Aya's Confusion(Book 1)[Gxg]

By angDiyosaNgBuwan

180K 5.4K 888

The worst thing that can happen to a lesbian is to fall for a confused and deceitful straight woman. But what... More

ALL RIGHTS RESERVED © 2019
Preface
F1. The Game Begins
F2. Fall Out
F3. The First Fool's Card
F4. The Second Betrayal
F5. Over and Done
F6. Back Again
5. Yuna's Story
6. The twist
7. The repeat
8. The Revelation
9. The Goodbye
10. Memories
11. Moving on
12. Two sides of the coin
13. Spoiler Alert
14. The Witch
15. The Race
16. Alexa's Story
17. The Battle
18. The Fight
20. I am Confused
21. Self-Deception
22. The Dragon
23. The Kiss
24. The Kiss Part 2
25. New Friends
26. Pity or Love?
27. Girlfriend
28. Birthday
29. Meet the parents
30. Shadow of the past
31. Lost
32. Saving Yuna
33. Saving Yuna Part 2
34. Confusions. And more confusions.
35. The escape
36. Death
37. Suicide
38. War
39. Chaos
40. The Fall
41. Fly away
42. Gone
43. Call-off
44. It's Over
45. The Box
46. Commemoration
47. Reign's list
48. The Sound of Defeat
49. The Proposal
50. The Final
Epilogue

19. Hidden Emotions

2.8K 116 30
By angDiyosaNgBuwan

"Maiwan ko na kayo, brad. Goodluck," paalam ni Nolan kay Alexa. Niyakap ang kaibigan at tinapik sa likod.

"Salamat, brad..." ganti ni Alexa.

Kumalas na ang dalawa sa isa't isa. Both of their eyes turned to Aya, who was now comfortably sitting on the sofa. The designer seemed to be lost in her own world.

Alexa's suite was huge. May sarili iyong kusina, may maluwag na sala at isang malaking kuwarto.

"Pa'no... ikaw na ang bahala sa kanya," ani Nolan, bakas ang pakikisimpatya sa mukha. "And prove that witch that she's wrong about you," dagdag pa at itinuon na kay Alexa ang tingin.

"Oh, I will..." Alexa firmly stated, still looking at Aya. The silly woman's eyes was full of compassion towards the designer.

Matamang napatitig si Nolan sa kaibigan, nawala ang mapagbirong awra ng mukha. "Masukal na bundok ang aakyatin mo, brad," makahulugang sabi niya "sigurado ka bang itutuloy mo?" May mahihimigang pag-aalala sa boses ng lalaki. From what he witnessed, Aya was still in love with that Yuna. It's gonna be hard for Alexa to reach the designer. Baka sa huli ay masaktan lang din ang kaibigan.

"She's worth the risk," ang sagot naman ni Alexa. Ibinaling na sa kaibigan ang tingin. "At isa pa..." sumilay ang ngiti sa labi "---ako si Alexa Madrigal, kahit ano pa 'yan ay haharapin ko," ang matapang na pahayag niya.

Napangiti na rin si Nolan bagamat napapailing, "yeah, yeah... Alam mo namang malakas talaga ang bilib ko sa'yo. Just don't ran back to me, crying, Madrigal. If I was right, that woman is your first love. Mahirap lumagapak sa unang pagkakataon na nagmahal ka. I'm warning you," ang paalala ng kaibigan.

Nolan may be childish and so full of himself, and he may not look like it but, in truth, he was a very responsible CEO of a giant cellular company in the Philippines. At the age of twenty-four, he was single-handedly running a multimillionaire company. His father had retired a long time ago and passed down the company to his only son, when Nolan was only twenty. Siguro kaya ito isip-bata ay dahil maaga siyang pumasan ng mabigat na responsibilidad, at ni hindi man lang na-enjoy ang pagiging bata.

Ngumiti lang muli si Alexa sa kaibigan. An unwavering determination could be seen in her eyes. "I told you... She's worth the risk. Like what you said, she's the very first woman to catch this dainty heart. I won't give up on her without a fight. My parents raised me as a warrior. I'll fight... even if I die on the end."

----

"Aya..." ang tawag ni Alexa sa designer.

Hindi pa rin ito gumagalaw sa kinauupuan, mula pa nang pumasok sila ng suite. Kanina pa ring nakaalis si Nolan. The designer was still wide awake--- not crying, but in a very deep thought.

"I've prepared the bed for you, and there's a warm bath waiting, too. Nasa loob na rin lahat ng kakailanganin mo," ang dagdag pa ni Alexa.

The designer barely responded.

Alexa sighed, "Aya..." she called out again. Maingat na dinampi ang kamay sa balikat nito. "Hey..." she said in a soft tone "ipahinga mo na muna 'yan. It's really late."

Mag-a-ala-una na kasi ng madaling araw.

Aya slightly shifted on her seat and took a deep breath. She finally looked at Alexa. "I'm sorry... I just feel like shit, now."

Alexa put her hand to her side, and also took a seat beside the designer. "I understand. Pero kailangan mo na talagang magpahinga. You can sleep in my room. I'll be sleeping here."

Aya suddenly felt guilty. "You don't need to give me a special treatment," tanggi niya "Ikaw ang may-ari nito. I'll be fine sleeping here, or I can sleep on the floor," ika pa.

"There's no way I'll let you sleep on the floor," Alexa firmly objected. "You're my guest, you deserved to be treated special." Before Aya could protest, "I won't take no for an answer," Alexa left no room for objection.

Aya breathed deeply, again. Hindi na siya nag-protesta pa, pero hindi pa rin tumayo.

Ilang sandaling katahimikan.

"I hate her," maya-maya'y bulalas ni Aya.

Alexa turned turned her eyes at the designer, a knowing look on her face.

"I hate her," Aya repeated again more strongly. "She acts as if she still care about me, and I hate it. She looks at me as if she still care for me... and I hate it!" Her eyes were starting to burn again, and her chest felt like exploding "She talks to me... Like she still care... " she shook her head as her eyes began to water "and I really... really... hate it..." her voice was starting to crack "w-why does she keep doing this to me? She confused me to no end," she said, releasing a painful sigh again "and I hate myself even more, for thinking that there's still hope for us!" She exclaimed, frustratingly. Napasandal ang designer sa kinauupuan. Napahilot ang isang kamay sa ulo at tumingala. Tears were contained around her eyes and she refused to let them fall. She closed her eyes tightly to completely stop them.

There was a silence after that.

Alexa didn't know what words to say, in order to lessen the designer's pain. It was also painful in her part, seeing Aya like this. 'Sana ako na lang kasi ang mahalin mo. Pangako, hinding-hindi kita sasaktan,' she secretly wished. But Alexa knew that Aya wasn't ready for her. Hindi niya puwedeng ipilit ang sarili dito.

----

"Couz... Tama na 'yan... Mag-aalas-dos na oh..." reklamo ni Reign.

Matapos ang eksena ng witch at ni Aya ay dumeretso sila sa bar ng penthouse, iyong hiwalay na bar at hindi sa game hall. Halos sila lang din ang tao. Jessica was with them kaya nagkaroon sila ng access doon. May nag-iisang staff na nag-s-serve sa kanila.

Nakaupo sila sa stool sa mismong counter. Malaki ang bar. Sa isang side ay mayroong iba't ibang musical instruments na ginagamit naman kung may bandang tumutugtog. May mga talented members din ang CUBS at paminsan-minsan ay tumutugtog ang mga ito doon.

Yuna didn't listen to her couzin. Patuloy lang ito sa paglagok. Linunod niya ang sarili sa alak sa pag-asang kasabay no'n ay malulunod din ang nararamdaman. Kung anong nararamdaman niya? Sa totoo lang, maging siya man ay naguguluhan. Nakakaraming tagay na siya. Halos siya lang ang nakaubos ng isang malaking bote ng Martini. Hindi pa siya nakuntento at kinuha niya ang mismong bote ng alak. She took what was left of it in one full swig.

"Whoa!"

"Uy!"

Huli na bago pa mapigilan ito ng dalawang pinsan.

"I wan' moore..." Yuna drunkenly said, swaying. She gestured at the male bartender, but Jessica stop the man.

"No, tama na," ang mabilis na pigil ni Jessica. Bumaling sa pinsan "you're going to kill yourself if you continue drinking like that," ang sita ng pinsan.

"I don' care! Mas mabuti pa nga... Na m-matay na lang ako..." Yuna stated, her breathing getting heavy because of too many alcohol in her system. Hirap na din siyang i-steady ang ulo dahil sa kalasingan, kaya naman ay nakatukod na ang isang kamay sa ulo. "Heyy!" Yuna turned at the bartender again " 'usto ko pa ng alak!"

Napakamot naman sa ulo ang bartender, tiningnan kasi ito ng masama ni Jessica. Hindi tuloy alam kung sinong susundin.

Marahas na napabuntung-hininga si Jessica. "Itigil mo na nga 'yan! Tama na, ano ka ba!" Hindi na napigilang magalit ni Jessica "saka bakit ka ba nagkakaganyan? Desisyon mong piliin si Mike at iwanan si Aya, hindi ba?"

Yuna's phone on the counter suddenly rang.

"Speaking of... You're boyfriend is calling," imporma ni Reign. Nakapangalumbaba. Pagod na rin ito at gusto na sanang matulog pero hindi naman maiwanan ang pinsan.

"'Yan... Tumatawag daw ang boyfriend mo," yamot na ulit ni Jessica. "Kanina pa 'yan, ha."

"I don' care about him... I don' need him... What I need is Aya," Yuna suddenly got up. Kamuntik na itong matumba kung hindi pa naalalayan ng mga pinsan. "I want Aya...p-pupuntahan ko siya... Kukunin ko siya... mula sa duwendeng 'yon."

Pinigilan ni Jessica ang braso ng pinsan. "Nababaliw ka na ba?" Asik muli niya. Tumayo na rin ito. "Leave the girl, alone. Masyado ka nang maraming sakit na idinulot sa kanya. Kung gusto mo talagang balikan siya, makipaghiwalay ka muna kay Mike. At akala ko ba, iyong lalaking 'yon ang mahal mo?" Ang tanong pa. "Hay, Yuna... Ayusin mo nga muna 'yang sarili mo," sermon ng pinsan.

Nakatayo pa rin si Yuna. Nakasuporta naman mula sa likod niya si Reign, na nakangiwi na. Mas matangkad kasi sa kanya ang witch at ang bigat na din ng katawan nito, dahil sa kalasingan.

Matagal bago nakasagot si Yuna.

"H-hindi ko alam... n-naguguluhan ako..." nasapo ng dalawang kamay ang ulo habang umiiling "naguguluhan ako..."

Napabuntung-hiningang muli si Jessica at naawa naman sa pinsan. Maya-maya'y namaywang, "Well... Bago ka sumugod ay siguraduhin mo muna sa sarili mo 'no. Nakakaloka ka," napapahid pa sa noong dagdag.

----

Morning came.

"Ugh..." Aya groaned when she woke up. Her head was still throbbing in pain. Ibinaba niya ang kumot sa katawan at inilibot ang paningin. Mula sa bintana ay kita niyang maliwanag na, bagamat natatakpan iyon ng makapal na kurtina. Natuon ang pansin niya sa bedside table. Sa ibabaw niyon ay may nakapatong na isang baso ng tubig at dalawang tabletas, na hinuha niya ay painkillers. May nakatayong maliit na note na kasama iyon. 'Take this when you wake up 😉,' ang nakasulat doon. At may signature na -A. Napangiti na lang si Aya at napailing. Sa tabi ng mga iyon ay may isa pang bagay--- isang tangkay ng bulaklak. Tulip.

Aya extended her hand and took it. She was thinking how the silly woman knew of her favorite flower. Lalong lumapad ang ngiti niya sa labi at sinamyo ang bulaklak. 'May pagka-romantiko talaga ang baliw na 'yun.' Sunod na ininom na niya ang painkiller. Pagkatapos ay naligo na rin siya. Inihanda na rin ni Alexa para sa kanya ang susuutin, na mukhang bagong bili pa yata. Isa iyong dilaw na mini-dress na hanggang tuhod ang haba at may ternong puting sapatos. Pasok din iyon sa taste ni Aya dahil hindi naman gaanong revealing ang istilo.

Pagkalabas ng kuwarto ay hindi niya namataan si Alexa. Dumako siya sa kusina, subalit wala rin ito doon. Sa hapag-kainan ay may nakahanda na ring pagkain. May note din na nakapatong. 'Eat this. Sorry, just had to fix things. Be right back, soon,' it said.

Hindi mapigilang matuwa ni Aya sa pagiging thoughtful ni Alexa. Umupo na siya at sinimulang kumain. Pulos mga paborito rin niya ang mga nakahain.

"You did your research, well..." Alexa muttered to herself and ate silently.

Mga tatlumpung minuto ang lumipas matapos kumain ni Aya ay dumating na din si Alexa. Kanina'y tumawag si Aya sa mga magulang, upang sana'y humingi ng despensa dahil hindi siya nakauwi nang nakaraang gabi. Iyon pala'y naipagpaalam na rin daw siya ni Alexa. Mukhang planado na talagang lahat ng palalong babae.

"Where have you been?" Ang usisa ni Aya kay Alexa.

Medyo hinihingal pa ito ng kaunti nang bumungad sa kanya. Rugged na naman ang kasuotan--- manipis na puting t-shirt at butas-butas pa ring pantalon na nakatupi sa dulo. In fairness, mukhang bago at mamahalin naman ang sapatos.

"I just had to prepare some things," tugon ni Alexa. Pinasadahan ng humahangang tingin ang designer. "Well, since you're ready... Let's go?" Yakag nito.

Aya raised a brow. "Where?"

"Basta..." ang sagot lang, sabay lahad ng kamay "come on."

The designer crossed her arms, a skeptical look on her face. "You really love surprises, don't you?"

Alexa just let out her famous lopsided smile and said, "that what makes things exciting, isn't it?" Nakalahad pa rin ang palad.

"Hm..." Aya hummed thinking. "Okay... Just make sure that it's going to be fun or else..." hindi na niya itinuloy iyon at inilapat na din ang kamay kay Alexa. Masuyo naman siyang hinila nito.

"I promise," nakangiting tugon.

----

Hindi pa man sila nakakalabas ng penthouse ay may nagbabadya na namang sumira ng araw nila.

"Aya..." Yuna called out. The redhead's eyes fell on Alexa and Aya's joined hand. A pained look crossed on her face at the sight.

Napakamot naman ng isang kamay sa batok si Alexa. 'Jesus,' she muttered under her breath.

Aya stared blankly at the witch. She didn't let go of Alexa's hand. "What is it?" She asked, coldly.

"Can we talk?" Yuna asked, eyes pleading.

Sa hindi-kalayuan ay naroon naman sina Jessica at Reign, nakasandal sa isang mamahaling kotse. Nakamasid din ang mga ito.

Aya sighed and glanced at Alexa beside her. "Can you just give us a moment?"

Alanganin man ay tumango na din si Alexa. Bumitaw ito sa pagkakahawak kay Aya at binigyan ng distansya ang dalawa.

"Ano bang pag-uusapan natin?" Malamig pa rin ang tinig na tanong ni Aya. The designer crossed her arms. Hindi naman maiwasang pag-aralan ang kaharap. Nanlalalim ang mga mata nito at parang namumula pa ang ang mga 'yun. Tila umedad din ng bahagya dahil sa gatla sa noo. Ang buhok ay naka-signature high pony-tail pa rin. Naka-halter top na ito at fitted jeans. Hula niya ay dito rin sa penthouse ito natulog.

"It's about us..." malamlam ang mga matang sagot ni Yuna.

Aya huffed and shooked her head. "Baka nakakalimutan mo, there's no 'us', anymore," binigyang diin ni Aya ang huling dalawang salita. "Ano na naman ba 'to, Yuna? Magsisimula ka na naman ba? Guguluhin mo na naman ba ang buhay ko?" May bahid na ng inis na tanong pa niya.

Umiling si Yuna. "No. Hindi sa gano'n," ang mabilis na tanggi "gusto ko lang sanang pormal na humingi ng tawad sa'yo, sa mga nagawa ko noon," napabuntung-hininga "Kung natatandaan mo ay walang closure na nangyari sa ating dalawa. I'm sorry... I'm really... really sorry..." puno ng sinseridad na pahayag ni Yuna. "I know I've caused you a lot of pain. I'd probably crushed your heart. And I understand if you hate me. Tanggap ko 'yun. Tatanggapin ko lahat ng galit at pagkasuklam mo. Tatanggapin ko kung sasampalin mo 'ko ngayon," her voice became soft "Do it," she said "Gayunpaman, gusto ko lang malaman mo na labis akong nagsisisi sa mga nagawa ko. Masakit din sa'kin ang mga nangyari. At hindi ko inaasahan na maniniwala ka... pero..." she paused. One hand turned into fist. "---totoong minahal kita. This is probably gonna sound bullshit. But it's true, Aya. I did. I really did love you. And I'm sorry if I failed to fight for that love. Please, forgive me."

Aya held her head high, refusing to break-down from Yuna's statement. She didn't know what to feel about that. Hating Yuna was much easier than hearing her apology. A single tear fell from her eye. She wiped it, immediately.

Napayuko naman si Yuna, hindi na rin napigilang pumatak ang luha sa mga mata.

Aya swallowed and averted her eyes from the witch. "Don't expect me to forgive you easily, just because you said 'sorry'. Hindi gagaling ang sugat na iniwan mo nang dahil lang sa simpleng sorry mo. You didn't just crushed my heart... you killed it and took it with you." The designer raised her head again and looked straight at Yuna, who was wiping tears. "But, don't worry... I'm starting to heal myself. And when I'm ready... I'm gonna take back my heart. I'm gonna give it a new life... and you're not gonna get a hold of it, anymore." Iyon ang huling sinabi ni Aya bago tuluyang talikuran ang dating kasintahan.

Bagsak ang balikat na sinundan na lamang ng tanaw ni Yuna ang papalayong likod ni Aya. Now, this felt like a real goodbye. Nagsimula na namang maglandas ang luha sa kanyang mga mata. Mabilis na pinahid niya iyon, gusto niya pang makita ang pigura ng tanging babaeng minahal o posibleng minamahal pa rin.

----

Nakatambay sina Aya sa lawang nakita niya na dinaanan ni Nolan, noong tumakbo itong nakahubad. Doon sila dumeretso matapos ang pag-uusap nina Aya at Yuna. Nakaupo sila sa tulay na kahoy na nasa gitna ng lawa. Sa paligid naman ay maraming punung-kahoy na halatang well-maintained.

Alexa and Aya shared a comfortable silence. Ilang sandali silang ganoon lang.

Pinapanood lamang nila ang mga naglalanguyang swan. Marami ding namumulaklak na lotus sa paligid ng tubig. Sa gilid ng lawa ay mayroong limang maliliit na bangka.

Hinayaan ni Alexa na makapagnilay-nilay muna si Aya. Gayunpaman, ay nagpapasalamat siya dahil ngayon ay nasa tabi niya ito. Labis niyang pinapahalagahan ang mga sasandaling kasama niya ito, kagaya ngayon.

"So... You told me you prepared something, right? What was that?" Aya suddenly asked and turned her eyes at the woman beside her. Nakatukod ang dalawang kamay nito sa likod habang nakaupo.

Napalingon naman sa kanya si Alexa. "Are you still up for it?"

"Oo naman. I don't want to waste your efforts," tugon ni Aya. Like what she told Yuna, she's gonna start to heal herself, now. Aaminin niya sa sariling ang paghingi ng tawad nito ay nakabawas kahit papaano, sa bigat na nasa dibdib niya.

Tumayo na si Alexa at nagpagpag ng suot na pantalon. "Kung gano'n... Halika na..." inilahad muli ang kamay at tinulungan na ding tumayo si Aya.

----

Inilibot muna ni Alexa sa paligid ng Vermont si Aya. The designer even got to see the most restricted place of Vermont. Manghang-mangha si Aya at pakiramdam niya ay nalibot na din niya ang buong mundo.

Pumili ang Vermont ng mga pinakasikat na landmark ng bawat bansa sa mundo at ginaya nila ang setting nito. May Japanese setting, Korea, Egypt, Rome, US, Greece, Paris at iba pa. They really looked like the actual place. Kagaya nalang sa setting ng mga bansang malalamig na talagang may nyebe sa paligid. Sa setting naman ng Egypt ay para ka ring nasa disyerto. Pati mga puno na sa ibang bansa lang tumutubo ay mayroon din.

"How the heck did you do all of this?" Manghang tanong ni Aya. They were walking in the Korean-themed park. The pathway was made of paved cobblestone, and there were actual cherry blossoms, around.

Nagkibit-balikat lang si Alexa. "Nothing is impossible with a rich mind. It started with imagination."

"I didn't know you had a place like this, here," mangha pa ring komento ni Aya.

"It's not open for public eyes. It was strictly for members only and their families and..." Alexa trailed-off "special people for the members... like you," she said the last part in a low voice.

Natigilan si Aya. "What do you mean?" Ang tanong.

"You know what I mean," balewalang sagot ni Alexa. She slowed down her steps when Aya stopped walking.

Aya brushed the statement. "Why do I have a feeling that I shouldn't be here?" The designer pried instead and turned to walk again.

Tinawanan lang 'yun ni Alexa. "But you are here," she emphasized "feel privileged."

"Well, I am. Should I thank you?" Ang biro ni Aya.

"You should," pabiro ding sagot ni Alexa. Nakaharap kay Aya habang naglalakad na patalikod. "Come on... We're not done, yet."

Sunod na pinuntahan nila ay ang iba't ibang klase naman ng restaurants. All kinds of cuisine was also here. Nanawa sa kakakain si Aya.

"One day is not enough para libutin ang buong Vermont, but, I could show you somewhere kung saan hindi mo na kailangan pang maglibot, para makita ang buong Vermont. Kaya mo pa ba?" Ang tanong ni Alexa.

Napanguso si Aya. "I am so full," reklamo niya. Lahat kasi ng cuisine ay tinikman nila.

"That's perfect, then. We're going for a long walk," ani Alexa.

Naka-kotse naman kasi sila kanina habang nag-iikot sa iba't ibang themed-park. Medyo malalayo rin ang pagitan ng bawat isa.

"Gaano kalayo?" Tanong ni Aya na nakakunot ang noo.

"Uhm... Just a few kilometers," Alexa said, sheepishly.

"Kaya ba pinag-sapatos mo ako ngayon? Binabawian mo yata 'ko eh..." naalala ni Aya noong naglakad-lakad sila sa Makati na naka-heels ito.

"Atleast naka-sapatos ka naman. Ako nga naka-heels pa no'n," ika ni Alexa na siya namang ngumuso.

Si Aya naman ang napatawa. "That day marked to me. It was the first time you ate 'isaw'. I still remember your face, back then. "

"Yeah... I couldn't forget that day, too. Ikaw lang ang nakapagpakain sa akin ng bagay na 'yun."

Alexa and Aya shared a laugh at the memory.

----

"Malayo pa ba tayo?" Makailang beses nang naitanong ni Aya iyon. "Grabe ka ha, pinaakyat mo talaga ako sa bundok?" Ang reklamo muli, na medyo hinihingal na.

Mataas na ang tinatahak nilang daan. They were on what looked like a forest. Puro mga puno at halaman na lang kasi ang nakikita ni Aya. Mabuti na lang at hindi iyon masukal at may maayos ring daanan. Bumalik sila doon sa una nilang pinuntahang lawa at nasa likod noon ang bundok na inaakyat nila ngayon.

"We're getting closer. Kaunting tiis na lang." Paglinga ni Alexa sa likod ay nagulat siya nang hindi na makita si Aya. Tumigil pala ito sa paglalakad. Binalikan niya ito. "You okay?"

Nakapamaywang si Aya at sunod-sunod ang paghinga. "Nakakapagod. Nangangalay na rin ako..."

Napakamot sa batok si Alexa. "Gano'n ba..." may naisip ito at lumiwanag ang mukha. Tumalikod siya mula kay Aya at bahagyang ibinaba ang katawan habang ang dalawang kamay ay nasa tuhod. "Come on, sakay na."

"What are you doing?" Litong tanong ng designer.

"I'm gonna give you a piggyback ride."

"I don't think na kakayanin mo 'ko... Sa liit mong 'yan?"

Tumayo muli ng tuwid si Alexa at hinarap si Aya. "Grabe ka namang makaliit sa akin. 5"6' naman ako ah... Matangkad din 'yun. Dalawang pulgada lang naman ang itinaas mo sa akin," nakangusong depensa ng duwende.

"Ang tanong... Kaya mo ba 'ko?" Hindi pa rin kumbinsidong tanong ni Aya.

"Oo naman! Huwag mong minamaliit 'to. Small but terrible 'to," pagmamayabang pa. Tumingkayad na muli. "Halika na."

"Bahala ka nga. Ikaw may sabi niyan ah... Huwag mo 'kong sisisihin," ani Aya na sumakay na din sa likod nito.

"Whoah... You weight like two pigs combined," biro ni Alexa nang makasampa na ang designer.

Nahampas ito ni Aya sa balikat dahil doon. "Grabe ka sa'kin ha."

Natawa na lang si Alexa at sinimulan nang maglakad.

Makalipas ang labinlimang minuto ay narating din nila ang destinasyon.

"Wow..." ang bulalas ni Aya nang makababa mula sa likod ni Alexa.

They were on the tallest part of Vermont. It was a cliff. Overlooking mula roon ay ang mga lugar na pinuntahan nila kanina. Napakagandang tingnan ng iba't ibang themed-park na nakakalat sa iba't iba ring parte ng Vermont. Sa hindi kalayuan sa kanila ay mayroon ding falls. May mga nakita pang mga lugar si Aya na hindi pa nila napuntahan. A long river stretched across the land. It was beautiful.

Tumabi si Alexa kay Aya. "Told you... Sulit ang pag-akyat natin dito, hindi ba?"

"Yeah... It was worth it," halos pabulong na tugon ni Aya. "It's beautiful."

"It is," sang-ayon ni Alexa ngunit nakay Aya ang tingin.

"Pakiramdam ko ay nakarating ako sa isang paraiso," ang humahangang turan pa ni Aya. Binusog ang mga mata sa kagandahang tumambad sa kanya. Pagkuwa'y napatingin siya sa likod nila. "Hey... Did you set that up?"

Mayroon kasing naka-set-up na malaking tent doon. There was even a table and two chairs, similar to what you saw on beaches. Aya then turned to walk towards it. Sumunod na din si Alexa.

"Yep. Actually, dito ako galing kanina," ang sagot ni Alexa.

Napaangat ang dalawang kilay ni Aya sa narinig. "Bakit hindi ka na lang nag-utos sa mga tauhan niyo rito?"

"I prepared it personally to make it more special. May kasama kasi 'yang pagmamahal," sabay kindat.

Inirapan lang ito ni Aya bagamat aaminin niyang na-flatter siya sa effort nito. "Ewan ko sa'yo."

Binuksan na ni Aya ang pinto ng tent. It looked really cozy inside. May malambot na mat na nakalapag sa sahig. There were even LED lights adorning the corners. At sa sahig ay maraming pagkain at inuming nakahanda. May mga unan at kumot pa.

"May balak ka bang matulog dito? Baka nakalimutan mong pareho na tayong may pasok bukas?" Ang tanong ni Aya.

"Don't you worry about that. Akong bahala," walang anumang tugon ni Alexa. Pinagtaasan siya ng kilay ni Aya. "Iuuwi kita ngayong gabi, pangako," she assured the designer.

"Okay..."

Inayos na nila ang pagkakabukas ng tent at naupo muna sila sa loob. Medyo mainit pa kasi sa labas. Magdadapit-hapon pa lamang at hindi pa lumulubog ang araw.

Napapikit si Aya at nilanghap ang mabining hangin na sumasampal sa pisngi.

"Tubig?" Ang alok ni Alexa. Malamig iyon dahil nakasilid naman sa cooler.

"Salamat," ani Aya na nakangiting tinanggap iyon.

Magkasama nilang pinanood ang paglubog ng araw, nang sumapit ang dapit-hapon. Kung anu-ano lang ang napagkuwentuhan nilang dalawa. Alexa was really fun to be with. She managed to make Aya laugh and forget her pain, even just for a while. Isinantabi muna ng designer ang mga problema niya sa buhay at ninamnam ang kapayapaan ng sandaling iyon.

Nang dumilim ay sumabog ang nagkikislapang bituin sa kalangitan. Inilabas nila ang mat at ngayo'y nakahiga silang dalawa doon at masayang pinagmasdan ang mga tala.

Maya-maya'y napatingin si Alexa sa relong nasa bisig. It read 7:28PM. Bumangon siya at tumingin kay Aya na tahimik pa ring nakamasid sa taas. The deaigner's face looked peaceful, now. "Hey..." untag ni Alexa. Aya gave her a questioning look. "Bangon ka muna... it's almost time."

The designer frowned. "Almost time for what?" Ang curious na tanong. Naupo na din.

Alexa took a glance at her watch, again--- 7:28 and ticking. "Wait for it," she just said.

When the hand of the clock hit 30, a sudden explosion erupted on the sky. Sunod-sunod iyon at napakaganda ng patterns ng pagsabog.

"I see..." ang bulong ni Aya, may ngiti sa labi.

It was fireworks. Di-hamak na mas maganda iyon kaysa sa nakita nila noon sa Makati. Ang isang ito, ay parang iyong tipong puwedeng isali sa fireworks competition sa ibang bansa.

The fireworks last a bit longer, too.

Alexa proudly smiled to herself when she saw the bright smile on Aya's face. Mas bagay dito ang nakangiti, lalo itong gumanda dahil doon. This was how she always wanted to see Aya--- smiling and happy.

Habang sumasabog ang kalangitan ay matamang nakatitig lamang si Alexa kay Aya. She could see the different colors from the fireworks, flashed on the designer's beautiful face.

"I love you," biglang sambit ni Alexa kasabay ng isang malakas na pagsabog.

"Ano 'yun?" Ang tanong ni Aya nang hindi lumilingon sa katabi. Hindi niya naunawaan ang sinabi nito nang dahil sa ingay. Mangha pa rin siyang nakatitig sa patuloy na pagputok sa itaas.

Hindi kaagad sumagot si Alexa. She just stared longingly at Aya. 'You're here beside me, yet you're out of my reach,' the silly woman thought, sadly. Kasabay ng pagputok ng mga makukulay na apoy, pakiramdam ni Alexa ay parang sumasabog din ang dibdib niya sa sobrang pagmamahal kay Aya.

At kasabay ng huling pagputok ng fireworks, "puwede bang ako na lang ang mahalin mo?" ang tanong niya.

Aya suddenly snapped her head at the silly woman. The fireworks just ended.

"What?"










Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
356K 18.7K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
378K 9.6K 23
Love Wins Series #1: Haven Scarlett Perez, the most popular campus bitch, changed the moment Luna Eunice Tuazon came into their lives. They used to h...
197K 6.1K 65
[COMPLETED] Kayla Dmello Narvaez has always been a spirited thrill-seeker, thriving on challenges that life throws her way. As a college student, she...