UNRIVALED!

By PeachyyyPie

284K 16.3K 4.3K

So, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then... More

PROLOGUE
* CHAPTER 1~ Blue Haven wall was wrecked!
* CHAPTER 2 ~ I am not interested.
* CHAPTER 3 ~ Don't bother me..
* CHAPTER 4 ~ Will you be our friend?
* CHAPTER 5 ~ Tick tock! Timebomb!
* CHAPTER 6 "War on!"
• CHAPTER 7 "Protect your base."
• CHAPTER 8 "Protect your base"
• CHAPTER 9 "The Giant Bird"
• CHAPTER 10 "The Lost Shoe"
• CHAPTER 11 "Pendant"
• CHAPTER 12 "Relic"
• CHAPTER 13 "Proxy"
• CHAPTER 15 "The Annual Tournament"
• CHAPTER 16 "Contenders Profile"
• CHAPTER 17 "Battle for cause"
• CHAPTER 18 "Eugi vs Suzzane"
• CHAPTER 19 "Eugi vs Alistair"
• CHAPTER 20 "Serendipity"
SPECIAL CHAPTER
• CHAPTER 21 "Trap"
• CHAPTER 22 "Default"
• CHAPTER 23 "Instinct"
• CHAPTER 24 "Payback!"
• CHAPTER 25 "Visit"
• CHAPTER 26 "Call away"
• CHAPTER 27 "Hierarchy "
• CHAPTER 28 "Barricade"
• CHAPTER 29 "Rogue!"
• CHAPTER 30 "Violators"
• CHAPTER 31 "Monitor"
• CHAPTER 32 "Missing"
• CHAPTER 33 "Justice"
• CHAPTER 34 "Help"
• CHAPTER 35 "Player's ready!"
• CHAPTER 36 "Hide and Seek"
• CHAPTER 37 "The Plan"
• CHAPTER 38 "Abduct"
• CHAPTER 39 "Eye for an Eye"
• CHAPTER 40 "Stolen"
• CHAPTER 41 "Paintings"
• CHAPTER 42 "Ambush"
• CHAPTER 43 "Operation"
CHAPTER 44 "The Plan"
CHAPTER 45 "The Royale Heir"

• CHAPTER 14 "Captor"

5.1K 288 32
By PeachyyyPie

Is this a lucky charm?” kunot-noong tanong ni Visla kay Ceref na hawak ang kaniyang diamond pendant. Tiningnan niya rin ito. Napakaganda ng diyamante sa loob ng gold holder. Authentic black diamond ang gem nito at talaga namang mapapahanga ang sinomang tumingin dito. Pero para kay Ceref, hindi lang ito basta diyamante na may malaking halaga ng pera. Dahil ito ang bagay na pinakaiingatan niya sa lahat.

Its not a lucky charm.. This is our heirloom.. Binigay sa ‘kin ‘to ni mommy dati.. At sa lahat ng mga ibinigay niya, ito ang may pinaka malaking sentimental value sa ‘kin..”

Why??”

“Because this..” itinaas ni Ceref ang kwintas, dahilan upang mag reflect sa ilaw ang napakagandang diyamante nito. ..is the symbol of great power..”

Gulat na napatingin si Visla sa kaniya. “It carries great power??”

“No.. But whoever hold this represents that idea..” ani niya saka kinulong ang pendant sa kaniyang kamay. Ipinasato sa ‘ming henerasyon ng isang veteran na guardian dahil nakita niya ang ancestor ko bilang isa sa pinaka malakas na nilalang na nakilala niya.. And this was passed unto this day to me.. Hindi lang ‘to basta diyamante, its the acknowledgement to honor someone..

“Kung gano’n hindi mo dapat mawalayan.. Kahit mahulog..”

”Of course.. Iniingatan ko ‘to..” nanumbalik sa isip na Ceref ang senaryo kung saan muntikan na niyang mawala ang pendant. Hindi niya kasi namalayang nahulog ang pendant mula sa kaniyang bulsa, naalala niya rin ang walang interes na ekspresyon ni Eugi habang isinosoli ang pendant sa kaniya. Napaka careless niya ‘nong mga oras na ‘yon dulot ng matinding emosyon matapos ang mangyari sa loob ng club.

“So, you're saying na ang magiging anak natin ang sunod na makakahawak niyan? ‘Coz It's a family heirloom, right?”

“Maybe? It depends if she or he will become great like me.. I can't just pass this to someonekahit ka-bloodline ko pa..” ani Ceref sa seryosong tono pero kalaunan ay ngumiti. “But I'm pretty certain na magiging malakas ang mga anak natin..”

“Yes.. and I can't wait for that to happen..”

After graduation, ‘di ba?”

Anong after graduation?”

“The right time where I can marry you..”

“Yes hihihi.. One year nalang..” sumandal si Visla sa balikat ng kaniyang fiancé at ikinawit ang kamay sa braso nito.

“Hindi ba masyadong mabilis?”

Umalis si Visla sa kaniyang pagkakasandal at takang tiningnan si Ceref. “Anong mabilis?? Ayaw mo ba??”

“Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin.. Masyadong mabilis ang nangyayari satin, parangnong nakaraan lang nang ma-engage ako sa ‘yo and then after natin mag-graduate ikakasal na tayo..”

Anong nakaraan lang?? Five years na kaya kitang fiancé.. Sa ilang taon nating pagsasama, wala namang kumuha ng atensyon mo maliban sa ‘kin, ‘di ba?”

Bakit mo tinatanongyan? Alam mo naman yata ang sagot..”

“Ih, gusto ko lang makasigurado..”

Nakangiting bumuntong hininga si Ceref at tinitigan ang kaniyang fiancee. “Oo.. Walang iba, promise..”

Yieeee, I love you talaga..” bigla ay niyakap siya ng mahigpit ni Visla saka hinalikan sa labi. Hindi naman siya umangal.

Ipanalo mo ang laban, Visla..”

“Yes, my Alpha..”

~•~•*•~•~

DAHAN-DAHANG iminulat ni Ailee ang kaniyang paningin para lang bumungad sa isang hindi pamilyar na lugar. Isang itim na kwarto ang sumalubong sa kaniya nang tuluyan na niyang makita ang paligid. Napitlag ang kaniyang sarili at napaupo habang kunot-noong pinagmamasdan ito.

“Asan ako??” mahinang tanong niya sa sarili. Nilinga-linga niya ang kaniyang mata at natanawan niya mula sa labas ng rehas ang isang ‘di pamilyar lalaki na nagkakasa ng isang kakaibang armas.

Napansin ni Sniper na nagising na ang babaeng kinuha niya kaya naman binalingan niya rin ito ng tingin at sinuri ang kabuuan nito. Madungis na itong tingnan dahil nadumihan na ang pagkaganda-gandang uniporme nito. Blue Haven uniform. Taka namang sinalubong ng babae ang kaniyang tingin at napalapit sa rehas para siya’y kausapin.

“Sino ka?? Anong ginagawa ko rito!?” singhal ng babae sa nakangising si Sniper. Wala siyang ideya kung papano siya napunta sa lugar na ito, ang alam niya lang ay pauwi na siya ‘nong hapon na iyon at—

Natigilan si Ailee nang sumagi sa utak niya ang senaryo kung saan siya'y huling naglalakad at bigla na lamang siya nakaamoy nang kakaibang kemikal na naging dahilan ng pagkawala niya ng ulirat. Nanumbalik sa kaniya ang itsura ng maskera na suot-suot ng isang lalaki.

Bakit mo ko dinala dito!? Ano bang atraso ko sa ‘yo!?” gusto niyang humagulgol sa inis. Bakit!? Bakit siya pa ang kailangang kuhanin!? Wala siyang maalala na ginawang niya mali sa tao na ito.

Atraso? Wala ka namang atraso.. Hindi mo kailangang magkaroon ng atraso para atakihin namin.. We better attack innocents..”

Namin? Ibig sabihin ay hindi lang nag-iisa ang lalaking ito..’

Baliw ka! Baliw!” buong lakas niyang sigaw. Hindi na napigilang tumulo nang kaniyang luha. Gusto niya sapakin sa mukha ang lalaki, ‘yun ay kung may laya lamang siyang gawin ‘to.

“I know, darling.. I know..” nakangiti ito ng nakakaloko saka binigyan ng mapanuyang tingin ang babae. Kahit anong gawin mo, hindi ka na makakalabas sa kulungan mo.. Gagawin ka naming isang malupit na masterpiece gamit ‘yang dugo at laman mo.. Ayaw mo bayon? Atleast once in your lifetime ma-reincarnate ka naman as a strong being, ‘di ba? Hehe..”

©k you!”

Fû©k me?? No, no.. Wala tayong relasyon para gawinyan..”

Hayooop ka talaga! Argggh!” singhal ni Ailee sa inis. Hindi niya kasama ang bag sa loob ng kulungan kaya hindi niya rin magawang gamitin ang kaniyang mahika bilang sorcerer. Nasa loob kasi ng kaniyang backpack ang wand at enchant book at malamang ay itinago ito ng lalaking kaharap niya ngayon na walang ginawa kun‘di ang tingnan siya na parang nang-aasar.

Every magic she learned is useless..’

“Curse all you want.. I had the last laugh anyway..”

H’wag kang pakampante, tutugisin ka rin ng mga kasama ko!”

Ooh, I'm scared..” kunwaring natatakot na aniya. “I’ll look forward to that.. Dahil bago pa sila makarating dito, ilalagay ko na sila sa kani-kanilang kabao. Sa tingin mo ba talaga matutulungan ka nila? We’re on underground, darling.. Kahit anong iyak mo hindi ka nila mahahanap.. This is the legendary underground organization you're sitting on, so better—”

“What do we have here?” Nahinto sa pagsasalita si Sniper nang bigla na lamang lumitaw sa kung saan ang kaklase niyang si Macey. Napangiti ito nang makita ang mangiyak-ngiyak na itsura ni Ailee. Napatingin rin siya kay Macey, maganda ito at makinis ang balat. May itsura itong nababagay sa mga kontrabidang artista at mukhang ‘di siya nagkakamali. “Ooh.. Name, sweetheart?”

“A-Ailee..” kahit na hindi man niya gustuhin sabihin ay hindi naman niya matanggihan ang magandang ngiti ng babae.

“Nice..” umakbay ang babae kay Sniper na binigyan naman nito ng masamang tingin. Pasensya ka na sa kabastusan ni Sniper, ah.. I'm Macey by the way, hihi..”

Hindi maipinta ang pagtataka sa mukha ni Ailee, wala siya ng ibang gusto ngayon kun ‘di ang makaalis sa lugar na ‘to. Hindi niya alam kung mabait o nagpapakitang tao lang ang babaeng nasa harap niya pero isa lang ang masasabi niya, napakagaling nitong umarte. Alam niya sa kaniyang sarili na may itinatago itong pangil tulad ng kasamang lalaki.

Ikaw talaga per, tinatakot mo si Ailee eh.. H’wag kang mag-alala mabait ‘tong si Sniper, papetiks-petiks lang talaga sa babae..”

Tch..” umirap si Sniper.

You’ll stay here Ailee.. Be a good girl habang ‘di mo pa oras para patayin.. Hihihihihi!” isang malaking grin ang ipinakita nito sa kaniya. Grin ng isang psychopath.

~•~•*•~•~

INIHULOG ni Sheiko ang mga orbs at ilang ingredients sa loob ng malaking baul. Sa gilid niya ay may malaking libro na nagsasaad ng mga kailangan at instructions para sa gagawin na potion. Habang tahimik na nanonood sa isang tabi si Eugi, kumikibo lang siya sa t’wing u-utusan o kau-usapin ni Sheiko. 

“Ano pa bang kulang?” tanong nito sa sarili habang nakatuon ang tingin sa libro. Hawak niya ang malaking kutsara na kaniyang ipinanghahalo sa baul. “Green orbs, check.. Isang hibla ng buhok ni Neo, check.. Lime gel, check rin.. Black liquid, meron na.. Mm.. Sphinx powder, meron na rin! Owkey! Kompleto na lahat ng kailangang ingredients, let's mix! Yiee, na-eexcite ako!” maingat niyang inikot ang kutsara para ihalo ang mga sangkap sa baul. Ilang minuto niya ‘yon inulit hanggang sa maging malapot na asul ang itsura ng liquid.

Nang makuha na niya ang tamang texture ng potion ay kumuha siya ng empty capsule at inilubog ‘yon sa loob ng liquid. Pinatagal niya ‘don ang capsule ng ilang minuto bago kuhanin gamit ang mahabang tong. Nagniningning ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang finish product niyang potion.

Nagawa koooo! Wahaha, Eugi nagawa kooo!” nilapag niya ang capsule sa ibabaw ng tissue paper. Nagawa kong i-produce ang proxination potion! Alchemist na ko!”

“Alchemist ka naman talaga, ah..”

Hehe.. Kaya nga, pero nakakaproud talaga pag nagawa moyung bagay na matagal mo nang gustong gawin!” nilagay ni Sheiko ang capsule sa loob ng maliit na supot at binigay ‘yon kay Eugi. Pinagmasdan naman niya ang kulay pulang capsule sa loob ng supot saka itinago sa loob ng kaniyang bulsa. “Dahil basic potion palang ang nagawa ko, may pros and con's ang capsule na ‘yan..”

“Anong oras ko ‘to i-inumin?”

“Bago ka matulog, inumin mo na ‘yan dahil six hours pa ang kailangan bago umepekto ‘yang potion.. Bago ka pumasok sa school, dapat ay kamukha mo na si Neo.. Tandaan mo, naka-live broadcast ang laban bukas, wala kang takas sa media na nakatutok sa ‘yo.. Iwasan mong mapaghalataan ng iba..”

“Mapaghalataan na alin?”

“Na ikaw si Eugenie! If possible, act like Neo.. Be Neo dahil kamukha mo ang buong katawan niya..” ngumiti si Sheiko sa kaniya kalaunan. “Unfortunately, anim na oras lang ang epekto ng capsule.. Maximum limit na ‘yun, so anim na oras lang rin ang meron ka para tapusin ang laban.. Hindi ka pwedeng mag-exceed sa limit dahil babalik ka na sa dati mong anyo, and worse makikita ng buong media ang ginawa mo.. So better avoid that, ‘kay?”

“Mm..”

“Another thing, you don't have to worry dahil one-hundred percent kang may control diyan sa katawan mo.. Madadala mo ‘yang lakas mo.. Sadyang appearance mo lang ang nagbabago sa ‘yo..” dagdag pa nito. Hindi mawala ang pagkasabik sa mukha nito. “Na-eexcite na ko bukas para sa ‘yo, Eugi! Tututukan ka ng lahat kaya ipanalo mo ang laban! Para sa strawberry milk!” gumawa siya ng fighting pose at bahagyang tumawa.

“Salamat Sheiko.. Para sa strawberry milk..”

‘Nong oras na ‘yon ay nagpaalam na siya kay Sheiko dahil nag-text na ang kaniyang kuya na bumili siya ng pagkain. Habang naglalakad ay ‘di mawala sa kaniyang isip ang mga posibilidad na mangyari bukas. Nakaramdam siya ng kaba, hindi dahil sa laban, kun ‘di dahil sa mga atensyon na mapupunta sa kaniya. Paniguradong manonood ang ninety-percent ng population sa tournament bukas at ‘yon ang kinatatakutan niya.

‘Hayys..’

Pumasok siya sa loob ng isang pastry shop. Maikli lamang ang pila kaya naman luminya na siya sa likod ng mag-ina saka tumingin-tingin ng iba’t-ibang uri ng pastry. Habang lumilinga ang paningin niya ay umuurong naman ang pila kaya unti-unti siyang lumalakad. Nang kaharap na ng counter ang mag-ina sa unahan niya ay naririnig niya ang pakikipagtalo nito sa kahera.

“Hindi po talaga pwede, Miss..”

“Baka naman pwede niyong i-consider? Paki-sabi nalang sa Manager—”

“Wala rito ang Manager, tsaka ako ang in-charge dito..”

Walang nagawa ang manang kun ‘di ang sumunod, kaya naman humarap ito sa batang lalaking anak. “Nak, iba nalang piliin mo.. Hindi daw ‘yon pwede kasi hindi applicable ang race card natin ‘diyan..”

“Pero gusto koyun, eh..” ngumuso ang bata at dismayadong nag-iwas ng tingin. Napairap naman ang kahera habang hinihintay ang order ng mag-ina.

“Baka gusto niyong bilisan, may’rong naghihintay..” mataray na ani ng kahera at bahagya pang sinulyapan si Eugi sa likuran ng kaharap na kostumer. Isang blangkong tingin naman ang natanggap niya kay Eugi at hindi niya ‘yon nagustuhan.

Sige na, nak.. Pumili ka nalang ng iba.. Hindi nga daw puwede, eh.. Next time nalang..” sinusubukan ng ginang na h’wag magalit sa kaniyang supling. Kahit na masama ang loob niya dahil sa diskriminasyon na natatanggap nila ay pinili niyang maging kalmado sa harap ng anak niya. Muli niyang hinarap ang kahera ng may pagmamakaawa. Miss baka naman.. Babayaran ko nalang—”

“Baka hindi mo kayanin ang halaga ‘pag sinabi ko sa ‘yo..” halos pagtaasan na sila nito ng kilay. Mapanghusga ang tingin nito sa mag-ina. “Kung gusto niyo pala niya’n ay dapat nagsama kayo ng kakilala niyong mataas ang papel sa lipunan, tulad ng vampires or sorcerer.. Hindi ‘yung pupunta kayong parehong mortal na walang dalang mas mataas ang card.. Isa ‘yon sa mga rules dito, ako sa ‘yo at ‘diyan sa anak mo, pumili na lang siya ng kaya naming ibigay sa inyo..”

Sa huli walang nagawa ang mag-ina kun ‘di tanggapin ang inalok sa kanila, dahil sila rin ang mabibitangan na mali kapag nagpumilit pa sila. Hanggang sa makalabas ang mag-ina ay binigyan ito ng kahera ng mapanghusgang tingin saka bumaling sa kaharap na si Eugi.

“Bwisit talaga ‘yung mga mortal na ‘yon! Kung mag demand ‘kala mo ‘ketaas ng silbi sa lipunan..” bulong pa nito sa sarili saka ngumiti. “Yes, ma'am?”

“Apat na slice ng blue berry cheesecake..”

“Four slices ng blue berry cheesecake, ‘yun lang?”

“Mm..”

“Race card, ma'am?”

Inabot niya ang card niya dito na ikinagisi sa inis ng kahera. “Tsk, tsk.. Hindi applicable ‘tong card mo dahil premium ‘tong in-order moNakita niyo naman siguro ang isyu ‘nung kostumer bago ka, ‘di ba?”

“Akin na..”

“Ang alin??”

“‘Yang card ko..”

Binalik niya ang card ni Eugi. “Meron naman kaming iba like spl—”

“H’wag na..” nang matanggap niya ang card ay tinalikuran na niya ang kahera at diretsong lumabas ng pastry shop na ‘yon. Mas mabuting bumili nalang siya sa mga bakeries kaysa sayangin ang oras niyang makipagtalo sa mga walang kuwentang tao.

Nang makabili na siya ay umupo muna siya sa waiting area habang naghihintay ng masasakyang taxi. Habang naghihintay, napansin niya ang ulupong ng mga batang naglalaro sa parke na katapat lang ng inuupan niya. Napansin niya ang isa sa mga bata na malungkot ang mukha habang ang iba ay nag-eenjoy sa nilalaro nila.

“Ako naman ang gawin niyong superhero, kahit isang beses lang.” suhestiyon ng bata sa kaniyang mga kalaro.

“Hindi pwede! Ako dapat ang hero kasi may totoo akong powers! ‘Pano mo sila ililigtas kung wala kang powers?? Maging villain ka nalang!” ani naman ng batang nakasuot ng kalahating maskera at superhero costume. Sumang-ayon naman ang ibang mga kalaro niya.

“Oo nga! Dapat si Tonny lang ang hero kasi guardian naman talaga siya, e! Kailangan natin ng totoong hero, hindi ‘yung mortal!”

“Tamaa, kung ayaw mo sumali umuwi ka nalang.. Kami nalang ang maglalaro dito..” ani ng batang babae. Sandali pang nanahimik ang batang mortal bago ‘to humagulgol sa pag-iyak at umalis sa lugar na ‘yon. Hinayaan lang ‘yon ng kaniyang mga kalaro na parang nasiyahan pa sa pag-alis niya.

Kanina pa pinagmamasdan ni Eugi ang mga batang ito. Wala itong pinagka-iba sa diskriminasyong natatanggap niya ‘nong bata siya. Dumaan na siya sa ilang diskriminasyon, at dahil ‘don ay nasanay na siya. Nasanay lumayo sa mga ‘ganong uri ng nilalang.

****

Leave a vote and feedback! Thank you, God bless!

Continue Reading

You'll Also Like

240K 4.6K 55
The Teenager Mommy into Aimer La Maman Célibataire. SYPNOSIS Carisha was sixteen when she decided to go in a Bar. She was so careless at that time th...
15.2K 131 26
Erotic Gay Story not for everyone. Written by Sphyxxx
34.1K 563 25
WIFE SERIES UNDER PAPERINK IMPRINTS Rainnance Verdadero & Ghon Angeles
29.2M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...