"Jasmine, handa ka na ba?" tanong ng isang babae sa kanya.

"Oo. Ito ang perpektong hakbang na gawin. Ang iwanan ang mundong ito ng aking anak," malungkot na sagot niya, habang pinipigilan ang pag-iyak.

"Jasmine, bakit kailangang ilayo mo ang anak mo sa iyo?" tanong ng isang babae na puno ng pagka-curious.

"Gusto ko na makalayo siya sa digmaan, sa mundong ito. Gusto ko siyang mamuhay ng normal," sagot ni Jasmine, at saka ibinigay ang sanggol sa isang mortal na tao.

"Jasmine? Sa palagay ko, mali itong desisyon mo," sabi ng isang mortal na hindi sang-ayon sa gusto ni Jasmine.

"Ito ang nakikita kong tama. Kaya pakisamahan mo siya. Siya ang Prinsesa ng ating mundo. Sa tamang panahon, sabihin mo sa kanya ang lahat, pero sana, sana, sana, itago mo ang kanyang pagkakakilanlan," may halong lungkot sa boses ni Jasmine, pero kailangan niyang ipakita sa mortal na ito na ito ang tama.

"Kailangan kong bumalik sa ating mundo. Pakisamahan mo ang aking anak," sabi niya at biglang naglaho. Kaya hindi na nakapagsalita ang mortal.

"Makakabalik ka sa amin, aking mahal na anak, at sa araw na iyon, alam kong maipagtatanggol na kita," bulong ni Jasmine, at saka gumawa ng portal pabalik sa Ainabridge Castle, ang kanilang tahanan, ang kanilang palasyo.

---

CRISZETTE

17 years later..

"Zette, gumising ka na," sigaw ni Mama. Ayan na ang alarm clock ko.

"Okay na po," sigaw ko pabalik, at saka tumayo.

Dali-dali akong kumilos, dahil kailangan. Bawal magpalate, tsk!

Nang bababa na sana ako, nakasalubong ko ang kuya ko na naisipan kong tunawin na parang yelo.

"Z-Zette?" nauutal ang gago.

Hindi ko alam kung ano ang nakakatakot sa kanya.

"Oh? My dear brother," sarkastikong sabi ko, at saka naglakad na at sinadyang dumaan sa gilid niya at sinagi siya.

Ewan ko rin ba kung bakit mainit ang dugo ko sa gago na 'to?

"Mommy, si Criszette, eto nanaman siya," sigaw niya na para bang bata. Kuya ko ba talaga ito?

"Tsk, sumbungero. Bakla ka ba, kuya?" sabi ko, at saka humarap sa kanya at ningisian siya.

"Damn you, Criszette, I'm not gay," naiinis na sambit niya, kaya napangiti ako. Sa wakas, buo na ang araw ko. Nainis ko nanaman ang mahal kong Kuya.

"Confirm," tangi kong sagot sakanya na lalo niyang kinainis. Mainis ka lang, Kuya --- this is my happiness.

Iniwan ko siyang halos patayin ako sa titig niya.

Kahit nakatalikod ako, alam kong nakakuyom ang kamao niya.

Handa na sana siyang sapakin ako sa likod, pero nagkamali siya, dahil alam ko ang bawat galaw niya.

Stupid --- hindi man lang nagdahan-dahan.

"Tsk, aray!" naiiyak na sambit niya.

Halos mabalian siya ng buto, dahil naunahan ko siya. Nahawakan ko kasi agad ang kamao niya.

"Wrong move, Kuya," sabi ko, at saka binigyan siya ng matamis na ngiti, at saka binitawan.

"Argh, nakakainis! Bakit ba hindi kita matalo?" rinig kong bulong niya. Sa tingin ko hindi 'yun bulong, naririnig ko eh! HAHAHA. So stupid, man!

Pagdating ko sa kusina, umupo na agad ako sa upuan. Malamang, tsk, stupid! At saka dinasalan ang pagkain. Alam ko 'yun, kala niyo diyan.

"Ikaw, Criszette, inaaway mo nanaman ang Kuya mo," sabi ni Mommy nang makita akong nakaupo na at kumakain.

"He started it, Mom," bored na sagot ko. At saka pinagpatuloy ang pagkain.

Kaya napailing na lang si Mommy tsaka umalis.

"Di ka ba marunong ngumiti, Zette?" biglang sulpot ni Kuya na hirap na hirap, mukhang nabalian nga talaga.

Tinapunan ko lang siya ng masama.

"Hys, bakit pa nga ba ako nagtanong? Alam ko naman ang sagot," malungkot na sambit niya, at kumuha na ng pinggan at kumain na rin.

"This is me, Kuya, a Cold Criszette Unique," tipid kong sagot sa kanya. "Hindi kailangan ngumiti. I don't know what the purpose of that," dugtong ko pa, at saka tumayo na.

"Aalis ka na?" gulat na tanong niya.

"Yeah," tipid kong sagot, at saka umalis na. At di na nag-abalang lingunin siya. Pero ng saktong palabas na ko ng pinto ay muli siyang nagsalita.

"Btw, sabay na tayo mamaya pag-uwi, please," sabi niya, kaya napaharap ako sa kanya. At napataas ng kilay.

"Then, no problem. Kung wala ka ng sasabihin, aalis na ko." bored na sambit ko, at saka umalis na. 

"Mag-iingat ka sa pagdadrive, Zette." rinig ko pang sigaw ni Mommy pero di na ko nag-abalang lingunin pa siya. At tinaas lang ang isa kamay ko at tuluyang umalis na.

Btw, he is my brother. His name is Christian Ursula Montefalco. Mula pagkabata, lagi niya akong kinukulit na maglaro daw kami, pero hindi ako 'yung tipo ng bata na gusto maglaro. Ang gusto ko lang ay pumatay. I don't know why that's what I want.

Kaya lagi siyang nasasaktan sa akin, pero kahit lagi ko siya nasasaktan, mahal na mahal ko pa rin siya.

Pagdating ko sa garahe, sumakay na agad ako sa sasakyan ko. Yeah, I have my own car.

This is my first day. Magiging masaya ba ako ngayong araw? Sana.

Sana walang sisira ng araw ko, at baka sila pa ang masiraan ko ng mukha. Di maganda gising ko kaya wag silang sasabay.

Habang nagmamaneho papuntang school ay may pinindot ako sa phone ko at may idinial na number, nasa school na kaya to?

"Oh?" bungad ko sakanya.

"Aba, oh talaga. Wala man lang bang hello, goodmorning o kamusta ka? Grabe ka ah." sarcastic na sagot niya sakin mula sa kabilang linya.

Ang daldal talaga grabe, paano ko nga ba naging kaibigan to? Yes, kaibigan ko siya. Hindi lang basta kaibigan dahil bestfriend ko din siya. Maniwala man kayo o sa hindi may bestfriend ko.

"Tsk. Edi hello goodmorning kamusta ka." nakangising sambit ko. At kahit wala siya sa harap ko ngayon alam kong nauubos na pasensya niya sakin.

"Kingina ka talaga. Bakit ka ba kasi napatawag, sinisira mo araw ko ah?" inis na sambit niya mula sa kabilang linya, halatang naubos ko na agad pasensya niya. Bakit ba napakaikli ng pasensya neto?

"Aalamin ko lang sana kung buhay ka pa. Kingina neto so ano buhay ka pa ba?" sarcastic na sambit ko sakanya at medyo napipikon na rin ako sa bagal niya pumick-up, at sumabay pa ang traffic lights. 

Sige sirain niyo lang araw ko, sige lang.

"Malamang makakausap mo ba ko kung hindi na ko humihinga, tsk oo na nasa school na ko dalian mo. Dahil mukhang mapapaaway na naman ako dito." sagot niya sakin kaya medyo napairap nalang ako. First day na first day talaga, gusto madetention ah.

"Tantanan mo yan, Stacey." saway ko sakanya pero binaba na niya ang tawag. 

Napasandal nalang ako malala sa sandalan habang nakatingin sa traffic lights na 60 seconds ang bilang at wala pa sa kalahati yung bilang. At pag ako di nakatiis babasagin ko yang traffic lights na yan.

Dahil may tanga pa kong aawatin.




The Cold Princess of Ainabridge AcademyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant