Kabanata 22

6.4K 150 1
                                    

CRISZETTE

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa hinihigaan ko at naramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko.

Err di nga pala ako nakapagdinner.

"Oy gising ka na pala." bungad ni Stacey sakin.

"Bat di mo ko ginising para maghapunan." nakabusangot na sabi ko sakanya.

"Tsk ang sarap-sarap kaya ng tulog mo. Baka masapak mo pa ako pagginising kita." sabi niya tsaka umupo sa sofa na malapit sa kama ko.

At masamang-masama ang tingin sakin.

"What? Bat ganyan ka makatingin parang ang laki-laki ng kasalanan ko sayo." bored na sigaw ko sakanya.

"Oo malaki kasalanan mo sakin." nakangising sagot niya habang nakasandal ang likod sa sofa at nakacross-arms na nakatingin sakin.

"At ano naman yun?" walang ganang tanong ko sakanya.

"Ih ang daya-daya mo may cellphone ka pala bakit tinago mo samin." napangiwi ako sa pagiging isip-bata niya. Ng dahil lang sa cellphone kala mo pinagtaksilan ng jowa o di kaya kala mo pinaglihiman ko na may jowa ako.

"Para kang bata alam mo yun." iritang singhal ko sakanya tsaka inirapan siya.

"Ih kanino ba galing yun?" sabi niya habang nakanguso sakin.

"Kay Mommy napilitan lang naman ako kunin yun." maikling sagot ko tsaka bumaba ng kama.

"Oh saan ka pupunta?" tanong niya sakin.

"Sa sala nagugutom na ako eh." sabi ko tsaka iniwan siya.

Ng marating ang sala napangiti ako ng makita ko ang barbeque sa lamesa. Tsk di kita nakain kagabi dahil sa kaartehan ko.

Sorry my dear barbeque.

Agad ko iyong nilantakan. Pero nasa kalagitnaan na ko ng pagkain ng biglang may epal na halos wasakin ang pinto dahil sa katok.

"Stacey buksan mo nga yun. Pag yang pinto nasira. Pati mukha niya sisirain ko." sigaw ko narinig ko naman ang yabag ng paa niya na palabas na ng kwarto ko.

Ipinagpatuloy ko ang pagkain syempre.

"Ow Serena ano at halos gusto mong sirain pinto namin." sabi ni Stacey pagbukas ng pinto.

Si Serena lang pala.

"Guys nawawala si Coleen mula pa kagabi." natatarantang sigaw ni Serena.

"Kung makapag-react ka nawawala lang naman pala eh." kalmadong sabi ni Stacey.

Kaso ng maalala niya kung anong sinabi ni Serena.

"Ano? Nawawala si Coleen." kaya ayun nataranta na din siya.

Napatingin sila pareha sakin.

"What?" singhal ko sa kanila.

"Wala ka bang kahit anong reaksyon diyan. Di ka man lang ba matataranta." nakakunot noong tanong ni Stacey sakin.

"Tsk gaya niyo ko sa inyo.May magagawa ba kung matataranta lang tayo. Stupid syempre wala." bored na sagot ko sa kanila tsaka tumayo.

At sino naman kayang abnormal at kumidnap kay Coleen?

Patay talaga sakin yun. Dahil sakanya naputol ang pagkain ko.

Nauna akong lumabas. Iniwan ko sila nakanganga.

Pumikit ako at ginamit ang isang spell para mapadali ang paghahanap kay Coleen.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant