The Wattpad Filipino Block Pa...

By AmbassadorsPH

63.4K 4.4K 2.4K

Hey Wattpadders, panahon na naman para sa pinakamasayang party rito sa Wattpad! Maki-celebrate sa buong buwan... More

The Wattpad Filipino Block Party 2019
First Week Line-Up
Asteraoth's Author Interview
MalditangYsa's Poem
IHeartThisGuy's Short Story
April_Avery's Author Interview
Risingservant's Poem
Second Week Line Up
IamCrazyYouKnow's Author Interview
HeartlessNostalgia's Special Chapter
AnakNiRizal's Special Chapter
ChannelingHappiness' Author Interview
Cinnderella's Short Story
Purpleyhan's Poem
Third Week Line-Up
Akosiibarra's Author Interview
Blackpearled's Author Interview
xMissYGrayx's Special Chapter
Weirdygurl's Author Interview
Nerdyirel's Author Interview
TheCatWhoDoesntMeow's Short Story
Fourth Week Line Up
AyamiLu's Author Interview
FrustratedGirlWriter's Author Interview
MelonDiaries' Short Story
HanMariam's Short Story
ManunulatPH's Pop Quiz
Greenwriter's Story Teaser
Last Line Up
Iam_Mirrage's Author Interview
RomancePH's Romance Tips
MakataPH's Chain Poetry
End of Wattpad Filipino Block Party 2019

Serialsleeper's Short Story

5.2K 307 367
By AmbassadorsPH

WATTPAD FILIPINO BLOCK PARTY 2019

#TWFBP2019      #TWFBPTimeTravel

Codename: Fall our girl

The Serial Collision - A Filimon Misadventure

You're now chatting with a random stranger. Say hi!

You both like Filimon Heights.

You: Hey?

Stranger: Hi

You: ASL?

Stranger: I don't know any sign language haha

You: Idiot hahaha it means age, sex, location

Stranger: That's not nice haha

You: Braylee?????

Stranger: Who is this? Hahaha

You: Haji Kazemi, ang kasama mong bubuo sa iyong future family

Stranger: Ay ikaw pala haha musta?

You: Heto, laging naghihintay sayo

Stranger: Why?

You: Kailangan ko pa bang sagutin yan? hahaha

Stranger: Pwede ring hindi haha asan ka pala ngayon?

You: In my room, dreaming of you

Stranger: I'm bored :(

"Holy Shrek!" Napabalikwas ng bangon si Haji mula sa pagkakahiga. Dali-dali siyang nagtipa sa kanyang cellphone, hindi maalis ang ngiti at galak sa kanyang mukha.

You: How about some ice cream?

Stranger: Gabi na

You: Correction, it's midnight haha

Stranger: Hindi ba delikado?

You: Mas delikado ang mukha ni Magno hahahaha How about I pick you up from your dorm? Basta wag sasama si Piper o kahit sino sa friends mo ha?

Stranger: How about we just meet somewhere? Tatakas pa kasi ako sa dorm. Alam mo na.

You: Wow, I had no idea you can be bad haha

Stranger: Not as bad as you haha

You: I'm not that bad as you think ;)

Stranger: There's a thread about you in the Filimon Forums. Tons of people had bad things to say about you

You: I wish u didn't see that :(

Stranger: I'm reading it right now haha don't worry, I know there's good in you

You: You think so?

Stranger: I know so :)

You: So... Expression lane?

Stranger: How about the dock? I could use the fresh ocean air

You: Anything for you, Bray

Stranger: See you!

Limang minuto lang ay bihis na bihis na agad si Haji. Halos maligo pa siya ng pabango at makailang ulit pa siyang nagpabalik-balik sa harap ng salamin, inaayos ang buhok at sinisigurong maayos tingnan ang suot na leather jacket at ripped jeans na pinaresan niya pa ng mamahalin niyang sapatos.

Dumating si Haji sa pinag-usapan at nagdala pa siya ng pagkain para sa kanilang dalawa. Gaya ng kanyang inaasahan, wala pa ang dalaga kaya naman tumayo muna siya sa isang tabi, sumandal sa railings at pinagmasdan ang buwan sa ibabaw ng madilim at maalong karagatan.

Wala mang katao-tao sa paligid, tanaw naman ni Haji ang mga bangkang nasa laot na tila ba kumikislap na liwanag sa gitna ng kadiliman.

Umihip ang may kalakasang hangin kaya napapikit si Haji at dinama ang kalmadong haplos ng lamig sa kanyang pisngi. Hindi niya napigilang ngumiti, iniisip na sa wakas nagkaroon na ng liwanag ng pag-asa sa pagmamahal niyang matagal naitulak sa kadiliman.

"Hey Haj!"

Mabilis na napalingon si Haji at mas lalo pa siyang napangiti nang makita ang babaeng kay tagal niyang pinangarap.

"Bray..." Pilit niyang sinupil ang ngiti ngunit hindi niya ito mapigilan lalo't nasa harapan niya mismo ang dalagang si Braylee. Nakasuot ng kulay asul na bestida, tinatangay ng hangin ang mahaba nitong buhok, at ang ngiti nito na sa pagkakataong iyo'y para na sa kanya at wala nang iba.

"Gusto mo?" Gaya ng dati, ngumiti nang pagkatamis-tamis si Braylee sabay abot ng isang baso ng smoothie. "That's Piper's favorite, nahawa na ako! And look, I got a metal straw to save the turtles!" Natatawa nitong dagdag saka tumabi sa kanya ng sandal sa railings.

"You make so many people happy already and now you're trying to save the turtles? Dahan-dahan lang Bray, hindi ko na kakayanin," biro ni Haji sabay ma-dramang hawak sa kanyang dibdib, abot-tenga ang ngiti dahil sa dalagang katabi.

"Ikaw talaga!" Natawa naman ang dalaga sa kanya at inilapit sa mukha niya ang straw.

Hindi na nagdalawang-isip pa si Haji, sumipsip siya mula sa straw. Si Braylee naman ay abot-tenga ang ngiti, excited sa magiging reaksyon ng binata.

"How is it?" Tila ba bituwing nagniningning ang mga mata ng dalaga.

"Indirect kiss is okay," wika niya sabay ngisi.

"Naman eh! Dami mo talagang kalokohan!" Ngumuso si Braylee at pabiro siyang siniko. Siya naman ay muling natawa.

"It's good. But not as good as you," biro niya pa sa dalaga.

"You're not so bad din naman eh." Lumamlam ang ngiti sa mukha ni Braylee, malambot ang titig sa kanya. "You just need someone to make you a better person."

"Can it be you?" Napatitig si Haji sa mga mata ni Braylee. Umaasang sa gabing ito, tuluyan nang makakamit ang pagmamahal na inaasam.

Tumango si Braylee dahilan para mas lalo pa siyang mapangiti.

"It can be me, but I know someone who will be a better help. You'll just have to trust him and his program Haji... He will help you be better person."

Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ni Haji. Magtatanong sana siya kung ano ang ibig sabihin ng dalaga ngunit nagsimula siyang makaramdam ng hilo. Nahihirapan siyang gumalaw hanggang sa unti-unting dumilim ang lahat.

"Braylee!"

Napasinghap si Haji nang muling magkamalay. Sinubukan niyang bumangon ngunit laking gulat niya nang hindi niya magawa, ni hindi niya man lang maigalaw ang kanyang ulo.

Nagbaba siya ng tingin sa kanyang sarili. Nakahiga siya sa isang metal na kama na mayroong maliliit na haligi gaya ng sa mga hospital bed, naka-strap ang kanyang mga kamay at paa rito, may kung ano ring nakapulupot sa kanyanng ulo at leeg na pumipigil sa kanyang paggalaw.

"Nasaan ako?! Anong nangyayari?!" Napasigaw siya at nagpumiglas, malakas ang tibok ng puso dahil sa gimbal.

"Shhhh... 'Wag mo nang subukang magpumiglas, makukuryente ka lang."

"S-sino yan?!" Namilog ang kanyang mga mata nang marinig ang isang boses. Palagay niya'y nasa tabi lang ang nagsalita, sinubukan niya itong lingunin ngunit sadyang hindi niya kaya.

"Tanga, may salamin sa harapan mo. Just look ahead," sabi muli nito kaya dali-dali niya itong sinunod.

Naiwang nakaawang ang bibig ni Haji sa gulat nang makita ang pader sa kanyang harapan na may salamin. Mula sa repleksyon ay nakita niya ang sarili na nakasuot ng kulay puting t-shirt at Pajama, wala na ang piercing sa kanyang tenga, at wala na rin ang kanyang buhok.

"'Wag kang magmumura! 'Wag na 'wag talaga kung ayaw mong maputulan ng dila! Breathe in! Magmura sa isip! Shut up ka lang dapat!" Mabilis at tarantang bulalas muli ng nasa kanyang tabi.

Naghalo-halo ang galit, takot, at kaba sa puso at isipan ni Haji. Napatingin siya sa kabilang dako ng salamin at mas nagimbal siya nang makita ang isang tao sa kanyang tabi. Gaya niya ay nakagapos din ito sa isang kamay, nakasuot ng kulay puti mula ulo hanggang paa. At kagaya niya, kalbo na rin ito.

"M-man what the fuc--"

"First of all, sabing wag kang magmumura! Second of all, babae ako!" Bulyaw agad ng nasa kanyang katabi na kulang na lang ay sapakin siya kung hindi lang ito nakagapos.

"A-anong nangyayari?! Nasaan tayo?!" Bulalas ni Haji, punong-puno ng takot.

"This is hell, Bruh," walang emosyong biro ng dalaga sa kanyang tabi.

"Ano?!" Mas lalo pang tumindi ang takot at kalituhan ni Haji.

Bago pa man makasagot ang dalagang kasama, biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang taong nakasuot ng lab coat at medical mask, tulak-tulak ang isang metal na mesa na puno ng kung ano-anong mga metal na aparato mula sa scalpel hanggang sa obitoclast.

"Sino ka?! Asan si Braylee?! Anong ginawa mo sa kanya?! Pakawalan mo ako rito!" Pagwawala ni Haji habang pilit na nagpupumiglas.

"'Wag kang mag-alala... gaya ni Braylee, magiging isa ka ring mabuting tao. Sa ngayon, magtiwala ka lang sa akin. Ako ang tatang mo," sabi nito saka kinuha ang mga aparatong hawig ang manipis na uri ng ice pick at martilyo.

"A-anong gagawin mo?!" Bulalas ni Haji.

"You don't want to know, Bruh," pabulong na bulalas ng babae sa kanyang tabi.

"Gagawin kitang isang mabuting tao," sagot ni Tatang.

Note: What you have read is not part of the Filimon Heights or Ripper Series' Storyline.

Continue Reading

You'll Also Like

393K 6.1K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...
507K 17.6K 28
Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na kinakalimutan na ng mundo? Written ©️ 2020
76.4K 2K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found baby. And no...
492K 768 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞