Kabanata 71

3.6K 104 2
                                    

Pangalawang araw ng Selebrasyon

JENICA

"Sigurado ka bang di ka nila makikita?" huling tanong ko kay Criszette dahil desidido na siyang sumilip sa Academy.

"Yeah magiingat ako." paalala niya sakin.

"Pwede ba kong sumama?" nagbabakasakaling sabi ko sakanya.

"Jenica delikado." sagot ni Criszette sakin.

"But I want to see Jarret gusto kong ayusin yung relasyon namin." di ko na napigilan pa at umiiyak na ko. Dahil nung huli kaming mag-usap ay di naging maganda dahil na rin sa sobrang galit niya sakin dahil ayoko pang sabihin sakanya lahat ng rason kung bakit inilihim ko sa kanya na isa ako sa prinsesa ng Ainabridge.

"Jarret?" nagtatakang sabi niya.

Napayuko ako at napapikit ng mariin.

"Wag mo sabihing may relasyon kayo?" di makapaniwalang tanong niya.

"I'm sorry Ate." naiiyak na sabi ko.

"Ayos lang. Halata ko naman noon pa may namamagitan sa inyo sa dalas palang na wala si Jarret sa school eh." nakangising sabi niya.

"Di ka galit?"

"What would I? I never see reason para magalit ako. Sino ba naman ako para pigilan ka magmahal." sagot niya sakin habang inihahanda ang sarili sa pagpuslit sa palasyo upang makasilip sa Academy.

Kaya napayakap ako sakanya.

"Er. May isa lang sana akong pakiusap Jenica?" bulong niya sakin.

Nagtataka akong kumalas sa yakap at tiningnan siya.

"Ano yun Ate?" tanong ko sakanya.

"Ayoko kasing niyayakap ako hihez." nahihiyang sabi niya.

Di ko alam kung matatawa ba ako o ano. Sabagay di ko siya masisi kilala sa pagiging cold stone tong kapatid ko na to kaya siguro ni minsan di pa nakakaranas mayakap.

"Why?" nagtatakang tanong ko sakanya.

"I'm just reminding someone when someone hugging me." malungkot na ani niya habang inaayos pa din ang mga dadalhin sa pagpuslit.

"Si Keiron ba yan?" walang alinlangan na tanon ko sakanya.

"Yeah you're right." malungkot na sabi niya. "Alam mo naman diba nakasaad sa propesiya nawala akong karapatang magmahal dahil mamatay naman ako sa mismong digmaan." dagdag niya pa.

Bakit ba ang hilig niyang saktan ang sarili niya? Hindi niya ba naiisip na sa ginagawa niya mas lalo lang niyang pinapahirapan ang sarili niya.

"Pero Ate?" pigil ko sakanya.

Dahil alam kong may magagawa pa siya para baguhin ang nakatakda but eto siya parang tanggap na niya.

"Tanggap ko na. Na walang Keiron at Criszette in the end of this story." malungkot na sabi niya.

Tumalikod siya at may kinuha sa drawer. Nasa ganun kaming sitwasyon ng pumasok si Gabby at Cheena.

"Saan punta niyo?" tanong nila samin.

"Sisilip lang kami ni Criszette sa Academy." sagot ko sakanila.

"Pwede sumama?" usal ni Gabby.

"Hindi dito lang kayo..Don't worry pupunta naman tayo sa Friday Night." sabat ni Criszette na nakabalik na pala mula sa pagkuha ng kung anumang bagay na dadalhin niya.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now