UNRIVALED!

By PeachyyyPie

284K 16.3K 4.3K

So, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then... More

PROLOGUE
* CHAPTER 1~ Blue Haven wall was wrecked!
* CHAPTER 2 ~ I am not interested.
* CHAPTER 3 ~ Don't bother me..
* CHAPTER 4 ~ Will you be our friend?
* CHAPTER 5 ~ Tick tock! Timebomb!
* CHAPTER 6 "War on!"
• CHAPTER 7 "Protect your base."
• CHAPTER 8 "Protect your base"
• CHAPTER 9 "The Giant Bird"
• CHAPTER 10 "The Lost Shoe"
• CHAPTER 11 "Pendant"
• CHAPTER 12 "Relic"
• CHAPTER 13 "Proxy"
• CHAPTER 14 "Captor"
• CHAPTER 16 "Contenders Profile"
• CHAPTER 17 "Battle for cause"
• CHAPTER 18 "Eugi vs Suzzane"
• CHAPTER 19 "Eugi vs Alistair"
• CHAPTER 20 "Serendipity"
SPECIAL CHAPTER
• CHAPTER 21 "Trap"
• CHAPTER 22 "Default"
• CHAPTER 23 "Instinct"
• CHAPTER 24 "Payback!"
• CHAPTER 25 "Visit"
• CHAPTER 26 "Call away"
• CHAPTER 27 "Hierarchy "
• CHAPTER 28 "Barricade"
• CHAPTER 29 "Rogue!"
• CHAPTER 30 "Violators"
• CHAPTER 31 "Monitor"
• CHAPTER 32 "Missing"
• CHAPTER 33 "Justice"
• CHAPTER 34 "Help"
• CHAPTER 35 "Player's ready!"
• CHAPTER 36 "Hide and Seek"
• CHAPTER 37 "The Plan"
• CHAPTER 38 "Abduct"
• CHAPTER 39 "Eye for an Eye"
• CHAPTER 40 "Stolen"
• CHAPTER 41 "Paintings"
• CHAPTER 42 "Ambush"
• CHAPTER 43 "Operation"
CHAPTER 44 "The Plan"
CHAPTER 45 "The Royale Heir"

• CHAPTER 15 "The Annual Tournament"

4.9K 296 17
By PeachyyyPie


TINITIGAN ni Eugi ang hawak niyang capsule, ito ang kailangan niyang inumin para makapagtago sa katauhan ni Neo. Napabuntong hininga siya at sandaling napaisip. Bakit nga ba siya pumayag? Para sa strawberry milk? Psh, napaka lame ng kaniyang rason. Pero, ‘yun talaga ang dahilan kung bakit siya napapayag ni Sheiko.

‘No one will go against Eugi and strawberry milk.’

Ngunit tulad ng sabi ni Sheiko ay may limitasyon lang ang epekto ng capsule. Parang Cinderella story lang kung saan kailangan na niyang umalis pagsapit ng itinakdang oras. Hayss, ano ba ‘tong pinasok niya?

Unfortunately, anim na oras lang ang epekto ng capsule.. Maximum limit na ‘yun, so anim na oras lang rin ang meron ka para tapusin ang laban.. Hindi ka pwedeng mag-exceed sa limit dahil babalik ka na sa dati mong anyo, and worse makikita ng buong media ang ginawa mo.. So better avoid that, ‘kay?”

Kinuha niya ang baso sa ibabaw ng kaniyang beside table at nilunok ang capsule saka uminom ng tubig. Ilang segundo matapos niyang uminom ay wala naman siyang kakaibang naramdaman sa loob ng kaniyang katawan. Tiningnan niya rin ang kaniyang mga kamay at sinuri kung nagbago ba ito, pero wala pa rin.

Ilang minuto ang lumipas at nakaramdam siya ng matinding antok kaya wala sa sarili niyang ibinagsak ang katawan sa kama saka pinikit ang mga mata para matulog.

Kinabukasan..

Naalimpungatan si Eugi nang maramdaman niya ang ilang pagdila ng  aso sa kaniyang kamay. Nang makabangon siya ay iba ang kaniyang pakiramdam, na para bang may nagbago sa aura ng paligid. Bagama’t Malabo pa ang kaniyang paningin, hindi niya makita ng maayos ang sarili. Tumayo siya at dumiretso sa banyo para maghilamos.

Kinuha niya ang tuwalya saka nagbanlaw ng mukha. Bigla ay napaurong siya sa gulat nang magtama ang tingin niya sa kaniyang repleksiyon sa kaharap na salamin. Napaawang ang kaniyang labi habang sinusuri ang kaniyang repleksiyon. Namangha siya sa epekto ng ininom niyang capsule kagabi.

Kamukhang-kamukha niya si Neo!

Wala talagang makakapagsabi sa pinagkaiba nila ni Neo ngayon, maliban sa kanilang pag-uugali. “Wow..” napapahanga niyang hinawakan ang kanang pisngi saka ‘to pinisil-pisil. Nang masanay na siya sa kaniyang anyo ay doon lamang niya naisipang lumabas ng banyo at mag-asikaso para pumasok.

Ngunit naalala niya, hindi niya pala nabanggit sa kaniyang kuya ang tungkol dito. Paniguradong magugulat ito kapag nakita siya sa gan‘tong anyo.

Bahala na..’

Huli niyang kinabit ang school badge ni Neo sa kaniyang uniform, na pinahiram pa nito sa kaniya ‘nong huli siyang bumisita dito.

This is it pancit..

Nang makababa siya, naabutan niya ang kapatid na naghahanda ng kanilang almusal sa kusina. Nagpiprito ito nang mapatingin sa kaniya. “How the pak!?” napaurong ito sa gulat. Nanlalaki ang mga mata ni Altex na tumingin kay Eugi. Naka-awang pa ang kaniyang bibig sa gulat, at halos ‘di niya maipaliwanag kaba sa kaniyang dibdib. Sinoto!?

“Sino ka, ha!? ‘Pano ka nakapasok dito!?” gulat pa ring tanong niya. Natatakot siya sa mga pangyayari at hindi siya makapag-isip ng maayos. Bakit mo suot ‘yang uniform ng kapatid ko!?”

Ako si Eugi..”

“Ha!? At anong tingin mo sa ‘kin? Bulag!? Tingin mo maniniwala ako sa ‘yo!?” halos sumakit na ang kaniyang lalamunan kakasigaw pero hindi iyon mahalaga dahil kailangan niyang malaman kung sino ang estrangherong ito at pano iyon nakapasok sa kaniyang bahay. Gayang-gaya mo manyung expression ng kapatid ko, pero ‘di mo ko maloloko!”

Sira-ulo..’ isip ni Eugi habang pinagmamasdan sa takot ang kaniyang nakatatandang kapatid. Kay lalaking tao at matatakutin ito. Pero hindi niya rin ito masisisi dahil nakakagulat nga namang makakita ng estranghero sa loob ng iyong bahay.

Ano!? Hindi ka makasagot!? Sabi na nga ba e! Nabisto na kita!” nang tangkaing lumapit ni Eugi para kumuha ng baso ay mabilis na naalerto si Altex sa kaniya kaya kinuha niya ang malaking rolling pin sa lamesa at umastang hahatawin niya ito. Sige, subukan mo lumapit! Makikita mo talaga ang bangis ko! I know karate!”

Sira ka talaga, no?” ani Eugi saka tinalikuran ito. Wala siyang oras makipag talo dito dahil wala naman ‘yong patutunguhan. Kinuha nalang niya ang bag saka mabilis na nagsuot ng sapatos para maka-alis. Mabuti nalang at tulog pa ang kaniyang lola dahil paniguradong kailangan niyang ipaliwanag ang mga nangyayari at ‘yon ang pinaka ayaw niya. “Alis na ko, gurang..”

~•~*~•~

ANG annual tournament ang isa sa pinaka malaking event ng Blue Haven. Ito ang labang inaabangan ng lahat, mapa-estudyante man ng Blue Haven o hindi. Dito nasusukat ang lakas ng mga lumalahok at dito rin nalalaman ang susunod na keeper para sa relic key. Kaya naman maaga pa lang, ay pumasok na ang mag-oorganisa ng event. Sa hall gaganapin ang tournament, sapat na para ma-accomodate ang libo-libong estudyanteng manonood. Bukod dito ay may live broadcast ‘din ang laban, dahil nag te-trending ito sa poll sites at sa iba’t-ibang bahagi ng media page.

Pati ang mga outsiders ay hindi pinalagpas ang event. Bumili sila ng ticket kahit pa ubusan ito. Kailangan pa nilang makipag unahan para lang ma-reserve ang kanilang mga seats dahil paniguradong mapupuno ito mamaya sa oras na ng laban.

Abala ang lahat ng estudyante sa araw na ito kahit saang bahagi tingnan. Ang mga cameran man ay sinimulan ng i-set up ang mga cameras at iba pang tool para maipalabas ng live ang laban mamaya. Ang dalawang magiging emcee ay nasa isang kwarto kung saan nag pa-practice ng kanilang mga sasabihin. Ang mga estudyante ay abala naman sa pag gawa ng mga bonggang banner at poster na may mukha pa ng kanilang mga susuportahan na contender.

Samantala, si Sheiko ay panaka-nakang sumusulyap sa kaniyang cellphone, naghihintay ng reply mula kay Eugi. Kanina pa siya hindi mapalagay para dito. Pano kung hindi umepekto ang gamot na ipinainom niya? He's in big trouble kapag nangyari iyon. Kailangan ng Blue Haven ang presensya ni Neo mamaya dahil ito ang pambato ng Sorcerer unit.

Sheiko, anong oras ba darating ‘yang si Neo??” tanong ng isa sa mga kaklaseng nakapalibot sa kaniya. Hindi niya inaasahang siya ang unang lalapitan ng mga ito ngayong umaga, para tuloy siyang nanay ni Neo dahil panay tanong ang mga ito na para bang alam niya lahat ng ginagawa nito.

Teka lang, hindi pa siya nagre-reply sa mga texts ko, e.. Baka on the way na..” sana nga.. Kung hindi makakadalo si Eugi ay sana ipinaalam na nito ng maaga nang hindi umaasa ang kaniyang mga kaklase na may pambato sila dito. Mapapansin ang pagka-stress sa mukha ni Sheiko, na para bang isa siyang manager na inaasikaso ang kaniyang celebrity.

Mag reply ka sa mga text ko, Eugi!’

“She should be here by now..”

Oo nga, nag prepare pa naman ako ng banner para sa kaniya..”

Sabihan mo naman ‘yang best friend mo na kumilos ng mabilis.”

Anong oras na? Hindi pa bayon darating??”

“Psh, susuportahan pa ba natinyon?? Parang wala namang laban ‘yun kina-Visla at—”

Syempre! Kaklase kaya natin siya! Oras natin para mag shine, no?”

Handa na sanang banatan ni Sheiko ang kaniyang mga kaklase dahil sa mga pananalita nito ngunit napigilan ‘yon nang matanawan niya ang pigura ni Eugi mula sa malayo. At sa gulat niya napangiti siya nang makita ang epekto nito sa kaniya. Nagawa nitong baguhin ang buong appearance ni Eugi.

Waaaaaaaah! Eu—Neeeeooooooo!” muntikan nang madulas ang dila niya doon pero wala siyang paki-alam dahil mas mahalagang nakarating na si Eugi dito. Binungad niya ng mahigpit na yakap si Eugi saka dinala sa isang tabi kung saan malayo sa kanilang mga kaklase at ibang estudyante.

Effective..” pigil ang sigaw niyang bulong. Halos mapunit na ang kaniyang labi dahil sa malaki niyang ngiti. Hindi siya makapaniwala, gumana ang ginawa niyang potion. Para niya talagang kaharap si Neo pero alam niyang si Eugi ito dahil sa kawalan nito ng emosyon at kakaibang paraan ng pagtingin. “I can't believe it! Effective talaga..”

Shh,” pinatahimik siya ni Eugi saka tumingin-tingin sa paligid kung may ibang nakikinig sa pinag-uusapan nila. Oo.. Ang galing mo..”

Yiee, thank you.. Pero tandaan mo, may limit langyan. Kaya eto, kunin mo..” kinuha ni Sheiko ang palad ni Eugi at inilagay ‘don ang isang relo. “Hindi ‘yan wrist watch.. Countdown ‘yan para malaman mo ang natitirang oras para sa gamot na ininom mo.. If posibble, leave early kapag five minutes nalang ang nalalabi diya’n sa oras mo, kay?”

“Mm.. Salamat..” sinuot niya ito sa kaliwang pulsuhan.

Neoooo! Congratulations!” napalingon si Eugi nang lumapit sa kaniya ang mga kaklase nila. Nakangiti ang mga ito habang tinataas ang hawak na banner. Nandoon pa ang mukha ni Neo kung saan may nakalagay na ‘Neonila fighting!’

Pinasalamatan niya lang ang mga ito pero hindi nagpakita ng ngiti.

Ang galing galing mo dahil qualified ka maging contender! Susuportahan ka namin!”

Aabangan namin ‘yang laban mo! I-checheer ka namin!”

Galingan mo, ah.. Para naman may masabi silang maganda sa section natin.”

H’wag kang papatalo sa kanila, alalahanin mo, malaking pera ang pwede mong mapanalunan dito..”

Kaya mong manalo, maniwala ka lang sa sarili mo!”

Hindi niya alam pero hindi nakatulong kay Eugi ang mga sinasabi ng kaniyang mga kaklase. Sa katunayan, mas nakaramdam pa siya ng kaba dahil sa mga sinabi nito. Ayaw niya sa harap ng maraming tao, ‘yon ang bagay na hindi niya magawang gawin hanggang ngayon. Pero, wala siyang magagawa kun ‘di harapin ang takot na ‘yon ngayon.

Sige, dadalhin ko na ‘tong si Neodon sa contender’s area para makapag prepare na siya.. One hour before the match kasi ang call time kaya kailangan niyang umalis ng maaga..” paliwanag ni Sheiko habang nakangiti sa mga ito.

“Ah sige, ingat kayo..”

Galingan mo Neo, ah..”

“Bye.. Ipanalo mo ang laban!”

Neonila, fighting!”

Nang makalayo na ang dalawa sa kanilang mga kaklase ay nakahinga na silang pareho ng maluwag.

Bakit hindi mo ma-reply’an ‘yung mga texts ko?” tanong ni Sheiko.

“Ah, wala kong load.. Sorry..”

“Hahaha, okay lang.. Pinag-alala mo ko..”

Kumusta si Neo?”

“Shh, ‘wag kang maingay.. Eugi nalang ang itawag mo sa kaniya kasi ikaw si Neo ngayon..”

“Sige.. Kumusta siya?”

“Sabi niya sa ‘kin manonood daw siya ng live para sa laban mo mamaya. Hindi pa rin niya kakayaning makalakad, though masusubaybayan ka niya..”

Tumango lang si Eugi saka ‘di na nagsalita.

Tumigil sila sa harap ng isang pintuan sa ikatlong palapag. Tatlong beses na kumatok si Sheiko bago bumukas ang pinto at bumungad ang isang lalaki. May hawak itong papel kung saan nakalista ang pangalan ng mga contender para sa laban mamaya. “Yes?” tanong nito sa kanila.

Dito po bayung waiting room ng mga contenders mamaya?” tanong ni Sheiko.

“Yes.. Sino ang contender??”

“Ako po..”

“Name?”

N-Neonila Esmallaner..”

Tumingin ang lalaki sa hawak na papel saka ngumiti kay Eugi. Come in..”

Magkita nalang tayo mamaya, good luck..” ngumiti si Sheiko at kumaway dito para magpaalam.

Sige.. Salamat..” kumaway rin siya bago pumasok sa loob ng silid. Pagpasok niya sa loob, bumungad ang maaliwalas na paligid. Sa gilid ay may‘rong mahabang lamesa kung saan may walong upuan. Sa kaliwa naman ay may mahabang itim na sopa at center table. Nagsilbing mga palamuti ang halaman sa sulok.

“Ano ang race mo?” tanong ng lalaking nag-aasist sa mga contenders.

“Mor—Sorcerer..” muntikan na ‘yon!

“Maupo ka.” inalok siya nito kaya naman umupo na rin siya sa may sopa at naghintay ng susunod nitong sasabihin. Para siyang bata na walang ka-alam alam sa gagawin. Sandaling umalis ang lalaki at pumasok sa isang pinto na nasa loob lang rin ng silid. Mga ilan pang segundo ay lumabas din ito na may dalang damit na nakatupi sa loob ng plastic. Inabot niya ‘yon kay Eugi. “Magpalit ka niya’n mamaya.. ‘Yan ang kailangan mong suotin para sa laban..”

“Sige po..”

“Ikaw palang ang nandito, pero mamaya darating na rin ‘yung iba.. Andiya’n ‘yung profile guide para sa magiging opponent mo mamaya.. Maiwan muna kita kasi may aasikasuhin ako sa kabila..”

“Mm.. Thanks..”

Lumabas ng kwarto ang lalaki at naiwang nakatulala si Eugi nang maisipan niyang kuhanin ang profile guide sa ibabaw ng center table. Binuklat niya ito at binasa ang mga nakasulat ‘don. Nakita niya ang pangalan ni Visla sa pinaka-itaas. Ibig sabihin ito ang pinaka malakas na pambato ‘nong nakaraan na taon dahil mahigit 997 points ang may‘ron ‘to. Ang mga sumunod na pangalan ay may‘ron lamang score na ‘di lalagpas sa 500 points. Gaano ba ito kalakas? Para gano’n kalaki ang ilamang nito sa iba??

Napasulyap si Eugi sa nalalabi niyang oras. 05:38

Napakabilis ng takbo ng orasMay‘ron na lamang siyang limang oras at thirty eight na minuto bago siya bumalik sa dating anyo.

Hayss..

Tumayo siya at pumunta sa malapit na washroom para magpalit na ng damit. Tinanggal niya sa pagkakabalot ang kaniyang susuotin at pinagmasdan ito. Damit ito ng mga sorcerers o witches na napapanood niya sa TV. Pero may pinagkaiba ito, dahil maganda ang pagkakagawa nito at may kakaiba ring disenyo. Black and violet ang kulay nito na bumagay sa kasamang witch hat.

Sinukat niya ito sa kaharap na salamin saka sinimulan na itong suotin. Matapos niyang magpalit ay tiningnan niya ang kabuuan ng kaniyang repleksiyon. Napatitig siya sa sarili. Kahit sinong katawan ang gamit niya ay wala pa rin talagang nagbabago sa ekspresyon niya. Bakit kaya??

Kahit kaninong katawan pa ang gamit niya ay ‘di niya maiwasang makita ang sariling repleksiyon.

Para lamang siyang dadalo sa isang halloween costume party dahil sa suot niya ngayon pero ito ang required na outfit para ma-distinguish ng mga tao kung saang bloodline nabibilang ang contender. Mga ilan pang segundo ay lumabas na siya ng banyo at bumalik sa waiting room. Doon ay nadatnan niya ang isang babae na may kulutang buhok. Napatingin ito sa kaniya nang buksan niya ang pinto.

“Oh, Neo.. Kumusta??” masayang bati nito sa kaniya. Sinimulan ng kabahan si Eugi para sa mga mangyayari. Hindi niya kilala ang babaeng ‘to at mas lalong ‘di siya marunong makipag-interact ng usapan. Maaring aquaintance o kaya old friend ni Neo. Damn, hindi niya naisip ang consequences ng pagpapanggap niya.

“Okay lang ako..” tipid niyang tugon. Mahinang dalangin niya na sana ‘wag na siyang kausapin nito dahil wala rin siyang interes na kumausap dito.

“Naaalala mo pa ba ko??”

Umiling si Eugi.

“Ako ‘to, si Suzzane.. ‘yung nakasama mo sa first craft.. ‘Diba sabay pa tayo ‘nong nanalo laban sa mga wolves..”

First what!?

“Hindi ko maalala.. Sorry..”

“Mm.. Parang nagbago ka, ang jolly-jolly mo noon, e..”

‘People change, idiot..’

Hindi nalang sumagot si Eugi para matapos na ang usapan. The more na kinakausap siya ni Suzzane ay parang gusto na niyang lumakad palabas ng silid. This is what she hates.. Interacting with complete stranger..

“I didn't expect na makakapasa ka.. What makes you join the tournament?”

‘Strawberry milk..’

“Prize money..”

“Really? E ‘di ba mayaman ka naman?? An‘yare?? Bumaon ba kayo sa utang??”

‘Ibaon ko ulo mo sa lupa.. Tsk!’

“Basta..” katamad mag-explain..

“So you're not after fame or the title??”

“Hindi nga..” Tsk..

“Pang-ilang entry mo na??”

Pang ilang entry na ba ni Neo??

“First time..”

“Seryoso?? So wala kang experience sa mga ganitong klaseng laban?? Hindi kaya mahirapan ka niyan??”

“Ewan..”

“Makukuha mo lang prize money if nagawa mong talunin ang lahat ng contender, but it seems impossible para sa baguhang tulad mo.. You should join in small fight to gain experience before you decide to join this—Sorry ah, ‘di kita tinatakot.. I'm just reminding you na hindi biro ang pumasok ng ganitong klase ng laban.. So, good luck..”

“Kay..”

***

Hello, thank you for reading! Leave a vote and comments!

Continue Reading

You'll Also Like

26.7M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
34.1K 563 25
WIFE SERIES UNDER PAPERINK IMPRINTS Rainnance Verdadero & Ghon Angeles
240K 4.6K 55
The Teenager Mommy into Aimer La Maman Célibataire. SYPNOSIS Carisha was sixteen when she decided to go in a Bar. She was so careless at that time th...