The Antagonist

By KCaela_

130K 4K 289

Is it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14: Part 1
Chapter 14: Part 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17: Part 1
Chapter 17: Part 2
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Author's Note
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26: Part 1
Chapter 27
SURVEY
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31: Part 1
Chapter 31: Part 2
Chapter 32: Part 1
Chapter 32: Part 2
Chapter 32: Part 3
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
A N N O U N C E M E N T
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
So, is this how the end looks like?
It's your turn
A Sweet Ending After All

Chapter 26: Part 2

2.2K 92 11
By KCaela_

JANA

Wala na talaga siguro ako sa katinuan dahil sa sobrang pag-aalala kay Ada. Baka kasi may masamang nangyari kaya 'di niya sinasagot ang phone niya.

Ilang beses kong sinubukan na kontakin siya pero naka-off na talaga ang phone niya. Kaya ilang beses na rin akong naghe-hesitate na tawagan na si tito Adrian, baka sakaling may balita siya kung nasaan si Ada.

Kaya nagdadalawang-isip ako, baka kasi ako ang mayari kung pati siya hindi alam kung nasaan ang prinsesa niya.

Hindi ako papatulugin ng pag-aalala ko kaya tuluyan ko ng tawagan si tito.

Sa unang try, ring lang ng ring. Mag tatay nga sila ni Ada. Sa pangalawa, wala pa ring sumasagot. Mag gi-give up na sana ako, naisip ko na baka busy kaya hindi sumasagot. Pero sa pangatlong pagkakataon, he picked up the call.

"H-hello, tito Adrian?" Bungad ko rito. Halatang kabado ako.

"Oh, Jana. Napatawag ka yata. May problem ba?" Tanong nito sa akin.

Gusto ko sabihing "meron po, malaki po tito. Sing-laki ng anak niyo." Pero syempre 'di ko ginawa.

"A-ah e, wala naman p-po. May g-gusto lang po sana ako i-tanong?" Nauutal kong sabi.

"Ano yon, anak?" Malambing ang tono nito.

Naku tito, wag mo ako daanin sa ganiyan. Baka maging dragon ka pag nalaman mo ang problema.

Fini-figure out ko kung ano bang idadahilan ko kung sakaling hindi niya rin alam kung nasaan yung anak niya. 'Di ko naman kasi pwedeng sabihin na baka nag hangout kasama friends niya, wala dito sa bansa yung mga kaibigan niyang englishera gaya niya. 'Di ko rin naman pwedeng sabihin na nasa school or office dahil kung doon ang punta niya, dapat kasama ako, magtataka lalo si tito. Hay, ano bang idadahilan ko? Tulungan niyo naman ako.

Mag-isip ka, Jana Sherry. Isip. Isip. Isip. Is--- teka nga lang.

Bakit ba ako kinakabahan sa sasabihin ni tito? E hindi ko naman responsibility yung anak niya na 'yon. Tsaka malaki na 'yon, kaya niya na buto ni---

"Hello? Jana, nandyan ka pa ba?" Tanong mula sa kabilang linya.

Kausap ko nga pala si tito. Hehehe.

"Ahm.. opo, tito." Tipid kong sagot. Kinakabahan kasi talaga ako. Baka maihi ako ngayon 'pag nasabi ko na yung dapat kong sabihin.

"So, ano nga yung itatanong mo?"

"A-ahm, tito... Alam niyo po ba kung n-nasaan yung a-anak niyo?" Kabado kong tanong.

"Sino bang anak, Jana? Tatlo sila e. Sino sa kanila yung hinahanap mo?" Tanong naman nito pabalik.

Oo nga naman, self. May mga kapatid si Ada. My gahd, use your brain.

"Si Ada p-po, tito. Alam n-niyo po ba kung nasaan s-siya?" Kabadong-kabado pa rin ako.

"Si Ada?" Paglilinaw nito.

Naku, ito na nga ba yung sinasabi ko e. Sasabihin niya "bakit mo sakin tinatanong? Di ba dapat magkasama kayo by now?" Oh my gahd. Anong isasagot ko sa kaniya?!

"Ah o-opo, tito." Yung tibok ng puso ko nag times four, kung possible man iyon.

Ang tagal na hindi sumasagot ni tito Adrian. Naisip ko tuloy na baka busy talaga siya tapos inistorbo ko pa.

Pero ilang segundo pa ang nag tagal, may naririnig akong ibang boses mula sa kabilang linya. Boses ito ng isa pang lalaki at isang babae. Para silang nagbubulungan.

Matutuwa sana ako kasi may possibility na si Ada ang isa sa boses na iyon. Pero sigurado akong hindi niya boses 'yon.

"Hello, tito? Nandyan pa po ba k-kayo?" This time, ako naman ang nagtanong nito sa kaniya.

"Ah, oo. Pasensya ka na." Sagot nito.

Tito, anuena? Yung tinatanong ko sayo, sagutin mo na.

"Ano nga ulit yung tanong mo, anak?" Tanong ulit ni tito.

Bad trip to si tito Adrian ah. Buong lakas loob kong tinanong sa kaniya yung tanong ko tapos ipapa-ulit niya nanaman. Hays.

"Kung alam niyo po ba kung n-nasaan si Ada." Sagot ko.

"Ah, oo nga pala." Sagot niya naman.

What the-- hindi pa rin nasagot tanong ko. Putik na 'yan.

"Alam niyo p-po ba?" Muli kong pag-ulit ng tanong ko.

"Jana, anak. Pwede ka bang pumunta dito sa bahay namin?" Tanong ni tito.

What?! Akala ko naman sasagot na siya sa tanong ko, jusko. Pero bakit naman pinapapunta niya ako sa kanila? Kung tungkol sa company 'to, sa office niya naman sasabihin. Bakit kaya?

"Why po, tito? If it is about the company, you can send it through email po." Tanong at suggestion ko.

"Basta pumunta ka dito sa bahay. ASAP." Sabi nito. Sasagot pa dapat ako pero nag end bigla ang call.

And there, hindi naman nasagot yung tanong ko kung alam niya ba kung nasaan yung anak niya. My gahd, para siyang si Ada, pain in the ass.

~*~

In the middle of the road, iniisip ko kung bakit ako pinapapunta ni tito Adrian sa kanila. At ASAP pa nga.

Hindi kaya alam niya kung nasaan si Ada?

Nabuhayan naman ako ng loob sa bagay na 'yon.

Pero teka, hindi naman kaya nandon si Ada tapos sinabi niya yung nangyari sa'min? Wait, parang mali 'yon. Walang nangyari sa'min, oke?

Baka lang pumunta si Ada roon tapos sinabi niya sa Dad niya na nagkiss kami. Tapos knowing Ada na may pagka-OA, baka sinabi niya na ni-rape ko siya or something. Hay nako, napa-paranoid na ako.

Papasok na ng Royal Empire Village yung sasakyan ko, and I am asking the guard kung ano ang lot number ng bahay ni tito Adrian. Tumawag muna siya sa residence to confirm that I am a visitor. Maloka ako kay kuyang guard, mukha ba akong gagawa ng krimen sa village nila?

Kasabay naman ng pag-tatawag ni kuyang guard sa residence nila tito ay ang pag-exit naman ng isa pang sasakyan.

Hindi ko alam kung bakit naagaw nito ang atensyon ko, at parang namamalik-mata pa nga ako. Para kasing si Ada yung nasa back seat.

Hindi ko naman masyadong kita dahil may kalayuan ang distance, at isa pa, protected yung windows.

I texted tito Adrian na nasa labas na ako ng bahay nila. Nagbukas ng kusa yung gate. Iba talaga pag rich, high-tech yung gate.

Pagka-park ko sa available space, tumuloy na ako sa tapat ng isang malaking pintuan. Sa sobrang laki nito, feeling ko sa ibang dimension ako mapupunta kapag pumasok ako roon.

Isang maid ang bumungad sa akin. Manghang-mangha ako sa lahat ng detalyeng nakikita ko sa bahay na 'to habang nili-lead niya ako papunta sa private library ni tito Adrian.

Pagbukas pa lang ng pinto, nakita ko na agad si tito Adrian na naka-ngiti sa akin.

Tuluyan na kaming nagka-harap. Nag beso ako sa kanya to show respect.

"Take a sit." Offer nito at itinuro ang upuan na nasa tapat niya.

Agad naman akong umupo. At di ko mapigilan ang sarili ko na mag tanong.

"Tito, bakit niyo po ako pinapunta dito?" Naguguluhan kong tanong.

"Wala lang..." Simpleng sagot nito.

Muntik akong mapasabi ng "what the fudge" pero syempre pinigilan ko.

Gustong-gusto ko na masagot yung tanong ko e. Ayun ang pakay ko dito, at akala ko naman 'yon ang dahilan kung bakit ako pinapunta rito. Pero mukhang pagti-tripan lang ako ni tito.

"Hindi niyo po nasagot ang tanong ko kanina over the phone." Sabi ko sa kaniya para naman maalala niya na nawawala at 'di ko mahagilap yung anak niya.

"Bakit mo ba siya hinahanap, anak?" Tanong niya sakin pabalik.

Ay, maloka rin naman ako rito kay Tito. Kailan pa naging tama na sagutin ng tanong ng isa pang tanong?

Gusto ko sana sabihin na "kasi nawawala na yung anak mo pero nakukuha mo pang maging chill habang ako nababaliw na". Pero bago pa man ako sumagot, nagsalita ulit siya.

"You look so damn worried, Jana. May nangyari ba? Bakit sobrang bothered ka for not seeing my daughter?" Seryosong tanong nito.

Natigilan ako doon sa tanong niya. Hindi ko kasi alam ang isasagot. Walang nagsasalita sa amin sa loob ng ilang minuto. Siguro, binibigyan niya ako ng oras para sagutin yung tanong niya.

Bakit nga ba? Bakit nga ba ako nagwo-worry kay Ada? E hindi ko naman siya kaano-ano in the first place.

Ilang buwan ko pa lang siya nakakasama, pero araw-araw naman kaya parang napakatagal ko na siyang kilala. Kaya siguro worried ako na bigla na lang siya nawala after our kiss .

Nang maalala ko yung "kiss", bigla na lang nagwala yung puso ko. May mga nagliliparan din sa sikmura ko. Yung mga pakiramdam na 'to, naging usual na kapag si Ada ang pinag-uusapan.

"Ano mo ba si Ada? Ano ba si Ada sa buhay mo?" Muling tanong ni Tito.

Hindi ko pa nasasagot ang una niyang tanong, sinundan niya nanaman ng mas mahirap pang katanungan.

Nanahimik ulit ang paligid. Nagkaroon ako ng oras na mag isip.

Ano ko nga ba si Ada? Sabihin na nating, kaya ko siyang i-consider as my best friend and best enemy at the same time.

Pero ano nga ba siya sa buhay ko? Isang antagonist. Siya yung tao na sobrang kina-iinisan ko dahil lahat na lang ng bagay, kokontrahin niya. Lahat ng desisyon ko, mapa-trabaho, school matters, or life issues and stuffs, pinapakelaman niya, kinokontra niya. Isa siyang malaking kontrabida.

Habang tahimik pa rin ang paligid, napa-isip ako ng malalim.

Bakit hindi ko magawang magalit kay Ada? Kahit na siya ang kontrabida sa buhay ko, bakit hindi ko siya nagawang balewalain? At sa lahat ng bagay na nangyari at napagdaanan namin, bakit sobra ang pag-aalala ko sa kanya ngayong nawawala siya? Mas nag-aalala pa yata ako ngayon kesa sa tatay niya.

Habang palalim ng palalim ang pag-iisip ko tungkol kay Ada, mas lalong lumalakas at bumibilis ang tibok ng puso ko. Parang lalabas na nga 'to mula sa dibdib ko.

Ilang minuto pa ring nananatili ang katahimikan. Nakatingin lang sa akin si tito habang finifigure-out ko ang mga bagay-bagay. Magsasalita na sana ulit ako pero inunahan niya ako.

"Alam mo na ba yung mga kasagutan sa tanong ko? Gusto kong sagutin mo muna ang mga tanong na binigay ko sayo, bago ko sagutin ang kanina mo pang tanong." Seryoso pa rin ang tono nito.

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko, posible pa ba yon? Sobrang bilis na pero mas lalo pang bumibilis. At walang ibang laman yung isip ko kung hindi isang babae na nagngangalang Ada Gaile.

And then there, pinarealize sakin ni tito ang matagal ng gumugulo sa pagkatao ko.

"Tito.. I think I l-love your d-daughter... I u-uhm.. I'm in love with Ada. I think I fell in love with my antagonist."

Nakatingin lang ako kay tito habang sinasabi ito. Hindi ko rin alam kung saan nagmula yung mga salita na yon.

Naka-ngiti lang sa akin si tito pero hindi umaabot sa mata ang ngiti niya.

Napalitan ng kaba ang nararamdaman ko. Hindi yata approved sa kaniya na may something ako sa anak niya.

Pero bakit niya naman ito ipapa-realize kung di siya approved?

"Sa lahat talaga ng bagay, sa lahat ng desisyon, mapa-trabaho o totoong buhay, you never fail to make me proud. You are wise, Jana." Sabi nito sa akin.

Napangiti na lang ako ng marealize na totoo nga lahat ng nasabi ko kanina.

"So.. you were asking kung alam ko ba kung nasaan si Ada? Of course, I know. Ako ang tatay e...." He laughed a little bit while saying this and then he looked at me in a serious way.

"At alam ko rin na may kailangan akong ipa-realize sa anak ko. Kagaya ng bagay na naging malinaw sayo ngayon..." Gusto ko siyang putulin sa sasabihin niya, gusto kong mag thank you sa di malaman na dahilan. At gusto ko rin sabihin na "just tell me where your daughter is".

"You really wanted to know kung nasaan siya sa ngayon?" Tanong nito sa akin.

I just nod while showing a big "please" on my face.

"She's on her flight. She's going back to California."

And then the world stopped. I heard my own heart breaking into pieces.

He is just kidding, right?

End.











Charot lang ulit.

Continue Reading

You'll Also Like

39.5K 1.1K 62
COMPLETED STORY Star Amirez, a 23 years old girl who's life was very simple. She came from a wealthy family but her family despise her. Zeke Velasque...
39K 738 52
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
8.2K 200 28
Sabi nga nila makalimot man ang isipan ng isang tao at mawala ang lahat ng alaala nito. Magkagayon pa man hinding hindi naman makakalimot ang puso ni...
1K 186 18
The story of the second lead deserves to be told, right?